Você está na página 1de 9

ANG AKING TALAMBUHAY

Ako si Lehgie P. de Leon ipinanganak noong Marso 16, 1995 sa Mandili


Candaba Pampanga. Ang aking ama ay si Ronnie de Leon at ang aking ina ay si
Rachelle de Leon mayroon akong dalawang kapatid sina Lean at Jency de Leon.
Ako ay natapos ng elementarya sa Mandili Elementary School at ng Sekondarya
sa San Miguel National High School at ngayon, kasalukluyan ay sa Bulacan State
University sa kursong Information Technology.
Ang aking hilig ay magsulat ng tula. Ang aking paboritong pagkain ay sinigang
na luto ng aking ina. Ang paborito kong actor ay si Ryan Agoncillo. Ang paborito
kong kulay ay puti at ang paborito kong “subject” ay Ingles.
Payak lamang ang pamumuhay ng aking pamilya masaya, sama-sama, at tulong-
tulong ngunit hindi maiiwasan ang mga problema na talagang susubukin ang isang
pamilya pero ang kaylangan lamang ay pagmamahal, pagtutulangan at pananalig sa
Diyos upang malampasan ang lahat ng iyon.
Sa aking karanasan naman sa buhay ang hindi ko malilimutan ay noong
natuklaw ako ng ahas noong akoy bata pa.Ako ay simple lamang mapagmahal,
mabait ngunit kung minsan ay may pagka “moody”. Bilang kaibigan naman ako ay
mapag biro at siyempre may pagpapahalaga ako sa mga kaibigan ko at madalas ay
inaala ko muna ang kanilang mararamdaman bago ko magsalita.
Tuwing ako ay may problema madalas akong umiyak sa Diyos sa Kanya ko
lahat sinasabi ang sama ng loob, kasiyahan, at paghingi ng tawad lahat lahat sa
buhay ko at sa Kanya din ako humihiling ng mga nais ko siya ang aking
tagapagligtas.
Sa buhay pag-ibig naman ay naranasan ko ito noong ako’y nasa ikatlo
ng sekondarya masaya, pero madalas din ang lungkot siya ang una kong kasintahan
atngayon ay dalawang taon na kami.
Ang mithiin ko sa buhay ay masuklian ang paghihirap ng aking magulang,
paglingkuran ang Diyos habambuhay, maging matagumpay sa buhay, at magkaroon
ng asawa at anak sa tamang panahon. Ngayon ay sinisimulan ko to sa pag-aaral,
pagsisikap at pananalig sa Diyos.
Ang Aking Talambuhay
Jaine H. Mendoza

Ako si Jaine Gatdula Mendoza, panganay na anak nina Gng. Analyn Gatdula
Mendoza at G. Joselito Lagurin Mendoza, ako ay isinilang noong Setyembre 18, 1996.
Ang aking ina ay tatlumpung taong gulang na nakapagtapos ng Bachelor of Elementary
Education sa Laguna State Polytechnic University sa San Pablo City. Ang aking ama
naman ay 42 taong gulang na isang undergraduate ng Bachelor of Science in Agriculture
sa Don Severino Agricultural College sa Indang, Cavite. Ang aking nag-iisang kapatid
ay si Joselyn Gatdula Mendoza, labing-isang taong gulang nakasalukuyang nasa
ikalimang baitang sa Paaralang elementary ng Imok, Calauan Laguna.
Ang aking pag-aaral sa eskwelahan ay nagsimula noong ako’y apat na taong
gulang pa lamang. Pumasok ako sa Imok Day Care Center nang taong 2001 at naging
guro ko si Gng. Juliet Abril. Sa araw ng pagkilala ay ginawaran ako ng Unang
Karangalan. Taong 2002 hanggang 2008 ay tinapos ko ang aking Elementarya sa
Paaralang Elementarya ng Imok, Calauan Laguna. Sa mga panahong ito ay sinikap
kong mag-aral ng mabuti upang suklian ang pagmamahal at suporta ng aking mga
magulang. Sa una, ikatlo, ikaapat, ikalima at ikaanim na baitang ay nakakuha ako ng
Unang Karangalan ngunit nang ako’y nasa ikalawang baitang ay nakatanggap ako ng
ikalawang karangalan.
Nang mga panahong ito, ako ay nahilig sa pagsali sa mga Quiz Bee sa iba’t-ibang
asignatura sa desisyon ng aking mga gurong tagapayo, pati na rin sa Story Telling at tie
dyeing. Sa kabila naman ng pagkawili ko sa mga pang-akademikong gawain ay
masasabi kong hindi ako nahumaling sa sports tulad na lamang ng volleyball, table
tennis at iba pa.
Sa pagtatapos ko ng elementarya, taong 2008. Nagtapos ako bilang mag-aaral na
nagkamit ng unang karangalan, Calauan Municipal Government Award, Rural Bank of
Calauan Monetary Award, Liceo De Calauan Award, IKASAKA Multi-purpose
Cooperative Award at Parangal ng Bise-gobernador bilang Batang Lider 2008. Ang
araw na iyon na hinding-hindi ko malilimutan ang nagbigay sa akin ng lubos na
kaligayahan na naging dahilan ng di ko namalayang pagluha dahil sa saya na aking
naramdaman. Tila pinawi nito ang mga pagod na aking pinagdaanan at higit pa sa
aking inaasahan ang aking nakamit.
Taong 2008-2009 ay sinimulan ko ang pagpasok sa Sekondarya, ang ikalawang
yugto na aking pag-aaral. Ang aking unang taon ay sa Dayap National High School
Calauan Annex. Ako ay nasa I-A St. Joseph bilang gurong tagapayo si G. Teofilo B. San
Jose, ang gurong nagturo sa akin ng napakaraming bagay at nagpatunay sa akin na
“dapat mong mahalin ang sarili mo kung sino at ano ka”. Ang aking oaras ay itinuon
ko sa pag-aaral at nahilig ako sa pagiging Editorial writer ng dyaryong Foliage at
naging Scout Patrol Leader din ako ng Girl Scout sa aming paaralan. Sa araw ng
pagkilala ay pinarangalan ako ng Model Student Award, Medal of Self-Reliance, Best in
Social Studies, Best in Science at Unang Karangalan.
Taong 2009-2010 ako ay nasa ikalawang taon ng sekondarya bilang gurong
tagapayo si Gng. Jenelyn Latayan sa II-A St. Jude. Dito nanatili pa rin ako sa mga dati
kong gawain at pinasik ko rin ang Supreme Student Government at nahalal bilang
Bise-presidente ng naturang samahan. Ginampanan ko ang aking tungkulin sa abot ng
aking makakaya para sa aking paaralan, guro at kamag-aaral. Sa pagtatapos ng aking
ikalawang taon ay ginawaran ako ng Ikalawang pwesto sa Spelling bee sa aming
paaralan, Best in English, Best in Mapeh, Best in Filipino, Best in Science at Unang
Karangalan.
Taong 2010-2011, Ikatlong taon ng aking pag-aaral ng sekondarya ay lumipat
ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, San Pablo City. Dito, ako
ay nasa III-b bilang gurong tagapayo si G. Lorenza Umali at Bb. Ana Lee. Tunay na
napakahirap ng aking nagging sitwasyon dahil sa wala pa akong mga kakilala at para
bang lahat ay bago sa aking paningin ngunit ginawa ko ang aking makakaya para
mapaunlad pa lalo ang aking sarili. Nang tumagal... halos kalaghatian na ng taon ay
nagkaron na ako ng kumpiyansa sa aking sarili at naging komportable ako sa mga
bagay sa aking paligid. Nagkamit din ako ditto ng ikalawang pwesto sa Essay writing
contest sa pagdiriwang ng English week sa aming paaralan.
Sa kasalukuyan, taong 2011 ako ay nasa ikaapat na taon na ng sekondarya at
malapit ng magtapos sa ikalawang yugto ng aking pag-aaral. Ako ay nasa IV-
Archimedes bilang gurong tagapayo si Gng. Rosy Audije. Ngayon ay marami na akong
natutunan sa bawat pangyayaring dumaan sa aking buhay.
Sa aking pag-aaral, ang aking ginugustong asignatura ay Science, Filipino at
English ngunit masasabi ko na hindi talaga ako kagalingan pagdating sa Matematika.
Sa pagdaan ng mga araw ay nahilig ako sa musika na dati ay parang wala lang
sa aking pandinig. Sa tulong ang aming SK Councilor na si Andrew Romero ay nabuo
ang bandang “Mouthpeace” na kinabibilangan nina Cloyd Guevarra na lead guitarist,
Axel Rose Maligalig na tumutugtog ng rhythm, Embert Pajadan na drummer, Elaiza,
Uriah Rose Maligalig at Andrew bilang mga mang-aawit at ako bilang bassist ng banda.
Hindi man ako ang tipong magaling maggitara ay pinipilit kong paunlarin ang aking
talent. Halos lahat ng oras na wala akong mabibigat na gawain ay itinutuon ko sa aking
gitara. Ang aming unang pagtatanghal ay noong nakaraang Agosto 15 sa isang Open
Jam sa San Roque, Alaminos Laguna at sinundan naman ito ng isa pang Open Jam sa
Masiit, Calauan Laguna at ang huli naming tugtugan ay sa aming barangay sa Imok sa
pagdiriwang ng aming kapistahan. Ang gawaing ito ang nagpapasaya sa akin sa araw-
araw at ito ang talentong bigay sa akin ng Diyos na hinding-hindi ko sasayangin.
Ang aking pangarap pagkatapos ng sekondarya ay pumasok sa kolehiyo sa
kursong Public Administration at itutuloy sa Law sa kagustuhan na rin ng aking mga
magulang at dahil na rin sa aking pagpili. Alam kong isa ito sa mahirap na parte ng
pag-aaral ngunit gagawin ko ang aking makakaya para masuklian ang lahat ng suporta
ng aking mga mahal sa buhay at para na rin mapatunayan ko na hindi ko sasayangin
ang buhay na ipinagkaloob sa akin ng Panginoon.
Lubos ang aking pasasalamat sa mga taong nagging malaking parte ng aking
buhay. Ang aking mga kaibigan na lagging nandyan para sa akin, mga guro, kamag-
anak, kabanda, pamilya at higit sa lahat ay sa Panginoon. Sa huli, masasabi ko na
tanggap ko kung ano at sino ako sa paningin ng ibang tao ngunit pinipilit kong maging
mabuti sa lahat.
ANG AKING TALAARAWAN
Ako si James Carl salisi. Isang mapagmahal na tao. Meron akong kasabihan na "
huwag husgahan ang lalake sa taba ng kanyang bulsa. sa halip, ang dapat ninyong
tingnan ay ang taba ng kanyang puso at ang taba ng kanyang isipan.
Biyernes, Pebrero 7, 2014
Ngayong araw na ito ang pinaka nakakainis sa lahat. Akala ko noon makakalimutan ko siya ngunit kahit anong paraan ang
aking gawin para bang hindi siya maalis sa aking isip. Sa tuwing madidinig ko ang mga tawagang Mhine para bang
bumabalik ako sa dating ako ngunit dahil exam ngayon kailangan kong ilagay sa isang tabi ang lahat ng mga nasa isip ko
ngayon at dapat ituon ang mata sa pag aaral. Subalit para bang nakakalimutan ko ang aking mga pinag aralan halos nawala
lahat. Kaya naman naisipan kong basahin muna ang mga tanong bago ito sagutin baka sakaling maalala ko ang aking mga
pinagaralan.

Ipinaskil ni JamesCarlSalisi sa 6:13 AM Walang komento:


I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

Huwebes, Pebrero 6, 2014


Ngayong araw na ito ay aming pagsusulit sa Hrmcook.. Gumising ako ng maaga para makapagaral ngunit sa sobrang antok
ay para bang hindi ko na mamalayan ang oras. Kaya naman agad akong nagbasa basa para may alam ako at mayroong
maisasagot sa exam.. Akala ko huli na ako yun pala ay hindi at dumating ako sa classroom ay wala pang atao kaya naman
pumunta akong canteen at sumilay doon para malaman kung nandoon na ang aking mga kamag aral.

Ipinaskil ni JamesCarlSalisi sa 6:12 AM Walang komento:

I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

Miyerkules, Pebrero 5, 2014


Ito ang araw ng pagpupuyat sa kadahilanang magkakaroon ng pagsusulit kinabukasan sa Hrmcook na kung saan marami
ang kailangang pag aralan lalo na ang mga kailangang sauluhin.. Sana madali ug pagsusulit dahil isang pag susulit lang
ang aming kukuhanin bukas at sa susunod namang mga araw ay may kahirapan pero gagawin ko ang lahat para makapasa
lalo na ang prinmar.

Ipinaskil ni JamesCarlSalisi sa 5:42 AM Walang komento:

I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

Martes, Pebrero 4, 2014


Ngayong araw na ito, naging mahirap sa aming mga bshrm ang pag iisip ng gagawin naming sandwich.. Pero sobrang saya
naman kasi maraming mga ideya ang pumapasok sa aming mga kaisipan kung kaya nakagagawa kami ng mga bagay na
kaaya aya sa mga mata ng aming kamag aral. Akala ko sobrang hirap ng gagawin ko pero inatasan kaming mga
namumuno sa aming grupo na kami ang siyang gagabay sa aming kamag aral pagdating sa paghahanda at pagbibigay ng
mga materyales na gagamitin nila sa pag gawa ng sandwich.

Ipinaskil ni JamesCarlSalisi sa 6:47 AM Walang komento:

I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

Linggo, Pebrero 2, 2014


Ngayong araw, akala ko hindi na gagaling ang aking mata sapagkat sa hindi inaasahang panahon ay biglaan na lang itong
lumiit at unti unting bumabalik sa dati. Pero may maliit pang bukol sa aking mata akala ko kasi lubusan na itong gagaling
ngunit hindi pala. Ayos lang sakin dahil pagsubok lang yan. Dadaan at dadaan din yan sa ating buhay.. Dahil minsan
marami na tayong natatanggap na blessings pero kailangan din natin humarap sa mga pagsubok, lalo na't sa mga bagay na
alam natin na ito ang ating sariling kalakasan at sarili nating kahinaan.
Ipinaskil ni JamesCarlSalisi sa 6:41 AM Walang komento:

I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

Sabado, Pebrero 1, 2014


Ngayong araw na ito ang ginawa ko lang buong araw ay magpahinga dahil hindi pa masyadong magaling ang aking mata
kaya naman hindi ako pinapasok ng akin lola ngayon. Akala ko nga makakapasok ako ngunit hindi pero walang magawa sa
bahay kaya't naisipan kong makinig ng radio.. Sobrang malas ko ngayon dahil nawalan ng kuryente sa kadahilanang
nagkaroon daw ng sunog sa brgy.4 kaya naman natulog na lamang ako. Dapat sasama ako sa pagbebless ng bahay ng
tiyuhin ko ngunit hindi na lang ako sumama.. Hayzz ang hirap kapag may ganito ka sa mata.

Ipinaskil ni JamesCarlSalisi sa 6:01 AM Walang komento:

I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

Biyernes, Enero 31, 2014


Ngayong araw na ito ang pinakamasakit na nangyari sa aking buhay dahil kinaumagahan ay hindi ko maimulat ang aking
mata dahil sa sakit ng akong malaking kilitiw sa kaliwang bahagi ng aking mata.. Akala ko magaling na ito ngunit binigyan
ako ng aking lola ng isang herbal na gamot para ilagay dito at naging maganda naman ang kinahinatnan dahil pagdating ng
hapon ay unting unti naalis ang sakit ngunit paga pa rin ang kanyang itsura kaya naman ay dadaanin na lamang sa dasal
upang malagpasan ko ang sakit na ito.. Pasensya na kung masyadong maikli ang aking paglalarawan sa araw na ito sa
kadahilanang hindi ako makatagal sa pagtitig dahil medyo masakit pa rin ito..

Friday, March 7, 2014

Talaarawan Blg. 122 Marso 2, 2014 (Linggo)


Ngayong araw na ito, pagkagising ko sa umaga, ako ay nanatili muna sa aking higaan dahil medyo tinatamad pa ako
dahil sa naninibago sapagkat mula Lunes hanggang Biyernes ay kailangan ng maagang paggising subalit ngayon ay walang
pasok at nakakapanibago lamang. Nang bumangon na ako, binuksan ko muna ang aming telebisyon at kumuha na rin ako
ng kanin at ulam para gawing almusal.
Habang ako ay nanonood ng mga palabas sa telebisyon, hindi ko napansin na may tumawag pala sa aking cellphone,
hindi ko nalaman dahil sa naka-vibrate ang aking cellphone at marahil narin hindi ko kilala ang tumawag sa akin.
Matapos kong manood ng mga palabas sa telebisyon, binunot ko muna ang saksakan dahil wala pang manonood sa amin
at marahil kapapatay lang noon. Nang malapit ng magtanghalian, ako ay inutusan ng aking ina na bumili ng sahog sa
tindaan para gawing pampalasa sa gagawin niyang ulam para sa aming tanghalian.
Nang makaluto na ang aking ina ng aming pagkain, ako ay nauna nang kumain ng aking tanghalain dahil mamayang ala-
una kailangan kong pumunta sa Siruna dahil mayroon kaming praktis ng sayaw para sa darating na mga araw.
Matapos kong ibasta ang aking mga dalahin at ako ay papunta na, nasabay ako sa kaibigan ng aking ama at dahil doon
naihatid niya ako sa Siruna nang libre at walang anumang kapalit. Pagkarating ko doon, nagsimula agad kami upang hindi
masayang ang bawat oras.
Nang maging maayos na ang aming praktis at napagpasyahang umuwi na, pagkarating ko sa aming bahay, ako ay
kumain muna ng aking hapunan at namlantsa ng aking susuotin para bukas at maagang natulog.

Você também pode gostar