Você está na página 1de 4

ANG KULTURA

NOONG PANAHON
NG KATUTUBO B
Kaugaliang Pilipino

 Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng
tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayang na malapit
dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas
kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan
na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng
mga lipunang Europeo at Amerikano.

 Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak.
Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-
anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng
mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-
kakakilala

 Pakikisama: Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba.

 Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga
tinatanggap na kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang
para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay ang pagiging magarbo ng paghahanda kahit na
hindi dapat sapat ang kabuhayan niya. Kung ay isa ay pinahiya sa maraming tao, sila ay nakararamdam ng hiya at nawawalan ng lakas ng
loob.

 Utang na Loob[1]: Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang dinaanan. May mga
kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan
 Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad. citation needed
 Delicadeza: Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar. Kailangang ang pagkilos ay tanggap ng lipunan
upang hindi marumihan ang dignidad ng mag-anak.citation needed
 Palabra de Honor: "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga sinabi nitong mga salita o pangako.
Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong
tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng
mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 426 taon, ay may malaking
kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay
maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay
magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang
mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong
Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa
katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay
ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan
ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.
Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing
sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas.
Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensiya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago
dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika
sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na
hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita
at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Instik. Ang ibig
sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga
sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.

Você também pode gostar