Você está na página 1de 2

Alibata

Ang Baybayin or Alibata (alam sa Unicode bilang Tagalog script) ay isang katutubong paraan ng
pagsulat ng mga Filipino bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila. Ito ay hango sa Kavi
na paraan ng pagsulat ng mga taga-Java. Ito ay bahagi ng sistemang Brahmic (na nagsimula sa
eskriptong Sanskrit) at pinaniniwalaang ginagamit noong ika-14 siglo. Ito ay patuloy na
ginagamit nang dumating ang mga Kastila hanggang sa huling bahagi ng ika-19 siglo. Ang ibang
kahalintulad na mga paraan ng pagsulat ay ang mga Hanunóo, Buhid, at Tagbanwa. Ang salitang
baybayin sa kasalukuyang wikang Tagalog ay katunayang nangangahulugan ng pagbigkas ng
mga titik ng isang salita, o "to spell" sa wikang Ingles.

Paggamit

And sistema ng pagsulat ay ayon sa sistemang abugida na gumagamit ng pagpaparis ng katinig at

patinig. Bawat titik, kung isulat sa payak na anyo, ay isang katinig na nagtatapos sa patinig na
"A". Upang isulat ang isang katinig na nagtatapos sa ibang patinig, maaaring maglagay ng kudlit
sa ibabaw (kung nais isama sa patinig na "E" o "I") o sa ilalim (kung nais isama sa patinig na "O"
o "U"). Ang paglagay ng kudlit ay naaangkop lamang sa mga katinig, at hindi maaaring gawin sa
mga patinig. May sariling mga marka ang mga patinig. Gayon pa man, may isang simbolo
lamang para sa D o R dahil ang mga ito ay tinatawag na "allophones", na kung saan ang D ay
maaaring may "initial", "final", "pre-consonantal" o "post-consonatal" na posisyon, at ang R
naman ay may "intervocalic" na mga posisyon.

Sa orihinal na anyo, ang isang nagsosolong katinig (isang katinig na walang kasamang patinig)
ay hindi maaaring isulat. Ito ay dahilan kung bakit ang Kastilang pari na si Francisco Lopez ay
nagpasimula ng paggamit ng mga kudlit sa kanyang pagsasalin ng mga aklat sa katutubong wika.
Noong 1620, nagsimulang gamitin ni Father Francisco Lopez ang kanyang sariling mga kudlit na
nag-aalis ng mga patinig sa mga katinig. Ang ginamit niyang kudlit ay nasa anyong "+", bilang
pag-ukoy sa Kristianismo. Ang simbolong "+" ay ginagamit din sa katulad na dahilan sa virama
sa eskriptong Devanagari ng India.

Sa kasalukuyan, ang mga simbolo ng Baybayin ay nasa Unicode at kilala sa tawag na Tagalog
Sign Virama.

Você também pode gostar