Você está na página 1de 3

ANG MITSA (Kabanata 19)

Si Placido Penitente ay umalis sa klase, na puso'y sumusulak at ang mga paningin ay may mapait na luha.
Ang sutsot ay umuugong sa kanyang tainga, kasama ang mga paglibak na salita ng guro, ang mga
salitang-tinda ay para-paramg mga hampas at halakhak na naririnig. Inuudyukan siya ng kanyang amor
propio na gumawa ng marapat.

"Placido Penitente, ipakilala mo sa mga kabataang iyan na mayroon kang karangalan, na ikaw ay anak ng
isang lalawigang matapang at marangal na ang kahihiyan ay hinuhusgahan ng dugo. Taga-Batangan ka,
Placido, gumanti ka, Placido Penitente!" ani niya.

At ang binata ay umuungol at nagngangalit ang mga ngipin at binabangga ang lahat ng tao sa lansangan
sa tulay ng España. Nakakita ng isang sasakyang kinalululananng Vice Rector na si P. Sibyla at ni Don
Custodio. Ibig na ibig nang lundagin ng binata at ihulog sa ilog.

Nagpatuloy sa Escolta at doo'y muntik nang matuksong pagsusuntukin ang dalawang paring agustino, na
nakaupobsa pintuan ng basar ni Quiroga ay nagtatawanan at nakikipagtuksuhan. Sa malayu-layo ps ay
dalawang kadete naman ang nakasasagabal sa bangketa at nakikipagsatsatan sa isang kawaning nakalilis
ang manggas sa isang tindahan. Si Placido Penitente ay lumapit sa kanila upang ito'y humabi sa
dinaraanan at ang mga kadete ay nakahalata ng hangad ng binata ay malugod namang tumabi.

Habang nalalapit si Placido sa kanyang tinitirhang bahay, sa bahay ng isang platerong pinangangaserahan
niya ay pinilit niyang iayos ang kanyang iniisip at bumuo ng isang tiyak na gagawin. Umuwi sa kanyang
bayan, maghiganti upang ipakilala sa mga prayle na hindi siya maaring hamakin at paglaruan. Sumulat
siya sa kanyang ina na si Kabesang Andang para ibalita ang lahat ng nangyari at ibalit na hindi na siya
makapapasok sa klase.

Kararating lamang ni Kabesang Andang buhat sa Batangan, lumuwas upang mamili, dalawin ang kanyang
anak at dalhan siya ng kwalta, pindang na usa at mga sultang panyo.

Hindi na nakapagtimpi at nagsimula na ng katatanong kay Placido. Pinayuhang pawiin ang silako ng
kalooban ng anak. Ipinagunita sa kanya ng kanilang paghihirap, mga pagtitipid at iba pa. At binanggitang
anak ni Kapitana Simona na dahil sa pagkakapasok sa semonaryo ay parang obispo na kung lumakad sa
kanilang bayan. Ipinalagay ni Kapitana Simona na siya'y Ina ng Diyos dahil sa magiging isa pang
Hesukristo ang kanyang anak.
"Naipangako ko pa naman sa iyong ama na aarugaan kita, patuturuan hanggang maging abugado.
Tinitipid ko ang lahat upang mapag-aral ka lamang. Sa panggingging siko-sikolo na lamang ako sumasali
sa halip ng mana-manalapi at tinitiis ko ang masasamang amoy at maruruming baraha. Tingnan mo ang
baro kong may tagpi, sa halip na bumili ng bago ay ginugugulo ko na lamang sa mga pamisa at handog
kay San Sebastian. Ano ang sasabihin sa akin ng ama mo kung ako'y mamatay at kami'y magkita muli?"

"Ano ang mahihita ko sa pagiging abugado?"

"Tatawagin kang pilibustero at marahil ipabitay ka pa. Sinasabo ko sa iyong magtiis ka at magpakumbaba.
Hindi ko sinasabing humalik ka sa mga kamay ng kura, at alam kong may maselang kang oang-amoy tulad
ng iyong ama na hindi malakain ng kesong-Europa. Dapat tayong magtiis, huwag umimik at sumagot ng
oo sa lahat. Ang mga prayle ay mayroon ng lahat ng bagay, kung ayaw sila ay walang magiging abugado o
doktor kaya magtiis ka anak ko, magtiis ka!"

"Di na kakaunting pagtitiis ang ginawa ko, Inang. Marami nang buwan ang aking ipinagbata"

Patuloy si Kabesang Andang sa kanyang paghihinagpis. Hindi niya hinihinging kampihan ang mga prayle
at siya man ay hindi rin. Alam niyang sa bawat isang mabut8bay may sampung masama na kmukuha ng
salapi ng mahihirap at nagpapadala sa mayayaman sa tatapunan.

Si Placido dahil sa walang saysay na pagdadahilan, ay umalis at naglalad sa lansangan nang walang tiyak
na patutunguhan.

* Sibakong, Tondo, San Nicolas, Sto. Cristo

Sa pag uwi niya hindi niya inaasahang matagpuan ang ina sapagkat ito'y may ugaling lumuwas sa
Maynila.

Magtatalon muna ako sa dagat, manunulisan muna ako bago ako bumalik sa unibersidad" ani ni Placido

Nagsimula nanaman ang kanyang ina sa pagsasalaysay tungkol sa pagtitiis kaya siya ay umalis ng walang
kain patungo sa bapor. Nakita niya ang bapor na patungong Hongkong, ay nag udyok sa kanya ng isang
alaala: pumaroon sa Hongkong, magtanan, magpayaman doon upang bakahin ang mga prayle.
"Ibig kong maging malaya, mabuhay nang malaya!"

Inabot sya ng gabi sa paglilibot sa San Fernardo wala siyang nakasalubong na mandaragat ay nag
desisiyong umuwi na siya, nagtungo siya sa perya.

Aalis na sana siya noon nang nakita niya ang mag-aalahas na si Simoun na may kausap na isang dayuhan.

Tinawag niya sa G. Simoun, sinabi niya rito na gusto niyang pumunta ng Hongkong.

Pinasama ni Simoun si Placido sa kanyang patutunguhan. Sa paghinto ng kanilang sasakyan ay dumaan si


Paulita Gomez at Isagani si Doña Victorina at Juanito Pelaez.

Sila’y nasa bahay ng isang kastilyero o gumagawa ng paputok.

Tinanong ni Simoun kung nandoon na nga ba ang pulbura at mga bomba, at ito raw ay nakalagay sa mga
sako at hinihintay na lamang ang mga kartutso.

Si Placido ay gulat na gulat matapos marinig ang mga usapan.

Bumalik na sila sa daan at nagtungo sa Trozo.

Nang matapos ang usapin ay sumakay na sila sa sasakyan at nagpahatid sa kanyang bahay sa Escolta.

Você também pode gostar