Você está na página 1de 4

Isang anak na may isang hinigiling

Mula sa pangkat ika-una


-Isang araw na kaparehas ng kahit anong araw, gigising ako, kakain, magpapasalamat sa
pagkain, maliligo, papasok sa eskuwelahan, uuwi, kakain kasaabay ng pamilya,
matutulog. Dapat ganun ang mangyayari ngunit kakaiba ang araw na ito dahil-
-Hoy nak! Tigilan mo na yang pagkukuwento mo sa sarili mo dyan sa diary mo, kailangan
ng pumasok at baka mahuli kappa.
-Sige po, eto na po
-Mauna na po ako inay, pakikamusta na lng ako kay itay.
-Sige anak, ingat ka
-Hay nako, hindi ko tuloy nagawa ang aking mga homework, masyado ako nag-alala kay
itay.
-Good morning ________, gumagaling na ba tatay mo?
-Sabi nang doctor lumala ang kalagayan ni itay, hind daw gumagana ang mga
gamut na binibigay sa kanya
-Ay ganun ba, ah eto sabi daw nila gumagana daw ito, gumawa ka nang origami at ibigay
mo ito sa bahay ni Yukushi Nyorai, malapit sa ospital ng tatay mo
-Yukushi Nyorai?, Sino yun? Hindi ko pa naririnig ang ganun panagalan, at para san
naman yung origami?
-Yukushi Nyorai, siya ang diyos ng pag papagaling at medisina, habang ang origami, eto
daw ang nagsisilibing pag aalay mo sa diyos upang gantipalain ang iyong hiling, eto rin
ang nagpapatuwa sa kanila.
-Ah ganun ba, sige gagawin ko mamaya pag dumalaw ako kay itay

-Ito po ang aking ia-alay, o Diyos ng pagpapagaling, pakinggan nyo po ang aking hiling,
ako lamang ay isang anak na humihiling na pagalingin nyo po ang akin itay.
-O diyos ng pagpapagaling, pagaling nyo po ang aking itay (x2)
-O nagdadasal ka rin pala dito _______
-Ay ikaw pala yan ________, oo dito rin ako nagdadasal
-Sino ba ang iyong pinagdadasal?
-Ang aking itay, ikaw sino naman ang pinagdadasal mo?
-Sakin? Pinagdadasal ko ang mga tao diyan sa ospital na yan na may sakit na gumaling
sila, sakto eto i-aalay koi to para sa iyong itay, sasabayan kita pagdasalan ang iyong itay
-Sige ba, maraming salamat
-O diyos ng pagpapagaling, pagaling mo ang itay ko
-O diyos ng pagpapagaling, pagaling mo ang itay ni _______
(x5,sabay)
-Mauuna na ako, dadalawin ko na si itay
-Sige ba, patuloy ko lng pagdadasalan ang iyong itay para sa kanyang kalusugan

-Itay, higpitan mo lng ang sarili mo po, gagaling ka rin po, alam mo pinagdasal po kita na
sana gumaling ka, kaya itay tibayin mo lng ang iyong loob na gagaling ka po
-Siyempre naman, ako ang iyong itay kaya mag papakatibay ako para sa iyo nak
-O ________, magpa alam ka na at umuwi ka na, baka gabihin ka pa at mapuyat ka
-Sige po, Bye po itay
-Sige bye rin nak.

-Sana nman gumaling na si itay, sana dipa lumala ang kalagayan ngayon ni itay
(Tumunog ang telepono)
-Hello? Sino poi to?
-Nak, inay mo to, gumagaling na daw ang iyong itay, himala daw ang pagkakagaling ng
iyong itay.
-Talaga po?
-Oo anak.
-Yesssssssssssss!!!
-O siya siya, pumasok ka na at baka mahuli ka
-Sige po inay
-O kamusta na ang iyong itay?
-Tama ka, Gumana nga ang dasal, maraming salamat sayo __________
-Walang anu man, sinabi rin sakin yan nung nagkaroon ng sakit ang aking kapatid
binabahagi ko lng ang aking ka alaman sa mga tao naguguluhan
-Maraming salamat talaga ________, buti na lng sinabi mo kundi hind ko na alam kung
ano ang aking gagawin
-Walang anu man ulit, o tara pasok na tayo

-Maraming salamat po Yakushi Nyorai, maraming salamat talaga, o eto, mag aalay pa po
ako ng origami para sa pasasalamat kop o
-O ______, nabalita ko gumagaling na ang iyong itay, mabuti naman
-Oo nga eh, mag papasalamat rin ako sayo dahil sinabayan mo ako sa aking pagdadasal
para sa kalagayan ni itay
-Hehe, ganun ang aking pang araw araw na Gawain, walang mas sasaya pa sa mga tao
nakikita kong ngumingiti
-Am bait mo naman sobra, balang araw mababayaran rin kita sa ginawa mo
-Naku!, wag mo na bayaran, nag boluntaryo lng nman ako
-Napaka bait mo talaga, sige dadalawin ko na si itay

-Itay!, gumagaling ka na daw


-Oo nak, dahil sa pagdadasal mo gumaling ako
-Naku huwag mo po ako pasalamatan itay, pasalamatan mo ang aking mga kaibigan
sila ang tumulong sakin na pagalinging kayo
-Naku, kahit sabihin mo pa yan, papasalamatan pa rin kita
-Oo nga nak, ikaw talaga ang nag pursigi na gawin mo yun kaya dapat ka rin
pasalamatan
-Ganun po ba talaga, sige na nga po.

Isang dula mula sa.

Pangkat ika- una

Você também pode gostar