Você está na página 1de 4

Agang, Kendrix O.

September 18, 2017

Coretico, Meryjoy P. MTh 7:30 – 9:00

Ron, Chris Ever S.

Sulating Diwa No. 3

“Anu ano ang mga implikasyon ng mga maituturing na iba ibang mapanuring pananaw sa
pagtuturo ng nobela?”

Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari


na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinaka pangunahing sangkap ay ang
pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila isang
makasining na pag sasalaysay ng maraming pangyayaring mag kasunod at mag kakaugnay. Ang
mga pangyayaring ito ay may kanya kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang
matibay at kawili wiling balangkas na siyang pinaka buod ng nobela. Ang pag susulat ng nobela
ay mayroong ka akibat na layunin. Ilan dito ay ang (1) pag gising sa diwa at damdamin, pangalawa
(2) pag tawag sa talino ng guni guni, pangatlo (3) pag pukaw ng damdamin ng mambabasa, pang
apat (4) pag bibigay ng aral tungo sap ag unlad ng buhay at lipunan, pang lima (5) ang mag silbing
daan tungo sa pag babago ng sarili at lipunan, pang anim (6) ang mag bigay ng inspirasyon sa mga
mambabasa, at ang panghuli (7) ay ang pag pukas nito ng kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela.
May dalawang uri ng nobela, isa ay ang Nobelang pang relihiyon, at pangalawa ay ang Nobelang
mapaghimagsik. Ang nobelang pang relihiyon ay mga nobelang nagbibigay diin sa kabutihang
asal. Ang nobelang mapaghimagsik naman ay nagbibigay diin sa kalayaan, reporma, pagbabago,
at diwang nasyonalismo.

Ilang mga halimbawa ng nobela sa panahong kastila ay ang Doctrina Christiana na


nailimbag noong (1593) at isinulat ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva na tungkol
sa relihiyon. Isa pang halimbawa ay ang Barlaan at Josaphat noong 1703 na isinulat ni Padre
Antonio de Borja na tungkol sa relihiyon. Isa pang sikat na nobela ay ang Ninay na gawa ni Pedro
Paterno, at marami pang ibang halimbawa ng mga nobela noong panahon ng mga kastila. Ngunit
ang pokus ng papel na ito ay ang nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere, at ang mga implikasyon
ng mga ibat ibang mapanuring pananaw ito sa pagtuturo ng nobela.

Dahil sa Republic Act 1425, ang nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere kasama ang iba
pa niyang mga akda ay kaylangang pag aralan sa lahat ng mga pribado at pampublikong paaralan,
unibersidad at kolehiyo. Ngunit ang pagtuturo ng nobelang ito ay na aapektuhan ng mga ibat ibang
mapanuring pananaw mapatungkol sa nobelang ito (Constantino, 1969).
Nag karoon ng mga ibat ibang mapanuring pananaw ukol sa Noli Me Tangere dahil
maraming mga eksperto ang sumubok mag bigay kahulugan sa nobelang ito, at bilang resulta nag
karoon ng ibat ibang pananaw.

Kung susuriing mabuti, maoobserbahang mayroong tatlong pangunahing pananaw sa


nobela. Una ay mayroong mga nagsasabi na ang nobelang ito ay kumukontra sa mga pari at sa
mga praktis ng mga katoliko, pangalawa ay may ibang naniniwala na ang nobela ay isinulat upang
mag silbing pang gising sa mga Pilipino upang mag alsa laban sa mga mananakop, at ang pangatlo
ay ang paniniwala ng ibang mga tao na ang nobelang ito ay nagsilbing pampukaw sa mga
kababayan upang malaman kung ano talaga ang totoong nangyayari sa ating bansa at upang
maitigil na ang mga pang aabusong ating natatanggap.

Ayon sa sinabi ni Fr. Jesus Cavanna, ang nobelang ito ay hindi dapat pag aralan at dapat
na ito ay ipagbawal sa mga mamamayan. Si Fr. Jesus Cavanna ay naniniwalng ang mga nilalaman
nang nobelang ito ay hindi totoo at naglalahad ito ng mga maling kondisyon ng bansa sa panahong
iyon. Dagdag pa ni Fr. Jesus Cavanna, ang Noli Me tangere ay isinulat upang kontrahin ang mga
pari at sirain ang pananampalataya ng mga katoliko. Kaya naman si Fr. Jesus Cavanna ay hindi
sumasang ayon sa pag papatupad ng Republic Act 1425 o ang Batas Rizal, sapagkat sa tingin niya
ay hindi ito makabubuti para sa mga makakabasa ng nobelang ito dahil sa mga maling
impormasyon ayon sa kanya na matatagpuan sa nobelang Noli Me Tangere.

Mayroon namang mga naniniwala na ang nobelang Noli Me tangere ay isinulat hindi para
kontrahin ang simbahan at ang mga pari kundi ito ay nakatuon sa mga dayuhan na sumakop at
nang abuso sa atin noong panahon ng mga kastila, katulad na lamang ni Francia (2017). Ayon sa
kanya ang mga nakasulat sa Noli Me Tangere ay patungkol sa mga pang aabusong ginawa ng mga
mananakop sa atin. Pinapahiwatig dito na ang Noli Me Tangere ay hindi upang punan ang mga
maling praktis ng simbahan kundi upang gisingin ang mga mamamayan at hikayating mag alsa
laban sa mga mananakop na mga kastila na nang abuso sa mga Pilipino.

Ngunit sa mga salita naman ni Hau (2000) ay ipinapahiwatig niyang ang Noli Me Tangere
ay hindi ginawa ni Jose Rizal upang punan ang mga pang aabuso ng mga prayle, at hindi rin upang
hikayatin ang mga mamamayan upang mag alsa laban sa mga kastilang sumakop sa ating mga
Pilipino. Ang Noli Me Tangere ay ang nobelang nagsilbing pamukaw sa mga Pilipino upang
magkaroon ng kamalayan ukol sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. Ito ay naglarawan ng
totoong kalagayan ng ating bansa sa mga panahong iyon.

Dito ay binigyang pansin ang mga pang aabusong natatanggap ng mga Pilipino mula sa
mga mananakop, dito rin inilarawan ang mga maling praktis ng mga prayle na ipinapataw sa ating
mga Pilipino. Ngunit sa nobelang ito ay ilinahad din ng manunulat na si Jose Rizal ang mga maling
gawain na kinalululungan ng mga Pilipino, ang mga hindi mabubuting asal na ipinapakita ng mga
Pilipino sa mga panahong iyon, katulad ng mga ugali na hindi makikita sa tunay na Pilipino. At
dahil sa mga ito, ang nobelang isinulat ni Jose Rizal ay naging “objective”, ito rin ang mga dahilan
kung bakit naging isa sa mga makasaysayang mga nobela ang Noli Me Tangere dahil ilinalahad
nito ang totoong kalagayan ng bansa sa mga panahong iyon.

Dahil sa ibat ibang mga pananaw sa nobelang Noli Me Tangere nagkaroon rin ng ibat ibang
implikasyon tungo sa pag tuturo nito sa mga pa aralan.

Ang mga ibat ibang pananaw na ito ay isa lamang patunay na posibleng mag karoon ng
ibat ibang pagkakaintindi sa nobelang ito. Kung ito ay ituturo at pag aaralan ng mga studyante ay
posibleng magkaroon ng mga maling interpretasyon patungkol sa nobelang ito.

Sa pamamagitan ng pagtuturo at pag aaral ng nobelang Noli Me Tangere, ang mga


kabataan, mag aaral, at mga mamamayan ay mamumulat ang mga isipan at matutung mag pahalaga
at mahalin ang ating bansang pinanggalingan. Isang importanteng aral na matututunan sa nobelang
Noli Me Tangere ni Jose Rizal, ay ang hindi pag gamit ng karahasan o ang pakikipag away.
Ipinakita ni Jose Rizal sa pamamagitan ng pagsusulat ng nobela ay maaari mong ipaglaban ang
iyong mahal na bayan at hindi na kaylangan pang humantong pa sa sakitan. Ito ay isa sa mga
mahahalagang aral na dapat matutunan ng mga mag aaral, mga kabataan, at mga mamamayan sa
pag aaral ng Noli Me Tangere.

Ang mga ibat ibang aral na makukuha sa pagbabasa at pagsusuri ng nobelang Noli Me
Tangere ay ma aari paring magamit sa panahon ngayon kahit na ilang taon na ang nakalipas mula
ng ito ay nailimbag. Lalong lalo na at sa panahon ngayon ay maraming mga tao ang corrupt at may
mga hindi mabuting asal, mga asal ni hindi nag sisimbolo ng isang Pilipino. Sa ating panahon
ngayon ay mas kaylangan pa natin ang mga nobelang ito ni Jose Rizal upang matuto tayong
magmahal ng ating sariling bansa at mga kapwa mamamayan. Ngunit dahil sa mga ibat ibang
pananaw tungkol sa Noli Me Tangere ay kaylangan nating isaisip parati na kung magtuturo man
tayo ng mga akda ni Jose Rizal katulad na lang ng Noli Me Tangere ay dapat seguraduhin natin na
mga eksperto at mga tao lamang na lubos na nakakaintindi ng mga nobelang ito ang magtuturo,
sapagkat kahit na ano pa kabuti at kaganda ang aral na pwedeng matutunan sa isang nobela ay
pwede paring maging mali ang makukuhang aral kung ang pagtuturo ay hindi wasto.
References

1. http://rosiefilipino10.weebly.com/nobela.html#/
2. Constantino, Renato. 1969. The Rizal Law and the Catholic Heirarchy: In the Making of
a Filipino, A story of Philippine Colonial Politics
3. Francia, Luis. 2017. Introduction to Jose Rizal’s Noli Me Tangere
4. Hau, Caroline S. 2000. Introduction. In Necessary Fictions: Philippine Literature and the
nation, 1946-1980, 1-14. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.
5. https://tl.wikipedia.org/wiki/Nobelang_Pilipino

Você também pode gostar