Você está na página 1de 2

PunongKahoy…Ulan…Baha…

Mang Dante: “Dali! Takbo kayo! Pataas ng pataas ang tubig!”

Narrator: Malakas na sigaw ni Mang Dante.

Maria: ”Itay! Inay! Bunso!”

Narrator:Takot na Takot na iyak ni Maria, Ang isa sa mga anak nina Mang Dante at Aling
Celia.

Kyla: ”Taas Dito!Dali!Dali!”

Narrator: Ang sigaw ni Kyla, Ang panganay na anak nina Mang Dante at Aling Celia.

Matt: ”Opo Ate!”

Narrator: Ang sigaw ni Matt habang tumataas sa mataas na lugar,ang bunsong anak nina
Mang Dante at Aling Celia.

Narrator: Gayon na lamang ang pagkabigla ng mga mamamayan ng Barangay Tagapo


nang sila’y gisingin ng isang rumaragasang baha. Maraming bahay ang naanod kasama na
ang mga taong hindi namalayan ang pagdating ng baha.Ang iba nama’y nagpilit na
makaligtas pamamagitan ng pag-akyat sa bubong ng matitibay na bahay o paglikas na
bundok.

Mang Dante: ”Salamat Diyos ko, at kami’y Iyong iniligtas,”

Narrator: Taimtim na usal ni Mang Dante.

Aling Celia: ”Mabuti na lamang at ako’y gising kaya naramdaman ko ang pagdatal ng baha,
Kung hindi, malamang kasama na tayo sa mga nalunod”

Narrator: Sabi ni Aling Celia habang yapos-yapos ang mga anak.

Maria: ”Itay,paano na po tayo,wala na po ang ating mga bahay,”

Narrator: Umiiyak na wika ni Maria habang niyayakap si Kyla.

Mang Dante: ”Hindi na bale, Anak. Ang mahalaga’y ligtas tayo,”

Narrator: Alo ng ama sa anak

Matt: ”E,Bakit po kaya nag-Flashflood sa ating pook?”

Narrator: Ang nagtatakang tanong ni Matt sa ama.

Mang Dante: Anak, isa iyan sa mga epekto ng patuloy na pagputol ng mga punokahoy sa
mga bundok na nakapaligid sa malaking ilog sa ating pook”

1
Narrator: Simula ni Mang Dante.

Maria: ”Tama si Itay.Alam mo, Bunso, ang mga ugat ng punongkahoy ang sumisipsip ng
tubig-ulan.”

Kayla: ”Tama!, Dahil kakaunti na ang mga punongkahoy sa kabundukang ito,”

Maria: ”Hindi na nila mapigil ang pagdaan ng maraming tubig-ulan sa ating lugar.”

Aling Celia: ”At iyan ang dahilan kaya nagipon ipon ang ilog at naging malaking baha”

Matt: ”Okay, alam ko na po kung bakit nag-flashflood sa ating pook”

Narrator:Ang maikling pakli ni Matt.

Mang Dante: ”Dagdag na hirap na nam sa mga mamamayan. Aba’y kayraming nawalan
ng tahanan,”

Narrator: Tiim-bagang na wika ni Mang Dante.

Aling Celia: ”kasalanan din naman natin ito. Kung tayo lang sana’y nagpapahalaga sa mga
punong kahoy, hindi sasapit sa atin ang problemang ito”

Narrator: Ang pagsisising pakli ni Aling Celia.

Mang Dante: ”Totoo iyan,Lalo na tayong hindi uunlad,”

Narrator: Mariing sabi ni Mang Dante.

Matt,Maria at Kyla: ”Paano na po tayo, Itay?”

Narrator: nangangambang tanong ng magkakapatid.

Aling Celia:”Hintayin nalang natin na bumaba ang tubig sa mga kalye at tayo’y babalik na
sa ating barangay,”

Narrator: Sagot ni Aling Celia.

Mang Dante:’Magsisimula tayong muli. Itatayo natin ang ating mga bahay. At kapag
maayos na ang lahat, sisimulan ko ang kampanya sa muling pagtatanim ng mga
punongkahoy sa kapaligiran,”

Narrator: Matatag na usal ni Mang Dante. Nang mawala na ang tubig sa mga kalsada,
bumaba na sila sa bundok at nagsimulang gumawa ng bagong bahay nila. Ang iba naman
ay nagtatanim ng bagong puno. …

Você também pode gostar