Você está na página 1de 3

ALS pinalawig

Out-of School youth na nakinabang,nadagdagan

Sa apat na taon na pagpapatuloy ng Alternative Learning


System ng Mataas na Paaralan ng La Filipina para sa mga Out-
of-School youth at adults na maghahatid ng de-kalidad na
edukasyon na naging daan upangmakapagtrabaho, makapag
negosyo at magpatuloy sa kolehiyo ang mga nagsipagtapos sa
nasabing programa.

Mas pinaigting natin ang ating Functional literacy,kasi ito


ang competency ng ALS iba sa formal education, kung ano ang
kaalamang kailangan nila sa araw-araw yun yung tinututukan
natin,pahayag ng ALS Coordinator na si Eugene Abuloc

Dagdag pa niya, ang ALS ng paaralan ay may Best practices


dahil tulad ng Motivational Seminars, Retreats, Feeding
Programs at Intensive Review Schedule.
“Effective implementation ng programa at constant
encouragement to the learners is the foundation to achieve a
good relationship sa mga mag-aaral at panibagong istilo sa
pagtuturo,” pahayag ni Abuloc.
Ito umano ang naging sekreto ng kaniyang panunungkulan
kung kaya’t marami ang nakapasa at nagkatrabaho maging ang
nakapagpatuloy sa kolehiyo.
Ayon naman sa isang produkto ng ALS na ngayon ay
naghahanapbuhay sa isang Banana Plantation na si Daine
Bulabus, malaki ang pagpapasalamat niya sa programa
sapagkat nabigyan uli siya ng isa pang pagkakataon para
maabot ang kaniyang mga pangarap.
“Nagpapasalamat ako sa ALS dahil nakapag-aral ako ulit at
nakapagtrabaho, malaking tulong talaga ang programa sa mga
tulad ko na hirap sa buhay,” ayon kay Bulabus.
Base naman sa pahayag ni Analisa Diagdal, 35, isa ring ALS
graduate na ngayon ay isang Overseas Filipino Worker, malaki
ang naitulong ng nasabing programa sa pag-angat ng mga nasa
laylayan tulad niya upang matuto at makahanap ng trabaho.
“Mas nagpursige ako sa aking pag-aaral kasi napakaraming
tumulong sa amin, natutukan ang aming iba’t-ibang
pangangilangan at kakulangan lalo na sa kasanayan sa
pagsasalita at pagsusulat,” pahayag ni Diagdal.

Você também pode gostar