Você está na página 1de 15

Mga pasahero inulan sa loob ng MRT

INULAN ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) matapos namang mag-leak ang isang air
conditioning unit ng isa sa mga bagon nito

Nag-sorry naman ang Department of Transportation sa nangyari at sinabi na unti-unti ng pinapalitan ang
mga air conditioning unit ng mga bagon upang maiwasan ito.

Kumalat sa social media ang video ng pagtulo ng tubig sa loob ng bagon at ang pagpapayong ng mga
pasahero sa loob.

“MRT-3’s ACUs were last replaced in 2008 as part of the system’s 1st general overhaul 8 years after it
started operating in 2000,” saad ng DoTR sa isang pahayag. “General overhaul is due every 8 years,
meaning the ACUs were supposed to be replaced as part of the system’s 2nd general overhaul due to
have been completed in 2016.”

Bumili na umano ang MRT ng 78 unit ng air con sa halagang P116 milyon. Darating ang 42 unit sa
susunod na linggo.

“Considering the importance of ACUs for passenger convenience, ACUs from original equipment
manufacturer are among the components that were already procured by MRT-3’s transition team earlier
this year.”

DU30 minura at binantaang papatayin ang mga pulis na sangkot sa krimen

BUKOD sa mura, binantaan pa ni Pangulong Duterte ang mga pulis na sangkot sa iba’t ibang krimen, na
papatayin sila kapag hindi tumigil sa kanilang mga iligal na aktibidad.

Ito’y matapos namang iprisinta kay Duterte sa Malacanang ang 105 pulis na nahaharap sa kasong
administratibo at kriminal.

“Kayo ang salot na hindi ko maintindihan. P*t*ng ina,” sabi ni Duterte habang kausap ang mga pulis.

“Prangkahin ko kayo buong Pilipino. ‘Pag ganun kayo bg ganun, p*t*ng ina papatayin ko talaga kayo.
Masiguro ninyo ‘yan. Wala na ako magawa sa inyo, mga ulol kayo,” dagdag niya.

Nahaharap ang mga pulis sa kasong kidnap-for-ransom, extortion, robbery, at serious illegal detention.

“Tumingin kayo sa akin, sampalin ko kayo. Tumingin kayo sa akin, dito sa mata ko. Look at me. Alam mo
hindi ko maintindihan bakit kayong mga kriminal nakapasok sa police,” ayon pa kay Duterte.

Idinagdag ni Duterte na seryoso siya sa kanyang banta na papatayin ang mga pulis na sangkot sa krimen.

“Bakit kayo napasok dito na mga animal kayo? Para kayong, p*t*ng ina, parang mga aso na. Ang sunod
ko sabi noon itong mga kriminal [patayin], sunod kayong mga pulis na kriminal. Hindi ako nagwa-
warning para pantakot. Nagwa-warning ako para gawin ko,” sabi pa ni Duterte.

2 ‘rent-sangla’ suspek arestado

ARESTADO ang dalawang miyembro ng umano’y sindikato na sangkot sa “rent-sangla” scam sa


magkahiwalay na operasyon noong Linggo at kahapon.

Unang naaresto sa Sampaloc, Maynila, ang umano’y lider ng sindikato na si Joven Aycardo Mañalac, 37.

Nahuli naman ang isa pang suspek na si Ryan del Rosario Figueroa, 36, sa Pampanga, ayon sa pulisya.

1
Idinagdag ng pulisya na sa ilalim ng modus na “rent-sangla”, rerentahan ng mga suspek ang mga
sasakyan ng ilang araw mula sa may-ari. Kapag nakuha na ang sasakyan, ibebenta o isasangla ng mga
suspek ang mga sasakyan.

Sinabi ng pulisya na umabot sa anim na sasakyan ang nirentahan ni Mañalac mula sa limang biktima.
Sinasabing nagsasagawa ang suspek ng operasyon sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon
(Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon).

Samantala, sa Central Luzon naman ang operasyon ni Figueroa, dagdag ng pulisya.

Nahaharap ang mga suspek mga kasong estafa sa ilalim ng Article 315 of the Revised Penal Code.
Nanawagan naman si Philippine National Police Highway Patrol Group director Police Supt. Roberto
Fajardo sa mga biktima na magsampa ng syndicated estafa, na walang piyansa.

Presyo ng bilihin tumaas ng 5.7 porsiyento

UMAKYAT ng 5.7 porsyento ang inflation rate o ang presyo ng mga bilihin noong Hulyo, ayon sa
Philippine Statistics Authority.

Mas mataas ito sa 5.2 porsyento na naitala noong Hunyo. Noong Hulyo 2017 ang inflation rate ay 2.4
porsyento lamang. Noong Hulyo 2016 ay 1.3 porsyento lamang.

“The uptrend was mainly due to the 7.1 percent annual rate recorded in food and non-alcoholic
beverages index. Nine out of 11 commodity divisions registered higher annual upticks during the
month,” saad ng PSA.

Ang naitalang 5.7 porsyento noong nakaraang buwan ang pinakamataas na naitala ngayong taon at mula
noong 2013.

Naniniwala si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin
dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion.

Madaragdagan pa umano ito sa pagsasabatas ng ikalawang package ng TRAIN na inaprubahan na


kahapon ng House committee on ways and means.

“The approval of TRAIN 2 bodes ill for consumers since any tax or cancellation of tax incentives of
companies would be passed on to consumers. Its approval is also insensitive especially now that
inflation for July has reached a staggering 5.7% and prices continue to increase,” ani Zarate.

Mula sa TRAIN 2, pinalitan ng komite ang pangalan nito at ginawang Tax Reform for Attracting Better
and High quality Opportunities.

“Kahit anong rebranding ang gagawin ng mga proponents nito para bumango ang masangsang na effects
ng Train, hindi nito kayang pagtakpan ang baho nito,” ani Zarate.

QCPD detainee patay sa leptospirosis

NASAWI noong Linggo ang isang detainee na nasa kostudiya ng Quezon City police dahil sa
komplikasyon dulot ng leptospirosis.

Umabot lamang ng 24 oras ang pananatili ni Mhel Pardilla, 30, sa Masambong Station ng Quezon City
Police District nang siya ay isugod sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan.

2
Batay sa rekord ng pulisya, naaresto si Pardilla noong Hulyo 31, 2018, kasama ang dalawang iba pa, sa
Barangay Bagong Pag-asa dahilk sa paglalaro ng cara y cruz,

Nang sumunod na araw, isinugod si Pardilla sa National Kidney Transplant Institute (NKTI), matapos na
mahirapang huminga at idinaing ang pananakit ng tiyan.
Sinabi ni Supt. Rodrigo Soriano, Masambong Station commander, na inakala ng pulisya na may problema
sa bato si Pardilla kayat dinala sa NKTI.

Makalipas ang apat na araw, idineklara siyang patay pasado alas-10 ng umaga habang nasa loob ng
medical unit ng ospital.

Base sa imbestigasyon, severe pulmonary hemorrhage due to leptospirosis ang ikinamatay ng biktima.

“The family told us that he worked as a trash scavenger at Manila Bay,” sabi ni Soriano. “His home in
Sitio San Roque was also prone to flooding.”

National ID system pinirmahan na bilang batas ni Du30

PORMAL nang pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Philippine Identification System Act, na naglalayong
ipatupad ang national ID system sa bansa.

“Today, I also sign into law the Philippine Identification System Act, a measure that will establish a single
national identification system that will promote good governance, enhance governmental transactions,
and create a more conducive environment for trade and commerce to thrive,” sabi ni Duterte sa
kanyang talumpati matapos ang paglagda sa bagong batas, kasama ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Kasabay nito, pinasalamatan ni Duterte sina dating Senate President Koko Pimentel, ang napatalsik na
dating House Speaker na si Pantaleon Alvarez at bagong Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa kanilang
naging papel sa pag-usad ng dalawang batas.

“Indeed, the passage of these laws speak well of their able leadership and firm resolve to rise above
divisive partisan politics,” dagdag ni Duterte.

Idinagdag ni Duterte na sa ilalim ng bagong batas, iisang ID na lamang ang gagamitin sa mga transaksyon
sa buong bansa.

“It seeks to promote the efficient delivery of services to our people through a single ID that will be
issued to all citizens and resident aliens. This ID, which we will call the Phil-ID, will dispense with the
need to present multiple IDs for different [government] transactions,” ayon pa kay Duterte.

Ipinagmalaki pa ni Duterte na maraming administrasyon ang nagtangkang ipasa ang national ID at


natupad lamang sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

“This will not just enhance administrative governance but reduce corruption, curtail bureaucratic red
tape, and promote the ease of doing business, but also avert fraudulent transactions, strengthen
financial inclusion, and create a more secure environment for our people,” ayon pa kay Duterte.

“Let me be very clear about this: The information that will be included in the Phil-ID will not be any
different from the information already in the possession of the Philippine Statistics Authority or the
former NSO, GSIS, PhilHealth, Pag-IBIG Fund, COMELEC, and other agencies that gather personal data,”
ayon pa kay Duterte.

Ayon pa kay Duterte, makikipag-ugnayan ang Philippine Statistics Authority sa National Privacy
Commission, sa Department of Information and Communications Technology, at multi-agency
PhilSystem Policy and Coordination Council para matugunan ang isyu kaugnay ng privacy at security.

3
“There is therefore no basis at all for the apprehensions about the Phil-ID, unless of course that fear is
based on anything that borders to illegal. If at all, the Phil-ID will even aid in our drive against the social
menaces of poverty, corruption and criminal issues, as well as terrorism and violent extremism,” ayon
pa kay Duterte.

May taas-sahod sa gobyerno sa 2019

MAY nakalaang P121.7 bilyon sa susunod na taon para sa pagtataas ng sahod ng mga empleyado ng
gobyerno.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr. may P51.7 bilyon na nakalaan para sa ikaapat at
huling pagtataas para sa Salary Standardization Law IV ng mga civilian employees.

May P70 bilyon naman para sa ikalawang bahagi ng pagtataas sa sahod ng mga pulis, sundalo, jail
officer, bumbero at coast guard.

Sa P3.575 trilyong budget para sa 2019, P.185 trilyon ang nasa ilalim ng personnel services o pambayad
sa sahod at allowances ng mga taga gobyerno.

Kasama na dito ang pampasuweldo sa mga bagong empleyado– 10,000 guro, 10,000 pulis, 3,000 fire
officer, 2,000 jail guard at iba pang posisyon, na kukunin sa susunod na taon.

“Isang dahilan ng pagdami ng bilang ng mga kawani ng gobyerno ay yung K-12 na program. Kailangan
mag-hire ng dagdag na teachers. In fact, meron pa ngang 105,000 vacant teaching positions na inutos ni
Pangulong Duterte na dapat mapunuan agad,” ani Andaya.

Pabuya sa 4 na leftist leaders maaaring umabot sa P2M

MAAARING umabot sa P2 milyon ang pabuya para sa ikaaaresto ng apat na lider ng makakaliwang
grupo, ayon sa abogadong si Ferdinand Topacio.

Ito ang reaksyon ni Topacio sa pahayag ng mga lider ng militante matapos namang sabihin na ito’y
“cheap publicity stunt.”

“Sabi po ni Ka Nato (Renato) Reyes, di ba kaibigan natin iyan, na cheap publicity stunt daw po yung P1
million. Titingnan po natin kung dadagdagan pa natin,” sabi ni Topacio sa panayam sa Radyo Inquirer
990 AM.

“Kung para sa kanya ay cheap yung P1 million, gawin siguro nating P2 million, titingnan natin kung may
magdodonate,” dagdag ni Topacio.

Ayon kay Topacio galing ang P1 milyon sa mga “concerned citizens” para maaresto sina dating Bayan
Muna Representative Satur Ocampo at Teddy Casiño at dating Anakpawis Representative Rafael
Mariano at National Anti Poverty Commission (NAPC) Head Liza Maza.

Nauna nang sinabi ni Topacio na magbibigay ang mga “concerned citizens” ng tig-P250,000 para sa
ikakaaresto ng apat na militanteng lider.

Binatikos naman ito nina Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes at
Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa pagsasabing ito ay isangv “lame and cheappolitical stunt.”

“The reward money for the arrest of Satur, Liza, Teddy, and Paeng is nothing but a lame publicity stunt
that unfortunately endangers the lives of the four accused,” sabi ni Reyes.

4
Damage ng 3 bagyo P3.8B na –NDRRMC

MAHIGIT P3.8 bilyon na ang halaga ng pinsalang naidulot ng mga pag-ulang dala ng habagat na pinalakas
ng tatlong magkakasunod na bagyo noong nakaraang buwan, ayon sa National Disaster Risk Reduction
and Management Council (NDRRMC).

Lampas na sa P3.064 bilyon ang halaga ng pinsalang naidulot sa agrikultura, at mahigit P755.5 milyon
ang halaga ng pinsala sa imprastruktura, ayon sa ulat na nilabas ng NDRRMC, Biyernes.

Mahigit P1.89 bilyon ang naitalang pinsala sa mga pananim, lalo na sa palay.

Hindi pa kasama sa kabuuang kuwenta ng damage ang halaga ng 5,050 bahay na nawasak at 4,859
bahagyang napinsala.

Matatandaang mahigit 2 milyon katao ang naapektuhan ng iba-ibang insidente, lalo na ang mga
malawakang pagbaha at mga landslide sa Luzon at maging sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Walang masi-zero kay GMA

MAKATATANGGAP umano ng pondo ang lahat ng mga distrito kahit na ang mga kritiko ni Speaker Gloria
Macapagal Arroyo.

Hindi umano gagawin ni Arroyo ang ginawa ng pinalitan niyang si Davao del Norte Rep. Pantaleon
Alvarez kung saan 23 distrito ang walang nakuhang alokasyon ngayong taon.

Sinabi ni House Majority Leader at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., na inutusan siya ni Arroyo
upang siguruhin na makatatanggap ng pondo ang lahat ng distrito sa ilalim ng 2019 national budget.

“Lahat ng distrito may pondo. Yan ang klarong utos ni Speaker GMA. Appropriations proposed by the
Executive for projects and programs in a congressional district represented by a non-majority coalition
member will not be drastically cut or reduced to zero,” ani Andaya.

Sinabi ni Andaya na posible na mas malaki pa ang makuhang alokasyon sa mga lugar ng kritiko.

“The big picture here is that constituents of opposition congressmen pay taxes so they are entitled to
enjoy the fruits of their payments,” ani Andaya. “Sabi nga taxes are paid by the people in cash but are
rebated to them in kind, in the form of services and projects, and the budget is the catalogue of these
rebates . So taxation without appropriation is wrong.”

Nilinaw naman ni Andaya na sa ngayong taon, may mga kongresista na walang alokasyon subalit hindi
nangangahulugan na walang naging proyekto ang national government sa lugar ng mga ito.

FX bumagsak sa bahay

UGATAN ang isang lalaki nang mahulog ang minaneho niyang FX sa isang bahay sa Baguio City, Huwebes
ng gabi.

Dinala sa ospital si Robert Gumiha, 41, isang driver ng DPWH, dahil sa tinamong pinsala sa tuhod, ayon
sa ulat ng Cordillera regional police.

Naganap ang insidente pasado alas-11, sa Purok 17, Dump Site, Brgy. Irisan.

Pauwi si Gumiha at kasama niyang si Omar Cabrera lulan ng Toyota Tamaraw FX (UNV-721) nang
mahulog ang sasakyan sa bahay na nakatayo 5 metro sa baba ng kalsada.

5
Pinalad na di nasugatan si Cabrera. Walang taong nasugatan sa bahay, na pag-aari ng isang Balbina
Lozano, pero nasira ang bubong ng kusina, water valve, at mga kasangkapan doon.

Kapwa amoy-alak sina Gumiha at Cabrera nang mahugot ng mga rescuer, ayon sa pulisya.

6,700 pulis naparusahan

UMABOT sa 6,786 pulis, o mahigit 3.57 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga alagad ng batas, ang
napatawan ng iba-ibang parusa nitong nakaraang dalawang taon, ayon sa National Police.

Inilabas ng PNP ang bilang ng mga naparusahan sa gitna ng halos magkakasunod na pagkadakip, at
minsa’y pagkakapatay pa, sa ilang alagad ng batas na nasangkot sa iba-ibang krimen, mula sa simpleng
pangongotong hanggang sa iligal na droga at kidnapping.

Umabot sa 6,401 pulis ang napatawan ng kaparusahang administratibo mula 2016 hanggang sa unang
anim na buwan ng 2018, batay sa talang nilabas ng PNP.

Ang mga naturang pulis ay nasangkot sa iba-ibang krimen, grave misconduct, serious neglect of duty,
serious irregularity, malversation, dishonesty, at graft and corruption, sabi ni PNP spokesman Senior
Supt. Benigno Durana.

Kabilang sa mga naparusahan ang 1,828 pulis na sinibak sa serbisyo.

Napapabilang din sa kanila ang 3,589 pulis na nasuspende, 362 na-demote, 403 napagsabihan, 147
tinanggalan ng suweldo, 43 pinigilan ng mga pribilehiyo, and 29 na restricted to quarters.

Hiwalay pa dito ang 261 uniformed at non-uniformed personnel ng PNP na sinibak sa serbisyo dahil sa
paggamit ng iligal na droga, at 92 sinibak, 23 sinuspende, at siyam na na-demote para sa kinalaman sa
kalakalan ng droga.

Magtutuluy-tuloy pa ang pagpaparusa sa mga nagkakasalang pulis, lalo’t nakatuon ang panunungkulan
ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde sa pagdisiplina at pagreporma sa 190,000 alagad ng batas, ani
Durana

‘Person of interest’ sa Basilan bombing dakma

DINAKIP ng mga otoridad sa Basilan ang isang lalaki, na tatanungin sana hinggil sa pambobomba sa
Lamitan City, nang makuhaan ito ng granada, ayon sa militar

Inimbitahan ng mga kawal si Indalin Jainul alyas “Abdulgani” para sa pagtatanong, ngunit itinurn-over
siya sa pulisya nang makuhaan ng granada, ani Lt. Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Armed Forces
Western Mindanao Command.
“Kakausapin lang sana siya ng tropa pero nakuhanan siya ng granada kaya dinala siya sa pulis,” sabi ni
Besana sa text message. “Hindi pa po natin masabi na dahil sa bombing naaresto,” aniya pa.
Ayon kay Besana, pinigil ng mga miyembro ng Army 3rd Scout Ranger Battalion si Jainul sa Tinambakan,
Brgy. Maganda, noong Martes ng gabi, ilang oras matapos ang pambobomba, at dinala sa pulisya
Miyerkules.
“Kilala naman ito sa area na may possible link or probably have facilitated… ‘yung paglo-launch ng
bombing, pero not necessarily na involved talaga,” sabi ni Besana sa mga reporter.
“[These are still] speculations. But there is a high probability, kaya person of interest siya. But to be fair,
i-investigate pa muna,” aniya pa.
Si Jainul, 58, ay isa umanong ustadz o Islamic scholar.
Matatandaang 11 katao ang nasawi at di bababa sa walo ang nasugatan sa pambobombang naganap sa
isang military checkpoint sa Lamitan noong Martes ng umaga.

6
Binay nais ipatawag si Uson sa pagdinig sa chacha

SINABI ni Sen. Nancy Binay na nais niyang isama si Communications Undersecretary Mocha Uson sa mga
iimbitahan kaugnay ng pagdinig ng Senado sa isinusulong na charter change para pagpaliwanagin kung
paano isusulong ang federalism sa bansa.

Idinagdag ni Binay na irerekomenda niya kay Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, chair ng Senate committee
on constitutional amendments para padaluhin si Uson sa susunod na pagdinig kaugnay ng chacha.

“In light of the plan of DILG and the Consultative Committee to have Asec Mocha Uson as the lead
evangelist of the Federalism Caravan, siguro mas maganda kung mai-invite ni Sen. Kiko si Asec Mocha as
one of the resource persons sa kanyang committee para mag-present sa Senado,” sabi ni Binay.

Nauna nang sinabi ng Consultative Committee (Con-com) na plano nilang kunin si Uson para sa
pagsusulong ng federalism.

“Being the designated messenger, we also wanted to hear how she would articulate or interpret the
salient points of the proposed federal charter and explain to the people how a shift in the form of
government could move the country forward. Dagdag na rin ang kanyang iba pang concept or idea sa
information campaign using social media,” dagdag ni Binay.

“How the messenger relays the message is important. Clarity and knowledge about the subject are
equally important elements. It is also a matter of providing the people of options, or an informed choice
for them to genuinely know what’s good and bad about changing the form of government,” ayon pa kay
Binay.

2 sugatan sa Antipolo blast

DALAWANG tao ang nasugatan nang sumabog ang bombang tinanim ng mga hinihinalang kasapi ng New
People’s Army sa Antipolo City, Rizal, Martes ng umaga.

Nagtamo ng bahagyang pinsala ang mga sibilyang sina Jaime Cabanero, 38, at Ellaiza Acula, 23, na kapwa
nakasakay sa isang tricycle, sabi ni Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon regional police.

Naganap ang pagsabog sa gilid ng isang kalsada sa Sitio Calumpang, Brgy. San Jose, dakong alas-11.

Dumadaan noon sa naturang lugar ang dalawang sasakyan ng Army 80th Infantry Battalion, ani Gaoiran,
gamit bilang basehan ang ulat na nakarating sa kanyang tanggapan.

Inuunahan ng mga sasakyan ng Army ang isang tricycle, nang biglang sumabog ang improvised na
bomba sa gilid ng daan, aniya.

Dahil sa pagsabog ay nawasak ang tricycle at nasugatan ang mga sakay nito.

Maaaring ang pagsabog ay pananambang sa mga dumadaang tropa ng pamahalaan doon, ani Gaoiran.

TRAIN 2 lusot na, ginawang TRABAHO Law

MANILA, Philippines — Aprubado na ng House Ways and Means Com-mittee ang ikalawang bahagi ng
Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN 2.

Naging unanimous ang botohan ng komite matapos ang mga marathon hearings kaya tulu-yan na itong
nailusot.

7
Dahil pasado na sa komite ipapasa ito para sa plenary deliberation bago ang ikalawa at ikatlong pagbasa.

Nagdesisyon naman ang komite na baguhin ang pangalan ng natu-rang panukala at gawin na lamang ito
bilang “Tax Reform Attracting Better and High Quality Opportunities” (TRABAHO).

Sa ilalim nito, ibababa sa 20% ang corporate income tax ng mga kumpanya mula sa kasalukuyang 30%.

Sisimulang ipatupad ang 2 percent na bawas kada taon sa darating na 2021, at ipagpapatuloy hanggang
sa tuluyang maibaba ang corporate income tax sa 20%.

Magkakaroon din ng rationalization sa mga insentibo na ibinibigay sa mga negosyo at sa mga karapat-
dapat na kumpanya.

Idinagdag pa ng kongresista na ang mga kumpanya na mas makakalikha ng trabaho ang papaboran na
mabigyan ng ganitong benepisyo.

Papaboran din umano rito ang mga kumpanya na magtatayo o magpapalawak ng ope-rasyon sa mga
kanayunan.

5 days calamity leave isinulong ni de Lima


71
SHARES
0
0
0
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2018 - 12:00am
MANILA, Philippines — Isinulong ni Sen. Leila de Lima na magkaroon ng limang araw na emergency leave
ang mga public at private workers na direktang maaapektuhan ng isang natural calamity o disaster.

Layunin ng panukala na mabigyan ng proteksiyon ang mga manggagawa at pamilya nito tuwing
sumasapit ang matinding kalamidad.

Ikinatuwiran ni de Lima na ang bansa ay isang tropical country na kalimitang nakakaranas ng natural
calamities at disasters at binibisita ng nasa average na 20 bagyo taun-taon.

“Situated in the ‘Pacific Ring of Fire,’ the country is also vulnerable to earthquakes and volcanic
eruptions, making its geographical location and physical environment susceptible to tsunami, storm
surges, landslides, flood, sea level rise, and even drought,” sabi ni de Lima.

Sa ilalim ng panukala, ang isang empleyado na nakapag-serbisyo na ng anim na buwan ay dapat


ma--pag-kalooban ng 5 araw na calamity leave na ma-gagamit niya tuwing may kalamidad.

Sa sandaling maging batas, ang mga maghahain ng 5-araw calamity leave ay makakatanggap pa rin ng
kanilang arawang sahod.

Warehouse ng rice hoarders ipapasalakay ni Duterte

Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2018 - 12:00am


MANILA, Philippines — Nagbabala ang Malacañang na gagamitin ng estado ang buong puwersa nito
upang habulin ang mga rice hoarders o nagtatago ng mga bigas na siyang sanhi ng patuloy na pagtaas ng
presyo nito sa merkado.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isa ang isyu tungkol sa rice hoarding sa mga napag-
usapan sa isinagawang Cabinet meeting kamakalawa ng gabi na pinangunahan ni Pangulong Duterte.

8
Sinabi ni Roque, mismong si Pangulong Duterte ay batid kung sino-sino ang mga rice traders na iniipit
ang paglabas ng kanilang mga produkto sa merkado.

Aniya, batid din kung nasasaan ang mga warehouses kung saan itinatago ang mga bigas ay tumbok na
rin ng chief executive.

Babala ng Palasyo sa mga ganid na negosyante na nasa rice industry, ipasasalakay ng Presidente ang
warehouse ng mga ito kung patuloy na magmamatigas at hindi ibabagsak sa merkado ang mga iniimbak
na item.

Suarez kinilala nang House minority leader

MANILA, Philippines — Natapos na ang agawan ng minority group sa Kamara matapos na maihalal sa
plenaryo si Quezon Rep. Danilo Suarez na minority leader sa pamamagitan ng viva voce vote o ang
pagsigaw lamang ng ayes at nays.

Tinangka pa itong harangin ng ibang kongresista na kabilang sa ibang grupo ng minority group subalit
binalewala ito ni House Deputy majority leader Fredinil Castro.

Matatandaan na ka-bilang din sa nagnanais na maging mino-rity leader si Marikina Rep. Miro Quim-bo
at Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas.

Sinabi naman ni Quim--bo na hindi lamang lumik-ha kundi sinemento pa ng Kamara ang legal question
sa pagkakatalaga kay Suarez bilang minority leader.

Akusasyon ni Rep. Chong walang basehan – Comelec

MANILA, Philippines — Walang basehan ang akusasyon ni dating Bi-li-ran Rep. Glenn Chong na
nagkaroon ng malawakang dayaan sa nakalipas na 2016 election.

Ito naman ang binig-yan diin ni dating Commission on Elections (Comelec) chairman Sixto Brillantes sa
isinagawang Joint Congressional Oversight Committee (JCOC) hearing hingil sa automa-ted election
system (AES).

Ayon kay Brillantes, ang paratang ni Chong ay kahalintulad sa kanyang naging reklamo hinggil sa
umano’y dinayang balota para kay Bro. Eddie Villanueva sa General Tinio, Nueva Ecija noong 2013
senatorial elections.

Ani Brillantes, ipinakita niya mismo kay Sen. Koko Pimentel ang mga tinutukoy na physical ballots na
may ilang taon na ang nakalilipas para patunayan na dinaya ang mga ito.

Ibinulgar din ng dating Comelec chairman na hawak ni Chong at ginagamit sa kanyang paglilibot sa mga
lalawigan para magturo ang 353 balota na sinasabi niyang tunay at opisyal.

“May sinasabi si Atty. Chong na mga balota na sinasabi niyang authentic. Ang tanong ko sa kanya, saan
niya ito nakuha,” ani Brillantes.

Hinamon din ni Brillantes ang iba pang nagsasabi na nagkaroon ng dayaan sa nakalipas na halalan na
maglabas ng opisyal na resulta at patunayan na may pagkakaiba ito sa hawak ng Comelec at huwag
gamitin ang simpleng isyu ng pagkakamali sa aspeto ng technical sa mga automated machines.

Payo ni Brillantes mag--labas ng ebidensiya sa ka-nilang protesta at iwasang dumaldal nang dumaldal.

Meralco may taas singil ngayong Agosto

9
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2018 - 12:00am
MANILA, Philippines — Bukod sa pagtaas ng presyo ng mga panguna-hing bilihin ay magtataas din ng
singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco).

Ayon sa Meralco, mahigit dalawang sentimo kada kilowatt hour (kWh) ang madaragdag sa singil sa
kuryente ngayong Agosto.

Sinabi ng Meralco, ang P0.0265/kWh dagdag singil ay nangangahulugan ng P5.30 dagdag sa bayarin ng
mga tahanang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan at P7.95 para sa kumokonsumo ng 300 kwh.

Aabot naman sa P10.60 ang dagdag sa bayarin ng mga household na nakakagamit ng 400 kwh na
kuryente sa isang buwan, at P13.25 sa 500 kwh.

Ito na ang ikalawang sunod na buwan na may taas-singil ang Meralco ngayong 2018.

PNA at HNA pumirma sa kasunduan

MANILA, Philippines — Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan sa pagitan ng Philippine News
Agency at Hungarian News Agency para sa news exchange and cooperation.

Sinabi ni News and Information Bureau director Virginia Agtay, layunin ng kasunduan na magkaroon ng
news exchange and cooperation sa pagitan ng PNA at ng nabanggit na foreign news agency.

Ayon kay NIB chief Agtay, malaki ang maitutulong ng nabuong kasunduan upang mas mapalawak at
mara-ting ng PNA ang mga kababayan nating nasa bansang Hungary.

Idinagdag pa ng NIB director, ito ang ika-apat na kasunduang nabuo ng pamahalaan sa bansang
Hungary.

Samantala, sinabi naman ni PCOO Sec. Martin Andanar, isinasapinal na lamang ang kasunduan sa
bansang Malaysia para sa kahalintulad na cooperation na nagawa na din sa Russia, Japan, Australia at
Thailand.

Malacañang dumistansiya

Sa bastos na video ni Uson


MANILA, Philippines — Dumistansiya kahapon ang Malacañang sa bastos na “pepe, dede infomercial ni
Communications Assistant Secretary Mocha Uson kasama ang kanyang kaibigan na si Drew Olivar.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, hindi idinaan sa kanya ni Consultative
Committee (Con-Com) spokesman Conrado “Ding” Generoso ang pagkuha kay Uson sa kampanya ng
pederalismo.

“Dumiretso siya kay Asec Mocha nang hindi ipinapaalam sa akin bilang puno ng departamentong ito,”
puna ni Andanar.

Nauna rito, nagkasundo sina Generoso at Uson tungkol sa magiging papel nito sa kampanya ng
pagbabago ng porma ng gobyerno kung saan magpapakalat ito ng impormasyon sa social media tungkol
sa pede-ralismo upang mas maintindihan ng mga ordinaryong mamamayan.

Inamin din ni Andanar na maging si Executive Secretary Salvador Medialdea ay hindi pabor na gamitin si
Uson sa information campaign.

Iginiit umano ni Medialdea na seryosong isyu ang pederalismo at dapat kumuha ng mga eksperto sa
pagpapaliwag nito.

10
Ang pagtutol umano ni Medialdea na magkaroon ng partisipasyon si Uson sa information drive ng
pe-deralismo ay naipabatid nito bago pa man lumabas ang kontrobersyal na bastos na video.

Sinabi naman ni Uson sa kanyang Facebook page na layunin lamang nila na pag-usapan ang pederalismo
at wala silang intensiyon na maliitin ito.

“Ang game show po namin, kahit na katuwaan lamang, ay walang intensyon na maliitin ang
Pedera-lismo. Bagkus ang aming layunin ay hikayatin ang -taming manonood na pag-usapan pa lalo ang
Pederalismo dahil ito ay isa sa mga pangako ng ating Pangulo,” ani Uson.

‘Mocha baboy, bastos’


231
SHARES
54
0
0
Malou Escudero, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2018 - 12:00am
Pepe, dede infomercial pinalagan ng mga senador
MANILA, Philippines — Mariing pinalagan kahapon ng mga senador ang kontrobersiyal na “pepe, dede
infomercial” na ipinalabas ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson at kaibigan nitong si
Drew Olivar tungkol sa pederalismo.

Ayon kay dating Se­nate President Aquilino “Koko” Pimentel, hindi niya akalain na bababuyin ni Uson
ang kampanya ng pederalismo na matagal na ring isinusulong ng kanyang amang si dating Senate
President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.

“Ako ay nagkamali!... ‘Di ko lubos akalain na bababuyin pala nila ang kawsa ng Pederalismo. Ilayo na si
Mocha sa Pederalismo. Mag-aral muna siya ng mabuti. Mag leave muna siya,” sabi ni Pimentel.

Kinuwestiyon naman ni Senator Risa Hontiveros kung ano ang kinalaman ng maseselang bahagi ng
katawan ng babae sa usapin ng pederalismo?

Ayon kay Hontiveros, isang malaking insulto sa opisinang kinakatawan ni Uson ang nasabing video at
isang malaking kabastusan sa mga kababaihan.

Sinabi naman ni Senator Bam Aquino na Hindi lahat ng bagay nadadaan sa kabastusan. Lalo na kapag
kinabukasan ng bayan ang pinag-uusapan.

Ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, kahit na wala ang partisipasyon ni Uson ay patay na ang
panukalang pederalismo at naghihintay na lamang ng cremation Sa Senado.

Naging kontrobersiyal ang kantang “I-pepe, i-pepe, i-dede, i-dede, i-pepe-pepe-pepederalismo” habang
isinasayaw naman ng kaibigan ni Uson na si Olivar.

Naniniwala naman si Senator Francis “Chiz” Escudero na ang gina­wang jingle na tumutukoy sa maselang
bahagi ng katawan ng mga babae ay isang desperadong hakbang para lamang makaagaw ng atensiyon
ang pederalismo.

Idinagdag ni Escudero na bukod sa bulgar, walang puwang sa isang matinong diskusyon ang nasabing
video lalo pa’t mahalaga at importanteng isyu ang pinag-uusapan.

Nais din ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na ipaliwanag ni Presidential Communications Secretary
Martin Andanar ang pinakahuling kapalpakang ginawa ni Uson.

Bagaman at hindi napanood ang kontro-bersiyal na video, sinabi ni Senator Cynthia Villar na nakarating
na rin ito sa kanyang kaalaman at marami ang nagsabing hindi ito maganda. Dapat aniyang ayusin ang
pagsusulong sa kampanya ng pederalismo.

11
Samantala, idinagdag ni Pimentel na “unfortunate” na inilabas ang video matapos ihayag na magiging
advocate o spokesperson ng pede-ralismo si Uson.

“Kaya tuloy naisip ng tao na rito ba pumunta ang pera ng gobyerno? So it’s very unfortunate na mali-link
na kasi yong whatever efforts she will do in behalf of federalism doon sa video,” sabi ni Pimentel.

Samantala, itinutulak ni Akbayan partylist Rep. Tom Villarin na tanggalan ng pondo ang Presidential
Communication Ope-rations Office (PCOO) dahil sa kontrobersyal na pede-ralismo video ni Uson.

Sinabi ni Villarin na kung sa ganitong klase rin lamang ng trabaho napupunta ang buwis ng publiko ay
mabuti ang i-zero na sa budget ang PCOO.

Binatikos din ng kong-resista si Mocha kasabay ng pasaring dito na Presidential office ay hindi isang
comedy bar kaya dapat niyang alalahanin na ito ay isa nang opisyal ng gobyerno na dapat ay nagpe-
perform hindi ng kalaswaan kundi ng kanyang trabaho nang may integridad at respeto.

Para naman kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, malaswa, mababaw at binabastos nina Uson ang opisina
nila sa Malacañang at hindi nila naiisip na isa itong napakahalagang usapin at binababoy nila ang
pagpapaliwanag dito.

National ID system batas na

MANILA, Philippines — Nilagdaan na kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Identification
System (PhilSys) Act o Republic Act 11055 na inaasa-hang magpapabilis sa mga transaksiyon sa
gobyerno.

Sa ilalim ng batas, isang ID na lamang ang dapat ipakita at hindi na kailangan ng napakara-ming ID kapag
may transaksiyon sa gobyerno. Inaasahan din na makakatulong ito para maiwasan ang red tape.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa isa niyang talumpati na inaasahang mababawasan ang katiwalian sa
pamamagitan ng naturang I.D.

Magkakaroon na ng isang Phil. Sys Number ang lahat ng Filipino kung saan nakapaloob ang
mahahalagang impormasyon katulad ng buong pangalan, address, petsa at lugar ng kapanganakan, sex,
civil status, signature, CRN at araw na inilabas ang card kasama ang pinakahuling larawan.

Ang mga Filipino na nagtratrabaho sa ibang bansa ay maaring magpa-rehistro sa embahada o consular
offices ng Pilipinas sa bansang kinaroroonan nila upang makuha ang kanilang National I.D. Libre ang
aplikasyon para sa ID system.

Naniniwala naman ang Malacañang na papasa sa “constitutionality test” ang batas sakaling may
kumuwestiyon sa Supreme Court.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque Jr., taliwas sa naunang National ID Bill na idineklarang
uncons-titutional ng Supreme Court dahil sa kawalan ng sistema para maprotektahan ang database nito,
ang bagong ID system ay tumutugon sa lahat ng “constitutional requisites.”

Sinabi ni Roque na kabilang sa benepisyo ng national ID system ang pagkakaroon ng isang database ng
lahat ng Filipinos.

Maiiwasan na rin aniya ang identity theft na malaking problema ngayon sa internet.

Ayon naman kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, principal author ng panukala sa Senado, hindi
dapat mag-alala ang mga mamamayan tungkol sa kanilang “rights to privacy” dahil masusunod pa rin
ang mga mahahalagang probisyon sa Data Privacy Act.

12
Bawas Presyo Bill solusyon sa inflation

MANILA, Philippines — Sa halip na patawan ng mas mababang taripa ang isda at karne para mapababa
ang inflation, sinabi ni Sen. Bam Aquino na dapat tutukan ng pamahalaan ang suspensiyon sa pag-
rollback ng excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion
(TRAIN) Law.

Iginiit ni Aquino na hindi dapat mabigatan ang pamil-yang Pilipino sa paghahanap ng solusyon sa
inflation, lalo na ang mga magsasaka at mangingisda na nahihirapang makipagsabayan sa imported na
produkto.

“Gusto natin solusyunan at aksiyunan ang taas-presyo, pero gawin natin ito na walang nasasagasaang
magsasaka’t mangingisda. Ipasa na sana ng Kongreso ang Bawas Presyo Bill,” wika niya na inulit ang
pa-nawagang isabatas na ang Senate Bill No. 1798, o ang kanyang “Bawas Presyo Bill.”

Layunin ng panukala ni Aquino na suspindihin at i-rollback ang excise tax sa produktong petrolyo sa
ilalim ng TRAIN Law kapag ang average inflation rate ay lumampas sa taunang inflation target sa loob ng
tatlong buwan.

Nagbabala si Sen. Bam na may panibago pang pagtaas sa excise tax sa langis sa January 2019 sa ilalim ng
TRAIN Law.

4 wanted na ex-solons narito pa sa Pilipinas

P1-M reward welcome sa PNP


MANILA, Philippines — Hindi pa nakakalabas ng bansa ang mga wanted na dating mga kongresista na
sina (dating Agrarian Reform Secretary) Rafael Mariano, National Anti-Poverty Commission Secretary
Liza Maza at dalawa pang dating mambabatas na ipinaaaresto ng isang korte sa kasong double murder.

Ito ang inihayag kahapon ni Philippine National Police Chief P/Direcror General Oscar Albayalde na
sinabing welcome sa PNP ang pagpapalabas ng P1 milyong reward laban kina Mariano, Maza, dating
Bayan Muna Reps. Satur Ocampo at Teddy Casiño.

“Walang indikasyon na umalis sila ng bansa, nandiyan lang sila,” ani Albayalde kung saan ay patuloy ang
pagtugis sa apat na mga dating mambabatas ng binuong tracking team ng PNP-Criminal Investigation
and Detection Group (PNP-CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI).

Kasabay nito, nilinaw ni Albayalde na ang P1 milyon na inialok ng Citizens Crime Watch (CCW) ay
monetary compensation lamang at hindi para mahuli ang mga akusado ‘dead or alive “ kundi reward sa
sinumang tipster na makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaaresto ng mga ito.

Kaugnay nito, muli namang umapela si Albayalde sa mga akusado na isuko na lamang ang kanilang mga
sarili sa mga awtoridad at harapin ang kaso na isinampa laban sa mga ito sa halip na magtago sa batas.

Magugunita na nag-isyu ng warrant of arrest ang isang korte sa Palayan City, Nueva Ecija laban kina
Mariano, Maza, Ocampo at Casiño kaugnay ng kasong double murder sa dalawang kataong karibal ng
mga ito na partylist groups na isinampa noong 2006.

Samantalang bukod sa mga ito ay naisyuhan din ng warrant of arrest ang mga militanteng opisyal ng
Bayan Muna na sina Vicente Cayetano, Delfin Pimentel at Emeterio Atalan. a

Imbentaryo ng kaso sa Ombudsman inutos

13
MANILA, Philippines — Ipababasura na ni Ombudsman Samuel Martires ang mga reklamong may isang
taon o higit pa na isinailalim sa fact finding investigation sa kanyang tanggapan.

Sa budget hearing sa Kamara, sinabi ni Martires na iniutos na niya ang pag imbentaryo ng mga kasong
nasa kanilang tanggapan para matukoy kung alin dito ang dapat maibasura.

Subalit nilinaw niya na ang gagawin nilang pagbasura ay hindi na nangangahulugan na hindi maaaring
muling ihain pa ang reklamo at magiging subject ng prescription.

Ang nasabing hakbang na ito ay bilang pagsunod sa pagsita ng Korte Suprema sa rami ng mga kasong
naibabasura ng Sandiganbayan dahil sa inordinate delay o iyong bagal at tagal ng poseso ng
Ombudsman.

Kaugnay nito, nilinaw din ni Martires na hindi nya agad ipapatupad ang dismissal order ng Office of the
President kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.

Ito ay dahil mayroon pang 15-days si Carandang para maghain ng motion for reconsideration sa pagsibak
dito ng tanggapan ng Pangulo.

Pinoy sa Afghanistan pinag-iingat

MANILA, Philippines — Mariing pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs ang nasa 1,500 Pilipino na
karamihan ay nagtratrabaho sa military bases ng Kabul dahil sa lumalalang karahasan dulot ng terorismo
sa Afghanistan na ikinasawi ng 30 katao kamakailan. Sabi ng DFA, ang embahada ng Pilipinas sa
Islamabad na nasa hurisdiksiyon ng Afghanistan ay patuloy na mahigpit na pinatutupad ang travel at
deployment ban sa nabanggit na bansa.

Dahil sa insidente, nagpahatid nang pakikiramay ang DFA sa pamahalaan ng Afghanistan. Mariing pinag-
iingat ng DFA ang mga Pinoy na nasa Afghanistan na tripleng pag-iingat at pagiging alerto ang pairalin
ng mga ito.

Reward vs 4 ex-solons itataas sa P2-M

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2018 - 12:00am


MANILA, Philippines — Planong itaas sa P2 milyon ang iniaalok na pabuya para sa pag-aresto sa apat na
militanteng lider.

Ang pahayag ay ginawa ni Atty. Ferdinand Topacio kahapon, bilang reaksyon sa pasaring ni Bagong
Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes na ang iniaalok na P1 mil-yong pabuya
ay isang PR gimmick at lame publicity stunt lamang.

Ayon kay Topacio, kung ang tingin ni Reyes sa pabuya ay ‘cheap’ lamang, ay maaari naman nila itong
gawing P2 mil-yon.

“Kung para sa kanya ay cheap yung P1 million, gawin siguro nating P2 million, titingnan natin kung may
magdo-donate,” anang abogado, sa pa­nayam sa radyo.

Nauna rito, sa isang Saturday forum ay inianunsyo ni Topacio ang P1 milyong reward na inilaan ng
Citizen’s Crime Watch (CCW), para sa pag-aresto kina dating bayan Muna Reps. Satur Ocampo at Teddy
Casiño, Rafael Mariano ng Anakpawis, at Liza Maza ng Gabriela na nahaharap sa kasong murder.

Ayon naman kay Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate, dahil sa hakbang ng CCW sa
pa-ngunguna ni Atty. Topacio, inilagay nito sa peligro ang buhay ng apat na dating mga mambabatas.

14
Tiniyak ni Zarate na mananagot umano si Topacio at ang grupo nito kung mayroon aniyang masamang
mangyayari sa nasabing mga dating opisyal ng pamahalaan.

Maaalalang nagpa-labas ng warrant of arrest ang Palayan, Nueva Ecija Regional Trial Court laban sa apat
na mga dating kongresista dahil sa kinakaharap nitong kasong murder kaugnay sa umano’y pagpatay sa
ilang miyembro ng grupong Akbayan.

15

Você também pode gostar