Você está na página 1de 1

Rechelle B.

Navarro March 6, 2017


MH- 9:00-10:30 am/A1
PAGSUBOK

Ako ay isang simpleng tao,


Tao na palaging nadadapa, umiiyak,
Umiiyak sa mga problema,
Problema na nagbigay ng kadiliman sa aking buhay.

Liwanag? Iyan ang nais kong makita noon,


Noon, buhay koy puno ng pagsubok,
Pagsubok na pilit kong kayanin at harapin,
Harapin ng buong tapang.

Umiiyak, sumisigaw, at parang nabaliw,


Nabaliw dahil sa mga pinagdaanan,
Pinagdaanan na hinding-hindi ko makalimutan,
Makalimutan? Iyan ang gusto kong mangyari, ang makalimutan lahat.

Ngayon bitbit ko pa rin ang kaba, hapdi at sakit,


Sakit na pilit kong burahin,
Burahin sa aking isipan at puso,
Puso, katawan, na palaging nasasaktan.

Lumaki na puno ng tapang,


Tapang na nung una ay wala ako,
Ako, ako ito!
Ito ang simpleng tao na ngayon ay handa ng lumaban sa lahat ng pagsubok at kayang harapin
ang lahat ng buong tapang!

Você também pode gostar