Você está na página 1de 5

Talumpati

Talumpati Kahulugan: = Isang akdang pampanitikan na binibigkas sa harap


ng mga tagapakinig. = Isang kapakipakinabang at masining na pagtalakay
ng paksa na naglalayong makahikayat sa paniniwala at paninindigan ng
nagtatalumpati.

Mga Sangkap ng Talumpati:


1.Kaalaman = Nararapat na maghatid ng sapat na kaalaman o impormasyon
ang isang talumpati.Magiging isang kahiya-hiya ang isang nagtatatalumpati
kung kulang ang kaalamang ipinahahayag.

2. Kahandaan = Madalas na bunga ng walang kahandaan sa pananalumpati


ang mawala sa kalagitnaan ng pagsasalita,matagal na pagtigil at
pangangapa ng mga salita. Ang kahandaan sa pagtatalumpati ay
kahalintulad ng tiwala sa sarili.

3. Kasanayan = Ang kasanayan ay isang mabisang sangkap upang maipakita


ang kaalaman at kahandaan ng isang mananalumpati. Magsanay na
magsalitang malakas at maliwanag sa parang nakikipag-usap. Ang
pagsasalita ng malakas at maliwanag sa harap ng salamin ay isang
magandang simulain. Sanayin din ang ekspresyon ng mukha ayon sa
damdaming nais ipahayag.

Uri ng Talumpati ayon sa Pamamaraan


1. Dagli - hindi pinaghandaan
2. Maluwag - may maikling panahon na ibinibigay sa mananalumpati upang
pag-isipan ang sasabihin. Hindi isinulat at hindi isinaulo ang mga
sasabihin
3. Pinaghandaan- isinulat, binabasa o isinaulo ang talumpati at may sapat
na pag-aaral sa paksa.

URI NG TALUMPATI ayon sa Gamit:


1. Talumpating pampalibang = Kadalasang binibigkas pagkatapos ng isang
salu- salo.Nagpapatawa ang nagtatalumpati sa pamamagitan ng
anekdota o maikling kwento.

2. Talumpating nagpapakilala = Tinatawag din itong panimulang talumpati.


Karaniwan itong maikli lalo na kung ang ipinakikilala ay kilala na o may
pangalan na. Layunin nito ay ihanda ang tagapakinig at pukawin ang
kanilang atensyon sa kahusayan ng tagapagsalita.
3. Talumpating pangkabatiran = Ginagamit sa mga kumbensyon,
panayam, at pagtitipong Pansyentipiko, diplomatiko at iba pang
samahan ng mga dalubhasa.Kalimitag makikita sa mga talumpating ito
ang mga kagamitang pangtulong upang maliwanagan at ganap na
maunawaan ang paksang tinatalakay.

4. Talumpating nagbibigay-galang = Matatawag din itong talumpati ng


Pagbati, pagtugon o pagtanggap.Ito ay ginagamit sa pagbibigay-galang
bilang pagsalubong sa isang panauhin,pagtanggap sa isang bagong
kasapi ng samahan o kasamahang mawawalay.

5. Talumpating nagpaparangal = Ito ay inihahanda upang bigyang parangal


ang isang tao o di kaya ay magbigay-puri sa mga kabutihang nagawa.

Sa mga okasyong sumusunod naririnig ang ganitong talumpati:


a. Palatuntunan para sa paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi
sa patimpalak at paligsahan.
b. Pamamaalam sa isang yumao.
c. Paglipat sa isang katungkulan ng isang kasapi.
d. Pagpaparangal sa katangi-tanging ambag ng isang tao o pangkat.

Mga Dapat Tandaan sa Pagbigkas ng Talumpati:

A. Tikas at Tindig = Alalahanin na ang unang kumukuha ng pansin ng madla


ay ang tikas at tindig.

B. Galaw at Kilos = Gawing natural at maluwag ang bawat kilos.


Nakakatulong ito sa pagbibigay diin sa mahahalagang bahagi ng paksa
gayundin sa pag-iisip.

C. Kumpas = Hindi magandang tignan sa isang mananalumpati ang madalas


na pagkumpas na wala namang ipinahihiwatig. Hindi dapat sabayan ng
buka ng bibig ng kumpas.Ang pagkumpas ay dapat may kahulugan.
Dapat Tandaan sa Pagkumpas
1. Dapat galling sa kalooban ang natural na pagkumpas.
2. Dapat na ibagay sa mga salitang binibigkas ang pagkumpas
3. Iwasan na nagkaroon ng angulo ang pagtaas ng bisig.
4. Ang pagkuumpas ay nagsisimula sa balikat nagtatapos sa dulo ng daliri.
5. Hindi dapat gumamit ng napakaraming kumpas o kaya wala ni isa man.
6. Ang pagsulpot-sulpot ng napakaraming kumpas ay nakababawas ng diin.
7. Hindi dapat isinasagawa ang pagkumpas na parang nagwawalis.
8. Kapag nauuna ang kanang paa sa pagtayo, ang kanang kamay ang
gagamitin sa pagkumpas, kapag kaliwang paa, ang kaliwang kamay ang
gagamitin sa pagkumpas, at kapag dalawang kamay ang gagamitin ay dapat
pantay ang sa pagkakatayo ang mga paa.
Mga Uri ng Kumpas
1. Palad na itinaas habang nakalahad – Nagpapahiwatig ng dakilang
damdamin
2. Nakataob na palad at biglanf ibaba – nagpapahayag ng marahas na
damdamin
3. Palad na bukas at marahang ibinababa – nagpapahiwatig ng kaisipan o
damdamin
4. Kumpas na pasunttok o kuyom ng palad – nagpapahayag ng pagkapoot o
galit at pakikipaglaban
5. Paturong Kumpas – nagpapakilala ng panduduro, pagkagalit at
panghamak
6. Nakabukas na palad na magkalayo ang mga daliri at unti-unting
itinitikom – nagpapahiwatig ng matimping damdamin

7. Ang palad ay bukas paharap sa nagsasalita – pagtawag ng pansin sa


alinang bahagi ng katawan ng nagsasalita

8. Nakaharap sa madla, nakabukas ang palad – nagpapahiwatig ng


pagtanggi, pagkabahala at takot

9. Kumpas na pahawi o pasaklaw – nagpapahayag ng pagsaklaw sa isang


diwa, tao o pook

10. Marahang pagbaba ng dalawang kalamy – nagpapahiwatig ng kabiguan


o kawalan ng lakas.

D. Tinig = Kailangang malinaw,masigla at parang nakikipag-usap lamang.

Mga Bahagi at Elemento ng Talumpati


1. Pambungad o Intoduksyon – Layunin nito na kunin ang atensyon ng mga
tagapakinig at ipakilala ang nilalaman ng mensahe. Ito ang nagsisilbing
paghahanda sa mga tagapakinig sa talumpating ibabahagi. Maaaring
ibahagi biilang pambungad ang isang anekdoto, o nakatatawag pansing
pangayayari gaya ng pagpapatawa. Layunin naman ng pagpapakilala sa
nnilalana ng mensahe na maiugnay ito sa pangunahing ideya, magbigay
ng mahahalagang impormasyon, maitatag ang kredibilidad ang
tagapagsalita at maipadama sa tagapakinig ang kahalagahan ng
talumpati.
2. Pangunahing Ideya – ito ay pagbibigay ng malinaw na direksyon ng
talumpati. Ipinakikita nito ang paninindigan ng tagapagsalita kaugnay sa
paksa. Halimbawa ay Nais kong tukuyin s ainyo ang mga dahilan kung
bakit kinakailangang buwagin na ang PDAP.
3. Katawan o Paglalahad – Ito ang paglalahad ng isyu at pagpapahayag ng
diwa sa paksang tinatalakay. Kinapapalooban nito ng mga pangunahing
puntos ng talumpati.
4. Paninindigan – ito ang bahaging ipinahahayag ang katwiran hinggil sa
isyu. Layunin niyong hikayatin o mapaniwala ang mga nakikinig.
Nakapaloob ito sa katawan ng talumpati.
5. Kongklusyon – paglalahad ng lagom sa mensahe o pagganyak sa mga
tagapakinig na gumawa ng aksyon. Maaaring muling banggitin ang mga
pangunahing puntos upang maliwanagan ang mga tagapakinig sa
paksang tinatalakay.
Hakbang sa Paghahanda ng Talumpati
1. Pagpili at Paglilimita ng Paksa
a. Dapat batid at may kaalaman sa paksa
b. Kawili—wili at napapanahon ang paksa
c. Limitahan ang paksa ayon sa itinakdang oras
2. Pagtitiyak sa Layunin – ito ay naayon at naglalayong:
a. Magbigay ng impormasyon na maaaring isagawa sa pamamagitan
ng
- Pagbibigay ng depinisyon
- Paglalarawan
- Pagpapaliwanag
- Pagsasalaysay o pagsusuri

b. Manghikayat o mang-impluwensya sa kaisipan ng tagapakinig

c. Pagbibigay inspirasyon

d. Magbigay aliw sa mga

Você também pode gostar