Você está na página 1de 59

"SHE WAS LEFT

BEHIND AFTER

EVERYTHING."

Frey's POV
I was 18 and he was 19 — we were both in college when
we met. He courted me that time, and I accepted his love
after we graduated in college. After 3 years of being
girlfriend and boyfriend, we decided to get married… but
it is a secret wedding because his mother doesn't like me.
We married on a civil wedding without having any family,
relatives and friends as our witness. Only the judge and
God in our heart. And, it was the best moment of my
entire life - to promise to God that I will love this Man with
all my heart at any cost.
"Nag pakasal ka talaga sa babae na 'yan 'no?!" Sigaw ni
Mama — Mama ng asawa ko nang ipinaalam namin na
kasal na kami.
That is the reason why we chose to have a secret
wedding — for all we know is that maraming tututol.
"Pinagpalit mo talaga si Alison. Si Ali na kasama mo na
since middle school para sa babaeng 'yan?!"
"Well, Ma. Iv'e known her since she was 18 and it is
enough for me to marry her. Pinaalam ko lang para
malaman mo rin na ikakasal kami ulit ni Frey with our
family and friends as our witness."
Settle na ang plan na iyon until his mother cried infront of
us at nakiusap na 'wag muna. Nakiusap na itago muna
ang relasyon namin - na kasal na kami - itago ako
hanggang sa unti-unti n'ya akong matanggap. Pag-
aaralan pa daw n'yang tanggapin ako…
My husband disagreed to his mother's wants, but on my
side , I agreed and said it's okay. S'yempre as a wife, eh
gusto ko maging maayos kami ng Mama ng asawa ko, so I
agreed.
Our husband and wife relationship is smooth and well.
Masasabi ko na noong ikinasal kami at tumira sa i-isang
bahay ay iyon na ang isa sa mga pinakamasasayang
araw ng buhay ko. Yung gi-gising ako ng umaga para
ipagluto s'ya. A-asikasuhin lahat ng gamit n'ya, hihintayin
s'yang umuwi from work kasi alam kong excited s'yang
umuwi at balikan ako, matutulog kasama s'ya nang
magkayakap, at gigising sa umaga na s'ya agad ang
makikita ko. We would share hugs and kisses and tell
each other story everynight. I would feel so special and
loved in his arms. I swear, we are so inlove with each
other kahit na ang dami-dami na namin pinagdaanan.
Until dumating ang family gathering ng pamilya ng asawa
ko. I'm so excited that time.
"Eh 'di dapat mag mall na tayo ngayon, Hon. Para
makabili ako ng susuotin ko---"
"Hon, I'm sorry. Sabi kasi ni Mama ay 'wag ka daw muna
isama."
There it was...a bullet that shot my heart and left a hole
in there. I was so hurt. I wanted to cry, but I just smiled
for I understand the situation.
"Hmm. Okaay. Enjoy ka 'dun ah? 'Wag mo kalimutan i-
update ako."
"I will. I love you." He said as he kissed me on my
forehead.
I am not martyr, or whatever someone like that can be
called. Ang gusto ko lang ay magkaayos kami ng Mama
ng asawa ko. Ang gusto ko lang ay matanggap n'ya ako
kaya lahat ng gusto n'ya ay ginagawa namin.
Mahal ko ang asawa ko at ga'nun na rin ang mga mahal
n'ya sa buhay kaya kahit masakit pumapayag ako sa
gusto nila.
"Hon, hindi mo sinabi na may event pala kayong
pinuntahan?" I asked him while having a breakfast and it
was so casual as I tried to hide the pain and
dissapointment before his eyes.
"Hon, I'm sorry. Biglaan eh. Hindi ko na nasabi sa'yo.
Sorry."
"You were with Alison, right?"
Again, it's just a casual talk like another of our usual
conversation. I tried so hard to not stutter.
"Diba, family friend ng pamilya ko ang pamilya nila Ali."
He explained and I nodded.
I swear I understand that everytime he's out, he's there
for a family bussiness. And that everytime it happens, I'm
out of the picture. I still understand.
"Why are you with Alison? Again?!" I asked him. I'm so
mad. I feel so betrayed.
"Hon, hindi ko alam na kinontak s'ya ni Mama para
papuntahin 'don. Alam mo naman diba…"
And everytime he says he was sorry, everytime he hugs
me and kiss me I forgive and forget. Again and again,
until it became a cycle of our relationship.
"Hon, may gathering kami ulit at…"
"P'wede na ba akong sumama d'yan?"
"Hon… magkasama kami ni Ali doon. Nakiusap kasi si
Mama----"
"Okay. I understand."
"I love you." As he kissed and hugged me again, and after
a while left me alone in our house.
I was left alone while he was on his family, around
different business man, and again with Ali.
It's okay. I understand — for everytime he leaves that
door — for everytime I was left alone and abandoned, I
still understand.
And, I cried.
I was browsing his fb account when I saw a compilation of
pictures tagging him. There in the picture is a business
man, him ---- and Ali.
I read the caption, "Godbless to you Arch. Vibora and to
your gorgeous girlfriend."
I cried so hard that time. Lahat ng pagpapasensya at pag
intindi ko biglang naglaho. Sobrang galit ako to the point
na nag away kami that time.
"Frey, it was Mama. Pinakilala n'ya si Ali as my girlfriend
nang 'di ko alam."
I believed my husband's words that everytime he tries,
and explains, and said "sorry" I always forgive him. But
this time it is already hard to forget.
Paulit-ulit na pangyayari — paulit ulit na nasasaktan.
Paulit ulit na paghingi ng tawad at paulit-ulit rin na
pagpapatawad… pagpapakatanga.
"Do you still love me?" I asked my husband.
"Anong tanong 'yan. S'yempre, Oo. Mahal na mahal kita
Frey."
It was a relief. I know, he loves me. It is just me being
hurt, being jealous, insecure and dissapointed. Ako lang
ata ang may problema… Ako lang ba talaga?
Kasi, nakita ko sa fb ang post ni Ali kasama ang asawa ko.
Kumakain sila sa labas.
I read the comments:
"Whoa! Kayo na ulit?"
"First love never dies!"
"Saksi ako sa lovestory nito noong high school"
And it was like a knife stabbing me to death. Ang sakit
sakit. Sobra…
"YOU'RE WITH HER, AGAIN!!" I shouted and cried. My
tears escaped my eyes. Sa sobrang sakit ay hindi ako
makahinga.
Tuloy-tuloy na pagdurog sa puso at umaagos ang mga
luha. Paglamig at pagtigas ng puso, paghinto sa
pakikipaglaban na ikaw lang naman ang lumalaban...
Siguro tama na...
Tama na siguro sa pagpapainit sa relasyong matagal na
na nanlamig… tama na sa pagbuhay ng pusong matagal
ng namatay. Oh, yung puso ko lang ata yung namatay?
"Ano 'yan, hon?" He asked when I gave the folder.
"I want an annulment."
"WHAT?! NO WAY, HON!"
"AYOKO NA!" Sigaw ko pabalik.
"Ayoko na! Ayoko na maging anino n'ya!"
"AKO ANG ASAWA MO PERO S'YA ANG LAGI MONG
KASAMA! AKO ANG ASAWA MO PERO AKO YUNG
TINATAGO. AKO YUNG ASAWA MO PERO PARANG AKO PA
YUNG KABIT."
I swear, ito na ata ang pinakamasarap na feeling sa lahat.
Yung isigaw mo sa pagmumukha n'ya lahat ng hinanakit
at sakit na ikinubli ko mula noon.
"Hon, I'm sorr----"
"While everyone is admiring the both of you as a perfect
couple, here I am… left alone in these cold walls, left
behind with nothing." Parang bulkan na sumabog ang
luha ko, and I hate being weak in front of him.
"I was left behind, alone and abandoned after everything.
Hindi man ako kamahal-mahal pero may value pa rin
ako… may value ako kahit papaano. Mahalaga pa rin
naman ako."
Tama na ang kasinungalin na naiintindihan ko lahat. Tama
na ang pag iyak gabi-gabi. Tama na yung selos at
insecurities na pinapatay ako araw-araw.
Tama na…
"Hon, please, no… bigyan mo ako ng chance...a-ayusin ko
'to. Akala ko kasi kaya ko na ayusin mag isa. Akala ko kasi
kaya kong kontrolin si Mama. Hon, please…"
Ito na ata yung pinakamasakit. Yung taong pino-
protektahan at iniingatan mong 'wag masaktan ay
umiiyak at nakaluhod sa'yo ngayon.
Pero, pagod na ako. Ilang beses na akong nagpatawad at
nag give way… siguro, time naman na sarili ko naman.
"I already made up my mind."
"I'm sorry, Frey. Please…"
"Sorry can't fix bullet holes, Mr. Vibora. Baka hanggang
dito na lang talaga tayo. I am not your first love neither
your true love."
Si Ali naman talaga ang love of his life n'ya. Umeksena
lang ako sa larawan. I am just both a lesson and a curse
in his life — a part of his past that will soon be forgottten.
My husband did not want the idea of annulment. He was
desperate and was begging me to change my mind, but it
was me who wanted to free myself from pain.
This time, sarili ko na naman ang pagbibigyan ko.
So, after that huge fight - after I cried everything, I
packed up my things.
"Frey, please… don't do this. Nagsisimula pa lang tayo,
oh?" He said, while crying. There, it triggered me.
"Nagsisimula? Eh, parang tinapos mo na nga eh!"
Nangigigil na sambit ko.
Dire-diretso, I packed up my things and left. Hindi ako
nagpatinag sa pagpigil at pagmamakaawa n'ya. Because
this time, sarili ko na naman ang pagbibigyan ko. This
time, I am the one who'll leave - who'll leave this cold
house where my heart was left behind. And, this time, I
am the one who will leave him.
Leaving him was… was... oh my god! It hurts too much to
bear.
Sinilip ko kung may kotse na nakasunod sa'kin sa side
mirror, only to find out na wala. Dagdag sakit na naman
sa puso noong napagtanto ko na ni hindi man lang n'ya
ako sinundan. But, anyway kahit sundan naman niya ako
ay hindi na ako sasama at babalik pa ulit sa bahay na
'yon.
Napatingin ako sa cellphone ko na kanina pa ring nang
ring. On the callers ID was his picture, and below that, I
saw my husband's name in there. Pinatay ko nga at
tinanggal ang baterya. I even shut the GPS down ng kotse
so he can never find a way para masundan ako.
"Frey, alam mong mahal kita." I even heard his voice
echoing to my mind. 'Yung boses na mahirap marinig
mula sa mahal mo, boses na puno ng pagmamakaawa at
lungkot - and I shook my head off para mabalewala ito.
Why is everything so heavy? Maybe, it's because I know
that I have hurt him intentionally by leaving him, but I am
hurt, too. I know, it's somehow my fault kasi pumayag
ako na itago na kasal na kami. Pumayag ako sa gusto ng
Mama n'ya na itago na kasal na si Vince, ang asawa ko.
Pumayag ako....I agreed. But does it mean ba na I don't
have the right to feel hurt---to feel this way?
Pumayag ako na itago muna pansamantala pero hindi ako
pumayag na gaguhin ako patalikod o harapan man 'yan.
Wala sa usapan si Alison. Wala.
I've driven for hours, wandering around without getting
anywhere. Hindi ko alam kung saan pupunta. Basta, drive
lang ako nang drive. Hanggang sa napunta ako sa isang
over-looking sa Antipolo area. The distant view calmed
my heart na kanina pa durog na durog. Ang malakas at
malamig na ihip ng hangin ay mas lalong nag palamig sa
puso kong na-frozen na ata - Wala na ibang maramdaman
kundi sakit.
What did I do to my past life that led fate to give me so
much pain in the present? I am too nice to be treated this
way. I treated them nicely, giving them respect that they
deserve even though they hate me to death.
I don't deserve those kind of treatments. I don't deserve
this pain!
Tulala sa kabuohan ng Manila, at isang luha ang pumatak
sa mga mata ko. Akala ko noong una ay patak lamang ng
ulan. Ngunit masyado itong mainit kaya nahimasmasan
ako. Inalala ko kung paano ako nagmukhang pathethic sa
harapan nilang lahat.
Pagtapos ko tingnan ang mga litrato nila ay pumunta ako
sa bahay nila Mama. Para sana makiusap na h'wag
naman paglapitin ang asawa ko at si Ali.
Respeto na lang sana sa'kin. Kahit respeto lang... bilang
asawa… bilang isang babae.
"Shut up, Freya! Alam mo na ayoko sa'yo tapos pupunta
ka dito para manduhan ako? Mas lalo mo akong
binibigyan ng dahilan para kaayawan ka!" Sigaw n'ya
sa'kin.
"Mama, ano po bang ayaw n'yo sa'kin? I am a degree
holder, may magandang trabaho. Hindi lang ako basta
palamunin ng anak n'yo. I also came from a good and
well-known family---"
"I just hate you for my son. Alam ko na malinaw sa'yo
'yan! Alam mo na pinakausapan kita noong nag-aaral pa
lang kayo ng anak ko sa kolehiyo na hindi ikaw ang gusto
ko para sa anak ko, kundi si Alison."
There, I have realize that no matter how good you are as
a person, no matter how far you mange to go through, no
matter how educated you are, no matter how nicely you
treat the people around you, they will never like you if
they just simply hate you. Without any valid reason, they
will hate you just because they hate you. Nothing more,
nothing less.
Another day wasted… another day risking my heart,
hoping she'll accept me. It ripped my heart out.
Ang sakit!
My Parents would would tell me that I should let my
mother-in-law to hate me to death. Besides, ang anak
naman n'ya ang mahal ko at pinakasalan ko. Pero, hindi
kasi 'yun ga'nun.
Hindi ga'nun 'yun… nothing hurts more when you're not
even recognized by your husband's family. Pakiramdam
ko ay pinagsisiksikan ko lang ang sarili ko.
"Naiintindihan ko po, Ma." I said before leaving. I
respected her. I should understand her. Hindi na'tin
p'wedeng pilitin ang iba na magustuhan tayo dahil lang
gusto na'tin na matanggap nila tayo. May sarili silang
opinyon tungkol sa'tin na kailangan rin natin intindihin.
It's sad, but that`s the reality.
Isang ihip pa ng hangin at sunod-sunod na hikbi ang
kumawala sa'kin. Gosh! I almost beg! No… I really did
beg. I begged for her to just like me. Gosh! I looked so
desperate and pathetic.
So that night, in that cold place with the city lights of
manila in the view, where the stars and moon serves as
my light, I cried everything. Again and again, the stars
above witnessed yet again how broke and pitiful I am.
One week akong walang contact kahit kanino. Sa isang
maliit na Hotel pero may maayos na bedroom at comfort
room ako tumuloy. Dinamdam ko ang sakit nang magisa.
Halos mabaliwl ako dahil dito. And finally, sige. Time na
para harapin siya - ang asawa ko.
Binuksan ko ang phone ko and it was flooded by
messages and countless misssed calls from him.
Sinubukan ko na 'di maiyak. But I feel so guilty. Sabayan
mo pa ng katotohanan na I am longing for his hugs…
I missed him…
Umuwi ako sa bahay namin, doon sa bahay ng mga
magulang ko. As expected, s'yempre alam na nila ang
nangyari sa'min ni Vince. Dahil hindi maaari na hindi s'ya
pumunta rito.
"Hija, sigurado ka ba d'yan sa desisyon mo?" Tanong
agad ni Mama.
"S'yempre, `Ma. Sigurado ako."
Dati ang laging sinasabi sa'kin ni Mama, “Galingan mo at
resputihin ang byenan kasi darating ang araw na
magugustuhan at matatanggap ka nito.”
Pero, sa case namin ay parang never na ako 'nun
magugustuhan.
Pumasok ako sa kwarto at binuksan ang laptop. Nag log-
in sa facebook gamit ang account ni Vince. Nakita ko na
naman ang mga bagong litrato nila. Holy! Kami nga ni
Vince ay wala man lang litrato na in-upload sa fb. Hays!
Ang swerte naman talaga ni Ali. Tawa ko na lang 'to. Haha
~
I clicked the picture and read some comments. As usual
nasaktan na naman ako. Everyone adores them…
everyone likes her for him; while here I am… no, I
shouldn't compare myself to her. Because I know my
worth, I know my value. I am an expansive one.
"Kayo na ba ulit? Enlighten us!"
"Walang kupas ang sweetness since high school ah?"
And one comment caught my attention. It's from one of
our friends back in college.
"Bro, nagkabalikan kayo? Saan na si Frey? Wala na kayo?

Vincent Vibora: No, friends lang kami ni Ali. Kasal na ako
kay Freya Vibora.
Can I effin shout? Scream in pain? He even mentioned my
private account where I am using his surname! I wanted
to cry. Why do you need to do this Vince? I already made
up my mind. Ayoko na talaga!
I logged out his facebook kasabay ng pag-beep ng phone
ko.
"Please, Freya. Comeback to me…"
"Uuwi ako d'yan." I replied.
Naligo muna ako at nagbihis, at madalian na nag drive
pauwi. Nang nasa tapat na ako ng bahay namin, it
brought me so much pain as all the memories flashed in
my mind. It hurts like hell!!!
Dinampot ko agad 'yung folder at pumasok na sa loob. I
saw him. He looks so fine, but his eyes tell another story -
he is devastated; just like me.
"Wifeeee!" He screamed for his longing.
"Don't call me like that. Just sign these papers." Aniya ko,
at nilahad ang divorce papers. Nakita ko kung paano unti-
unting nawala yung kinang sa mga mata n'ya, at kung
paano 'to nagsimulang mag tubig.
"Honey, please…"
"No, stop. I`m serious about this."
"Bakit? Handa na nga akong ipaglaban ka. Kung si Mama
ang iniisip mo 'wag mo na 'yun pansinin kasi wala akong
pake sa kanila kaya dapat ikaw din----"
"Nahihibang ka ba? Mama mo 'yon!"
"Mama ko lang s'ya pero ikaw ang mahal ko! Ano gusto
mo pirmahan ko 'yan tapos pakasalan ko si Mama?"
"Pakasalan mo si Ali para sumaya Mama mo."
"Oh god you sound like a high school jealous girl--"
"Shut up! What I feel is beyond that! I am not just jealous.
I am hurt! Kaya pirmahan mo na 'to!" Hindi ko mapigilan
ang pagtaas ng boses ko.
"Ano ba?! Stop pushing me away. H'wag mo na nga
sabing alalahanin si Mama."
"Vince, parati lang tayo mag aaway dahil sa Mama mo.
Hanggat 'di n'ya ako tanggap at gusto para sa'yo, wala
tayong patutunguhan."
"Really, Frey? Importante ba ang mga taong nasa paligid
mo kesa sa'tin?"
"Oo!" Sigaw ko. Mangiyak-iyak na.
Hindi ba ay tama naman ako sa desisyon ko? Hindi ako
matatahimik hanggat alam ko na may mga taong tutol
sa'min. Hindi ko 'yun gusto. Ang gusto ko ay suporta.
"Edi fine, Frey! Umalis ka kung gusto mo. Iwan mo ako
kung gusto mo. Pero hindi ko pipirmahan 'yan."
And, by that I know wala na akong magagawa kaya
umalis na ako at umuwi kina Mama. Masakit pa rin, pero
ngayon may determinasyon na ako kahit papaano. Alam
ko na kaya ko.
Ang mga araw ko ay nilalaan ko sa kung anu anong
bagay para lang 'di ko s'ya maisip. Buong isang linggo
ganoon ang ginawa ko.
But I can't stop thinking about him. There's a part of me
na gustong bumalik at isugal na lang ulit lahat; I-risk ulit
ang lahat. But, everytime…that I miss him, I just think
about how much he have hurt me, and how much they
hurt me and then again I'm fine.
"Nasa labas si Vince." Aniya ni Papa, kaya lumabas ako
kahit madilim na. Nakita ko doon si Vince. Nakatayo sa
kotse n'ya at nang makita ako ay agad s'yang lumapit
sa'kin.
"Kamusta na, Frey?" Aniya.
Ramdam ko ang nginig sa boses n'ya…
"Ito durog pa rin, but still breathing."
"Same." Sabi n'ya.
"A-ano, frey… buo na ba talaga desisyon mo? Wala na ba
talaga akong magagawa para mabago?" Bawat nginig ng
boses n'ya ay ang bawat pagkabiyak ng piraso ng aking
puso.
"Buo ang desisyon ko at alam mo 'yan." As I said that,
dalawang malalaking kamay ang yumakap sa'kin. Naiyak
ako nang maramdaman ko ang mga luha n'ya sa aking
balikat. Ito na naman… bawat patak ng luha n'ya ang
s'yang pagkadurog ko.
"Okay, okay, I understand, Frey. I understand… but still
the hardest part is letting you go…" And, we cried while
he was still hugging me.
Love is not being in love all the time. It's somewhat
hurtful that sometimes, no matter how in love the both of
you are into each other, if it is too much to bear already,
you have to learn to let go. It's about taking risks - risking
your heart on the broken lane; letting go of that
something that is already too much to bear, and there's
the part of acceptance. Accept that when love alone is
not enough anymore, you also need to let go of someone.
"I think it's time for us to move on." Pagkasabi ko ay ang
pagkalas n'ya ng yakap sa'kin.
"No. Shut up, Frey!"
"What?" Tanong ko habang natatawa at saka pinunasan
ang luha.
"Papatulugin ko lang muna iyong pusong napagod. I'll
wait for you… I will." He said; and I nodded.
Ngumiti ako habang unti-unting kinakain ng distansiya
ang sasakyan niya mula sa paningin ko. Noong wala na
ay pumasok na ako sa loob ng aming bahay. Doon,
tinatanggap ko na ang kapalaran naming dalawa. Wala
pang ilang hakbang ang aking nagawa at ako`y napaupo
sa kakaibang pakiramdam sa aking sistema.
“Sana magising pang muli itong puso ko para makabalik
agad ako sa'yo…”
*playing to Malaya kana by Moira

Vince's POV
"Vince, are you still pursuing 'that' girl?" Tanong ni Mama
sa gitna ng hapagkainan; tinutukoy si Freya.
"Yup. Still pursuing her." I said firmly.
"You must stop that and start going out again with Ali---"
"Ma!"
Hindi ko mapigilan na mapataas ng konti ang boses ko.
"Isang taon na kaming wala ni Ali. You should get over
her, because we're over."
Noon pa man, ayaw na ni Mama kay Frey. Si Frey kasi ang
sinisisi n'ya why I don't want to be with Ali anymore when
in fact isang taon na kaming wala ni Ali noong makilala ko
si Frey.
Alison was my highschool love. We've been together
since middle school - highschool love and puppy love,
they say. But, we broke up noong mag co-college na
kami. Hindi ko kasi makita na si Ali yung makakasama ka
for lifetime. I have realized that what I feel for her was
just 'bugso lang ng damdamin' ng isang wala pang
muwang at napakabata kong puso. You know, crush-crush
na sineryoso ko kasi akala ko it's what they call 'true
love', pero hindi pala. When I finally met my Freya, yes
'my Freya', I have come to realize that I am just hooked
with the concept of being in-love before. But now... with
her...with Freya, my heart finally got a hold of something
much purer than love. Love, no. It's actually an
understatement. What I feel for her - It's way beyond
that.
Mama and Ali were so close to each other. Plus, malapit
na kaibigan pa ang pamilya nila Ali sa'min. Mabait naman
kasi si Ali at iyon siguro ang nagustuhan sa kan'ya ni
Mama. Tapos ang dami pa nilang napagkakasunduan sa
mga bagay-bagay. Kaya noong nalaman ni Mama na wala
na kami, parang s'ya pa 'yung mas broken hearted at
gusto na magkabalikan kami. Eh, ayoko na nga! Ang kulit
kulit! Pinagpipilitin yung hindi na p'wede.
"I'm sorry po, Tita at Tito." Paghingi ko ng sorry sa mga
magulang ni Frey noong malaman ko na chinat pala ni
Mama si Frey at kung anu ano ang pinagsasabi.
"I'm sorry, Frey."
"Okay lang, Vince." And she smiled.
Imagine, since college dala-dala na n'ya na yung burden
na ayaw sa kanya ni Mama. Isa rin yun sa dahilan kung
bakit after na namin grumaduate ng college ako sinagot
ni Frey. Gusto n'ya kasing makita ni Mama na deserving
s'ya para sa'kin kaya magtatapos daw muna s'ya. Ngunit
hindi umayon sa plano...hindi 'yun nakita ni Mama.
Sa loob ng tatlong taon, hindi naging maganda ang trato
ni Mama sa asawa ko. Hindi niya ito kinakausap kaya
parang nagsasalita lang sa hangin si Frey sa t'wing
sinusubukan n'yang i-approach si Mama. Magpaparinig
about Ali ganoon, Ali ganyan; kaya naman as to respect
Frey's feelings ay hindi ko na lang s'ya dinadala sa bahay.
Pumupunta na lang ako sa kanila tutal doon ay tanggap
kami.
"Kailan mo ba hihiwalayan 'yang nobya mo?" Pag u-ulit na
naman ni Mama.
"Ma, please…"
Sa sobrang pressured ko kay Mama sa paulit-ulit n'yang
pagsasabi na hiwalayan ko na ang girlfriend ko at walang
ibang bukambibig kundi ang bumalik ako kay Ali ay
pinakiusapan ko na si Frey na magpakasal kami. We're
both adults na naman so 'di na kailangan ng parent's
consent. And, I know it's a selfish act. I'm aware of the
fact na ang kasal ay pinagiisipang mabuti. But I was sure
about Freya. Sigurado ako sa kan'ya. So without thinking
about the posible consequences, pinagpilitan ko pa rin.
"Are you sure with Mama, hon?"
I asked freya about 'dun sa gusto ni Mama na itago muna
ang lahat about marriage. Ewan ko ba at hindi ko
maintindihan. Itatago hangga't 'di n'ya tanggap asawa
ko?! That's bullshit! But, for the sake of Frey, I'll let my
Mama control everything.
"Yeah." Aniya.
I sighed. I don't know what to do. I don't wan't her to be
kept. I don't want us to be a secret. But, I know, Freya
was so eager to settle things okay with Mama; that's why
she agreed.
Okay na lahat. Wala na problema. Ang hinihintay ko na
lang ay matanggap na ni Mama si Frey. Ginagawa rin
naman lahat ni Freya just so my mom would learn to
accept her. Until, dumating yung time na kailangan ko
munang hawakan yung negasyo ng pamilya. Alam ko
doon nagsimula lahat eh… dahil doon din nagsimula si
Mama na gumawa ng mga bagay na hindi ko gusto at my
back.
"H'wag mo muna isama iyang asawa mo. Ayoko s'ya
kasama sa isang kainan." Aniya ni Mama.
Ni hindi man lang inisip na masasaktan ako sa ginagawa
n'yang pag taboy sa asawa ko. Those kind of scenes and
events begun to happen oftenly.
...and I know it hurts my wife so much. But the worse is
that I don't even know what to do.
"Okay. I understand" She said for countless times already.
And a strangled smile fell from her face.
"I love you. Sobra." I said as I kissed her in the forehead.
I will never get tired reminding her of those 3 words.
Two weeks have gone since I've been away for our
business. Freya and I haven't even had a nice talk during
that span of time. Kahit pagawag 'di ko magawa sa
sobrang busy. Eveyday, I feel a little bit further away from
her. Now, I don't even know if this late night message will
do any good for us.
"Sorry, Frey. Ang dami kasing dapat ayusin." Pag tipa ko
at saka sinend dahil nang tumatawag ako ay wala naman
sumasagot. Siguro ay nakatulog na iyon kahihintay.
I took a deep breath. Another timezone taking me away
from you, I really miss you, hon.
I wish I was back home next to you. God knows how much
my heart wants to come home. I wish I was beside you…
I'm so stressed of how I can handle our bussiness while
my wife sleeps alone and cold in there. Sumasabay pa
'tong mga kalokohan ni Mama na minsan nagiging
dahilan ng pagiyak ni Freya.
"Ma! Stop pushing me with Alison!" Nag-iinit na ulo na
sambit ko.
"Okay kami ni Ali. Tanggap n'ya na wala na kami. Ikaw na
lang 'tong hindi."
Umalis na lang ako at baka ano pa ang masabi ko.
Gustong gusto ko na na awayin si Mama eh. Ang kaso
iniisip ko ang asawa ko. Ayaw n'ya na nag-aaway kami ni
Mama - lalo na kapag dahil sa kan'ya. I don't want her to
feel bad about herself kaya sobra-sobra ang pagtitimpi ko
sa ginagawa ni Mama.
On that friday night, dali-dali akong bumaba ng sasakyan
at tumakbo papasok ng bahay dahil sa pagtatakhang
patay ang ilaw sa loob at sa garahe lang ang bukas. As I
went inside, I immediately turn the lights on and run to
our room only to find my wife crying there.
"Wife…" Madalian akong lumapit sa kan'ya.
Nakayuko s'ya doon sa gilid ng kama. Magtatanong pa
lang sana ako kung anong nangyari ay nakita ko na kung
ano ang iniiyakan n'ya sa laptop. Agad ko itong isinara at
niyakap s'ya. She was terribly shaking as she cries out…
and it literally tore me apart.
I hugged her so tightly, affraid she will slip away.
"Hon, mali ang iniisip mo. Wala 'yon… hon, please, don't
cry."
Wala s'yang sinabi ni miski isa 'di katulad ng dati.
Hinayaan n'ya lang ako na nakayakap sa kan'ya
hanggang sa makatulog s'ya. Hanggang sa nagtuloy-tuloy
yung mga eksana na ga'nun… Mga away na hindi ko na
ma-kontrol. Nasisigawan ko na rin s'ya…
"Ikaw naman 'tong pumayag na itago ka ah?! Now, bear
the consequences!"
As I let those fucking words go out of my system, tears
escaped from her eyes, too. And it wouldn't stop.
Agad ko s'yang inabot at niyakap. Walang katapusan na
paghingi ng tawad ang binanggit ko.
"Sorry, Frey… hindi ko sinasadya."
Fuck this! Nakisabay pa 'tong luha ko. Fuck! I didn't mean
that… fuck it! I'm just trying to make up her mind… holy!
What's more worse when you can't even find the right
words for her to feel secured and make her feel better?
I suck! I'm the worst!
"It's okay, Vince. I know, it's my fault so I shouldn't feel
this way…"
"No, it wasn't your fault… it's not…" Napapikit ako. Hindi
alam ang sasabihin at paano mababawi lahat ng naipon
na sakit at mga salitang binitawan ko...
When bitter words has been spoken, everything gets
broken afterwards… Everything you built, it will get
destroyed in a snap. I was so dense ignoring the signs
while she was changing… getting colder than the nights
we used to cuddle intimately just to have a sense of
something warm. She finally started feeling so tired to
fight for this relationship of ours. And here I am, standing
alone with nothing to do and nothing to say. What a
coward am I?!
"I wan't an annulment." Para akong nabingi sa mga
salitang binitiwan n'ya. Pinipilit ipasok sa isip na mali
lamang 'yung narinig ko… na nagkamali lang ako ng
dinig.
Sana nga nagkamali lang ako ng dinig…
Pilit n'ya sa'kin ibinibigay yung folder ngunit hindi ko iyon
hinawakan. Ni dulo ng daliri ko, hindi ko hiniyaan idampi
doon. The pain stabbed my chest without stopping. Hindi
makapaniwala na ga'nun na pala kabigat yung sakit na
dala-dala n'ya.
And, fuck! I'm so clueless about that! Ganoon ba ako
naging ka-insensitive? Naging sobrang manhid ko ba kaya
na ne-neglect ko na s'ya?
Sa lahat ng sinabi n'ya, ang salitang "Ayoko na" ang
pinaka masakit. Sa lahat ng sakit… sa lahat ng obstacle
sa 'ayoko na' lang ba mauuwi ang lahat? Ganoon ba 'yon?
And, shit! Who am I to ask when I let myself become
insensitive and clueless about her feelings?
"Hiwalay agad, Freya?" Tanong ko habang tumutulo ang
mga luha at pinapanuod s'yang iniimpake ang mga gamit
n'ya sa kwarto.
Hiwalay ba agad kapag nasasaktan? Nasasaktan din
naman ako ah! Naiipit pa nga ako sa sitwasyon na never
kong ginusto.
"Freya!" Sigaw ko. I'm so frustrated about everything.
Ano?! Hiwalay ba agad? Annulment agad? Hindi ba
p'wedeng pag usapan muna? Hindi ba`t madadaan
naman itong lahat sa mabuting usapan? Hindi ba ay
maaayos naman ito sa magandang usapan… ang hindi ko
lang alam ay kung maaalis yung sakit na dala nito sa
magandang usapan na sinasabi ko. Fuck!
How can we undo all the pain? I asked you God to give
her to me, and I've never wanted to give her too much
pain.
Pilit kong kinukuha yung bag na dala n'ya ngunit hinila
n'ya lang 'to pabalik at padabog na itinapon sa loob ng
sasakyan n'ya.
"Freya, ano ba?!" Nafu-frustrate na sabi ko at hindi na
alam ang gagawin. "H'wag mo nga muna pairalin 'yang
galit mo!"
"I am not just mad, I'm hurt." She said at padabog na
pumasok sa driver`s seat at isinara agad iyon.
"Freya!" I called her name habang pinapanuod na umaalis
yung sasakyan. Lulan ng distansiya ang mga alaala ng
nagbabadya na na mawala at makalimutan. As she was
leaving, as she walks out of this place, she left me alive;
barely breathing.
Napahilamos na lang ako sa mukha ko at saka sinipa
yung sasakyan ko. Ano? Wala kang balak sundan?!
Putangina!
Sumakay ako sa kotse at agad na pinaandar ito. Hindi
dahil su-sundan ko si Frey, kundi para pumunta sa bahay
ng magulang ko.
"What's the commotion here?" Narinig ko ang boses ni
Mama noong basagin ko yung vase na naroon sa sala
dahil sa sobrang galit ko.
"Son, what happened to you?"
"Ha! Ano 'Ma? Masaya kana, ha? Pinatulan na ni Freya
'yang matagal mo na na gusto!" I yelled as I fail to control
my anger. I wanted to punch someone straight to the
face, I swear to God.
Sumilip ang mga ngiti sa labi n'ya. "That's good. Now, go
out with Ali. Besides she's still single. Inaantay ka lang
'nun."
WHAT THE HELL?!!!!
"FUCK!!" I screamed at tumalikod na lang paalis dahil
wala akong mapapala sa pakikipagusap kay Mama.
At hindi na rin dapat pang tanungin nang paulit-ulit kung
bakit ayaw n'ya sa asawa ko dahil obvious naman na ang
sagot.
I drove for hours to find my wife. Bombarded her with
messages and calls but I cannot reach her. Pati ba naman
signal sa phone, sumuko na rin? She even shut the GPS
down. Damn it! I drove for miles and for hours going to
her favorite places, hoping I could find her there, but not
even her shadow is present anywhere.
I stopped the car in front of the church. I could stand
there for hours praying to Him to get my wife back. Is
anyone here making believe?
Halos lahat na napuntahan ko pero 'di ko s'ya mahanap.
Umuwi ako ng bahay namin. She is everywhere I go and
everyone I see. The winds blew and I still can't asleep.
Well, its three o'clock, friday morning. I'm just hoping
she'll come back to me. One week na na wala s'ya. One
week ko na s'yang 'di ma-contact. Saka lang tumulo yung
mga maiinit kong luha noong mapagtanto na baka 'di na
talaga s'ya bumalik.
Buo naba talaga desisyon n'ya? Paano naman ako?
Damn! Damn!
I texted her hoping I could get a reply. It didn't fail me.
"Uwi ako d'yan." I read so many times for all I thought na
nag ha-halucinate ako pero hindi, kasi dumating s'ya at
pilit na pinapa-pirma sa'kin ang annulment papers.
"Edi fine, Frey! Umalis ka kung gusto mo. Iwan mo ako
kung gusto mo. Pero hindi ko pipirmahan 'yan."
I know there are a million reasons for her to go. Wife,
please, take my heart as you leave because I don't think
I`ll be needing it anymore.
Ilang linggo na naman akong pinapurusahan magisa dito
sa bahay. Ang hindi s'ya makausap, makasama at hindi
makita, isa iyong mabigat na parusa. In this cold house,
it`s creeping me up inside and reminding me that I can
never bring her back again.
"Buo ang desisyon ko. Alam mo 'yan." Tuon n'ya noong
gabing iyon.
Sinuntok ko yung pader sa sobrang pagka-frustrated. It
feels like my clouds changed from the brightest to grey.
Badtrip! Bakit nagkaganoon?
Habang s'ya ay sinusubukan akong kalimutan, nandito
naman ako nag aantay sa pagbabalik n'ya.
"No way!" I screamed. Tumayo ako at lumabas ng garahe.
Agad kong binuksan 'yung kotse at pumasok.
Sabi ko, pahinga lang. Sapat na siguro yung isang buwan.
Nakapagpahinga na itong akin. Sana nakapagpahinga na
rin 'yung kanya.
Pinaandar ko yung sasakyan papunta sa bahay nila Tita.
Susunduin ko na yung anak nila. Mag asawa pa rin kami
so there's nothing who can hold me back now na may
chance na maghihiwalay kami. It's selfish, I know, pero
kailangan namin 'to ayusin. Hindi pa huli ang lahat. Hindi
pa…kaya itatayo ko ulit, one more, itong puso ko.

Frey's POV
Ilang mabibigat ba na buntong hininga ang aking nagawa
pag tapos ng aming pag-uusap nang gabing iyon? Hindi
ko na mabilang. Deep sighs, heavy breaths and pounding
heart dominated my entire system. Sobrang bigat sa
dibdib, at hindi ko mawari kung pagsisihan ko ba o dapat
akong mag saya.
"Hija?"
"Po?" Pag sagot ko kay Mama nung pagpasok ko ng
bahay noong gabing iyon.
"Okay na kayo ni Vince?"
"Yup." I said, wanted to cut the conversation short.
"Hmm… nawa'y magdasal ka at humingi ng kahit anong
sign kung nararapat ba ang desisyon mo."
That's what my mother said that night that caused a
chaos and calamity on my mind, ravaging my thoughts
with torrent of emotions. That night didn't let me to sleep,
his face kept flashing on my mind like a scene out of a
broken movie.
Was I a fool with the decision that I've made? But, then
again, whenever I think how much it hurts me, my mind
begins to start reminding myself that it was the best
decision so far that I can think of: freeing myself from the
pain and stress. In the end, all we concern about is
ourselves, not everyone, but ourselves, and how we
gonna live with it.
Sa isang buong linggo ay binuhos ko ang aking atensyon
sa mga bagay-bagay upang hindi ko s'ya maisip. Ngunit
hindi talaga maiiwasan na hindi s'ya mapadaan sa isip ko.
At sa t'wing nangyayari 'yon ay sobra akong
nakakaramdam ng guilt. Thinking that I have to hurt him
just to heal myself from the wounds, that I have to hurt
the one I vowed myself to love eternally in the eyes of
God - am I being selfish? Oh, god! At talagang nagtanong
pa ako at abvious naman ang sagot.
I shook my head. You can't blame me. None of them have
the rights to blame me when they are the reason why my
heart is wounded. None of them.
Sa sumunod na linggo ay bumalik ako sa trabaho sa isang
advertisement company. Tinuon ko ang buo kong
atensyon doon hanggang sa hindi ko na naiisip si Vince.
Sa hirap ba naman ng ginagawa namin ay maiisip ko pa
ba s'ya? Nag inat-inat ako ng katawan dahil nananakit na
ang aking likod sa magdamag na nakaupo dito at kaka-
edit. Tinanggal ko ang aking eye glasses na ginagamit ko
lamang sa t'wing haharap sa kompyuter at sumandal sa
aking upuan. I'm tired…
"Ma'am, may nag papaabot po." Agad akong napatingin
kay Manong guard at nilipat agad ang paningin sa
kanyang nilalahad na paper bag na may tatak ng isang
sikat na restaurant.
"Uhm… kanina po galing?" I asked out of curiousity and
my heart jumped as I held the thing.
Agad kong tinignan ang loob at nadismaya noong makita
ang penmanship sa letter na nakadikit sa styro na
binabalutan ng pagkain. Akala ko ay… oh gosh! Nasapo
ko ang aking noo noong mapagtanto na umasa ako na sa
kan'ya galing. Stupid me!
"Eat well…" Basa nung katabi ko sa note na naadikit sa
styro. "Kanino 'yan galing?" Napatingin ako sa katabi ko
na nagtratrabaho rin katulad ko. Napangiwi ako nang
makita ang kanyang itsurang nangangasar. I shrugged.
"Hindi ko po alam eh." Pagsabi ko ng totoo.
"Weeh? Sure ka ba? Wala ka bang manliligaw?" At
tumawa s'ya ng may panunukso.
"Wala…"
Akala ko nga ay galing kay Vince…
"Gusto mo?" Paglahad ko sa kan'ya noong paper bag at
sumilay ang kanyang malaking ngiti.
I even heard Vince's voice saying, "H'wag kang tatanggap
ng kahit anong bagay mula sa mga taong 'di mo kilala at
malapit sa'yo."
I sighed. I should get over with the memories
Hinampas n'ya ako ng marahan sa braso. "Ang bait
naman talaga ni Miss. Salamat, Miss pretty."
"You're always welcome." I smiled.
Mga pasado alas dyes na rin ng matapos ko ang aking
ginagawa. Actually, hindi pa s'ya tapos ngunit
nangangalay na ang aking likod at humahapdi na rin ang
aking mata kaya nag desisyon na ako na mag out
na.Besides, complete hours naman na ako at nakapag OT
pa kahit pa-paano.
As I walked down the hallway, I felt the cold wind
embracing my whole body that sent shivers down my
spine. Nagmadali akong maglakad at hindi na gumamit
ng hagdan at madalian na pinindot pababa sa first floor
ang Elevator dahil sa tapat lang naman ng building ko
pinarada ang aking sasakyan. As soon as the door
opened, I immediately went inside at nagdasal na
magsara na agad ang elevator.
The cold wind outside touched my skin and it creeped me
out. I think I am not the only one here. Agad kong kinalkal
ang selpon sa aking bag at hinanap agad ang pangalan ni
Vincent nang biglang mapatili ako sa gulat ng biglang
may kamay na pumigil sa pagsara ng Elevator.
"Oh, shit! I'm sorry. DId I scare you?" With my O - shaped
mouth, and oval eyes, in front of me is one of my co-
office maate.
"Uhm...hindi naman." Aniya ko.
Pumasok s'ya sa loob kaya napalayo ako. Agad akong
napatingin sa aking selpon. Oh my god! Kamuntikan ko
na s'yang matawagan. What are you thinking, Frey? Why
did you look at his number? Hindi ka talaga nag i-isip!
Pagkatunog ng elevator ay agad na akong lumabas at
hindi na lumingon kung saan-saan. Sumakay sa kotse,
pinaandar agad pauwi ng bahay. Those kind of scenery, it
became the cycle of my whole month.
"Miss, may nagpapaabot po." Aniya ni Manong guard at
nilahad ulit sa'kin ang paper bag. This time dalawa na
iyon. Ang isa ay galing pa rin doon sa unang nagbigay
sa'kin ng pagkain sa unang pagbalik ko sa trabaho ko
dito.
"Kanino po galing itong isa?" Pag tukoy ko sa paper bag
na may tatak ng paborito kong fastfood chain -'yung
bago.
"Hm… hindi ko po kilala, Miss. Basta, pinapaabot po nung
lalaking may pagkamestiso kanina na nasa labas."
"Hmm, okay po Manong. Thank you." Aniya ko at umalis
na s'ya.
Agad kong chineck iyong paper bag na bago at may
nakita akong sticky note doon. Agad ko iyong kinuha. On
the sticky note, this is what's written, "You're favorite
meal, F. Have a nice day ahead."
My mouth fell off as I recognized the penmanship. Okay,
okay, I need to calm down. Holy sheez!
"Yieeh! Bakit dalawa na iyan?" Tanong ulit ng katabi ko.
And, I shrugged, again.
"Akin na lang ang isa." Aniya at saka hinablot iyong
bagong paper bag. Agad ko iyong binawi.
"Ito na lang ang iyo." Bigay ko sa kan'ya noong isang
paper bag na madalas mag padala sa'kin.
"Ayoko n'yan. Paulit ulit na 'yan."
Napangiwi ako dahil sa pagiging demanding nitong katabi
ko. Sa huli ay hindi ko binigay sa kanya iyong bagong
paper bag at iyon ang kinain ko na pinagsisihan ko ng
husto. Dahil noong makain ko iyon ay hindi ako makapag-
focus sa aking ginagawa. Paulit ulit na rebisyon na ang
aking ginagawa ngunit nauuwi lamang sa kapalpakan
dahil sa mga tanong na dumadagsa na naman sa utak ko.
I closed my eyes for a second. I can't be mistaken… what
is his problem? What's with that food, Vince!?
Noong maga-alas nwebe ay sumabay na ako sa iba kong
mga katrabaho bumaba ng building. Dahil rin siguro sa
pagod ko sa paulit-ulit na pagrebisa sa aking ginagawa ay
gusto ko na makauwi at makapagpahinga agad; at
makapagisip-isip na rin siguro.
"Una na po ako." Pagpaalam ko sa aking mga ka-office
workers. Kinuha ko ang susi ng kotse at inayos ang skirt
bago tuluyang maglakad papunta sa pinaradahan ko ng
aking sasakyan...
agad akong napahinto -
"Vince, what are you doing here?!" With my shocked,
nervous and mad voice, he just looked at me with his full-
white teeth exposed.
"Obviously, I'm fetching you, Wife." He said while flashing
his smile, and it annoys me.
"Screw you! Don't call me wife! We're over ."
"You're still mine. Not until I sign those shits of paper."
Confident na pagsasabi n'ya. Tila ba wala talaga s'yang
balak na pirmahan iyon.
Nilahad n'ya ang kamay n'ya. "Let's go home."
"Screw you, Vince! Stop bullshiting around."
"Hey! Watch your mouth. I am serious about it. Now, give
me your keys." Aniya at saka kinuha ang shoulder bag ko.
Agad ko iyong hinila pabalik ngunit inilag n'ya 'yon at
kinuha ang susi ng sasakyan.
"Umalis ka d'yan sa driver's seat. May kotse ka, nasaan
kotse mo?" Nabwibwiset na tanong ko habang hinihila
s'ya palabas ng sasakyan.
"Hmm… nakaparada d'yan. Bukas ko na lang ng umaga
babalikan. Sumakay kana para makauwi na tayo."
Upang hindi na mapahaba ang diskusyunan ay ginawa ko
na lang ang gusto n'ya. Pumasok na ako sa passenger's
seat at ramdam ko ang sobrang pagkairita dala na rin
siguro ng pagod, at syempre nitong katabi ko.
"Hindi d'yan ang daan pauwi ng bahay namin." Sigaw ko.
"Well, dito ang daan pauwi ng bahay 'na'tin'." Pagkasabi
niya ay agad ko s'yang sinapak dahil, seryoso, hindi na
ako natutuwa.
"Ouch! Masakit 'yun ah! Idol mo ba si Manny?"
"P'wede ba?! Hindi ako nakikipagbiruan. Iuwi mo ako sa
bahay nila Mama at ayoko sa bahay mo. Besides, wala na
akong mga gamit doon."
"Kinuha ko na at binalik ang mga gamit mo sa bahay
na'tin. Natuwa pa nga si Tita eh."
Wala na akong nagawa. Hindi ko alam ang
mararamdaman ko. Gusto ko s'yang sapakin, sipain,
sigawan at murahin sa ginagawa n'ya. Ano bang akala
n'ya? Masaya ang paglaruan ang damdamin? After ng
isang buwan, ito na naman s'ya? Babalik nang biglaan; na
parang walang nangyari? Nagiging okay na nga ako eh!
"Hello, Tita. Nakauwi na po kami ni Frey… yes naman tita
makakaasa ka. Konting suyo lang 'to at okay na kami
nito… sige po…" Aniya at saka binaba ang selpon.
Nagpantig ang tainga ko sa 'konting suyo' at okay na ang
lahat. Akala n'ya ba ay ga'nun lang 'yon? Literal na
nakaramdam ako ng sakit sa puso dahil bumalik na
naman ang sama ng loob ko sa kanya. Ang bawat pintig
ng puso ko ay may kasamang sakit na dala. Nanikip ang
dibdib ko at hindi na napigilan na magtubig ang mga
mata.
Ang unfair n'ya…
"Akala ko ba ay o...okay na? Akala ko ba ay napagusapan
na na'tin 'to?" Tanong ko - hindi mapigilan ang pagpiyok
at pagnginig ng boses.
"Oo nga. Nakalimutan mo rin ba na sinabi ko na
pagpapahingahin lang muna natin? Okay na ako. Sapat
na ang isang buwan Frey----"
"Well, ako hindi pa! Ni hindi pa nga naghihilom miski yung
mga gasgas lang dito eh!" Sabay turo ko sa puso ko.
Nakita ko ang gulat sa ka'nyang mata.
Hinagod n'ya ang kan'yang buhok gamit ang palad at
saka lumapit sa'kin. Agad naman akong umilig nang
magtangka siyang yakapin ako.
"I'm sorry Frey…" Aniya.
Huminga ako nang malalim.
Pumikit s'ya ng mariin.
"I'm begging. Kahit isang buwan lang… kahit isang buwan
lang ay magpanggap tayo at bumalik sa dati. Give me
even just a month to prove myself to you. 'Pag tapos 'nun
ay hahayaan na kita at…"
Tumigil s'ya sa pagsasalita; tila ba hindi niya na gustong
ituloy ang iba pang babanggitin.
"...pagbibigyan kita sa gusto mo. I'm gonna sign that
damn papers. Basta, isang buwan lang, be with me again.
Isang buwan lang ang hinihingi ko." He said; pleading
desperately.
My mouth and at the same time my heart fell off. Ang
sakit makita na ganito ang itsura n'ya. 'Yung mga mata
na nagsusumamo, mga bugso ng hininga na
naghihinagpis, nagmamakaawa para sa pagmamahal.
Mga luhang nagbabadyang kumawala. It's written all over
on Vince's face.
Laglag ang aking panga habang nakatingin sa kan'ya

Frey's POV
"Mag pahinga ka na. Bukas mo na lang sagutin. Huwag
mo muna isipin ngayon." Aniya n'ya kagabi kaya mas
pinili ko na lang na magpahinga kaysa sagutin ang offer
n'ya nang agaran.
Kinaumagahan ay nagising akong nakahanda na lahat.
Uupo na lang ako at kakain. Naalala ko, ako ang
gumagawa ng mga ito noon.
"Good morning." Bati n'ya sa'kin.
"Yeah. Morning."
“You have work today?" He asked.
"Wala. It's Sunday; means rest day."
"That`s good then."
"Kumain ka muna tapos ay pagusapan na natin yung
kagabi." Aniya.
Magsasalita na sana ako nang inguso n'ya ang mga
pagkain - senyas na h'wag ko nga muna simulan at
pagtapos na lang kumain.
Namayani ang katahimikan, ngunit hindi sa puso ko dahil
sa mga titig na binabato n'ya sakin. I feel so awkward.
"Vince, stop."
"Okay." Sabi n'ya, at pinagpatuloy na lang ang pagkain.
Pagtapos namin ay iniligpit na n'ya muna ang lahat ng
hugasan at s'ya na rin ang nag hugas.
"I'm done. Now, let's talk about my offer."
"I decline." I answered immediately.
"What? Hindi ka na lugi sa'kin Frey." Sabi n'ya;
sinusubukan magpatawa.
"Vince, you can't force someone with a wounded heart to
love again. Okay?" I said.
"I need to do this Frey. I'm trying desperately. Isang
buwan lang, just pretend, okay?"
"Love doesn't work that way---" He cut me off.
"What do you know about love, Freya? When you keep on
pushing away someone you love, ha?"
Nagulat ako sa kan'yang tinuran.
"And what do you know about love too, Vince? When you
are forcing someone you have hurt before to be with you
again?" Ganting turan ko sa kan'ya.
Natahimik s'ya dahilan para gustuhin ko na takpan ang
aking bibig. Yumuko s'ya and he bit his lower lips; walang
masabi.
"I'm…" Umiling-iling at bumuntong hininga. "I'm sorry
Frey. But, please take my offer." Aniya at saka ako iniwan
magisa dito. Sinundan ko s'ya ng tingin at nang
makalabas ay saka ako napahilamos sa mukha.
I need to go home. Naligo muna ako at saka umuwi ng
bahay namin. Sumalubong sa'kin si Mama.
"Hija, where's Vince?"
"I don't know…" Pagtapos kasi nang sagutan namin na
iyon ay lumabas s'ya ng bahay at 'di ko alam kung saan
pumunta.
"Are you settling things with your husband, Frey." Tanong
ni Mama.
Umupo ako sa tapat n'ya. "We're okay."
"Balikan mo ang asawa mo. H'wag mo na pahirapan."
"Ma, hindi 'yon ga'nun kadali." Aniya ko.
"Give him a second chance. He deserves that."
I looked at my mother. "Not everyone deserves a second
chance, Ma."
"So, you're telling to me that your husband is one of that
'everyone' who doesn't deserve a second chance?" She
asked at wala akong naisagot. Napanganga ako sa harap
n'ya at nagiwas na lamang ng tingin.
"Keep in touch with someone you love; and to the ones
who love you, not to someone who hates you. Meron at
meron talagang isang tao na a-ayaw sa'yo at wala kang
magagawa roon. Hayaan mo na iyang byenan mo." Aniya.
Wala talaga akong masabi kaya kinuha ko na lang ang
mga magazine sa ilalim ng mesa at pinaglaruan ang mga
iyon.
I'm scared of pain. Ayoko lang madagdagan pa yung
sakit.
"Are you listening Frey?"
"Ginugulo mo lang ang isip ko, Ma." Pag-amin ko.
Itinulak n'ya ang aking noo gamit ang hintuturo. "Inaayos
ko nga ang iyong isipan."
"H'wag mo sanang pagsisihan 'yang ginagawa mo, nak.
Baka mapagod 'yang asawa mo. Ikaw din ang iiyak ulit sa
dulo niyan." Agad akong napatingin sa kan'ya.
"Humans tend to get tired. He`s a human, too. Remember
that."
He will give up… eventually…
Napatingin ako sa selpon ko na nag-beep at agad iyon
binuksan. I saw his message.
"Where are you?" Tanong n'ya at tatlong beses nasinend.
Mag re-reply pa lang sana ako nang bigla s'yang
tumawag. I swiped it to answer the call.
"Nasaan ka?" Tanong n'ya mula sa kabilang linya.
"Nandito ako kila Mama."
"Wait me there, alright?"
"Hmm…"
Narinig ko ang buntong hininga n'ya. "Just a month,
okay?"
"Okay." I said before ended the call.
"Is it Vince?"Aniya ni Mama.
"Yes, Ma."
"Hmm. Pag isipan mo ang sinabi ko, Freya" Aniya.
Tumango ako.
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay nasa harapan ko
na agad si Vince at sinusundo na ako.
"Tita, uwi na po kami ni Frey." Pag papaalam n'ya kay
Mama.
Tumango si Mama at nilipat sa'kin ang tingin. Sa kanyang
tingin ay parang sinasabi n'ya na h'wag na ako maginarte
at bumalik na lang kay Vince.
Akala naman nila ganoon kadali. They'll never understand
it, unless they feel the pain, too. Sa sobrang sakit noon,
ayoko na umulit pa.
"About the offer, uhm…" Agad na tanong n'ya paguwi sa
bahay.
"Okay, Vince. I'll accept it." Pag kasabi ko ay ang pagsilay
ng kanyang ngiti. Napayakap s'ya sa'kin nang biglaan at
sobrang higpit. Ang sarap sa pakiramdam.
"Thank you, Wife. Please, let's do the things that we used
do before. Kahit sa loob lang ng isang buwan,bumalik
tayo sa dati." Aniya. Tumango ako.
Ang mga sinabi ni Mama ay paulit-ulit na gumugulo sa
aking isipan. Hindi ko alam kung ano ang susunod na
mangyayari dahil sa desisyon na 'to? But Vince seems so
happy about his plan. Masaya s'ya dahil napapayag n'ya
ako.
Nakaupo ako habang pinapanuod s'ya sa pagluluto nang
biglaan s'yang lumingon. Nagulat ako doon, ngunit hindi
ko iyon pinahalata.
"What?" Na a-awkward na tanong ko noong nakatingin
lang s'ya.
"The rule." Aniya.
Tinaasan ko s'ya ng kilay at saka tumayo at lumapit sa
kan'ya. Niyakap ko s'ya galing likuran at s'ya naman ay
pinagpatuloy ang pagluluto.
That's his rules. We have to act the way we used to
before. Normal, clingy wife-and-husband relationship.
And the first day of the deal begun.
"Ano ba?!" Sigaw ko noong tinatanggal n'ya yung mga
unan na nilalagay ko sa pagitan na'min. Nakatingin lang
ako sa kan'ya ng matalim habang s'ya ay nakatingin nang
malambing habang naka-pout ang nguso.
"The rule." He said.
Alright! Hinayaan kona lang s'ya sa ginagawa n'ya.
Humiga na ako at niyakap s'ya gaya ng dati kong
ginagawa. I kissed his cheeks and said, "Good night!
Sleep well and tight. Sweet dreams."
"You forgot one thing." Pahabol n'ya.
Napairap ako sa hindi maipaliwanag na damdamin. Hindi
ko alam pero nakakaramdam ako ng hiya ngayon.
"I love you!" Aniya ko. Hindi pinapahalata ang kahihiyan.
"Now, it's my turn." Aniya. He held my face and gave me
a soft kiss on my forehead, down to my nose and… down
to my lips. It gave me nostalgic and cosmopolitant
feelings. Naramdaman ko ang panginginit ng aking mata.
Hindi ko iyon pinahalata.
"Good night. Sleep well and sweet dreams. I love you too,
Hon. Sobra sobra." As he let out those words I felt his
arms wrapped my thin body.
I woke up with his arms still wrapping me. Dahan-dahan
ko iyong kinalas upang 'di s'ya magising. Nang makawala
ako sa kanyang mga yakap ay bumangon na ako at
naghanda ng almusal. I prepared food, his things for work
and his coffee with a sticky note, "Have a nice day ahead,
Hon." like what I used to do before.
Nahihiya ako pero parang natural lang ang lahat. Well,
one month lang naman 'to. It's better to enjoy things
while I still can.
"Uyy!" Gising ko sa kan'ya. Pag mulat ng mata ay ang
pagsilay ng kanyang mga ngiti, at agad niya akong hinila
para mayakap.
Hinampas ko s'ya. "Bumangon ka na at kumain 'don."
"Alright, Wife!" He said habang akbay-akbay ako at
lumakad na kami papuntang dining area.
"Vince, wala ka pang hilamos at mumog." Pag papaalala
ko.
"Hahahaha! I forgot. I'm sorry, I'm too excited. Ngayon ko
na lang ulit matitikman luto mo eh." Aniya.
Nagiwas ako ng tingin at s'ya naman ay pumuntang
kitchen para magmumog at maghilamos.
In that breakfast, Vince's smile never fade. Kitang kita
ang saya sa kanyang itsura. Nakakaramdam ako ng
panginginit sa puso.
"Don't you have work today?"
"I have." Simpleng sagot ko.
"H'wag ka na pumasok. Maulan oh!" Turo n'ya sa bintana
at napatingin naman ako doon. Tag ulan na pala ngayon…
"Hindi p'wede…"
"Why not? Mas maganda na mag-resign kana lang d'yan."
Agad ko s'yang sinamaan ng tingin, ngunit dinedma n'ya
lang iyon.
"Ikaw? Wala kang trabaho? Bussines trip? Family trip?
Or... even date trip?" Hindi ko mapigilan ang magtunog
ampalaya sa bawat salitang binanggit ko.
"Date trip?" Natatawang tanong n'ya at saka humigop ng
kape.
"Wala kang trabaho ngayon?" Iyon na lang ang tinanong
ko.
"Binitiwan ko na ang negosyo ng pamilya. Besides, kaya
naman na nila i-handle 'yon. May mga kapatid akong
p'wedeng humawak 'non. And, wala akong schedule sa
mga new client ko." Aniya. Tumango-tango ako. Sayang
lang pala ang paghanda ko sa mga gagamitin n'ya sa
trabaho.
Binitawan? Anyway, just like what I said, I will never
engage myself from them anymore. Kay Vince na lang,
hindi na sa kanila. Ayoko na ma-stress. Tama na itong kay
Vince.
"Ano oras out mo?" Tanong n'ya habang nakayakap sa
balikat ko at hawak ang payong upang 'di kami mabasa.
"Maybe, 9...10pm?"
"Grabe naman 'yang out mo masyadong gabi na. You
better resign---"
"H'wag mo nga minamanduhan pati trabaho ko." Sabi ko
at saka pumasok na ng building.
Ganoon ulit ang cycle sa trabaho. Pupunta ulit si Manong
para ibigay iyong mga paper bags na ang isa ay alam ko
na galing kay Vince at ang isa ay nananatiling palaisipan
pa rin. Joke! Hindi ko naman s'ya iniisip. Nilahad ko ulit sa
katabi ko ang paper bag na bigay nung kung sino man
'yon.
"Eat well and goodluck, honey bunch!" Basa ko sa aking
isipan sa iniwang sticky note ni Vince.
"Hunny bunch?" Pabulong ko na sambit. "Ang corny
talaga ng lalake na 'to."
Pag tapos ko 'yon kainin ay naka-recieve ako ng text mula
sa kan'ya.
I tapped to my cellphone's screen. "Yeah. Tapos ko na nga
kainin eh" and sent it to him.
"Good. Now, file the resignation to your boss."
Sumimangot ako sa kan'yang reply.
"Ang kulit!"
"Just kidding."
"Wuy!" Napatingin ako sa katabi kong hinampas ako.
"Text ka ng text d'yan. Baka makita ka ni boss." Aniya.
Agad akong nagtipa sa aking selpon at sinend iyon kay
Vince.
"Later, Vince. It's work time."
"Okiee. I'll wait you here. 😙"
Medyo natawa pa ako sa emoji na gamit n'ya. Hindi
naman kasi s'ya gumagamit ng emoji. You are trying
hard, ha?
Noong magte-10 na ay inayos ko na ang aking mga gamit
at nag-out na. Paglabas ko ng building, ang malakas na
ulan at si mukha agad ni Vince na may dalang payong
ang sumalubong sa'kin.
"Ang lakas ng ulan. May bagyo ba?" Tanong ko.
"I don't know. Hindi ako nanuod ng balita." Sambit niya,
sabay abot sa aking dala na bag.
Binuksan n'ya ang pinto ng kotse at pumasok agad ako.
Umikot s'ya at saka pumasok na rin. Kinuha niya ang
panyo ko sa bag at pinunasan ang mga binti ko na
nabasa ng ulan. Nakangiti siya nang malambing sa buong
biyahe.
Paguwi ay agad akong nagpalit ng damit at ga'nun na rin
s'ya.
"Hindi na ako kakain. Inaantok na ako." Sabi ko at s'ya
naman ay tumango
Nagtungo na ako sa kwarto upang mahiga; sumunod na
rin s'ya. Naramdaman ko ang kamay n'ya na yumayakap
sa'kin. He held my face and gave me a peck of kiss on my
forehead, down to my nose and my lips, again. Sa
sobrang pagod ay hindi ko na nagawa iyong akin at
nakatulog na.
Those scenes became our looping cycle - ayon iyon sa
aming napag-usapan. Nakikita ko ang mga ngiti n'ya na
sumisimbolo na masaya s'ya sa nangyayari. Napangiti
ako… ngunit agad rin nawala dahil sa alam kong isang
buwan lang ito.
"Kailan rest day mo?" Tanong n'ya.
"Every sunday."
"Good. Let's have a date every sunday, then."
Napatingin ako sa kan'ya at saka tumango. Noon, hindi
man lang kami makalabas dahil mas madalas pa s'yang
wala kaysa kasama ako. Kaya naman bago dumating ang
linggo, hindi ko alam sa aking sarili, pero pinaghandaan
ko iyon. I even scanned my closet so I can wear
something beautiful on that day. And, on saturday night, I
even imagined what will happen tomorrow. Ang weird ko.
Okay, I just wanted him to be happy on Sunday. That's all,
okay?
"Saan mo gusto pumunta?" Tanong n'ya habang
nakatingin sa daan at nag dr-drive.
"Kahit saan."
"Alright!" He said. And, I found ourselves laughing while
walking on the road with a crowd of different faces. Lakad
lang kami nang lakad, tapos papasok kung saan-saan na
p'wedeng makainan at mag dr-drive ulit papunta sa ibang
place.
"Have you ever been to Antipolo?" I asked him.
"Oo. Sa may church doon nakapunta na ako."
"Hmm. Eh sa mga over looking around antipolo?"
"Nope. Never been there." He answered.
"Want to take a look?" Aniya ko.
"Sure!"
So, on our last destination I brought him to the place
where I went the time I decided to left him alone. I told
him that that place is the witness how much he had hurt
me. That, I cried everything there - I cried about him
there.
He held my hands and said sorry for countless times. I
just smiled. Oh, god! Don't ruin the moment Freya!
"Hanapin mo bahay na'tin sa mga 'yan." Sabi ko sabay
turo sa kabuohan ng manila. Ginulo n'ya ang buhok ko.
"Silly girl, puro building lang ang nakikita ko." Aniya.
Don't ruin the day, don't ruin the moment. I let myself go
with the flow of our casual conversation. Until, I found
myself smiling, laughing and talking to him as if we never
talked for so many years.
Every moment gave me a cosmopolitan feeling. It's ver
nostalgic, the likes of which I long before. Every moment
feels like patching the holes - fixing my broken heart.
Gosh! I've never been so energetic and active in our
conversation before!
"Hala! I forgot to buy clothes." Bigla kong sabi noong
nakauwi na kami.
"For what?" He asked. Bigla akong nahiya.
"Uhm, for next sunday." I said, awkwardly.
He laughed. "It's okay, wife. Come here," with arms wide
opened, ready to wrap me; "let's go to sleep."
Agad na akong sumalampak sa kama at naramdaman ko
ang kamay n'yang yumakap sa'kin. He held my face and
gave me a peck of kiss on my forehead, then to my nose
and to my lips. It gave me warm feelings. Gosh! I could
get used to this! Silly, Freya! Control yourself!
"Good night! Sweet dreams. Sleep well. I love you, wife."
As I heard his soft voice, unconciously, I wrapped my
arms in his body at saka isiniksik ang mukha sa kan'yang
dibdib. Nakatulog ako sa init at sa bawat pintig ng puso
niya.
"Miss!" Inilahad ulit ni Manong ang dalawang Paper bag.
"Thank you po." Sabi ko.
Katulad ng dati ay binigay ko ang isang paper bag sa
katabi ko at kinain ang bigay ni Vince. Napangiti ako sa
nakadikit sa sticky note. "I'll always be here for you. I love
you!"
"Hi, Freya." Napatingin ako sa katrabaho ko na nasa gilid
ko ngayon. Pinasingkit ko ang aking mata upang
alalahanin s'ya. Oh! S'ya iyong nanakot sa'kin sa elevator
noon.
"Hi." Bati ko.
"Kamusta naman iyong pagkain masarap ba?" Aniya.
Medyo nalito ako doon ngunit nang mag salita s'ya ay
saka ko na naintindihan.
"Ako yung nagpapadala sayo lagi nung paper bag at
parati rin kitang hinihintay matapos para makasabay kita
pababa." Aniya. Napatango-tango ako. Ooohkay! That's
creepy!
"Uhm… so, how's the food." He asked.
"Masarap." Aniya ng katabi ko at napakamot ako sa ulo.
"Sorry, kasi may pagkain din kasi akong baon kaya
binibigay ko na lang sa kanya."
"Ahh. Ganoon ba… it's okay." Sabi n'ya. Mukhang
dismayado bago umalis.
On the next day, ay nagmamadali akong makababa ng
building dahil sa nag hihintay na si Vince sa baba at…
gusto ko na rin s'ya makita. Noong makalabas ng building
ay may biglang umakbay sa'kin mula sa likod. Nilingon ko
iyon sa pagaakalang pakana na naman ni Vince na
gulatin ako ngayon, at nakita na yung lalaking ka-office
mate na nakasabay ko noon sa elevator pala ito. I tried to
remove his hand.
"Pauwi ka na, Freya?" He asked.
"Uhm...-" But, before I could reply ay biglaan s'yang
tumalsik sa sahig dahilan para mapatili ako.
"Touch my Wife again and I'll break that hand!" In a snap,
tumambad sa aking harapan si Vince.
"Vince!" Sigaw ko. Lalapitan ko na sana yung sinapak n'ya
nang agad n'ya akong hilahin palayo at sapilitan na
pinasok sa kotse. Tahimik lang kami hanggang sa
makauwi ng bahay. Patulog na lang lahat lahat ngunit 'di
pa rin s'ya nagsasalita.
"Look, I am not cheating on you." I explained. He darted
his eyes on me.
"I know. Hindi kita pinagiisipan ng ga'nun." He said. He
looked so worried, tila madaming iniisip.
"I'm sorry for being violent earlier. Nadala lang ako ng
emosyon." Aniya.
"I understand."
"No. It's just… may mga nagpaparamdam na na kupal
sa'yo." Aniya.
"So?"
"Ngayon pa, kung kailan malapit na matapos itong
buwan." Aniya.
Natigilan ako noong mapagtanto na malapit na nga
matapos ang buwan. Hindi ko namalayan dahil masyado
akong nakaramdam ng saya nitong mga nakaraan.
Huminga ako nang malalim at saka s'ya niyakap, tila
natigilan sa ginawa ko.
"Let's sleep." Sabi ko.
The next days were smooth and well. We oftenly share
our days, smiles, laughs and hugs. We still date on
sundays, eating outside and watching movies. He even
sang me sweet songs.
I was on my work that time and I was waiting for Manong
guard about his daily routine, but he never came. Ni isang
paper bag walang dumating… walang binigay si Vince.
Kinuha ko ang selpon ko hoping I could find any text in
there, pero wala. Kaya naman noong maga-alas dyes na
ay agad ko na inayos ang aking gamit at bumaba na ng
building. Nakasabay ko pa ang aking ibang officemate
pati yung sinapak ni Vince. Good thing ay hindi n'ya ako
pinansin. Paglabas ng building ay sumalubong sa'kin ang
malakas na ulan. Wala akong Vince na nadatnan. Kinuha
ko ang payong ko at saka lumusong sa ulan. Pag pasok
ng sasakyan ay agad ko na chineck ang calendar sa
selpon.
Agad kong nasapo ang ulo. Last day pa lang ng buwan
ah? Ito pa na ang last day, bakit wala s'ya? I drove fast so
I could go home sooner at nang makarating ay agad na
bumaba ng kotse. Binuksan ko 'yung ilaw sa bahay ngunit
wala akong Vince na nakita. I searched the rooms pero
wala s'ya. Patakbo akong bumalik sa kwarto at nag tungo
sa table desk. There, I found a note saying, "I hope this
makes you happy."
"'This' what? Alin?"
Nanikip ang dibdib ko. Tumulo ang mga luhang kanina pa
nagbabanta. Kinuha ko ang selpon ko upang s'ya ay
tawagan ngunit walang sumasagot. Binaha ko rin s'ya ng
text hoping I could get a reply ngunit wala rin. Mas lalong
bumaha ng luha sa aking mga mata. Ibinulsa ko ang
selpon and without thinking ay kumaripas na ako ng
takbo palabas ng bahay kahit sobrang lakas ng ulan.
How stupid am I? Hindi man lang ako nagdala ng payong!
I ran as fast and as far as I can. Tinitignan bawat daanan
baka kasi nandun s'ya. Habang tumatakbo ay paulit-ulit
na nag re-replay sa utak ko ang pinagusapan namin ni
Mama. Ito na ba? Dito na ba ako magsisi? I checked the
convenience store hoping I could see him in there, but
not even a trace of him is present in there. Lumabas ako
doon at naglakad, iniisa-isa ang p'wede n'yang
pagtambayan kasi baka nagkape lang s'ya. Nanikip na
naman ang puso ko at tumulo ang mga luha.
Ang mga ginawa namin sa loob ng isang buwan na iyon
ay paulit ulit na nag th-throwback sa aking isipan. The
story we shared, the laughs, the smiles, hugs, kisses and
even the annoyance, the hate. Now that I am running
under this pourin rain, I realized that what matters is him
and not the pain that he did to me. What matters is the
people we love, whom we share our happiness and pain.
What matters is how we handle the pain without giving
them up.
Tumigil ako sandali at nagabang ng masasakyan. Uuwi
ako kila Mama baka naroon iyon, ngunit wala ni isang
sasakyan ang humihinto. Hindi rin ata ako pasasakayin
dahil basa ako. I walked, I ran. At sa aking pag tawid sa
kabilang kalsada ay nasilaw ako sa sasakyan na papalapit
sa'kin.
Oh my god!
Isang malakas na busina ang aking narinig… at ang mga
patak ng ulan sa paligid, unti-unting nawala.
"Hoy! P'wede ba, kung papakamatay ka 'wag dito! Wala
kaming pambayad sa hospital at danyos!" Ang sigaw
nung Manong. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo,
dahil sa takot ko ay napaduck and cover ako.
"Sorry." That's what I said and I started walking again
while crying, like nothing happened.
Ang ulan at ang hikbi ko lamang ang aking naririnig. Nang
may makitang waiting shed, agad akong sumilong doon
at naupo para maiyak lang.
My god! Do I deserve to be miserable? Like, again?
Kinapa ko ang selpon ko sa bulsa. Basang-basa ito ngunit
ng aking buksan ay gumagana pa. Thank God for giving
me a good cellphone. I tried to touch the screen ngunit sa
sobrang dulas ng kamay ko dahil sa pagkabasa ay
nahihirapan akong pindutin 'yon. Then suddenly, my eyes
got big as his name popped up my screen.
He is calling…
I tried to swipe the phone but it didn't work. What the
hell?!!! Dahil sa pagkabasa ay nahihirapan akong i-touch
ang cellphone! Hanggang sa nag end call na lang. Ang
malas naman! I cried like a children there.
A beep on my phone made me get back to reality. I
immediately checked it. Automatically, lumabas sa screen
ang text n'ya.
"Wife! Saan ka? I'm sorry, ngayon ko lang nabasa lahat.
I'm sorry. Nasa bahay ako, wala ka. Saan ka? Uwi kana,
please." As I read those messages, my tears rolled down
on face and it wouldn't stop along with the rain drops.
I walked and I ran pauwi ng bahay not minding the
pouring rain and the calamity on my chest. Hindi ko alam
kung gaano kalayo ang tinakbo ko pauwi ng bahay ngunit
lahat iyon ay nawala nang makita si Vince sa labas. Nang
maaninag ako ay agad s'yang tumakbo sa'kin. Siraulo din
talaga. Hindi man lang nagdala ng payong para sa aming
dalawa. Nang makalapit, agad niya akong niyakap - na
mas lalong nagpaiyak sa'kin.
"Damn! Why did you roam around while raining?!"
"Iniwan mo ako!" I screamed out of pain.
"I'm sorry…" He said, "Galing ako sa bahay ng magulang
ko. Sinubukan ko ulit ayusin ang gusot between you and
Mama…"
"H'wag mo na ako iiwan please?! Please…" I'm pleading. I
don't care about anyone, but him. I only care for him.
"I won't. Never." That's what he said. Enough for me to
stop from crying.
Under the rain shower, and embraced with the one I love,
in that moment, love, once again, made a soft knock on
my heart.
Maybe it's time already...
My heart is pounding with nothing but gladness and
happiness as I walked down this aisle. Sa ikalawang
pagkakataon, ikakasal kami ulit! But this time it's on the
church - with our family and friends as the witnesses. As
expected, his mom is knowehere to be seen. She did not
attend our wedding, but it's okay. Hindi ko na ipagpapalit
ang asawa ko para lang sa kanila.
Habang naglalakad ay kusang tumutulo ang mga luha ko.
Ganito pala kapag naglalakad sa simbahan habang
naghihintay ang mahal mo sa harapan, kusang nag fl-
flashback ang lahat ng alaala, dahilan para tumulo ang
luha ko.
Loko ka talaga, Vince! Palagi mo akong pinapaiyak!
Pagdating sa unahan ay agad n'yang inabot ang kamay
ko at agad ko s'yang niyakap.
I will never slip him away from my hands. Never again. I
learned so much out of that secret wedding. I learned so
much by being a wife who was left behind by his
everything. That experience will be a part of our past
which we won't let to happen again.