Você está na página 1de 2

Linggo, Disyembre 4, 2016

Kilalanin ang Panitikan ng Africa at Persia


Panitikan ng Africa

Kilala ang Africa bilang pangalawa sa pinakamalaking kontinente sa buong mundo at


pangalawa rin sa dami ng populasyon sumunod sa Asya. Ang kontinenteng ito ay pinalilibutan
ng Dagat Mediteranyo sa hilaga, Kanal Suez at Dagat Pula sa may Peninsula ng Sinai sa
hilagang-silangan, Karagatang Indiyano sa timog-silangan, at ang Karagatang Atlantiko naman
sa kanluran. Kabilang ang Madagascar at ilang mga kapuluan sa kontinente ng Aprika.
Mayroong 54 na kinikilalang mga estado o bansa sa Aprika, siyam na teritoryo at dalawang de
facto o mga estadong may limitado o walang rekognisyon sa kontinenteng ito. Ang Aprika ay
tahanan ng ibat ibang etnisidad, kultura, at wika. Noong ika-19 na siglo, ang mga bansa sa
Europa ay sinakop ang malaking bahagi ng Aprika. Karamihan sa mga modernong estado sa
Aprika ngayon ay nagmula sa proseso ng dekolonisasyon noong ika-20 siglo.

Masasalamin rin ang kagandahan ng kanilang bansang nag-uumapaw sa mga likas na


yaman at mga hayop na naninirahan dito. Sa kabilang banda mas kilala ang Aprika bilang
bansang inapi ng mga mananakop at sapilitang ginawang alipin at ipinagbili bilang alipin.
Sapagkat sila'y itim, hinding-hindi rin sila nakalusot sa rasismo at diskriminasyon na siya ring
naging dahilan ng mababang pagtingin sa kanila at pagyurak sa dignidad at karapatang pantao
ng mg aprikano. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi nakapag-aral ang mga aprikano.

Sa kabila nito, nakaa-aliw at nakali-libang ang panitikan ng Africa. Ito'y binubuo ng iba't-
ibang genre, pasalita man o pasulat na gamit. Napapabilang sa kanilang oral literature ang
kuwento, dula, bugtong, kasaysayan, mito, awit, at salawikain na nagtuturo at nakalilibang sa
mga bata. Taliwas sa nakasanayan natin, ang nagsasalaysay ay gumagamit ng call-response
technique sa nga tagapakinig. Ang griot (praise singer) ay nagsasalaysay naman kasabay ng
saliw ng musika.
Bilang tala ni George Joseph sa kanyang kabanata sa African literature in Understanding
Contemporary Africa, kung saan ang pagtanaw ng European sa panitikan ay madalas na
paghihiwalay ng sining at nilalaman, ang kamalayan ng Africa ay inklusibo:
"Panitikan" ay maaaring maging bahagi din ng asya at nagpapahiwatig ng isang masining na
paggamit ng mga salita para sa kapakanan ng sining. ang africa ay hindi pinaghihiwalay ang
sining mula sa pagtuturo. Sa halip na isulat o kumanta para sa kagandahan sa kanyang sarili,
ang mga manununulat na aprikano, gamit ang kanilang oral literature, gumagamit sila ng
kagandahan para matulungan maipahayag ang mahahalagang katotohanan at impormasyon sa
lipunan. Sa katunayan, ang isang bagay ay itinuturing na maganda dahil sa mga katotohanang
ito ay nagpapakita at tumutulong upang bumuo ng mga komunidad.

Ang mayaman na akdang pampanitikan ng bansang Aprika, ang kanilang mahuhusay na


manunulat sa larangan ng pilosopiya at paniniwala, mga literaturang sumasalamin ng kanilang
kultura at tradisyon ay iilan lamang sa mga naiambag ng bansang Aprika sa mundo ng
panitikan.

Você também pode gostar