Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
PATAKARANG PISKAL
Personal Services – nakapaloob ang mga kabayaran para ssa sahod, suweldo at iba pang mgaa
compensation gaya ng mga dagdag-sahod at cost of living allowance ng mga permanente,
pansamantala, kontraktuwal at casual na empleyado ng gobyerno.
Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) – gastusin kaugnay ng pagpapatakbo ng
mga ahensya ng gobyerno gaya ng supplies, mga kagamitan, transportasyon, utilities (tubig at
kuryente), kumpunihin, at iba pa
Capital stock –
Expense - the cost required for something; the money spent on something.
VAT – value-added tax
Badyet ng bansa – inihahanda ayon sa prayoridad ng pamahalaan.
PANUNTUNAN SA PAGGASTOS
Panuntunan sa pagtitipid - Ang paggastos ng pamahalaan ay idinadaan sa bidding, at kung
maaari ay makakuha ng pinaka-mababang presyo ngunit may kalidad na produkto.
Panuntunan sa pangangailangan – Ang mga dapat bilihin ay ang mga kailangan lamang ng mga
ahensiya.
Panuntunan sa pagiging produktibo – Kailangan na may benepisyong makukuha ang
mamamayan na higit pa sa halaga ng perang ginamit sa paggastos.
Panuntunan sa benepisyo ng pangkalahatang kagalingan – Kailangang ang paggastos ay
mapaloloob sa pampublikong kalakal na maaaring magamit ng lahat ng mamamayan at hindi ng
iilan lamang.
KLASIPIKASYON NG PAGGASTOS
Paggastos sa Pangkalahatang Gawain - Napapaloob dito ang paggastos para operasyon ng
sangay hudikatura, lehislatura, at ehekutibo.
Paggastos sa Pambansang Pangangalaga - Napapaloob dito ang paggastos para sa lahat ng
sangay ng hukbong sandatahan, kasama na ang kapulisan at ang mga pensiyon ng mga
beterano.
Paggastos sa Kagalingang Panlipunan at Kultural - Napapaloob dito ang paggastos para sa mga
paaralan, ospital, aklatan, museo, parke, at iba pa.
Paggastos sa Ekonomikong Paglilingkod - Napapaloob dito ang paggastos para sa kalikasan,
tulong sa kalamidad, pansakahan, pagtataguyod ng katarungan, pagpapanatili ng hukuman, at
bilangguan at koreksyunal.
Depresyon - ang matagal na panahon kung saan patuloy na humihina, bumabagal at bumababa
ang ekonomiya ng bansa.
Resesyon (recession) - isang pag-urong o pagliit ng siklo ng negosyo(business cycle) na isang
pangkalahatang pagbagal ng gawaing ekonomika.
Bidding - an offer (often competitive) to set a price by an individual or business for a product or
service or a demand that something be done.
Hudikatura (tagapaghukom) - ang sistema ng mga hukuman na namamahala sa hustisya sa
ngalan ng soberanya ng estado, isang mekanismo upang maayos ang mga hindi
pagkakasunduan, sigalot o gulo.
Lehislatura/lehislatibo (tagapagbatas) - isang uri ng kinatawan pampakikipanayam
pagpupulong na may kapangyarihan na gumawa at baguhin ang mga batas.
Ehekutibo (tagapagpaganap) - ang sangay ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga batas at
alituntunin na ginawa ng sangay lehislatibo.
Pensyon - isang pinansyal na benepisyo na ibinigay, sa mga nag-aaplay nito, sa pagreretiro ng
mga worker at self-employed.
PAGBUBUWIS
MGA IBA’T IBANG PARAAN NG PAG-UURI NG BUWIS
Batay sa Pagbabayad
Direkta – buwis na direkta o tuwirang gagawain ng magbabayad ng buwis tulad ng buwis sa
kita. Hindi maaaring ipasa o ilipat sa iba ang pagbabayad ng buwis na ito.
Di-direkta – buwis na di tuwirang babayaran ng tao dahil ang ito ay kasama na sa pagpepresyo
ng mga produkto o serbisyo. Ang pagbili ng mga produkto ay isang paraan ng pagbabayad ng di-
direktang buwis.
Batay sa Layunin
Buwis sa Hanapbuhay – buwis na ipinapataw sa mga taong ginagamit ang pinag-aralan sa
pagkakaroon ng sariling pagkakakitaan, tulad ng mga doktor, abogado, arkitekto, accountant, at
iba pang mga propesyonal na nagbabayad ng kanilang lisensya.
Sedula (Community Tax) – buwis na babayaran ng lahat ng mamamayan nasa edad 18 pataas.
may trabaho man o wala. Ito ay buwis na ipinapataw ng lokal na pamahalaan.
Buwis na Kita – buwis na ipinapataw sa mga kompanya at mamamayan na tumatanggap ng
kanilang kita sa loob ng bansa. Nagkakaiba ang buwis na babayaran depende sa laki ng kinikita.
Buwis na Ari-arian – buwis na ipinapataw sa lahat ng ari-arian na naipundar, namana, o
iniregalo ayon sa halaga nito sa pamilihan (market value), tulad ng lupa at bahay
Excise Tax – ang buwis na ipinapataw sa mga produktong ipinagbibili at ginagawa sa loob ng
bansa
Regulatory Tax – buwis na ipinapataw upang maisaayos ang pagbili at paggamit ng mga
produkto, tulad ng taripa o tariff
Neutral Fiscal Policy - Balanse ang badyet ng pamahalaan. Tama lamang ang paggastos ng
pamahalaan batay sa buwis na nakolekta nito. Ang gastusin ng pamahalaan ay pantay o halos
kapareho lamang ng halaga ng buwis na nakolekta nito. Wala masyadong epekto ito sa
ekonomiya ng bansa.
Expansionary Fiscal Policy - May layunin itong mabawasan ang kawalan ng trabaho sa bansa.
Ang paggastos at ang buwis na kinokolekta ng pamahalaan ay mataas o mababa, o maaari ding
kombinasyon ng dalawa. Maaaring taasan ang sahod ng mga manggagawa o bawasan ang
kanilang buwis upang mahikayat silang gumastos at bumili ng mga produkto. Ang mga
prodyuser naman ay mahihikayat na magdagdag ng produksyon at kumuha ng dagdag na mga
manggagawa. Maaaring magdulot ito ng kaunting implasyon.
Contractionary Fiscal Policy -May layunin itong mabawasan ang kawalan ng trabaho sa bansa.
Ang paggastos at ang buwis na kinokolekta ng pamahalaan ay mataas o mababa, o maaari ding
kombinasyon ng dalawa. Maaaring taasan ang sahod ng mga manggagawa o bawasan ang
kanilang buwis upang mahikayat silang gumastos at bumili ng mga produkto. Ang mga
prodyuser naman ay mahihikayat na magdagdag ng produksyon at kumuha ng dagdag na mga
manggagawa. Maaring magdulot ito ng kaunting implasyon.