Você está na página 1de 1

Villegas, Jonnalie B.

Setyembre 28, 2017


IV-20 BMSEE

Asignatura patungkol sa RETORIKA

Kahulugan ng Retorika:
Proseso ng maayos na pagpili ng wasto, malinaw, mabisa, at kaaya-ayang pananalita sa
pagpapahayag ng mensahe upang higit na maunwaan at makalugdan ng tagapakinig.
Nagmula sa salitang Griyego na rhetor na maaaring guro o mananalumpati o tagapagsalita sa
isang pulong.
Tumutukoy sa agham at sining ng pagpapahayag maging pasalita man o pasulat sa tulong ng wasto
at makabuluhang paggamit ng wika, kaagapay ng masining at mabisang estilo ng pagpapahayag
Ayon kay Aristotle, itoy bahagi ng diskursong nanghihikayat.
Si Socrates ang nagsabing ang retorika ay siyensya o agham ng paghimok o pagpapasang-ayon.
Ayon kay Richard Whatley, ito ay sining ng argumento ng pagsulat.

Kahalagahan ng Retorika:
Mahalaga ang retorika upang makapagpahayag ka ng iyong mga nararamdaman sa mga bagay-
bagay.
Mahalaga ito sa pang araw-araw dahil kapag walang retorika magiging napakatahimik ng mundo
at walang komunikasyon at interaksyon ang magaganap sa bawat isa, hindi magagamit ang wika
ng bawat isa at wala nang pagkaka-intindihan sa bawat indibidwal. Mawawala ang ating
pagkakaisa.
Mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao dahil ito ay nagbibigay daan sa mga
aktibidades na ginagawa ng tao tulad ng pakikipag-usap, pakikipag-argumento at paghahanap ng
impormasyon at kaalaman.
Sa pakikipag-usap, mahalagang sangkap ang retorika upang maipahayag ng mabuti at
komprehensibo ang mga damdamin ng nag-uusap.
Mahalaga rin ito sa pakikipag-argumento dahil ito ay tanda ng pagbibigay diin sa mga puntong
nais na ipahayag.
Mahalaga rin ito upang magkaroon ng maayos na pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang
panig na hindi magkasundo sa iisang pamamaraan o paniniwala.
Higit sa lahat, ang retorika ay mainam na instrumento sa pagkakalap ng impormasyon at
pamamahagi nito. Sapagkat kinakailangan ng tao ang matuto at malinang ang pag-iisip.

Ugnayan ng Retorika sa Pagtuturo:


Ang retorika rin ang ginagamit na "medium" ng mga guro sa paghahatid ng mga impormasyon at
kaalaman na kinakailangang malaman ng kanilang mga estudyante.

On-line na Sanggunian:
https://www.slideshare.net/DenLynHalili/retorika-masining-na-pagpapahayag
https://www.slideshare.net/margielynaninon/retorika-36744589
http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/ang-retorika.html
http://inspiringmodelsofeducation.blogspot.com/2015/10/ano-ang-kahulugan-ng-retorika-
ang_14.html

Você também pode gostar