Você está na página 1de 1

11 Agosto, 2016

Bb./G/,Gng.____________________,

Isang magandang araw ang aming pagbati!

Kasiyahan naming ipabatid sa inyo na ang inyong anak na si


___________________________________, ay isa sa mga manlalaro ng ating paaralan na
matagumpay na nakapag-uwi ng kampeonato sa larangan ng volleyball noong ika-5 at 6 ng
Agosto na ginanap sa University of Perpetual Help System Dalta- Calamba Campus.

Sampu ng aking mga kasamahan sa pagtuturo at punong-guro ng Punta National High School,
maluwag po namin kayong pinasasalamatan sa inyong walang tigil na pag-suporta sa talentong
taglay ng inyong anak sa paglalaro.

Dadag dito, nais namin muling hingin ang inyong patuloy na suporta para sa nalalapit naming
paglahok sa City Meet 2016 na kung saan, iba’t ibang paaralan sa buong Calamba ang aming
makakatunggali. Ito ay gaganapin sa ika-16 at 17 ng Setyembre, 2016.

Hinggil dito, nais naming ipaalam sa inyo, na ang inyong anak ay magkakaroon ng puspusang
pag-eensayo sa University of Perpetual Help System Dalta-Calamba Campus tuwing
Miyerkules, Huwebes, at Biyernes sa ganap na ika-3:00 hanggang ika-6 ng hapon. Ito ay
upang mas mapalakas pa ang koponan bago ang naturang kompetisyon.

Hinihiling namin ang inyong positibong pananaw ukol sa usaping ito. Maraming salamat at
Mabuhay tayong lahat.

Sumasainyo,

RICO A. HERRERO
Gurong-Tagapagsanay

Você também pode gostar