Florante: Amang nasa Langit, ako’y pakinggan! Mga hinanakit ko’y tugunan! Ang mahal kong Albanya ay napasailalim sa kamay ni Konde Adolfo. Dahil sa kapangyarihan ni Haring Linceo at sa kayamanan ng aking amang si Duke Briseo, naging uhaw si Konde Adolfo sa mga ito na siyang naging dahilan ng kanyang pagiging saksakan ng sama. Bakit tila ako ay ‘di mapakinggan? Bakit pati kalungkutan ng aking tinig ay ‘di man lang dinggin? O Laura! Anong sakit ang ipagpalit sa iba! Lalo na’t kay Konde Adolfo pa na taksil ka umibig. Pagmamahal ko ba sa iyo’y pinag sawaan na? Para akong bulaklak sa ginagawa mo. Na kahit anong ganda at bango, habang tumatagalay ay iiwan at itatapon parin hanggang malanta. Sabi mo pa nga noon na tayo ang pinakabagay sa buong mundo , sa isang iglap lang, lahat ng ito’y naglaho. Ay! ‘Pag babae nga naman talaga. Magsawa lang sa isang bagay, papalitan at kakalimutan na agad. Aladin: O Flerida! Ako ma’y nalulungkot dahil ikakasal ka na sa aking ama, pipilitin ko paring maging masaya dahil alam ko na ito ang ikaliligaya ng aking ama. Inagaw ka man niya sa akin pero ayos lang! Sanay na akong agawan ng mahahalagang bagay! Pero kung wala akong respeto sa aking ama, siguro ay naramdaman na niya ang bagsik ni Marte at ni Parkas sa aking kamay na may dahas! Ngunit wala na akong magagawa dahil mahal kong talaga ang aking ama! Kaninong boses ang aking nadinig? Parang natahimik siya! Sino kaya iyon? Bakit napakalungkot ng kanyang mga daing? Florante: Ama! Bakit ikaw pa ang nauna sa hukay? Bakit hindi nalang ako ang namatay? Bakit ngayong kailangang-kailangan kita, doon kapa nawala? Kahit kalian, ubod talaga ng sama ang Konde Adolfo na iyan! Hanggang dito sa aking kinalalagyan ay dinig ko noong araw na ika’y pinugutan! Paano na ako ngayong wala ka na? Wala nang ibang ama ang makakapag- padama ng iyong mga pag-aaurang ginawa sa akin! Paalam mahal kong ama! Aladin: Buti pa siya! Mahal na mahal siya ng kanyang ama! Kailangan ko na siyang mahanap! Baka may mabangis na hayop na makalapa sa kanya! Florante: Laura! Ako ma’y iyong pinagtaksilan, hangad ko parin ang iyong kaligayahan. Sana’y maging masaya ka sa piling ni Konde Adolfo. At ‘wag ka nang mag-abalapa na hanapin ako, dahil alam ko na kinalimutan mo na ako. Huwag kang mag-alala! Sanay na akong na akong kalimutan ng mga taong mahal ko! Pero lagi mong tatandaan, mhal kita hanggang libingan. Paalam narin sa iyo, Albanya kong minahal ng sobra-sobra! ‘Di ko akalain na matapos kitang kitang ipagtanggol, ganito lang angmatatanggap ko mula sa iyo! Bayang walang utang na loob, Adolfong traydor, Laurang mandaraya! Sana’y inyong ikaligaya ang aking kamatayan! Aladin: Isang Kristiyano?! Isang Kristiyanong nakakaawa ang naghihingalo?! Magpahinga ka muna at magpalakas. Kakailanganin mo iyan upang ika’y gumaling. Florante: Laura! Nasaan ka?! Iligtas mo ako dito! Sino ka? Ay teka, isa kang Moro ‘diba?! Aladin: Huwag kang mag-alala. Ligtas ka na. At oo, isa nga akong Moro, na mortal kaaway ng mga tulad mong Kristiyano! Pero kung hindi pa ako dumating, siguro ay pinagpipiyestahan kana ng mga leon! At ang iyong kasuotan ay nagsasabing ikaw ay taga Albania. Pero ngayonay ituring mo akong kaibigan nang ikaw ay aking mabantayan. Ano ba ang kadahilanan ng iyong pagkakagapos sa madilim at liblib na gubat na ito? Magkuwento ka naman. Florante: O sige. Ganito kasi iyon. Ang ama ko ay taga-Albania samantalang ang ina ko naman ay taga-Crotona. Minsan nga, napapaisip ako kung bakit hindi nalang ako sa Crotona pinalaki at hindi sa Albania. ‘Yung ama ko, isa siyang sikretong tanungan ni Haring Linceo sa kahit anong bagay. Ang mga magulang ko ay tumutulong sa mga nangangailangan. Dito nakilala ang aming pamilya. Noong sanggol palang ako, muntik na akong dagitin ng buwitre. Grabe daw ang ang pagsigaw ng tulong ng aking ina. Buti nalang dumating ang pinsan kong si Menalipo. Prinsesa Floresca: Tulong! Tulungan niyo ako! Prinsesa Floresca: Bakit kailangan pa natin siyang ipadala sa Atenas? Dito!? puwede naman siya mag-aral dito, diba?! Duke Briseo: Pero doon, mas mahuhubog ang kanyang katalinuhan! Alam ko, gusto mo rin Ang mas nakakabuti sa kanya. At saka, Malaki na siya! Kaya na niyang alagaan ang kanyang sarili doon! Prinsesa Floresca: Pero ‘di mo alam kung ano ang aking mararamdaman kapag malayo sa atin ang aking mahal na anak! Duke Briseo: Huwag kang mangamba! Babalik parin sa atin si Florante. Konde Adolfo: Inagaw mom o ang lahat sa akin! Ang aking popularidad! Ang mga papering dapat sa akin lamang! Dapat kang mamatay! Florante: Ina! Hindi ito maaari! Hindi ka puwedeng mamatay! Paano na ako ngayon? Florante: Ama! Duke Briseo: Anak ko! Mensahero: Paumanhin po kung ako’y nakakadestorbo sa pag-uusap niyong mag- ama, ngunit may mahalagang bagay po kayong dapat malaman. Ipinapatawag po kayo ni Haring Linceo ng Albania. Mahalaga dcawpo. Haring Linceo: Duke Briseo! Kanina ko pa hinihintay ang iyong pagdating! At ito ba si Florante? Ikinagagalak kitang makilala, hijo! Jasper: Sa akin po ang karangalan, mahal na hari! Reygan: Ipinatawag ko kayo para sa isang misyon. Sinakop ni Heneral Osmalik ng Persiya ang bayan ng Crotona at ngayo’y pinapaligiran ang kanilang hari. Humihingi siya ng tulong sa atin lalo na’t kasama ni Osmalik ang prinsipeng girero ng Persiya na si Aladin. Ikaw, Florante, ang magiging heneral ng hukbong susugod at magliligtas sa hari ng Crotona, at magpapalaya sa baying sinakop ng mga Moro! Jasper: Paumanhin, Haring Linceo, ngunit sino po ang binibini sa harden? Reygan: Ah! Ang anak kong dalaga! Sandali lang, tatawagin ko muna siya. Laura! Laura! Analie: Po! Ano poi yon, ama? Reygan: Laura, anak! Nais kong ipakilala sa iyo si Florante. Jasper: Ikinagagalak kitang makilala, binibining Laura! Analie: Ganoon din sa iyo, Florante! Reygan: Maiwan ko muna kayong dalawa. Duke Briseo! Maaari ba tayong mag-usap sa loob? Haryl: Opo, mahal na hari! Jasper: Napakaganda mo naman, Binibining Laura! Analie: Salamat sa papuri, Florante! Jasper: Alam mo, kasingganda mo ang mga bulaklak na ito! Analie: ‘Di nga? Totoo? Jasper: Totoong-totoo! Analie: Inaakit mo lang yata ako sa iyong mga salita, eh! Marami nang lalaki ang ang ginawa sa akin iyan, pero ‘di naman seryoso sa pagmamahal! Jasper: Kung ganoon, sige! Ipnapangako ko sa iyo, simula sa araw ito, nasa pangangalaga ko na ang puso mo! Analie: Ano ang ibig mong sabihin, Florante? Jasper: Mahal kita, Laura! Analie: Mahl din kita, Florante! Jasper: Pero alam mo? Napaisip ako bigla. Ayaw ko pala sa prinsesang tulad mo! Analie: Sinasabi ko na nga ba, eh! Jasper: Pero alam mo ba kung bakit? Analie: Bakit? Jasper: Kasi ang gusto, ikaw mismo! Analie: Pumasok na nga tayo sa loob! Reygan: Florante! Oras nang ika’y maglakbay! Jasper: Opo, Haring Linceo! Ngunit bago po ako maglakbay, maaari ko po bang makausap si Laura? Reygan: Pagbibigyan ko ang iyong kahilingan. Jasper: Laura! Analie: Kailangan mo pa bang umalis? Jasper: Kailanga, Laura mahal ko! Kailangan kong tuparin ang aking sinumpaang tungkulin! Analie: Ngunit paano kung hindi makabalik? Jasper: Makakabalik ako sa’yo, pangako ‘yan!