Você está na página 1de 4

ANG ALAMAT NG ALITAPTAP

Noong unang panahon sa isang malayong bayan,may magasawang Lee at Mae


na may kaisaisang anak na si Ali,si Ali ay isang maganda’t matapang na dalaga,ngunit
siya ay may di kaaya-ayang ugali di tulad ng kanyang mga magulang na pawang
mababait. Ang kanilang pamilya ang namumuno sa kanilang bayan kung kaya’t lahat ng
mga utos ng dalaga ay sinusunod ng mga tao doon kahit ito ay labag sa kanilang
kalooban dahil pag di nila ito sinunod sila ay ipapakulong ng dalaga. Sa kabilang banda
hindi ito alam ng kaniyang mga magulang ang kanyang mga masasamang gawain,dahil
nagbabait baitan naman ito sa kanilang harapan,kahit marami ng nagsusumbong sa
kanila tungkol sa ugali ng kanilang anak hindi sila naniniwala dito.Sa panahon nila
mahirap pa ang ilaw doon lalo na tuwing gabi.

Isang gabi naglalakad si Ali sa kanilang bakuran gamit ang isang lampara na
nagsisilbing ilaw niya sa pagkadilim dilim ng hardin. Nang nasa huling parte na siya,laking
gulat niya na maynakita siyang isang matandang lalaki nakayuko at nakaupo ito sa isang
madilim na lugar ng harden,siya ay nabigla ngunit matapang parin itong lumapit sa lalaki
at nagsalita “Sino ka? Ano ang ginagawa mo dito sa aking harden? umalis ka nga
diyan!”ngunit hindi ito sumagot,muli si Ali nagsalita “Ayaw mo talagang umalis diyan” at
tinadyakan ito ng paulit ulit,tumingin ang lalaki kay Ali,ang mga mata nito’y parang
nagmamakaawa sa kanya na para bang humihingi ito ng tulong,ngunit hindi ito pinansin
ni Ali “Kung hindi ka pa babangon diyan,ipapakulong kita sa aking mga guardia” salita ni
Ali at umalis na siya sa harapan ng matandang lalaki.

Nang naglalakad na siya at unti-unting lumalayo biglang namatay ang apoy ng


kanyang dinadalang lampara,kinilabutan siya bigla sapagkat wala namang malakas na
hangin upang ang dala dala niyang lampara an mapatayan ng ilaw,lumingon siya sa
kanyang likuran ngunit wala na siyang halos makita,nang pagbalik niya sa harap ay
humangin ng pagkalakas lakas at tila may lumalakad papalapit sa kanya,paglingon niya
uli sa likod may isang binatang lalaki na may dala dalang lampara ang mga mata nito’y
kumikislap na para bang mga bituin na kumikislap sa kalangitan,natulala ang dalaga sa
kanyang nakita,nahulog bigla ang kanyang loob “Abay pagkagandang dalaga ano ang
iyong sadya upang mamasyal sa kadilim diliman ng gabi?” biglang salita ng binata at
ngumiti ito kay Ali,ang kanyang ngiti ay nakakaakit,”Ano ang ginagawa mo dito sa aking
harden?” patapang na sagot ni Ali upang hindi ito mahalata,hindi sumagot ang binata
ngunit ito ang sinabi niya “Kailangan mo ng magbago Ali bago mahuli ang lahat”at may
biglang nagsalita sa likod ni Ali ”Ali halika na madilim na dito” lumingon si Ali at ang nakita
niya ay ang kanyang inang si Mae,sumagot naman ang dalaga ”Opo ina” at humarap uli
sa likod ngunit wala na siyang nakita,nawala bigla ang binata kaya sumunod nalang siya
sa kanyang ina.Ikwenento lahat ni Ali ito sa kanyang ina ngunit nakalimutan na niya ang
unang naging nangyari,ang mga sagot ng kanyang ina ay parang nagaalala ito ,hanggang
nakatulog nalang si Ali.Nang sumunod na gabi bumalik nanaman si Ali sa harden sa
pagkakataong ito hindi na niya nakita ang binata,gabi-gabi siyang pumupunta sa harden
ngunit palagi itong nabibigo at dala dala parin ang sinabi nitong “Kailangan mong
magbago Ali bago mahuli ang lahat” gumugulo ito sa isip niya.

Hanggang sa isang hating gabi nagpasiya si Ali na pumunta sa harden,sa


pagkakataong ito nagpakita na ang binata,tinanong ni Ali kung ano ang ibig sabihin
nito,sumagot ang binata ”Pinarurusahan ka ng aming mga pinuno dahil sa iyong
pagkawalang respeto sa kapwa,kung hindi kapa magbabago ay gagawin ka nilang
Alitaptap,tumawa lang si Ali ng pagkalakas lakas ”HAHAHA! Ako? paparusahan? Hindi
ako naniniwala,sino ba sila para parusahan ako? HAHA” salita ni Ali,sumagot ang binata
“Binabalaan na kita darating din ang panahong iyon” at naglaho ito. Sinabi uli ito ni Ali sa
kanyang ina,ang kanyang ina ay nagaalala ngunit si Ali ay hindi naniniwala dito.

Patuloy parin ang paggagawa ng masasamang gawain ni Ali,hindi ito tumigil. Nang
mag gagabi na binisita niya ang kanyang harden,may narinig siyang isang boses ng
matandang lalaki “Ang pagkawalang galang mo at paggagawa ng masasama ang siyang
napagdisisyonan namin upang parusahan ka” at isa nanamang boses ng matandang
lalaki “Hanggang ngayon,lilipad ka na at iilaw tuwing gabi” si Ali ay nangilabot sa kanyang
narinig at sinabi niyang “Wag po!” ngunit huli na ang lahat,bigla siyang lumiit na insekto
at ang kanyang tiyan pababa ay umiilaw.Nang maghating gabi na pagod na ang kanyang
mga magulang kakahanap sa kanya,pumunta sila sa harden at may nakita silang isang
munting insekto na umiilaw,naalala ng kanyang ina ang ikwenento ni Ali sa kanya at
sinabi ito sa kanyang ama. Mula noon ang insektong ito ay tinawag ng “Alitaptap”.

Você também pode gostar