Você está na página 1de 3

ALAMAT NI PUSO AT NI UTAK

nina
Charlene Joy Morota at
Jaquelyn Maday-a

Sa inyong palagay, sino nga ba ang dahilan kung bakit nasasaktan o nahihirapan ang isang
taong nagmamahal? Si Puso ba? o si Utak? Para mabigyang linaw ang inyong katanungan.. Heto
ang isang alamat na magbibigay linaw sa inyo.
Noong unang panahon, sa isang Bayan ng Sawi, naninirahan ang magkaibigang Puso at
Utak, kapwa sila malapit sa isa’t-isa dahil bata pa lang ay magkakilala na ang mga ito. Sa edad na
18 at 21, masusukat kapag ang isang babae ay ganap ng dalaga habang ang lalaki nama’y tunay
na binata kapag ito’y tumuntong na sa 21 taong gulang. Si Puso ay isang ganap ng dalaga kaya
naman hindi na nito maiiwasan ang mahumaling at magkagusto sa isang lalaki habang si Utak ay
ganap na ding binate dahil ito’y 21 taong gulang na, siyempre hindi na din maiiwasan ni Utak ang
magkagusto sa mga babae.
Isang araw nag-uusap si Puso at Utak, kapwa problemado at problemada dahli sa kapwa
iniwan ng kanya-kanya nilang mahal, si Puso na wala ng ibang pinairal kundi ang kanyang puso,
hindi na inisip kung tama ba ang kanyang ginagawa basta ang mahalaga ay mahal niya ang
kanyang kasintahan. Habang sa kabilang dako naman, si Utak, walang ibang ginawa kundi ang
magduda at mag-isip ng hindi kanais-nais, mga posibilidad na mali sa kanyang taong minamahal.
Hindi na nito ginamit ang puso, basta sinabi ng kanyang isip na mahal niya ito, mahal na niya.
Kaya ayan, kapwa iniwan dahil walang alam, hindi tama ang ginawa nila.
“Mali ba ako?”, “Minahal ko naman sya ah!” wika ni Puso
“Ako din ba?”, “Minahal nya?, “Wala naman akong ibang inisip kung hindi siya” wika din ni
Utak habang magkatabi sila sa isang upuan.
“Wala akong ginawa kundi ang mahal sya, pero sa huli, iniwan nya ako dahil nakakasakal na raw
akong magmahal… ” “Bakit hindi ko iniisip? Ha? “Bakit hindi ko inisip na sobra na pala ang
pagmamahal ko sa kanya at nasasakal na ito?” naluluhang sabi ni Puso.
“Ako naman, wala na akong ibang ginawa kundi ang isipin ang mali, mag-isip ng mga bagay na
dahilan upang sumira sa amin, hindi ko na naiparamdam sa kanya na mahal ko sya dahl puro isip
ko na lang ang pinairal ko” nakayukong sabi ni Utak at kapwa sila nagkatinginan at saka natawa.
“Bagay talaga say o ang pangalan mo, puro utak na lang ang ginagamit mo” masayang wika ni
Puso kay Utak.
“Ikaw din naman ah!,” “Bagay sa iyo yang pangalan mo, puro puso na lang ang pinapairal mo”
sagot naman ni Utak kay puso.
Hanggan sa mapatigil sila sa katatawa at napatingin sa isa’t-isa, dahan-dahang kinuha ni Utak ang
kamay ni Puso habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata nito.
“Puso” usal ng binata
“Utak” tugon naman ang dalaga
“Maaari bang tayo na lang?” tanong ni Utak, sumidhi ang kapwa pag-ibig nila sa isa’t-isa na
matagal na nliang nararamdaman ngunit kapwa takot malaman ng bawat isa ngunit hindi na sa
pagkakataong ito.
“Sa tingin mo?” “makukuha natin ang pag-ibig na ninanais natin kung magiging tayo?” tanong ni
Puso.
“Maaari”, “Hindi naman masamang sumubok, hindi ba?” sinserong sagot ni Utak. Napangiti
naman si Puso.
“Sabi mo eh…, sige, payag ako.” “Tayo na!” masayang tugon ni Puso, saka sila nagyakapan.
At doon na n na nagsimula ang tunay na pag-ibig ng Puso at Utak. Kawap kilala naman
na ang isa’t-isa, kaya hindi na nahirapan ang dalawa.
Marahil nasagot na ng alamat ni Puso at ni Utak ang inyong katanungan. Dahil makikita
mo o mahahanap mo ang tunay na pag-ibig kung pawap mo gagamitin ang iyong puso at utak,
kailangan balanse. Hindi pwedeng puro puso lang ang iyong paiiralin o puro utak lang ang iyong
gagamitin, kailangan alam mo kung kailan o saan dapat gamitin o pairalin ang puso at ang utak.
Kapwa mo dapat sila gagamitin kung kinakailangan, isipin kung kinakailangan at mahalin kung
tiyak na tama.

Aral:
Sa mga panahong nagmamahal ka, siguraduhing handa ka at alam mo kung saan at kailan
gagamtin ang iyong puso at utak, dahil hindi sa lahat ng pagkakataon isa lang ang paiiralin mo,
maaaring sa isang pagkakataon kapwa mo sila gagamitin.

Você também pode gostar