Você está na página 1de 4

TABUK CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


MGA KONTEMPORARYONG ISYU

I. LAYUNIN : Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. natatalakay ang pagkabuo ng karapatang pantao batay sa
kontekstong historikal nito;
b. napahahalagahan ang konsepto ng karapatang pantao batay sa
kontekstong historikal; at
c. nakagagawa ang mga mag-aaral ng malikhaing gawain.

II. NILALAMAN:
Paksang Aralin: Karapatang Pantao (Kontekstong Historikal)
Sanggunian: Kontemporaryong Isyu (Modyul)
Kagamitan :

III. PAMAMARAAN:
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
a. Panimulang Gawain
- pagtsek ng atendans
- pagsasaayos ng mga
upuan

b. Pagbabalik-aral
Sa ating nakaraang aralin anu-
ano ang ating mga tinalakay? Ito ay tungkol sa ligal at lumalawak na
konsepto ng pagkamamamayan.

c. Pagganyak
Bago tayo magsisimula sa ating
bagong aralin, magkakaroon
muna tayo ng isang gawain na
kung tawagin ay “I-timeline Mo
Ako.

Panuto:
1. Pipili ako ng pitong
mag-aaral at pupunta
dito sa harapan.
2. May mga papel dito sa
mesa, piliin ang
pagkasunod-sunod at
idikit sa pisara ayon sa Ang mga mag-aaral ay buuin ang mga
timeline. salita na naibigay sa kanila.

539 B.C.E - 1215 - 1628 - 1787 -1789


- 1864 - 1948

d. Pagpapakilala
Ayon sa inyong ginawa ano ang
ating paksang aralin ngayon? Ibat-ibang kasagutan ng mga mag-
aaral.
Ang ating bagong aralin ay
tungkol sa kasaysayan ng
karapatang pantao.
e. Pagtatalakay
Maraming pagkakataon na
nababasa sa mga pahayagan,
naririnig sa radyo, napanonood sa
telebisyon, at napaguusapan ang
paksa tungkol sa karapatang
pantao. Kung bibigyan ka ng
pagkakataong magtanong sa mga
taong iyong masasalubong kung
ano ang ibig sabihin ng karapatang
pantao, iba’t ibang sagot ang iyong
makukuha. Ito ay dahil sa iba’t
ibang karanasang humubog sa
kanila batay sa kinaaanibang
relihiyon, uri ng kultura at lipunang
kanilang kinabibilangan.

Para sa inyo ano ang ibig


sabihin ng karapatang pantao?

Ang konsepto ng karapatang


pantao ay nagmula pa noong
sinaunang panahon hanggang sa
pagkabuo ng Universal Declaration
of Human Rights ng United Nations
noong 1948.

539 B.C.E. Sinakop ni Haring


Cyrus ng Persia at kaniyang mga
tauhan ang lungsod ng Babylon.
Pinalaya niya ang mga alipin at
ipinahayag na maaari silang pumili
ng sariling relihiyon. Idineklara rin
ang pagkakapantay-pantay ng
lahat ng lahi.
Nakatala ito sa isang baked -
clay cylinder na tanyag sa tawag
na “Cyrus Cylinder.” Tinagurian ito
bilang “world’s first charter of
human rights.”

Noong 1215, sapilitang lumagda


si John I, Hari ng England, sa M a
g n a C a r t a, isang dokumentong
naglalahad ng ilang karapatan ng
mga taga-England. Ilan sa mga ito
ay hindi maaaring dakpin,
ipakulong, at bawiin ang anumang
ariarian ng sinuman nang walang
pagpapasiya ng hukuman. Sa
dokumentong ito, nilimitahan ang
kapangyarihan ng hari ng bansa.

Noong 1628 sa England,


ipinasa ang Petition of Right na
naglalaman ng mga karapatan
tulad nang hindi pagpataw ng
buwis nang walang pahintulot ng
Parli ament , pagbawal sa
pagkulong nang walang sapat na
dahilan, at hindi pagdeklara ng
batas militar sa panahon ng
kapayapaan.

Noong 1787, inaprubahan ng


United States Congress ang
Saligang-batas ng kanilang bansa.
Sa dokumentong ito, nakapaloob
ang Bill o f Rights na ipinatupad
noong Disyembre 15, 1791. Ito ang
nagbigay-proteksiyon sa mga
karapatang pantao ng lahat ng
mamamayan at maging ang iba
pang taong nanirahan sa bansa.

Noong 1789, nagtagumpay


ang French Revolution na
wakasan ang ganap na
kapangyarihan ni Haring Louis
XVI. Sumunod ang paglagda ng
Declaration of the Rights of Man
and of the Citizen na naglalaman
ng mga karapatan ng
mamamayan.

Noong 1864, isinagawa ang


pagpupulong ng labing-anim na
Europeong bansa at ilang estado
ng United States sa Geneva,
Switzerland. Kinilala ito bilang The
First Geneva Convention na may
layuning isaalang-alang ang pag-
alaga sa mga nasugatan at may
sakit na sundalo nang walang
anumang diskriminasyon.

Noong 1948, itinatag ng


United Nations ang Human Rights
Commission sa Pangunguna ni
Eleanor Roosevelt, asawa ng
Yumaong Pangulong Franklin
Roosevelt ng United States. Sa
pamamagitan ng ng naturang
komisyon, nilagdaan at ipinatupad
ang dokumentong tinawag na
Universal Declaration of Human
Rights.
Mga
Nakapaloob na
Pangkatang Gawain: Dokumento Karapatang
1. Magsaliksik tungkol sa Pantao
mahahalagang probisyon 1. Cyrus’
ng sumusunod na Cylinder
dokumentong naglalahad 2. Magna
ng mga karapatang pantao. Carta
Isulat ang mga probisyong 3. Petition of
nakapaloob sa bawat Rights
dokumento sa pang 4. Bill of
2. alawang kolum. Rights
3. Bawat grupo ay ipaliwanag 5. Declaration
sa harapan. of the
rights of
Man and of
the Citizen
6. The First
Geneva
Convention

f. Paglalahat
Pamprosesong Mga Tanong
1. Bakit mahalaga ang mga
binangit na dokumento sa
pag-unlad ng konsepto ng
karapatang pantao?
2. Ano- ano ang pagkakatulad
sa nilalaman ng mga
dokumento batay sa
nabuong tsart?
3. Ano ang iyong nabuong
konklusyon tungkol sa pag-
unlad ng karapatang pantao
sa iba’t-ibang panahon?

g.Paglalapat
Panuto: sagutin ang sumusunod
na tanong sa isang kalahating
papel.

1. Bilang isang mahalaga ba


ang karapatang Pantao?
Ipaliwanag.
2. Mahalaga ba ang mga
naturang karapatang
pantao sa kasalukuyang
panahon?

IV. Takdang Aralin


Gumawa ng isang Poster/scenario na kung saan pinapakita ang kasaysayan
ng pagkabuo ng karapatang pantao.

Você também pode gostar