Escolar Documentos
Profissional Documentos
Cultura Documentos
SEKSIYON 2.
Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa
sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang
matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na
maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na
katutubong inianak na mamamayan.
SEKSIYON 3.
Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa
paraang itinatadhana ng batas.
SEKSIYON 4.
Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na
mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila
ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
SEKSIYON 5.
Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at
dapat lapatan ng kaukulang batas.