, Rosas Subdivision General Santos City Pebrero 14, 2018
Gng. Josielyn De Castro
Principal III Sacred Heart Learning Center
Mahal na Gng. De Castro:
Naganyak akong tumugon sa inyong panawagan para sa isang
guro sa ikatlong baitang na nailathala sa klasipayd Ads ng pahayagang Manila Bulletin noong Pebrero 1, 2018. Ako po si Bb. Jen A. Acopra, 22 taong gulang at nagtapos sa degring Batsilyer ng Pang- Sekondaryang Edukasyon sa Filipino sa Unibersidad ng Centro Escolar noong taong 2016. Malawak po ang aking karanasan sa larangan ng pagtuturo, ako po ay nakapagturo na sa mga pribadong paaralan sa ibang lungsod. Batay po sa aking kasanayan, ako po ay naging gurong tagapagsanay sa pambigkasan at School Paper Adviser. Sana’y maging karapat-dapat ako sa mga kwalipikasyong hinihingi ninyo. Nakahanda po akong mainterbyu sa oras at petsa na gusto ninyo. Maaari niyo po akong tawagan sa numerong 09108272512.