Você está na página 1de 4

SEKSYON E

MGA PANGKALUSUGANG ABISO NG PILIPINAS

Para sa Mas Magaling na Kalusugan

ni: Prop. ALWIN N. NAPOCAO


Ang PhilHealth ang mga Benepisyo Nito

Ang PhilHealth ay nagbibigay ng sapat at kaya ng bulsang pangkalusugang insurance sa lahat ng


Filipino.

Matatanggap ng Pasyente:
A. (Inpatient):

Subsidyo para sa kwarto ng hospital, gamot, laboratoryo, kwartong operahan at bayad sa


doktor(PF) para sa pagkakahospital sa loob ng hindi bababa ng 24 oras.

B. (Outpatient):

Bayad para sa operasyon, dialysis at gamutan sa Kanser gaya ng Chemotheraphy at


Radiotheraphy sa mga akreditadong hospital at mga klinik.

No Balance Billing (NBB)


Ang NBB ang pinakabagong inisyatibo ng PhilHealth. Sa pamamagitan ng NBB, hindi na
kailangan pang magbayad ng pasyente ng dagdag na bayarin sa kanyang piniling package rate.

1. Alamin ang mga Package Rate (See the original copy. Rates are to be encoded in toto.)

2. Hingin ang inyong mga Benepisyo.


Ang No Balance Billing ay nangangahulugang hindi na kayo dapat na magbayad
pa ng dagdag na bayarin para sa pinili mong package rate.

Lahat ng pangangailangan mong medikal ay nakapaloob dito.


Gamot
Mga suplay
Laboratoryo
Gawaing dayagnostiko
At iba pang aytem na kailangan

Ang NBB ay tinatanggap/pwede sa lahat ng mga hospital at di-hospital na mga pasilidad na


akreditado ng PhilHealth:
Dialysis centers
Birthing homes
Lying-in clinics
Ambulatory surgical clinics

Para sa direktang claim, ipakita ang:


PhilHealth ID o anumang balidong ID
Statement of Account(SoA)
Mga opisyal na resibo(OR) or waiver sa alinmang hospital na inyong pinasukan
3. Mayroon kang karapatan sa NBB.

Mga miyembro at kapamilya nito


- Kapag ipinasok sa mga pampubliko at di-pampublikong hospital na akreditado ng
gobyerno;
- Kapag nagka-claim ng reimbursement para sa mga (outpatient)hindi na-confine sa
hospital gaya ng operasyon(surgeries), hemodialysis at radiotheraphy na isinagawa sa
mga pampahalaang hospital at di-hospital na pasilidad na akreditado ng gobyerno; at
- Kung gustong pakinabangan ang umiiral na Outpatient Package para sa TB-DOTS,
malaria at HIV-AIDS.

Sinumang miyembro na nagnanais pakinabangan ang Maternity Care


Package(MCP) at Newborn Care Package sa mga Maternity Clinics at Birthing
Homes.

Ibahagi ang inyong Dugo


Ang pagbabahagi o donasyon ng inyong dugo ay napakadali. Wala kang mararamdaman na
anumang masamang epekto pagkatapos nito at maililigtas mo pa ang buhay ng taong
nangangailangan ng inyong dugo. Ang pag-alam ng inyong tipo ng dugo(blood type) ay
napakahalaga lalo na sa oras ng kagipitan. Kung ikaw ay nangangailangan ng pagsasalin ng
dugo, lalong mapapadali ang paghahanap ng akmang tipo ng dugo para saiyo.

Alam mo ba na
Sa ngayon, apat(4) na kaso ng pagsasalin ng dugo(blood transfusion) buwan-buwan ang
kinakailangan ng mga hospital.
3 sa bawat sampung (10) kaso ng pagsasalin ng dugo ay hindi natutugunan dahil sa
kakulangan ng suplay.
Ang dugong nanggaling sa mga bayarang donor ay tatlong beses ang posibilidad na
nagtataglay ng mga nakakahawang sakit(transmissible diseases) gaya ng: malaria,
syphilis, hepatitis B o kaya AIDS.

Kwalipikado ka bang maging donor ng dugo?


Oo, kung ikaw ay:
16-65 taong gulang
Tumitimbang ng 45 kilogramo o 100 libra

Paano mo ido-donate/ibabahagi ang inyong dugo?


Magrehistro bilang isang potensyal na donor sa pinakamalapit na Blood Collection
Unit(BCU) na matatagpuan sa mga pampublikong hospital.
Isiwalat ang inyong rekord pangkalusugan.
Dumaan sa eksaminasyong pisikal para matingnan ang timbang, temperatura, pulso at
presyon ng dugo.
Magpa-blood test para malaman ang tipo(type) ng dugo.
Kung naabot mo ang mga kahilingang pisikal at pumasa sa eksaminasyong medikal, maari mo
nang ibahagi ang inyong dugo. Wala kang anumang babayaran.

Anong mangyayari pagkatapos mong magbahagi ng inyong dugo?

Ang pagbabahagi ng dugo ay napakadaling isagawa. Aabot lamang ito ng mga 5-10 minuto at
maibabahagi mo ang 250-450 mililitro ng inyong dugo. Ang nabawas na dugong ito ay kusang
mapapalitan ng ating katawan sa loob lamang ng 3-5oras. Walang anumang espesyal na pagkain
ang kinakailangan maliban sa pagdaragdag pa ng pag-inom ng ekstrang inumin.

Pagkatapos ng pagkuha ng dugo, mamahinga muna ng mga ilang minuto bago tumayo.
Maari mo nang kainin ang inyong pamatid-uhaw.
Panatilihin ang dressing(tapal sa tinurukan) sa loob ng 24 oras. Maaring mag-iwan ng
marka sa palibot ng inyong balat na tinurukan. Hindi naman ito delikado dahil kusang
mawawala lang naman ito pagkalipas ng mga ilang araw.
Maari mo nang ituloy agad ang inyong mga gawain maliban na lamang kung ang inyong
trabaho ay nangangailangan ng palagiang pagiging alerto gaya ng operasyon ng mga
malalaking makinarya at pagmamaneho. Kung ganito ang uri ng inyong trabaho, maari
kang magpatuloy pagkalipas ng 6 oras na pamamahinga.

Ang isang normal at malusog na indibidwal ay maaring magbahagi/maging donor ng dugo bawat
tatlong(3) buwan na walang mararamdamang mapaminsalang epekto sa katawan.

Anong mga kalagayan ang makahahadlang saiyo na magbahagi/maging donor ng dugo?


Cancer (Kanser)
Diabetes
Hyperthyroidism
Cardiovascular diseases(Sakit sa puso)
Severe psychiatric disorder(Sakit sa utak)
Epilepsy/convulsions
Severe bronchitis and other lung disorders, such as TB, AIDS, syphilis, and other
sexually transmitted diseases (past or present)(Sakit sa baga gaya ng TB,AIDS at iba
pang nakakahawang sakit sekswal)
Malaria
Kidney and liver diseases, such as hepatitis(Kidney at sakit sa atay)
Prolonged bleeding (Pagdurugo)
Use of prohibited drugs (Paggamit ng droga)

Você também pode gostar