Você está na página 1de 17

Mga Pangulo ng

Pilipinas

Emilio Aguinaldo y
Famy
( Marso 22, 1869 – Pebrero 6, 1964 )

Naging pangulo ng bansa noong Enero 23, 1899 hanggang Abril 1,

1901. Isang tanyag na heneral na nagsusulong ng kasarinlan ng bansa at


namuno ng maraming pag-aalsa laban sa España kasama ang nabigong

rebolusyon noong 1896.

Manuel Luis Quezon y


Molina
( Agosto 19, 1878 – Agosto 1, 1944 )

Naging ikalawang pangulo ng Pilipinas noong Nobyembre


15, 1935 hanggang Agosto 1, 1944. Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa
Baler, sa lalawigan ng Tayabas noong Agosto 19, 1878. Kapwa mga guro
ang kaniyang mga magulang na sina Lucio Quezon at Ma. Dolores Molina.
Nakiisa siya sa pakikibaka sa kastila noong siya ay binata pa.

José Paciano Laurel y


Garcia
( Marso 9, 1891 –Nobyembre 6, 1959 )
Naging pangulo ng bansa noong Oktubre 14, 1943 hanggang
Agosto 17, 1945. Siya ay naging pangulo matapos italaga sa ilalim ng
kanilang pananakop. Matapos ang digmaan, siya ay nahalal na Senador ng
Ikatlong Republika.

Sergio Osmeña y
Suico
( Setyembre 9, 1878 –Oktubre 19 , 1961 )

Naging pangulo noong Agosto 1, 1944 hanggang Mayo 28,


1946 Bago naging pangulo, siya ay nahirang na bise-presidente noong
1935. Kasama siya ng bumalik si Heneral McArthur sa Pilipinas at
nagsumikap na muling maibangon ang sa pinsala ng digmaang nagdaan.
Manuel Acuña
Roxas
( Enero 1, 1892 –Abril 15, 1948 )

Naging pangulo ng Republika noong Mayo 28, 1946


hanggang Abril 15, 1948. Nagtapos siya ng abogasya sa UP at naging
topnatcher siya sa Bar Exam noong 1912.
Elpidio Rivera
Quirino
(Nobyembre 16, 1890 – Pebrero 29, 1956)

Naging pangulo ng republika mula Abril 17, 1948 hanggang


Disyembre 30, 1953. Pagkatapos ng digmaan, siya ay nahalal bilang bise-
presidente noong 1946 at nahirang na kapalit ng Pangulong Roxas matapos
itong pumanaw noong 1948.
Ramon del Fierro
Magsaysay
( Agosto 31, 1907 – Marso 17, 1957 )

Naging pangulo ng bansa mula Disyembre 30, 1953


hanggang Marso 17, 1957. Hinirang na “Tagapagligtas ng Demokrasya”
sapagkat pinigilan niya ang paghihimagsik ng Huk. Nagpamahagi rin siya
ng mga lupain sa mga magsasaka. Siya ay pumanaw ng bumagsak ang
kanyang eroplano sa Cebu noong Marso 17, 1957 sa edad na 49.
Carlos Polistico
Garcia
( Nobyembre 4, 1896 – Hunyo 14, 1971 )

Naging pangulo mula Marso 18, 1957 hanggang Disyembre


30, 1961. Humalili kay Pangulong Ramon Magsaysay matapos itong
masawi. Siya ang nagpasimulang ng katawagang “Pilipino Muna” bilang
simbolong pagiging makabayan.

Diosdado Pangan
Macapagal
( Setyembre 28, 1910 –Abril 21, 1997 )
Naging Pangulo ng Pilipinas mula Disyembre 30, 1961
hanggang Disyembre 30, 1965. Kilala bilang “Poor Boy from Lubao” dahil
siya ay lumaki sa kahirapan. Siya ay naging tanyag dahil sa paglulunsad ng
Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan.

Ferdinand Emmanuel Edralin


Marcos
( Setyembre 11, 1917 –Setyembre 28, 1989 )
Naging pangulo mula Disyembre 30, 1965 hanggang
Pebrero 25, 1986. Marami siyang naipagawang mga importanteng
imprastraktura sa kaniyang termino. Noong Setyembre 21, 1972, siya ay
nagpatupad ng Batas Militar sa bansa dahil sa kaguluhan ng pagbobomba
sa Plaza Miranda at paninira sa ilang pribado at pampublikong ari-arian.
Pinakulong niya ang mga bumabatikos sa kaniyang pamamahala kasama na
ang mahigpit na karibal sa pulitika na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Maria Corazón Cojuanco-


Aquino
( Enero 25, 1933 – Agosto 1, 2009 )
Kauna-unahang babeng president ng bansa mula Pebrero
26, 1986, hanggang Hunyo 30, 1992. Tinaguriang “Ina ng Demokrasya”
dahil sa pagiging instrument sa panunumbalik ng demokrasya sa bansa.
Siya ay naluklok sa pamamagitan ng mapayapang “People Power
Revolution”.

Fidel Valdez
Ramos
( March 18, 1928 – Present )

Naging pangulo noong Hunyo 30, 1992 hanggang Hunyo 30,


1998. Sa Ilalim ng kaniyang panunungkulan, nagtamasa ng paglago ang
ekonomiya dahil sa mga repormang ipinatupad at napabuti ang imahe ng
Pilipinas sa internasyunal na larangan. Subalit hindi rin nagtagal ang pag-
unlad matapos na makasama ang bansa sa pagbulusok matapos na
madamay sa “Krisis Pampinansyal” ng mga karatig bansa sa Timog
Silangang Asya noong 1997.
Joseph Ejercito
Estrada
( Abril 19, 1937 – Present )

Naging pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 30, 1998 hanggang


Enero 20, 2001. Kilala din siya sa tawag na “Erap”, isang popular na actor
at pulitiko. Nagsimula ang kaniyang karera sa pulitika bilang alkalde ng
San Juan sa kalakhang Maynila. Noong Enero 2001, iniwan nya ang pwesto
ng pagka-pangulo ng bansa dahil sa mga alegasyon ng korapsyon.
Maria Glorya Macapagal-
Arroyo
(Abril 5, 1947 – Present )

Naging pangulo ng Pilipinas mula Enero 20, 2001 hanggang


Hunyo 30, 2010. Siya ay anak ni Pangulong Diosdado Macapagal. Isang
propesor ng ekonomiks at nanilbihan sa pamahalaan noong 1987, bilang
pangalawang kalihim ng Kagawarang ng Kalakalan at Industriya nang
italaga siya ni Pangulong Corazon Aquino. Siya ay naging senador ( 1992 –
1998 ) at pagkatapos ay naging Pangalawang Babaeng Pangulo ng bansa.
Naging Pangulo siya ng bansa matapos na iwanan ni Presidente Estrada
ang pwesto noong 2001.
Benigno Simeon Cojuangco
Aquino III
( Pebrero 8, 1960 – Present )

Ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas at mas kilala sa


tawag na “P-Noy” o Pangulong Noynoy. Nahalal noong Hunyo 30, 2010.
Siya ay ang nag-iisang anak na lalaki nina dating Senador Benigno Aquino
Jr. at Pangulong Corazon Aquino.

Você também pode gostar