Você está na página 1de 7

Ang Inahing Manok

Sa silong ng isang puno ay mayroong isang inahing manok na nagli-limlim sa 5 itlog. Masayang-
masaya ang inahing manok dahil malapit na ang pag-sapit ng pag-pisa ng kanyang mga itlog.
Ilang araw na lang ang kanyang hihintayin ay makikita na niya ang kanyang mga sisiw. Maging
ang mga katabi niyang hayop na naninirahan din sa malaking punong iyon ay tuwang tuwa
para sa kanya.

"Sa saglit na araw na lamang ay makikita mo na ang iyong mga sisiw manok."

Masayang pa-alala ng katabi niyang bibi na nag aalaga ng sampung kiti. ito na rin ang kanyang
naging kaibigan simula ng siya ay mapunta sa ilalim ng punong iyon. Ito rin ang naging
katulong niya sa pag babantay sa kanyang mga itlog tuwing siya ay nag hahanap ng makakain.

"Naku bibi napaka-saya ko sa aking mga itlog sana ay malulusog silang sisiw at walang
karamdaman sa kanilang mga katawan. "

Tuwang-tuwa namang sagot ng inahing manok.

Isang araw habang nag lalakad ang inahing manok sa bukid ay nakita niya na may isang ahas
na papunta sa malaking puno na tinitirhan niya kasama ang ibang mag hayop na nandoon.
Nakaramdam ng kaba ang inahing manok. Alam niya kasi na kaaway ng lahat ang ahas na iyon.
Marami na kasing tinakot na mga hayop ang ahas. Dali dali siyang bumalik sa kanyang pugad
upang tignan ang mga naiwan niyang mga itlog, na binabantayan naman ng bibi ng mga
sandaling iyon.

Tahimik naman niyang dinatnan ang ibang mga nakatira doon. Mga maliliit lamang na uri ang
mga hayop na kasama ng inahing manok. Pumasok siya sa kanyang pugad, nakita niyang
natutulog ang bibi kasama ang kanyang mga kiti na nakapalibot sa inahing bibi.

Lulukuban na sana ng inahing manok ang kanyang mga itlog ng makita niyang nasa likuran pala
niya ang malaking ahas at nakangiting nakalabas ang matatalim na ngipin nito. Natakot ang
manok at nag-puputak ito. Nagising ang hayop na naroroon na mga tahimik na nag papahinga.
Naalarma ang lahat. Maging ang bibi ay natakot din. Agad nilubukan inahing bibi ang mga kiti
niyang takot na takot din sa malaking ahas. Takot na takot ang lahat. Alam nilang wala silang
laban sa malaking ahas na naroroon. Hindi alam ng manok ang kanyang gagawin. Natatakot
siya para sa kanyang mga itlog, nag isip ng maigi nag manok.

Habang nag i-isip itoy biglang nag sungit ang panahon. Bumuhos ang malakas na ulan. Lalong
natakot ang inahing manok habang ang ahas naman na kanina pa lumiligid sa kanila ay lumapit
pa sa pugad ng inahin. Hin di naman hinayaang makalapit ng inahin ang ahas, Sa halip ay
hinampas niya ito ng papak sabay ng pag kahig. Maging ang bibi ay tumulog din sabay nilang
pinag tulungan ang ahas na nais kainin ang itlog ng inahing manok.

Nasaktan naman ang ahas, dahilan upang mag wala ito doon. Hindi naman sinsadya nitong
mataamaan ang pugad ng manok. Lumabas na ang ahas subalit nataob ang pugad. Gumulong
ang mga itlog ng manok. Kumalat ang mga ito sa kulob ng kanilang tahanan.Habang ang isa
naman ay gumulong patungo sa labas . Nabasa ito ng tubig, sa takot ng manok ay nag
mamadali itong lumabas ng pugad at hinabol ang gumugulong na itlog. Oras na hindi iyon
huminto ay malalag-lag an g itlog sa ilog at hindi na makukuha pa ng inahing manok .
Naataranta ang ibang hayop para sa itlog, nag labasan din ang ibang hayop na tutulong sa
manok upang masagip ang itlog nito. Subalit walang umabot ng makita nilang nahulog na ang
itlog papunta sa ilog.

Para namang nawalan ng pag-asa ang inahing manok sa pang-yayari iyong . NAlungkot ang
lahat para sa manok. Sumilip ang manok kasama ng ibang hayop na naroroon sa ilog. Para
namang nabuhayan ang manok ng makita niyang nakasala-lak pa pala ang itlog niya sa mga
ugat ng kahoy na naroroon. Nakasalalak ito doon at malapit ng malag-lag. Nag mamadali
namang bumaba ang ibang naroroon. Nandoon pala sa puno ang matsing na nag mamasid ,
agad itong bumaba sa puno at patalon ng inabot ang itlog sa pag kalag-lag sa ilog.

Nakahinga ng maluwag ang lahat. Masaya sila sa ginawang pag-tulong ng matsing sa manok.
Ang manok nama'y kinuha agad ang kanyang itlog sa nag magdang loob na kapwa niya hayop.

"Maraming salamat kaibigang matsing sa ginawa mong pag-tulong sa aking itlog."

Walang humpay na pasasalamat nito sa matsing.

Masaya namang dinala ng matsing ang itlog sa pugad ng manok. Tumulong na rin ito upang
ipunin ang itlog na gumulong kanina sa iba pang bahagi ng kanilang pugad. Ng maipo'y
masayang pinag masdan ng manok ang knayang mga itlog. Nagulat naman ito ng dahan-dahang
napipisa ang itlog. Napatingin ang lahat dito, Inabangan nila kung ano ang mga susunod pang
manyayari.

isang maliit na tuka naman ang sumilay sa itlog. Tinulungan naman ng inahing manok ang
kanyang itlog sa pag-pisa nito. Lumabas na ang unag sisiw. Masayang nag hiyawan ang mga
hayop, sunod sunod naman na ang pag pisa ng mga itlog. Limang malulusog na sisw ang lumas
sa itlog. Gaya ng hiling ng inahin para dito. Masayang nilukuban ng manok ang kanyang mga
bagong pisang sisiw at nag-pasalamat sa lahat ng mga naroroon..

Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng
taniman ng mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng
taniman at sinabing, Panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan
tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!

Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, Kailangang lumikas
na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo
rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!
Huwag kayong mabahala mga anak, ang wika ng inahing manok. Kung mga
kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga
iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito.

Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan ngay walang mga
kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.

Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako
lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!

Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa


kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, Kung sa
mga kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga
trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon
pa tayo para manirahan dito mga anak!

Kinabukasan ngay tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na
dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.

Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, Bukas
na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong
ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!

Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at
iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.

Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing,
Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong
maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang
sarili!

Noong unang panahon, pinaniniwalaan ng mga ninuno natin ang mga sirena, mga
mahiwagang nilalang na kalahating tao at kalahating isda. Patok rin noon ang pinag-
uusapang gantimpala sa sinumang makakahuli ng sirena, patay man o buhay.

Maraming siglo na ang nakaraan, mayroong namuhay na isang makisig na


mangingisdang nagngangalang Santiago. Sa mga dagat ng Pagadian, siya ay
nakikipagsapalaran kasama ang bawat alon ng tubig upang makarami ng huli kada
araw.

Isang hapon, habang siyay nag-iisang nangingisda, mayroon siyang narining na


napakagandang tinig. Sinundan niya ang boses hanggang natagpuan niya ang isang
babaeng mahiwaga ang ganda sa likod ng mga malalaking bato. Hindi siya
makapaniwala sa kanyang natanaw, mala-diyosang tinig at ganda ang angking galing
ng babaeng ito. Ngunit mayroong napansin ang binata, mayroong buntot na parang
isda ang dalagang nasa harap niya.

Nang napansin ng dalaga na may taong nakakita sa kanya, kinabahan ito at


dali-daling lumangoy, ngunit nabihag niya ang puso ng lalaki na agad-agad
din namang sumagwan para mahabol niya ito.

Nakumbinsi ni Santiagong mag-usap silang dalawa at dahil dito ay naging malapit


sila sa isat-isa. Nagpakilala naman ang sirenang si Clara sa binata. Pagkatapos nang
nangyari, araw-araw na silang nagkikita at nag-uusap sa lugar na iyon hanggang sa
nahulog sila sa isat-isa.

Nag-aminan ang dalawa sa kanilang dinaramdam at kalaunan ay naging


magkasintahan na sila. Sa sobrang pagmamahal ni Santiago kay Clara ay naisipan
niyang sumama sa kaharian ng kanyang mahal upang doon na manirahan. Noong una,
hindi sumang-ayon si Clara sa gusto ng binata ngunit nagpumilit ito kayat pumayag
na lang siya.

Pagkalipas ng tatlong araw ng hindi pag-uwi ni Santiago, nagtaka na ang kanyang


pamilya at nagsimulang mangamba. Sa pag-aalala ay pinatawag ng kanyang mga
magulang ang ibang mga mangigisda para hanapin ang kanilang anak.

Sa kabilang dako ay naroon sina Santiago at Clara sa lugar na nakasanayan nilang


puntahan, sa likod ng malaking bato kung saan silang unang nagkita. Nakikipaglaro
ang magkasintahan sa mga isda nang biglang dumating ang grupo ng mga
mangingisda na nagulat sa kanilang nakita. Sinulong nila ito dahil akala nilay
ginayuma niya si Santiago upang maging isa sa mga sinasabing bihag ng mga sirena.
Agad namang pinrotektahan ng lalaki ang kanyang minamahal at sa kasamaang palad
ay natamaan ito ng balsa at namatay. Sinikap ng sirenang makaalis ngunit naabutan
din siya at sunod na pinatay.

Sinabi ng mga isda ang ka nilang nakitang marahas na pagpatay sa dalawa sa


puno ng kaharian ng mga sirena na napuno ng galit kayat gustong bigyan ng parusa
ang mga tao upang matuto ang mga ito. Nagpakawala sila ng napakalakas na alon, o
tinatawag na tsunami sa kasalukuyan, na naglunod at pumatay sa mga mangingisda
at nagdulot ng malaking pagkakasira sa buong lungsod ng Pagadian.

Nag-iwan ang tsunaming ito ng isang bangin na nagsisilbing palatandaan sa


kasakiman ng mga tao noon na nagdulot sa nangyari sa magkasintahan. Ngayon,
naging napakabait na ng mga tao sa dagat, mga isda, sa kapwa nila, at hindi na mang-
aapi ng sirena sakaling makakita sila nito.
Advertisements

butas ang bulsa - walang pera


Halimbawa:
Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal.

2. ilaw ng tahanan ina


Halimbawa:
Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto.

3. alog na ng baba - tanda na


Halimbawa:
Alog na ng baba na kayo para magbuhat ng mabigat.

4. alimuom mabaho
Halimbawa:
Alimuom niyo naman po.

5. bahag ang buntot duwag


Halimbawa:
Bakit ba bahag ang buntot ka?

6.ikurus sa noo tandaan


Halimbawa:
Ikurus sa noo mo na akong bahala sa iyo.

7. bukas ang palad matulungin


Halimbawa:
Napakabukas ang palad mo.
8. kapilas ng buhay asawa
Halimbawa:
Ang aking ina ay may kapilas ng buhay.

9. nagbibilang ng poste - walang trabaho


Halimbawa:
Bakit siya ay nagbibilang ng poste?

10. basag ang pula - luko-luko


Halimbawa:
Napaka basag ang pula mo .

11. ibaon sa hukay kalimutan


Halimbawa:
Huwag mo ako ibaon sa hukay.

12. Ahas - taksil; traidor


Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.

13. anak-dalita - mahirap


Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.

14. alilang-kanin - utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang
suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo
na siya ay alilang-kanin lang."

15. balitang-kutsero - balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.


Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.

16. balik-harap - mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.


Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.

17. Bantay-salakay - taong nagbabait-baitan


Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.

18. basa ang papel - bistado na


Halimbawa:
Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang
Matutina.

19. buwaya sa katihan - ususera, nagpapautang na malaki ang tubo


Halimbawa:
Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa
katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?

20. bukal sa loob - taos puso tapat


Halimbawa:
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.