Você está na página 1de 13

Mark Kenedy F.

Rocas

Pan Pil 19

2011-49282

Si Pedro S. Dandan at ang Kaniyang Kwentong may Usaping Sekswal

Pagtatalakay sa buhay at mga katha ni Pedro S. Dandan. Mga kwento niyang na

nagpapakita ng usapin tungkol sa seks.

Si Pedro S. Dandan ay kwentista, manunulat ng dula at makata noong Panahon

ng Hapon, ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang

Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa

noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan. Pinanganak si Pedsro S. Dandan noong

ika-30 ng Hundyo 1916 sa Baliwag, Bulacan. Siya ay namamasukan bilang kawani ng

Philippine National Railways noong 1940. Kapat wala siyang pasok, siya ay tumututok sa

pagsusulat na siyang kaniyang ninanais gawin. Simula nong 1940, nakagawa siya ng

ilang daang akdang pampanitikan kabilang ang maiikling katha, sanaysay, tula at nobela.

Nakamit niyang ang unang gatimpala sa pinakamagaling na katha noong 1947

mula sa Surian ng Wikang Pambansa. Pangalawa niyang gatimpala ay nakamit niya mula

sa pinakatanyag na paligsahan ng panitikan, ang Palanca Awards, sa kanyang kathang

1.)Mabangis na Kamay, Maamong kamay noong 1961 at sinundaan pa ito ng ilan pang

gatimpala mulas sa Palanca: 2.) Sugat ng Digmaan 1957, 3.)Anino ng Kanyang Ama

1966, 4.)Ang Daong ni Noe 1973, at 5.)Tinig sa Bagong Panahon 1974.


Ang mga artikulo na pinapakita ang akda ni Dandan, ay naglalahad ng pagyabong

ng panatikang Tagalog at ang mga impluwensiya niya sa mga bagong sibol na

kuwentista. Isa si Dandan sa mga nagpayabong ng maikling kuwentong Tagalong, kaya

dapat lamang siyang pag-aralan. Sa pag-aaral ng mga gawang kuwento ni Dandan ay

masasalamin natin, matutukoy at mauunawaan ang kulturang atin.

Ang mga usaping tinatampok sa kaniyang katha ay ukol sa mga pangyayari na

kinaharap ng bawat Pilipino noong sumiklab ang paghihigmagsik ng mga hapones.

Ilan sa mga katha ng awtor :

Pamahiin, 1938

Mabuhay, 1938

Kawalang Malay, 1939

Kabaong, 1939

Paniningalang Pugad

Alaala ng Isang Manika

Ang Pinto

Kamatayan ng Isang Paru-paro

 Nang Panahon ng Digmaan:

Nakatunghay ang Langit sa Lupa

Pagkalumo ng isang Bulaklak


 Matapos ang Digmaan:

May Buhay sa Looban

Mulawin

Maamong Kamay, Mangis na kamay

Ang anino ng kaniyang Ama

Ang mga usaping may kinalaman sekswal sa mga katha ni Pedro S. Dandan ay

may kinalaman sa kaniyang karanasan sa realidad ng mundo. Bilang isang kuwentista,

ang buhay sa lipunan ang kaniyang nais mapakita sa mga akda niya tulad na lamang ng

“Kalapating may Sugat sa Dibdib”, “Burlesque” at “ Nakayungyong na Kawayan”.

Mayaman sa sining ang mga katha niya sapagkat ito ay may katutubong kulay at bigkis

ng tradisyon ng kanayunan. Ang kaniyang mga akda ay nagiging bahagi ng atmospera

sa isang ngangayuning suliranin.

Si Pedro S. Dandan ay isinilang at lumaki sa Tundo, kaya ganoon na lamang ang

kaniyang pagkadalubhasa sa paglalarawan ng buhay dahil ito ay hinugot niya mula sa

makasaysayan at makulay na buhay sa pook ng Maynila.

Ang mga akda niya tulad na may kinalaman sa usaping sekswal ay makikitaan ng

pagpipigil sa sarili, realidad ng mundo, mga pamahiin, takot dahil sa paniwalang

panrelihiyon. Tulad na lamang dito ang “Kalapating may Sugat sa Dibdib”, “Burlesque” at

“ Nakayungyong na Kawayan”.
Hawak ng manunulat ang buhay ng mga tauhan, siya ang nagpapagalaw at

nagbibigay ng katwiran ng wakas sang-ayon sa kaniyang kalooban ng kuwento. Sa

istoryang “Kalapating May Sugat sa Dibdib”, siya ang manunulat na binabalisa ang isang

alaala ng isang kalapating puting-puti na nagpapakita naman ng kawalan ng lakas ng

manunulat.

Kalapating may Sugat sa Dibdib

1. Kalapating puting-puti.

“Hindi naman pangit ang puting-puting kalapati. Maganda nga iyon. Sagisag ng

kababaang-loob, ng kaamuan. Ang mga matang walang malay ay kawan ng kalinisan.”

Ang talinghaga ng kalapati na kadalasang dinudugtungan ng salitang “mababa

ang lipad” para tukuyin ang isang prosti, pinalitan ng salitang “puting-puti” para ipakita

ang pagiging walang muwang at kadalisayan ni Nerisa.

2. Kalapating iba-ibang kulay.

“Muli siyang dinalaw ng alaala---hinggil sa mga kalapati. Sa kalapating puting-puti. Sa

mga kalapating iba-ibang kulay.”

Nabanggit sa unang numero na ang talinghaga ng kalapati na kadalasang

dinudugtugan ng salitang “mababa ang lipad” ay para tukuyin ang isang prosti. Pinalitan

niya ito ng salitang “iba-ibang kulay” para tangiin ang kalapating puting-puti. Para ipakita

ang pagkakaiba ni Nerisa sa ibang mga prosti.


3. Birhen!

Napangiti ang matabang babae.

“Meron hu kaming…” at inihina nito ang huling sasabihin, “Birhen!”

“Birhen!” may pamimitagan ang pagkakasambit niya sa salitang iyon. At itinuloy

niya sa sarili, “sa isang putikan?”

Ang talinghaga na kapag ikaw ay pumunta sa isang bahay aliwan ay propesyunal

na mga prosti at hindi isang birhen ang makikita mo.

4. Relasyon, pag-asa.

“Naantig tuloy sa kanya ang isang pamimitagang nagpapaunawang di niya nararapat

salangin ang mga talutot, na sabik pang humalik sa silahis ng araw ang busilak ng ubod.

Sa pamimitagang iyon sumibol kay Nerisa ang isa ring pagkaunawa: na maari pa siyang

maligtas, maari pa siyang mabuhay.”

Sa isang bahay aliwan ang lahat ay kasuwal na nagaganap. Hindi ka pupunta sa

bahay aliwan para maghanap ng ililigtas o magliligtas sa’yo. Pero dahil nga sa takbo ng

kwento na si Nerisa ay isang birhen at hindi naman talaga niya gusto ang nangyayari at

ipinagagawa sa kanya. Nakakita si Nerisa ng pag-asa sa katauhan ng manunulat.

5. Isang manunulat.
“Siya’y isang manunulat. Naniniwala siyang sapupo na niya sa kanyang palad ang

buhay.”

Dahil isa siyang manunulat, naniwala siya na hawak na niya sa kanyang kamay

ang buhay. Pero hindi, hindi sa totoong buhay. Dahil sa totoong buhay binabalisa siya ng

mga alaala niya tungkol sa kalapating puting-puti na si Nerisa. Si Nerisa na hindi niya

nagawang iligtas.

Buod

Kalapating may Sugat sa Dibdib

Hindi niya mapigilan na pagmunian ang mga alaala ng kalapating puting-puti at

kalapating iba-ibang ang kulay. Siya ay isang manunulat na minsan ng dumalaw sa bahay

na nagbibigay o nabibilhan ng aliw upang hanapin pa ang katarungan ng buhay.

Bumabalik sa alala niya ang unang pangyayari, binigyan siya ng ina-inahan ng mga

babaeng nandoon ng sinasabing birhen si Nerissa, pagkakita niya dito napansin niya ang

mga matang may bakas-luha, maaamo, larawan ng kawalang-malay at sa mga matang

yaon ay nasalamin niya ang isang puting puting kalapating lumilipad.May dugong

nakabahid sa puting kalapati, may sugat sa dibdib, inalagaan niya ito hanggang maghilom

ang sugat, minahal at pinakain. Nagunit kung kailan nauunawaan na niya ang pag-ibig o

sarap kay Nerissa, ay saka natunton ng may-ari, inagaw at inilayo sa kanya upang

danasin din niyang masugatan sa dibdib katulad ng kalapating noong una niyang

matagpuan.
Burlesque

1. Ang binatang lalaki

“Kinusot niya ang kanyang mga mata. Nagbangon sa larawan ni Linda ang isang

Bagong Magdalenang nabuhay sa katauhan ng isang Reyna ng Burlesque...”

Ang lalaking nagkakagusto sa kanyang kababata. Sumisimbolo sa pagnanasang

nararamdaman habang lumalaki mga kabataan. Isang nagbibinatang lalaki na inuusig ng

budhi dahil takot siyang magkasala sa kanyang pinaniniwalaang relihiyon.

2. Si Linda

“Si Linda ang aking kababata. Si Linda ang mahiyain... Si Linda ang mayumi,

mahinhin. Maria Clara! Maria Clara!”

“Nakapatadyong si Linda ng bughaw na siyang nagpapatingkad sa kaputian ng

mga binti; nakahapit iyon sa baywang at nagpapaganda naman sa hubog ng

namumukong dibdib.”

Ang babaeng kahinaan ng mga lalaki. May mga tanging katangian na halos hinahanap

hanap ng kalalakihan.
Ayon sa kwento si Linda ang surot ng kaniyang konserbatibong konsiyensiya at ang

dahilan kung bakit siya napasama sa mga kapwa kabataan sa mga bawal na pook.

3. Maria Magdalena

“Nagunit nang makilala niya ang mga palatandaan ng kanyang pagiging lalaki,

nang magpumiglas ang isang hindi mapigilang lakas sa kanyang sarili...ay

niyurakan niya ang mga nakahahadlang sa kanyang malayang pagkilos”

“Kinaulayaw niya sa tahimik na gabi ang buhay na larawan ni Maria Magdelana”

Ang babaeng namuo sa imahinasyon ng lalaki para mailabas ang sinisigaw ng kaniyang

pagnanais. Ang Maria Magdalena na tinutukoy sa kwento ay nagtatanghal ng isang

kahubaran at mga makamundong kasalan na sumasayaw sa mga taong naroroon.

4. Burlesque

“Mahina kayo. Hindi pa n’yo nakikita ang ‘kuwan.’ Aling ‘kuwan’? Aba, alin pa e, e

ang burlesque. Naku, kapag hindi nag-init ang katawan mo. Kapag hindi ka

napasigaw.”

Ang burlesque ay isang palabas sa Sine Rio kung saan may musikang; masigla, maharot,

maamo, mailap, maalindog. Mga sayaw ng korista. Mga tambok at lantik ng masisining

na bahagi ng katawan.
Ito ay isang masayang paggagad sa inisasyong sexual ng isang kabataang lalaki.

Buod

Burlesque

Kababata niya si Linda, paminsan na nagpasama ito sa ilog upang maglaba siya’y

nabighani dito, lagi niya tong tinitingnan pero nang sila’y umuwi hindi na niya hinahabol

ng sulyap ang namumulang sakong ni Linda. Hindi naging isang babaeng

makakapanawagan ng kanyang pagnanasa si Linda, kaya ganoon nalamang niyang

pangarapin si Maria Magdalena. Hinahanap niya palatadaan ng pagiging lalaki kaya

ganoon na lamang ang kaniyang pagnanasa. Ang erkondisyon na Sine Rio ay nagung

hat-kondisyon dahil sa mga kaganapang nakakapag-init at nakakapagtawag ng katawan

Nakayungyong ang Kawayan

1. Doman

“Paano kaya? E, talagang bawal. Iyong nabubungi o naduduling sa tiyan pa

lamang ay gawa raw ng mapangahas na pagsuway.”

Pagpipigil sa sariling pagnanasa sa asawa dahil sa pamahiin o paniniwala ng magulang

na bawal makipagtalik sa walong buwang nagdadalang-tao. Halimbawa ng walang

ganoong alam sa pagtatangkalik.


2. Ninay

Nang magliyab at biglang naitaboy ang dilim sa labas ay napatikop si Doman sa

kanyang harap.

“Naku, Doman, daig mo pa ang bata! Asawa mo naman ako, nahihiya ka pa.”

Nasabi sa kwento na may kaunti siyang alam sa pagtatalik na nabasa niya sa aklat

tungkol sa seks ngunit hindi maalam magsabi sa kanyang asawa ng bagay na

makakapagsaya sa kanilang dalawa.

3. Tatang ni Doman

“Huuu..ngayon na lamang namalasak ang mga bagay s-sa kuwan. Sek ba ’yon,

Doman?”

Tauhan sa kwento na nagpapatunay na wala gaanong kaalam ang mga matatanda

noon sa pakikipagtalik.

4. Maneng

“Siyena nga sa’kin ’yang Banal na Papa sa Roma. Mahirap mapagtugma ang

relihiyon, siyemsiya at kabuhayan. Talagang kailangan ng gumamit ang mga

Filipino ng pills sa kontrol.”

Si Maneng ay nakapag-aral ng medisina. Mapag-aalaman na noon palamang ay

sadyang mabilis na lumaki ang populasyon mula sa baryo.


Nakayungyong ang Kawayan

Buod

Nakayungyong ang Kawayan

Ang mag-asawang Doman at Ninay ay hindi mapag-usapan ng tuwiran ang

tungkol sa kanilang suliranin sa pagtatalik. Nag-isip si Doman nang malalim sa

nahiwatigan niyang pagkabigo ng pagnanasa ni Ninay bunga ng kaniyang paniniwalang

talagang bawal makipagtalik sa isang babaeng nasa ikawalong buwan ng

pagdadalantao.Pagkatapos niyang maghapunan siya ay nagtungo sa bagong palikuran

upang mag-igib at siya ay pumasyal sa labasan, naabutan niyang nag-uumpukan ang

mga tao sa pagupitan ni Mang Islaw. Pinag-uusapan doon ang tungkol sa pag-aanak, at

bigla niyang naisingit na itanong kay Maneng ang pagtatalik sa buntis. Dali-dali siyang

umuwi at dahan-dahan naman siyang kumikilos sa bahay, nararamdaman na niya ang

pitlag ng pagnanasa sa natutulog na si Ninay. Tahimik at maganda ang simoy ng hangin

sa bukid ng gabing yaon walang ibang maririnig kundi ang pagtawag ni Ninay kay Doman

na lalong madalas at malakas ang pagbayong ginagawa sa kanya. Nagtagumpay sila sa

kanilang pagpipigil, umaangat ang mukha ni Doman, umaliwalas siya nang masilip niya

ang bubong na pawid ng bahay ng kanyang tatang. Naliligo iyon sa liwanag ng buwan

sa mga siwang nagsisikiang kawayang nakayungyong sa kanyang maputlang anino.


Sanggunian:

Isang Dekonstruksyong Pagsusuri sa mga Piling Maikling Kuwento ni Pedro S. Dandan

https://ejournals.ph/article.php?id=108

Isang Showdown sa Tondo ni Pedro S. Dandan

hhtps://prezi.com/m/4caai30be5ku/fi-pres/

Pedro S. Dandan at 101 | handelse

hhtps://sv.eventbu.com

Ang Maikling Kuwento sa Filipinas 1896-1949. Virgilio S. Almario