Sa kaharian ng Iraya nakatira ang magkasintahang Sudlapani at Dunggo. Si
Dunggo ay isang prinsipe na naatasan na mamuno sa kanilang kaharian habang wala pa ang mahal na reyna at kamahalan dahil may mahalagang pinag-usapan ito sa ibang kaharian na nakikipagsundo sa kanila. Bibihira lamang siyang umuwi sa kaharian, si Sudlapani ay malapit niyang kaibigan na nagpabihag sa kanyang damdamain. Madalas silang mag-aaway dahil umano sa kakulangan ng oras sa bawat isa, subalit ito rin ang dahilan kung bakit patuloy silang matatag sa kanilang relasyon. Halos anim na taon na silang magkasintahan ni Sudlapani at matagal na din niyang binabalak na pakasalan ito ngunit wala pa silang panahon para mapaghandaan ang mga bagay na iyon dahil sa kanilang mga tungkulin sa kaharian ng Iraya.
Isang linggo na siyang hindi nakakauwi sa kanilang kaharian, gustuhin niya
man makita si Sudlapni ay hindi pa rin maaari dahil nanganganib ang mga taong nakatira sa kaharian ng Iraya dahil sa mga kalabang empakto na lumulusob sa kanila upang sumalakay. Hindi niya pa nasasabi sa kanyang kasintahan ang mga bagay na iyon tungkol sa kaniyang misyon sa labas ng kaharian dahil alam niyang mag-aalala ito, alam niya rin na hindi siya sigurado kung makakabalik pa siya ng buhay. Inutusan niya ang isang kawal para ipaalam ang misyon niya at sinabi ng kawal ang lahat na inutos. Dalawang linggo bago matapos ang labanan ng prinsipe at mga empakto, halos namatay ang iba niyang mga kawal at isa lamang siya sa mga nakaligtas sa tatlumpong kawal. Marami silang nailigtas na mga tao na naninirahan sa kaharian,mga bata, matanda at iba pang pamilya na nangangailangan ng tulong nila. Maituturing na isang kabayanihan ang ginawa nila para sa kanilang kahariang Iraya.
Isang malaking bangungot na dumating sa kanilang buhay, subalit ang lahat
ng iyon ay nalampasan nila sa pag-gabay ng Bathala. Handa na siyang pakasalan ang kaniyang kasintahan na si Sudlapani, umuwi siya sa kanilang kaharian para makita at mayakap ito. Makalipas ang ilang araw nagpresenta siya sa mga magulang nito tungkol sa pagpapakasal. Napag-usapan nila ang mga bagay- bagay patungkol sa kanilang kasal katulad ng mga ninong, ninang, parte ng kasal, pagdadausan pagkatapos ng kasal, simbahan, kulay ng damit para sa mga abay, mga ihahandang pagkain para sa mga bisita at kung kailan gaganapin ang kasal na ito. Makalipas ang ilang buwan handa na ang lahat, sa simbahan sila magpapakasal. Napakaganda ng kanilang mga kasuotan sa araw na iyon at napakagara ng disenyo sa simbahan. Habang marahang naglalakad si Sudlapani kasama ang kanyang ama para ihatid sa altar nakita niya sa mga mata ng prinsipe ang galak at pagkasabik alam niya na kahit na nagaaway sila at selosa siya kailanman ay hindi siya nito binitawan. Natapos ang misa na masaya sila, nagmano at niyakap nila ang kanilang ninong at ninang. Pagkatapos ng noon ay inihagis niya ang bulaklak sa mga bisita para malaman kung sino ang susunod na ikakasal, pumunta sila kasama ang mga bisita sa resepsyon nagkantahan, nagsayawan at nagbigayan ng mensahe ang kanilang mahal sa buhay bilang mag-asawa. Handa na silang harapin ang magiging buhay nila bilang mag-asawa at nangakong sa hirap at ginhawa ay magsasama sila. Ang pagmamahal nila sa bawat isa ang kanilang yaman na kailanman ay hindi matitibag ng sinuman, mamumuhay sila ng mapayapa kasama ang kanilang magiging mga anak. Ang tungkulin ng bawat isa ay gagampanan nila para sa masaya at tahimik na pamilya. Wala man ang reyna at hari alam nilang masaya ito para sa kanila.