Você está na página 1de 2

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Ang mga sumusunod ay iba’t ibang pananaw tungkol sa pagsulat :


1. Ang pagsulat ay ang masistemang paggamit ng mga grapikong marka na
kumakatawan sa espesipikong lingguwistokong pahayag.
2. Ang pagsulat ay sistema ng permanente o malapermanenteng pananda na
kumakatawan sa mga pahayag.
3. Ang pagsulat ay nakadepende sa wika
4. Arbitraryo ang mga sistema ng pagsulat
5. Ang pagsulat ay isang paraan ng pagrerekord at pagrereserba ng wika
6. Komunikasyon ang isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat
Akademikong Pagsulat
Isa itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng pag-iisip
Ang mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay mapanuring pag-iisip.
May kakayahang mangalap ng impormasyon o datos, mag organisa ng mga ideya,
mag-isip nang lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon at magsuri at
gumawa ng sintesis.
Mga Halimbawa ng Akademikong Pagsulat
-abstrak
-bionote
-panukalang proyekto
-talumpati
-sintesis
-repleksibong sanaysay
-katitikan ng pulong
-Posisyong papel
-agenda
-photo essay
-lakbay sanaysay

Mga Katangian ng Akademikong Pagsulat


Magkaiba ang personal at akademikong pagsulat. Sa personal na pagsulat, maaaring
impormal ang wika na gamit dito.
Ang akademikong pagsulat ay kinakailangan na malikhain sa pagbuo ng teksto.
Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat
Sa pagbabasa ng sanaysay, encyclopedia, batayang aklat, balita at iba pang gamit o
hulwarang ginagamit upang maging malinaw ang daloy ng mga ideya. Kabilang dito ang
mga sumusunod:
 Depinisyon - pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino.
 Enumerasyon- pag-uuri o pagpapangkat ng mga halimbawang nabibilang sa
isang uri o klasipikasyon.
 Order - pagsusunod-sunod ng mga pangyayari o proseso.
 Paghahambing o Pagtatambis- pagtatanghal ng pagkakatulad o pagkakaiba ng
mga tao, lugar, pangyayari, konsepto at iba pa.
 Sanhi at Bunga- paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at ang
kaugnayan na epekto nito.
 Problema at Solusyon- paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga
posibleng lunas sa mga ito.
 Kalakasan at Kahinaan- paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng isa
o higit pang bagay, sitwasyon o pangyayari.
Mga Katangian ng Akademikong Sulatin
May natatangin anyo ang akademikong sulatin. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga
katangian nito:
 Pormal na tono
 Karaniwang sumusunod sa tradisyonal na kumbensyon sa pagbabantas,
grammar, at baybay
 Organisado at lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya
 Hindi maligoy ang paksa
 Pinahahalagahan ang kawastuhan ng mga impormasyon
 Karaniwang gumagamit ng mga simpleng salita upang maunawaan ng
mambabasa
 Hitik sa impormasyon
 Bunga ng masinop na pananaliksik

Kahulugan ng Abstrak
Ang abstak ay mula sa Latin na abstracum na ang ibigsabihin ay maikling buod ng
artikulo o ulat na inilalagay bago ang introduksyon.
Ito ang siksik na bersyon ng mismong papel.
Kalikasan at Bahagi ng Abstrak
Sa kabila ng kaiksian ng abstrak, kailangang makapagbigay pa rin ito ng sapat na
deskripsyon o impormasyon tungkol sa laman ng papel. Ang mga sumusunod ay ang mga
karaniwang bahagi na bumubuo sa deskriptibo at impormatibong abstrak.

Deskriptibong Abstrak
 Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya ng papel.
 Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin, at tuon ng papel o artikulo.
 Kung ito ay papel-pananaliksik, hindi na isasama ang pamamaraang ginamit,
kinalabasan ng pag-aaral, at kongklusiyon
 Mas karaniwan itong ginagamit sa mga papel sa humanidades at agham
panlipunan, at sa mga sanaysay sa sikolohiya.
Impormatibong Abstrak
 Ipinapahayag nito sa mga mambabasa ang mahahalagang ideya ng papel.
 Binubuod dito ang kaligiran , layunin, tuon, metodolohiya, resulta at
kongklusyon ng papel.
 Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng buong papel at isang talata lamang.
 Mas karaniwan itong ginagamit sa larangan ng agham asa ulat ng mga pag-aaral
sa sikolohiya.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


1. Basahing muli ang buong papel
2. Isulat ang unang draft ng papel
3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan sa organisasyon
at ugnayan ng mga salita o pangungusap.
4. I-proofread ang pinal na kopya

Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak

Isaalang alang ang mga sumusunod na katangian ng isang mahusay na abstrak :


1. Binubuo ng 200-250 na salita
2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap na nakatatayo sa sarili nito bilang
isang yunit ng impormasyon.
3. Kompleto ang mga bahagi
4. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel
5. Nauunawan ng pangkalahatan at ng target na mambabasa

Takdang aralin : pumili sa dalawa, tungkol sa balita o tungkol sa maikling kwento.


Ilagay sa kalahating bahagi ng papel 1/2 crosswise

Você também pode gostar