Você está na página 1de 2

Ano Ang Ekonomiks?

Ang isang taong naninirahan sa isang lugar o bansa ay nararapat lamang na magkaroon ng kalaaman
sa kung ano ang nagaganap sa kanyang paligid hindi lamang para maging magaling sa paningin ng
karamihan kung hindi upang mas maibahagi pa nya ang tamang kaalaman. Tulad na lamang sa kung
ano ang estado ng ekonomiya ng bansa na kanyang tinitirahan. Alam mo ba kung ano ang
ekonomiks, at kung ano ang kahalagahan nito saiyo?

Ano ang Ekonomiks?


Ang Ekonomiks ay isang aspeto kung saan pinag-aaralan ang tamang pamamaraan kung paano
maipamamahagi sa isang bansa at sa kanyang mga mamamayan ang limitadong pinagkukunang-
yaman. Kasabay nito ay ang pagkakaroon rin ng tamang kaalaman sa kung paano ang tamang pag-
gamit o pag-gastos sa limitadong yaman na ito upang mapunan ng husto ang pangangailangan ng
isang bansa o mga tao sa kasalukuyang panahon at lalo na sa hinaharap. Sa puntong ito, ang
ekonomiks ay mas nagagamit sa kung paano mareresolbahan ang mga problema na kinakaharap ng
isang bansa katulad na lamang ng problema sa History, Relihiyon at Politika.

Ang dalawang mahalagang uri ng Ekonomiks


Maykroekonomiks – kung saan pinag-aaralan ang indibidwal na pangangailangan katulad ng sa
mga tahanan o kahit na anong uri ng business sa ating lipunan. Ito ay isang sangay na nagsasagawa
ng tamang pag-aaral sa kung paano nagdedesisyon ang isang partikular na tahanan at gayundin ang
mga partikular na kumpanya upang malimitahan ang paggamit ng kakaunting yaman sa paraang
hindi magarbo o sa madaling salita ay praktikal lamang. Ito ay sadyang kabaliktaran sa kung paano
umiikot ang makroekonomiks. Layunin ng maykroekonomiks na:

 Suriin ang mga mekanismong gamit ng merkado na nagbibigay ng may mga kinalaman sa presyo ng
mga dala-dalahin at mga serbisyo o kaya ay pagtatalaga ng mga limitadong kagamitan para sa
maraming paggamit nito.
 Suriin ang dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang merkado na makagawa na mga maiinam na
resulta upang makagawa ng epektibong kumpetisyon.
Makroekonomiks – ito ay pag-aaral ng ekonomiya ng isang bansa. Ito ay isang sangay ng
ekonimiks na humaharap sa pagsasakatuparan o galaw at asal o kabuhayan ng isang bansa. Katulad
ng maykroekonomiks, ito ay isang bahagi rin ng ekonomiks na sadyang napakahalaga sa larangang
ito. Nasasakop nito ang pangkabuuan ng ekonomiya. May dalawang uri ng pananaliksik sa
makroekonomiks ito ay ang:

 Pag-unawa sa mga sanhi at bunga ng ikot ng isang particular na negosyo sa maikling panahon at
 Pag-unawa sa mga matagalang panahon ng paglaki ng kita ng ekonomiya o pagtaas sa kitang
pambansa.
Bukod sa mga nabanggit na kahulugan sa kung ano ang ekonomiks, ang isang eksplenasyon pa ng
karamihan tungkol dito ay ito ay isang uri ng Agham.
Ekonomiks bilang isang sangay ng agham
Isa itong Agham sapagkat ito ay ginagamitan ng mga Chart, Graph at Mathematics upang masuri ng
husto ang mga bagay na napapaloob rito at upang malaman kung sapat ba o kakasya ba ang
limitadong pagkukunang-yaman ng isang bansa o tao na nasasakupan nito. Ang paggamit ng mga
Chart, Graph at tamang Matematika ay makakatulong upang tukuyin ang maaaring maging problema
sa kasalukuyan, makagawa ng tamang sistema, makapag-obserba sa kung ano ang dapat at hindi
dapat, makakalap ng tamang datos bago makabuo ng pinaka-solusyon. Ang ekonomiks ay walang
dudang isang uri rin ng Agham.

Kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa Ekonomiks


Ang pag-aaral sa kung paano ang tamang Paglikha, Pamamahagi at Pagkonsumo ng mga kalakal ay
nagdudulot ng mas malinis at mas epektibong pamamaraan upang ang ekonomiya ng isang bansa ay
mas umunlad. Samakatuwid, ito ay napakahalaga sapagkat ito ay makakatulong ng lubos sa kung
paano mauunawaan ang nangyayari sa gastusin ng isang bansa mapa-pinansyal man ito o sosyal.
Nakasalalay ang matibay na pundasyon ng isang lipunan sa kung paano niya gamitin ang
pinagkukunang-yaman ng maayos ng hindi nasasabotahe ang iba pang mahahalagang
pangangailangan ng kanyang nasasakupan.

Você também pode gostar