Você está na página 1de 2

ANO ANG HIGH BLOOD PRESSURE?

Ang high blood pressure (HBP) or hypertensyon ay ang pagtaas ng tensyon sa arteries. Ang arteries ay
ang responsable sa pagdala ng dugo mula sa puso papunta sa iba’t ibang parte ng katawan. Ang normal
na blood pressure ay mas mababa sa 120/80. Kapag ito ay nasa pagitan ng 120/80 hanggang 139/89
ito’y tinatawag na “pre-hypertensyon”, at kapag 140/90 ito’y sinasabing mataas na.

BLOOD PRESSURE

Ang patuloy na pagagos ng dugo ay nagbibigay ng hangin at nakakapagpalusog ng katawan. Sa


madaling salita, ito’y tumutulong na manatili tayong buhay.

Ang blood pressure ay sinusukat gamit ang aparato na sphygmomanometer. Ang BP reading ay binubuo
ng dalawang numero – ang numero sa taas (systolic BP) ay ang sukat ng blood pressure habang
tumitibok ang puso,at ang numero sa baba (diastolic BP) ay ang sukat ng blood pressure habang
nagpapahinga ang puso.

Madalas na umiiba ang blood pressure depende sa panahon, oras ng araw, posisyon ng katawan
(nakaupo o nakahiga), mental stress at lebel ng pisikal na gawain.

Ikaw ay HYPERTENSIVE kapag ang blood pressure mo na kinunan ng dalawa hanggang tatlong beses
sa loob ng dalawang lingo ay laging 140/90.

IKAW BA’Y NANGANGANIB NA MAGKAROON NG HYPERTENSYON?

Bagaman ang hypertensyon ay maaaring mabumuo anumang oras sa isang


indibidwal,karamihan ng mga kaso ay matagal bago mabuo . Alamin kung ikaw ay pwede
magkaroon ng hypertension sa pamamagitan ng mga factors na ito:

Lifestyle

 Ikaw ay nagyoyosi
 Ikaw ay mas mabigat ng sampung pursiyento (10%) sa iyong ideal ng timbang
 Mahilig kang kumain ng maalat, masebo at mga prito na pagkain
 Madalas kang uminom ng alkohol
 Lagi kang pagod o “stressed”
 Hindi ka mahilig mag ehersisyo; ikaw ay may “sit-down” life style

Background

 Man >35 yrs old


 Mayroon kang kamag-anak na mataas ang high blood pressure or mayroong sakit sa
puso

Kapag naiuugnay mo ang sarili mo sa mga ito, mas mataas ang panganib ng pagkakaroon ng
hypertension at iba pang komplikasyon mula rito. Maging HYPER ngayon at agad ipakuha ang presyon
ng iyong dugo! Ang prebensyon ang pinakamahusay na proteksiyon laban sa hypertension.
ANO ANG MGA PANGANIB NG HYPERTENSYON?

Madalas na reklamo ng mga may mataas na hypertensyon ay sakit sa ulo at pagkahilo pero ito’y
panandalian at tolerable lang. Hindi lang ginagamot ang hypertension para mawala ang mga sintomas
nito, ito rin ay para maiwasan ang paglala patungo sa ibatibang komplikasyon gaya ng:

 Stroke
 Heart attack
 Heart failure
 Kidney failure
 Blindness/Impaired vision

ANO ANG GAGAWIN MO KAPAG SA TINGIN AY HYPERTENSIVE KA?

1. Alamin ang blood pressure

Ang hypertension ay nakamamatay ng hindi mo inaasahan. Hindi mo mararamdaman


ang mga symptomas pero ang katawan ay dahan-dahan nang hihina.

Maging proactive! Alamin ang mga panganib! Laging ipa-check ang BP na hindi bababa
sa isang beses taon-taon. Kapag mataas naman ang blood pressure, siguraduhing magpa check
sa doctor.

2. Live a healthy lifestyle

 Mag ehersisyo ng madalas


 I-check ang timbang lagi
Iwasan ang stress
 Umiwas sa pagkain ng maalat at maraming taba
 Wag laging uminom ng kape, inumin na may caffeine o alkohol
 I-hinto ang pagyoyosi

3. Sumunod sa tamang gamutan

Ang gamot ay mabisa sa pagbababa ng mataas na presyo ng dugo. Ang iyong doktor ay


maaaring magpaliwanag sa mga gamot na ito at ang kanilang mga epekto. Karamihan sa mga
tao ay may ilang side effects sa simula ng kanilang pagagamot. Kung sakaling ganito ang
nararanasan ipaalam lang sa iyong doctor.

Você também pode gostar