Você está na página 1de 1

ANG LIHIM NA PANUKALA

Ng magkasala si Adan at si Eba


Dahil sa tukso ng ahas sa kanila
Isinumpa ang ahas, aapakan siya
Ng bata na mangagaling kay Eba
Ang bata rin ang kanilang pag-asa
Upang sila ay maligtas sa parusa
Ang ahas, kakagatin ang paa niya.

Ayaw ng diablo, na maligtas ang tao


Gumagawa siya ng mga senaryo
Mga kaparaana’y pigilin ang pangako
Na kaligtasan pangako sa mga tao
Kanyang ibubuyo ang bawat tao
Na iluluwal ng babae sa mundo
Sino ang papasa, sino ang guguho.

Upang matupad ang pangako ng Ama


Nagbukod Siya ng mga lingkod Niya
Si Set ay humalili kay Abel na kuya
Nuo’y natuto na silang sumamba
Si Cain nama’y tinatakan ng sumpa.
Isang grupo ang sa pagpapala ng Ama
Isang grupo ang itinakda sa parusa.

Dumami na ang mga tao sa mundo


Sinikap abutin ang langit ng mga tao
Ngunit ang Tore ni Babel ay gumuho
Iba’t-ibang lengguwahe ang tumubo
Nangalat ang mga tao sa pagkalito
Paano, labag rin ang kanilang gusto
Ang utos, magpakarami, dapat humayo.

Si Noe ay naging mabuti sa mata ng Ama


Binilinang gumawa ng isang malaking arka
Habang gumagawa, nangangaral siya
Hikayatin ang mga tao, na sumakay na
Sapagkat ang bahang gunaw, handa na
Nilibak at pinagtawanan lamang siya
Walong tao at mga hayop ang natira.

Si Sem, Cham at Japet na mga anak niya


Sila ang nagpalaganap sa buong lupa
Dumami nga muling lubha

Você também pode gostar