Você está na página 1de 4

MGA ANYONG LUPA

TALAMPAS BULUBUNDUKIN

BULKAN KAPATAGAN

BUNDOK BUROL
MGA ANYONG TUBIG

TALON LAWA

DAGAT GOLPO

ILOG BUKAL
KASAYSAYAN NG ASYA

Ayon sa mga naitalang fossils ng tao sa bansa, maaaring dinayo na ng mga tao angPilipinas, ilang libong taon na
ang nakalipas. Tumawid sa mga sinaunang tulay na lupa ang mga Negritoo Ita, ang tinatayang kauna-unahang mga
nanirahan sa Pilipinas. Sa kalaunan, dumayosila sa kagubatan ng mga isla. Sa kasalukuyan nang sumapit ang ikalawang
milenyo, nanirahandin sa Pilipinas ang mga migrante mula saTangway Malay, kapuluan ngIndonesia,mga
tagaIndotsinaatTaiwan. Nanirahan sa bansa noong ika-walong siglo ang mga mangangalakal naTsino. Ang
paglaganapng mga bansang(kaharian) Budismo sa rehiyon ng Asya ang nagpasimuno ng kalakalan sa pagitan ng mga
bansa sa Indonesia, India, Hapon, at Timog-Silangang Asya. Subalit, humina angmga kaharian sa Timog-Silangang Asya
dahil sa mahigpit na kompetisyon at hindi pagkakasundo. Samantala, ang paglaganap ngIslamsa pamamaraan ng
komersyo at proselitismo, tulad ngKristiyanismo,ang nagdala sa mga mangangalakal at misyonero sarehiyon; ang mga
Arabe ay dumating sa Mindanao noong ika-14 na siglo. Sa pagdating ng mgaunang Europeo, sa pangunguna
niFernando Magallanes(Ferdinand Magellan) noong1521, mayroon nang mgarajahhanggang sa hilaga ngMaynila, na
naging mga karugtungang-sangay ng mga kaharian ng Timog-silangang Asya. Subalit, pawang mga nagsasarili ang
mga isla ngPilipinas noon.Sinakop at inangkin ng mga Kastila ang mga pulo noong ika-16 na siglo at pinangalananitong
"Islas Filipinas" na isinunod kay HaringFelipe II. Kaagad na ipinakilala at pinalaganap angKatolisismosa pamamagitan
ng mga misyonero, at pati na rin ang mga Batas ng Indias (Laws of the Indies) at iba pang alituntuning pampatupad.
Matigas na pagsuway ang itinugon ng mgagrupong katutubo sa kabundukan pati na rin ng mga mapanlabang Moro
na nagpapatuloyhanggang sa ngayon. Kabi-kabilang mga himagsikan at karahasan ang lumaganap sa mga baybayin
sa kabuuan ng tatlong siglong pananakop, bunga na rin ng pag-aabuso at kakulanganng reporma. Pinamahalaan mula
sa Nueva España(Bagong Espanya sa ngayon ayMehik) ang bagong teritoryo at nagsimula ang kalakalan saGaleon ng
Maynilasa pagitan ng Acapulco atMaynila noong ika-18 siglo o dantaon. Itinatag ni Gobernador José Basco y
Vargasnoong1781 ang Sociedad Económica de los Amigos del País (Economic Society of Friends of the
Country,"Samahang Pang-ekonomiya ng mga Kaibigan ng Bayan") at ginawang hiwalay ang bansa mulasa Nueva
España.

Nagbukas ang ekonomiya ng bansa sa mundo noongika-19 siglo.Ang pag-angat ng mgamasigasig at makabayang
burgis, binubuo ng mga edukadong katutubong Pilipino, mga Kastilaat creole na ipinanganak sa Pilipinas, mga mestisong
Espanyol at Tsino, silang mga ilustrado angnagpahiwatig ng pagtatapos ng kolonyalismong Kastila sa kapuluan.
Naliwanagan saKilusangPropagandana nagsiwalat sa kawalang-katarungan ng pamahalaang kolonyal, sama-samang
silasumigaw para sa kalayaan. Inaresto, nilitis, binigyang-sala, hinatulan ng kamatayan at binaril siJosé Rizal, ang
pinakasikat na propagandista, noong1896sa Bagumbayan na ngayo'y Luneta dahil sa mga akto umano ng pagpapabagsak
ng pamahalaan. Naglaon at pumutok angHimagsikang Pilipinona pinangunahan ngKatipunan, isang lihim na
rebolusyonaryong lipunan na itinatag niAndrés Bonifacioat napamunuan din niEmilio Aguinaldo. Halos tagumpay na
napatalsik ng rebolusyon ang mga Kastila noong1898. Noong taong ding yon, magkadawit angEspanya atEstados
UnidossaDigmaang Kastila-Amerikano.Natalo ang Espanya at ipinasiya nilang ipasa ang kanilang mga kolonyang Pilipinas,
Guam, Kuba, at Puerto Rico sa EstadosUnidos. Binayaran naman ng Estados Unidos ang Espanya ng 20 milyong dolyar para
sa mga ito,gayong nakapag-deklara na ng kalayaan ang Pilipinas.Ang pagtanggi ng Pilipino sa panibagong pananakop,
ngayon ng Amerikano, angnagtulak saDigmaang Pilipino-Amerikanona natapos umano noong1901ngunit nagpatuloy
hanggang1913. Sa wakas, ipinagkaloob noong1946ang kalayaan pagkatapos ng maikling pananakop ng bansang
HaponnoongIkalawang Digmaang Pandaigdig,pagkatapos ng huling pagkatalo ng bansangHaponnoong1945. Ang huling
pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para saPagpapalaya sa Pilipinasmula1944hanggang1945. Taon ng
pagbawi at muling pagbangon pagkatapos ng giyera ang mga sumunod na taon, ng karahasan sa sibilyandulot
ngdiktadurang Ferdinand Marcosna napatalsik noong1986, at ng patuloy na suliraning dulot ng komunista at separatistang
Moro.

Você também pode gostar