Você está na página 1de 1

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES }

CITY OF MALABON } s.c.

AFFIDAVIT

I, ARTEMIO AMBROSIO CAPARAS JR., 43 years old, with postal


address at Alahuli Masantol Pampanga, after being sworn in accordance with
law, deposes and states:

1. Na ako ay dating kasamahan sa trabaho ni JOEL PLATA BAUSAS sa


STRUCKTURA TEKNIKA SERVICE CORP na pag-aari ni JUANITO V.
PASIA;

2. Na nagsimula ko po syang nakilala at nagkasama sa trabaho bilang


construction worker noong August 2012 sa Hospital Project sa San
Jose Naval St. Navotas City;

3. Na matapos ang Hospital project sa aking pagkakatanda ay nalipat


kami sa Housing Project na located sa Phase I Gulayan St. Malabon
City;

4. Na noong February 2014 ay nagkasama rin po kami hanggang


December 2014 dahil pareho po kami ng Foreman na si Polding
Mores kaya kung saan man sya ilipat na project ay duon din po
ako;

5. Na ng matapos po yung housing project namin sa Gulayan noong


December 2014 ay inilipat naman kami sa school project sa Saint
Tress School Academy sa Manapat, Malabon City;

6. Na noong September 29, 2015 ay aking nasaksihan ang pagtanggal


ni Engineer Adrian kay Joel Bausas sa kadahilanan na hindi nya daw
pagpasok ng Linggo, September 27, 2015 araw ng Linggo at ng
Lunes. Akin itong nakita dahil naroroon ako malapit kay Joel at
Engr. Adrian habang sinasabi iyon;

7. Na samantalang ako ay hindi rin pumasok nuong araw ng Linggo


September 27 ngunit hindi ako kinuwestyon o tinanggal ukol dito;

8. Na wala po akong nalalaman o sinu man sa aming kasamahan na


may ililipat na trabhador sa San Roque Project sapagkat dito pa nga
lang sa project namin sa Saint Tress ay kulang na po kami sa tao at
minamadali ang trabaho, maglilipat pa ng trabahador;

9. Na ginawa ko ang salaysay na ito para patotohanan ang mga


nakasaad sa itaas at para sa anumang legal na transaksyon na
paggagamitan nito.

BILANG PATOTOO, ako ay lumagda sa ibaba nito ngayong ika-20 Hunyo


2016 dito sa Lungsod ng Malabon, Kalakhang-Maynila.

ARTEMIO AMBROSIO. CAPARAS JR.


Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this __th day of June 2016.

NOTARY PUBLIC

Você também pode gostar