Você está na página 1de 125

IKAAPAT NA MARKAHAN

423
Panimulang Pagtataya
(Ikaapat na Markahan)

Masaya ang magbasa. Dadalhin ka nito sa iba’t ibang lugar at panahon ngunit subukin mo muna ang iyong
dating kaalaman. Sagutin ang panimulang pagtataya upang maging gabay kung gaano na kalawak ang iyong alam
sa tatalakayin.

A. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra ng pinakatamang sagot sa iyong sagu-
tang papel.
1. Ang “Noli Me Tangere” ay halimbawa ng nobelang _________________.
A. pampolitika B. panrelihiyon C. panlipunan D. pampamilya
2. Ang sagisag ni Rizal sa panulat ay _________________.
A. Laong-laan B. Lola Basyang C. Basang Sisiw D. Pepeng Agimat
3. Ang “Noli Me Tangere” ay inialay sa _________________.
A. GOMBURZA B. kasintahan C. pamilya D. Inang Bayan
4. Ang tulang isinulat ni Rizal sa edad na walo ay __________________.
A. Sa Aking Mga Kabata C. Inang Wika
B. Ang Pag-ibig D. Ang Batang Gamugamo
5. Ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang nobelang “Noli Me Tangere ay si
_______________.
A. Paciano Rizal B. Ferdinand Blumentritt C. Maximo Viola D. Valentin Ventura
6. Naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng nobelang “Noli Me Tangere ang akdang ______________.
A. The Roots B. Iliad at Odyssey C. Ebony and Ivory D. Uncle Tom’s Cabin
7. Ang sakit sa lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang “Noli Me Tangere” ay __________________.
A. HIV B. Kanser C. Dengue D. Tuberculosis
8. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay _________________.
A. mangmang B. tamad C. erehe D. indiyo
9. Ang nakatuluyan ni Jose Rizal ay si __________________.
A. Leonor Rivera B. Segunda Katigbak C. Josephine Bracken D. Maria Clara
B. Isulat ang titik S kung Sanhi at B kung Bunga ang sumusunod.
10. _____ Nakatulog ang marami sa mahabang sermon ni Padre Damaso.
11. _____ Pinasaringan ni Padre Damaso si Ibarra at ang ama nito.
12. _____ Palagi na lamang umiiyak si Maria Clara at di pinakikinggan ang pag-alo ng kanyang tiya.
13. _____ Naging ekskomulgado si Ibarra.
14. _____ Namundok si Tandang Pablo.
C. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang A-E.
____15. Hinimok ni Elias si Kapitan Pablo na sumama sa kanya.
____16. May dumating na telegrama para kay Kapitan Tiago tungkol sa pagdating ng kapitan-heneral.
____17. Nakipagkita si Elias kay Ibarra upang ipaliwanag ang nangyari sa paghuhugos.
____18. Nagbigay ng kani-kaniyang opinyon ang mga tao sa nangyari kina Ibarra at Padre Damaso .
____19. Bumagsak ang panghugos na ginawa ng taong madilaw.
D. Piliin ang tamang sagot batay sa sumusunod na pahayag para sa blg. 20-30.

“Mamamatay ako na di makikita ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan! Kayong makamamalas sa kanya, batiin ninyo
siya at huwag kalimutan ang nagbulid sa dilim ng gabi.”

20. Binibigyang-diin sa pahayag na binasa ang ________________.


A. naghihingalo B. kaliwanagan C. mga bayani D. inaasahang kalayaan
21. Ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan ay patungkol sa ________________.
A. kinabukasan ng bayan C. kaluwagan ng bayan
B. kalayaan ng bayan D. kuwentong-bayan
22. Ang nagsasalita sa pahayag na binasa ay _________________.
A. namamaalam B. naghahabilin C. nanghihinayang D. nanunumbat

424
23. Sa pahayag ay binanggit ang nangabulid sa dilim ng gabi. Ito ay tumutukoy sa ________________.
A. mga sundalo B. mga bayani C. kabataan D. matatanda
24. Ang kabuuan ng pahayag ay may imaheng ___________________.
A. pambansa B. pang-espiritwal C. panlipunan D. pangkalikasan
25. Matapos mong mabasa ang kabuuan ng pahayag, nangibabaw ang damdaming ________________.
A. maka-Diyos B. makabansa C. makatao D. makakalikasan
26. Nahihinuha sa pahayag ng nagsasalita na siya’y may katangiang _________________.
A. matalino B. matatag C. mapagmahal D. makatao
27. Ang kinakausap ng nagsasalita sa pahayag na binasa ay ang ________________.
A. bata B. kabataan C. matatanda D. mamamayan
28. Sa kabuuan ng pahayag ay nanaig sa mambabasa ang _______________.
A. pagkaawa B. pagkalito C. pagkatakot D. pagpapahalaga
29. Ang pinakaangkop na pamagat sa pahayag na binasa ay ________________.
A. Huling Panawagan C. Tagubilin sa Kabataan
B. Paalam sa Inang Bayan D. Ang Mga Nangabulid
30. Ang dilim ng gabi ay sumisimbolo sa _______________.
A. kabiguan B. kasawian C. kamatayan D. kadakilaan

Para sa blg. 31-35.

“Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang giliw, lalong pag-ingata’t kaaway na lihim.”

- Pilosopo Tasyo

Ang ideya o kaisipang lumulutang sa pahayag ay _______________.


A. pampamahalaan B. pampamilya C. panlipunan D. pansimbahan
31. Ang katangian ng nagsasalita na maliwanag sa pahayag ay _______________.
A. matulungin B. matalino C. mapagmalasakit D. mapanakot
32. Ang katotohanang nais bigyang-pansin sa pahayag ay _______________.
A. kaingatan B. kainggitan C. kaligtasan D. kataksilan
33. Ang “masayang mukha” ay sumisimbolo sa _______________.
A. nagpapanggap B. nagpapasaya C. nagpapahanga D. nagmamayabang
34. Binigyang-diin sa pahayag na _______________.
A. Ang tao ay di dapat magtiwala. C.Ang tao’y laging may kaaway.
B. Ang tao’y laging may pasalubong. D. Ang tao’y pinapakitaang-giliw.

Binabati kita! Natapos mo ang panimulang pagtataya.


Natitiyak kong madaragdagan pa ang iyong kaalaman
habang tinatalakay natin ang bawat aralin at ginagawa ang
mga gawain.

425
UNANG LINGGO - SESYON 1

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 1 (Aralin 1.1)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Kaligirang
Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ang mga mag-aaral ng debate o pagtatalo
tungkol sa paksang “Dapat o di dapat ginamit ni Jose Rizal
ang panulat sa kapakanan ng bansa”.
Kompetensi: * Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng: (F9PN-IVa-b-56)
• pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat
nito;
• pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong
isinulat ito; at
• pagpapatunay sa pag-iral ng mga kondisyong
ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda.
* Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan sa
panahong isinulat ang akda at ang epekto nito matapos
maisulat hanggang sa kasalukuyan. (F9PB-IVa-b-56)
I. LAYUNIN
Kaalaman : Nasusuri ang mga layunin sa pagsulat ng akda.
Saykomotor: Nabibigyang-reaksyon ang kalagayang panlipunan na
binanggit sa akda.
Apektiv: Napahahalagahan ang naiambag ng akda sa panahong
nabanggit.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me


Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing
House, Inc.
https://prezi.com/wqewkwltgend/kaligirang-kasaysayan-ng-
noli-me-tangere/
C.KAGAMITANG- TG, aklat sa Noli Me Tangere, manila paper, kartolina
PAMPAGKATUTO strips.

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibeysyunal na tanong: 1. Mahilig ba kayong magbasa ng mga nobela?
2. Ano ang kalimitang paksa ng mga nobelang nabasa
ninyo?
3. Bakit ninyo ito kinahiligan?
Aktiviti / Gawain
* Panimulang Gawain
A. Katangian Ko, Alamin Mo: Sino Ako?

Kilalanin kung sinong personalidad ang binanggit ayon sa


katangiang ibinigay sa bawat bilang.
____________1. Ako ang tinaguriang pambansang bayani

426
ng Pilipinas.
____________2. Ako ay ipinanganak noong Hunyo 19,
1861.
____________3. Pinatay ako sa Bagumbayan.
____________4. Asawa ko si Josephine Bracken.
____________5. Ako ang sumulat ng Noli Me Tangere.

B. Kaalaman Mo, Ilahad Mo


Ibigay ang iyong nalalaman ukol sa mga salitang nasa
bilohaba.

Noli Me Tangere

Pamprosesong Tanong:
1. Sino si Jose Rizal at ano ang kaugnayan niya sa
nobelang “Noli Me Tangere”?
2. Bakit kaya niya isinulat ito? Ano ang kanyang
layunin?
3. Mahalaga bang malaman ng isang mambabasa kung
sino ang may-akda at panahon ng pagkasulat nito?
Bakit?
B. PAGLALAHAD * Pagpapayaman ng kaalaman sa pamamagitan ng
Abstraksyon pagpapabasa sa Kaligirang Pangkasaysayan ng “Noli Me
(Pamamaraan sa Pagtalakay) Tangere”.
Gabay na mga Tanong:
1. Kailan isinulat ni Jose Rizal ang nobelang Noli Me
Tangere?
2. Bakit niya ito isinulat? Para kanino?
3. Ano-anong kalagayang panlipunan mayroon sa
panahong isinulat ito?
C. PAGSASANAY ( Pangkatang Gawain )
Mga Paglilinang na Gawain Pangkat 1 – Timeline sa Pagkasulat ng Akda
Pangkat 2 – Maikling Pagsasadula sa Kalagayang
Panlipunan sa Pagkasulat ng Akda
Pangkat 3 – Mock Interview sa Reaksyon ng mga
Filipino sa Akda
D. PAGLALAPAT Kung ikaw ay isinilang sa panahong naisulat ang akda,
Aplikasyon anong aksyon ang gagawin mo para masolusyunan ang
sinasabing “kanser sa lipunan”? Gagawin mo rin ba ang
ginawa ni Jose P. Rizal? Bakit? Isulat ito sa makikitang
kahon sa sanayang-aklat.
E. PAGLALAHAT Bilang isang kabataang Filipino, paano mo maipakikita ang
Generalisasyon pagpapahalaga sa nobelang “Noli Me Tangere”? Bumanggit
ng mga kongkretong halimbawa/sitwasyon.

427
IV. PAGTATAYA A. Magtala ng mga kondisyong panlipunan sa panahong
isinulat ang nobelang “Noli Me Tagere”. Isulat sa
ikalawang hanay ang mga patunay nito.
Panahon ng Pagkasulat ng Noli Me Tangere

Kondisyong Panlipunan Patunay

B. Sagutin nang buong linaw ang mga tanong.


1. Paano ipinakita ni Dr. Jose P. Rizal ang pagmamahal sa
tinubuang lupa?
2. Naging epektibo kaya ang kanyang ginamit na paraan sa
pagkamit ng kanyang layunin? Patotohanan.
3. Sang-ayon ka ba na dapat pag-aralan ang nobelang “Noli
Me Tangere”? Bakit oo at bakit hindi?
V. TAKDANG-ARALIN Magsaliksik ukol sa talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal.
TUGON

PAGNINILAY-NILAY

428
YUGTO NG PAGKATUTO
tAralin 1.1 Sesyon 1

TUKLASIN

Mahalaga ang papel ng panitikan sa buhay ng tao. Sa mga naunang aralin, natutuhan mo na malaki ang
ginagampanang papel ng mga akdang pampanitikan sa buhay ng tao maging ito man ay pabula, maikling kwento,
alamat, tula, sanaysay at iba pa. Ngayon, sama-sama nating tuklasin at balikan ang mga karanasan ng ating mga
ninuno lalo na noong panahon ng Kastila.

Ikaw ay inaasahang makilahok sa iba’t ibang gawain na maghahanda sa iyo tungo sa pagtamo ng iba’t ibang
kasanayan. Handa ka na ba?

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

1. Mahilig ba kayong magbasa ng mga nobela?


2. Ano ang kalimitang paksa ng mga binabasa ninyo?
3. Bakit ninyo ito kinahiligan?

GAWAIN 1: Katangian Ko, Alamin Mo: Sino Ako?

Kilalanin kung sinong personalidad ang binanggit ayon sa katangiang ibinigay sa bawat bilang.
____________1. Ako ang tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas.
____________2. Ako ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861.
____________3. Pinatay ako sa Bagumbayan.
____________4. Asawa ko si Josephine Bracken.
____________5. Ako ang sumulat ng “Noli Me Tangere”.

PAGSUSURI
GAWAIN 2:Kaalaman Mo, Ilahad Mo

Ibigay ang iyong nalalaman ukol sa mga salitang nasa biluhaba.

Noli Me Tangere

Pamprosesong Tanong:

1. Sino si Jose Rizal at ano ang kaugnayan niya sa nobelang “Noli Me Tangere”?
2. Bakit kaya niya isinulat ito? Ano ang kanyang layunin?

429
3. Mahalaga bang malaman ng isang mambabasa ang may-akda at panahon ng pagkasulat ng akda? Bakit?

ALAM MO BA NA…

Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887 sa Europa. Hango
sa Latin ang pamagat nito na sa Filipino ay "Huwag Mo Akong Salingin". Kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni
Juan 20:13-17 sa Bibliya na tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang
lubayan sila ng mga nakakasalubong nila. Mas madalas itong tinatawag na Noli; at may salin sa Ingles na
“Touch Me Not”.

Kasaysayan ng Noli Me Tangere


Inilathala ito noong 26 taong gulang si Rizal. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang
makabuo ang mga Filipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang
aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang mananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang
tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Espanyol ang Noli, ang wika ng mga
edukado noong panahong yaon. Sinimulan niya ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago
siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na
manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa. Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung
kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Filipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral
Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan, napayapa
ang liberal ng Gobernador-Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng
simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal.

Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884 sa
Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon
ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. Sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela noong 1885.

Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet
Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong puting
Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito
sa kapalarang sinapit ng mga Filipino sa kamay ng mga Espanyol. Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat
bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay
pagsasama-samahin niya upang maging nobela ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng
kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong. Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa
matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli Me
Tangere”. Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela. Ang pamagat ng "Noli
Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa
Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang
tao.

Halaw sa:
https://prezi.com/wqewkwltgend/kaligirang-kasaysayan-ng-noli-me-tangere/

Gabay na mga Tanong:

1. Kailan isinulat ni Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?


2. Bakit niya ito isinulat? Para kanino?

430
3. Ano-anong kalagayang panlipunan mayroon sa panahong isinulat ito?
4. Ano ang nagsilbing inspirasyon ni Jose Rizal upang isulat ang akda?
5. Sa tingin mo, bakit pinamagatan ang nobela na “Noli Me Tangere”?

PAGSASANAY
GAWAIN 3

Ipamalas ang iyong pag-unawa. Pag-usapan ng kapangkat ang gagawin.

Pangkat 1 – Timeline sa Pagkasulat ng Akda


Pangkat 2 – Maikling Pagsasadula sa Kalagayang Panlipunan sa Pagkasulat ng Akda
Pangkat 3 – Mock Interview sa Reaksyon ng mga Filipino sa Akda

PAGSASANAY
GAWAIN 4: Aksyunan Mo

Kung ikaw ay isinilang sa panahong naisulat ang akda, anong aksyon ang gagawin mo para
masolusyunan ang sinasabing “kanser sa lipunan”? Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Jose P.
Rizal? Bakit?

May Aksyon Ako

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
_____________________________________________

431
PAGLALAPAT: Pahalagahan Mo

Bilang isang kabataang Filipino, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa nobelang “Noli Me
Tangere”? Magbanggit ng mga kongkretong halimbawa/sitwasyon. Isulat ito sa loob ng Speech Balloon.

http://mzayat.com/single/116391.html

TANDAAN

Ang “Noli Me Tangere”ay nobelang panlipunan na isinulat sa layuning magising ang damdamin ng
mamamayang Filipino sa malubhang “kanser sa lipunan”. Ito’y sumasalamin sa mga pangyayari sa lipunan sa
panahon ng mga Espanyol. Di naging madali ang pagsasakatuparan sa pagsulat nito gaya ng hirap at
pagsasakripisyo ng ating mga ninuno makamit lamang ang kasarinlan.

PAGTATAYA
A. Magtala ng mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang nobelang “Noli Me Tagere”.
Isulat sa ikalawang hanay ang mga patunay nito.

Panahon ng Pagkasulat ng Noli Me Tangere


Kondisyong Panlipunan Patunay

B. Sagutin nang buong linaw ang mga tanong.


1. Paano ipinakita ni Dr. Jose P. Rizal ang pagmamahal sa tinubuang lupa?
2. Naging epektibo kaya ang kanyang paraang ginamit sa pagkamit ng kanyang layunin? Patotohanan.

432
3. Sang-ayon ka ba na dapat pag-aralan ang nobelang “Noli Me Tangere”? Bakit at bakit hindi?

TAKDANG ARALIN
Isaliksik Mo

Magsaliksik ukol sa talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal.

https://en.wikipedia.org/wiki/Jos%C3%A9_Rizal

Talambuhay ni Jose P. Rizal


____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Mahusay! Nagawa mo. Tiyak na magiging madali para sa iyo ang mga susunod na aralin at gawain.

433
UNANG LINGGO - SESYON 2

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 2 ( Aralin 1.2)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Kaligirang
Pangkasaysayan ng “Noli Me Tangere”.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ang mga mag-aaral ng debate o pagtatalo
tungkol sa paksang “Dapat o di dapat ginamit ni Jose Rizal
ang panulat sa kapakanan ng bansa.
Kompetensi: Naitatala ang mga nalikom na datos sa pananaliksik.
(F9PU-IVa-b-58)
Nalalagom ang mahahalagang impormasyong nasaliksik
para sa sariling pagpapakahulugan at gamit. (F9EP-IVa-b-
21)
I. LAYUNIN
Kaalaman : Natatalakay nang buong talino ang talambuhay ni Dr. Jose
P. Rizal.
Saykomotor: Nakalilikha ng isang Facebook account na naglalaman ng
mga impormasyon tungkol kay Dr. Jose Rizal.
Apektiv: Naipagpapatuloy ang kawilihan sa pagbabasa ng nobelang
“Noli Me Tangere”.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
( Ang May-akda ng Noli Me Tangere )
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing
House, Inc.
http://www.joserizal.com/talambuhay-ni-dr-jose-rizal/
https://ph.video.search.yahoo.com/search/video?fr=vmn&p
=jose+rizal+short+video#id=4&vid=0b234674f8b2afd4cda
3c4b69c6562dd&action=view
https://www.youtube.com/watch?v=K-Y4tqxIBWk
C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO Aklat sa “Noli Me Tangere”, manila paper, internet.
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA (Balik-aral)
Pangmotibeysyunal na tanong: 1. Bakit isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ang “Noli Me
Tangere”?
2. Paano ito nakaimpluwensya sa isipan at damdamin
ng mga Filipino?
Aktiviti / Gawain Iugnay Mo

Uncle Tom’s Cabin = Noli MeTangere

* Pagpapaliwanag sa nais ipahiwatig ng nasa kahon.


B. PAGLALAHAD * Ipapanood ang 3 minutong documentary film tungkol sa
Abstraksyon buhay ni Jose Rizal.
(Pamamaraan sa Pagtalakay) https://ph.video.search.yahoo.com/search/video?fr=vmn&p
=jose+rizal+short+video#id=4&vid=0b234674f8b2afd4cda
3c4b69c6562dd&action=view

434
* Paglalahad ng mga gawain ng bawat grupo at inaasahang
awtput.

C. PAGSASANAY Mula sa napanood at datos na nasaliksik, gumawa ng isang


Mga Paglilinang na Gawain pag-uulat sa sumusunod:
Pangkat 1 – Kapanganakan, mga magulang at kapatid ni Dr.
Jose Rizal
Pangkat 2 – Buhay pag-ibig ni Jose Rizal
Pangkat 3 – Pag-aaral/pinasukan ni Dr. Jose Rizal
Pangkat 4 - Mga Akdang sinulat ni Jose Rizal
(Pagpuna at pagbibigay ng karagdagang impormasyon ng
guro)
D. PAGLALAPAT Gumawa ng isang Facebook account na nakapaloob ang
Aplikasyon lahat ng impormasyon na may kaugnayan kay Dr. Jose
Rizal.
E. PAGLALAHAT Bakit mahalagang malaman natin ang background ng may-
Generalisasyon akda ng ating mga binabasa?

IV. PAGTATAYA Patunayan mong kilalang-kilala mo na ang may-akda ng


nobela. Ibigay ang mga hinihinging impormasyon tungkol
sa kanya.
(bio-data form ni Dr. Jose Rizal)
V. TAKDANG-ARALIN Panoorin ang trailer ng pelikulang “Jose Rizal” na
pinagbidahan ni Cesar Montano. Maaari itong mapanood
sa: https://www.youtube.com/watch?v=K-Y4tqxIBWk
TUGON

PAGNINILAY-NILAY

435
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 1.2 Sesyon 2

TUKLASIN

Halika’t tuklasin at kilalanin pa natin ang sumulat ng nobelang “Noli Me Tangere”.

http://gensan14.blogspot.com/2016/03/jose-rizals-sacrifice-and-fighting-for.html

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

1. Bakit isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ang “Noli Me Tangere”? Ano ang nag-udyok sa kanya
para gawin ito?
2. Paano ito nakaimpluwensya sa isipan at damdamin ng mga Filipino?
3. Tinaguriang pambansang bayani si Dr. Jose P. Rizal. Alam mo ba kung bakit siya ang
napili na pambansang bayani ng Filipinas?

GAWAIN 1:Iugnay Mo
Ipaliwanag ang nais ipahiwatig ng nasa kahon.

Uncle Tom’s Cabin = Noli MeTangere

Pamprosesong Tanong:
1. Paano nagkakaugnay ang akdang “Uncle Tom’s Cabin” sa “Noli Me Tangere”?
2. Saan kaya magkakatulad ang mga akdang ito?
3. Sa tingin mo, mahalaga ba ang naging bahagi nito sa paglaya nating mga Filipino?

PAGSUSURI
GAWAIN 2: Panoorin Mo (Jose Rizal na Pelikula)
Panoorin ang 3 minutong documentary film
https://ph.video.search.yahoo.com/search/video?fr=vmn&p=jose+rizal+short+video#id=4&v
id=0b234674f8b2afd4cda3c4b69c6562dd&action=view
bilang paghahanda sa aralin. Isulat ang mga tanong ukol sa pelikulang pinanood.
1. Ano ang problema sa pangunahing tauhan?

436
2. Ano-ano ang ginawa ng pangunahing tauhan para malutas ang kanyang problema?
3. Nagtagumpay ba ang pangunahing tauhan? Patunayan.
4. Sa inyong palagay, nagging epektibo ba ang kanyang mga ginawa para malutas ang kanyang problema?
5. Kung kayo ang pangunahing tauhan, gagawin niyo rin ba ang kanyang ginawa? Oo/Bakit? Ipaliwanag.
6. Nangyayari pa bas a kasalukuyan ang senaryo na inilarawan sa pilikula? Patunayan ang sagot.

Para sa karagdagang kaalaman sa buhay ni Jose P. Rizal, basahin ang nasa loob ng kahon.

ALAM MO BA NA…

Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal. Labing-isa silang
magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y
Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Nakita niya ang unang liwanag noong ika-19 ng
Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna.

Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco Mercado ay anak ng isang
negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay isa ring mestisang Intsik na ang
pangalan ay Ines dela Rosa.

Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay nakararanas si Domingo Lam-co ng
diskriminasyon kaya upang makaiwas sa ganoong pangyayari at makasunod sa ipinag-uutos ni Gobernador
Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga pangalang Filipino noong 1849, ang Lam-co ay pinalitan ng
apelyidong Kastila at pinili nila ang Mercado na nababagay sa kanya bilang negosyante, sapagkat ang ibig
sabihin ng Mercado ay palengke. Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa bayan ng Binan,
Laguna.

Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang ama ay isang magsasaka. Isa
siya sa mga kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba, Laguna.

Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bisa ng Kautusan Tagapagpaganap na pinalabas
ni Gobernador Claveria noong 1849 at ito’y hinango sa salitang Kastila na luntiang bukid.

Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap, matiyaga at talagang
nagbabanat ng buto.

Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng abakada ng kanyang ina at
napansin niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at kaalaman ang anak. Kahit kulang sa mga aklat ay
nagawa ng ginang na ito ang paglalagay ng unang bato na tuntungan ni Rizal sa pagtuklas niya ng iba’t ibang
karunungan.

Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Biñan at nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni
Padre Justiniano Aquino Cruz ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan na siya na lumipat sa Maynila
dahil lahat ng nalalaman ng guro ay naituro na niya kay Rizal.

Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay nagpamalas ng
kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng
asignatura. Sa paaralang ito natamo niya ang katibayang Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang
pinakamataas na karangalan.

437
Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng Filosofia y Letras at Agham sa
pagsasaka naman sa Ateneo Municipal de Manila. Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang pamantasan.
Di pa nasiyahan, nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang kanyang
pag-aaral.

Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, España at tinapos ang kursong ito
noong 1884 at 1885.

Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles. Alam na niya ang Pranses sapagkat sa Filipinas pa
lamang ay pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nag-aral din siya ng Aleman at
Italyano dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga
wikang ito sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Filipino sa bagay na
ito. At upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga bayang nabanggit na mapaghahanguan ng mga aral na alam
niyang makatutulong sa kanyang mga kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika.

Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng “Noli Me Tangere” sa Madrid
noong magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya.
Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-
San Miguel, Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang 300 piso.

Ang “El Filibusterismo” ang kasunod na aklat ng “Noli Me Tangere” na ipinalimbag sa Gante, Belhika
noong 1891.

Itinatag naman ni Dr. Jose Rizal ang “La Liga Filipina” noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang kapisanang ito ay
lihim na itinatag at may layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Filipinas sa
pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik.

Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3, 1888, siya ay muling
umalis sapagkat umilag siya sa galit ng mga Espanyol dahil sa pagkakalathala ng “Noli Me Tangere”. Bumalik
siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892.

Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan,
isang maliit na bayan sa Hilagang-Kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman siya sa
paghihimagsikan ng mga araw na iyon. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan na may labing-
apat na batang taga-roon na kanyang tinuturuan.

Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng España at Cuba, sa pangambang madamay sa kilusang ukol sa
paghihimagsik, hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan niya ng isang
liham si Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa
Filipinas. Ngunit noong bago magtapos ang taong 1896, siya’y hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa
Filipinas.

Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at litisin, siya ay
nahatulang barilin sa Bagumbayan.

Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, sinulat ni Rizal ang kanyang “Mi Ultimo Adios” (Huling Paalam), isang
tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin.

At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta.

Halaw sa:

http://lifeofahero.tumblr.com/post/1026720649/buod-ng-talambuhay-ni-dr-jose-rizal

438
PAGSASANAY
GAWAIN 3: Iulat Mo

Mula sa napanood at datos na nasaliksik, gumawa ng isang pag-uulat sa sumusunod:

Pangkat 1 – Kapanganakan, mga magulang at kapatid ni Dr. Jose Rizal


Pangkat 2 – Buhay pag-ibig ni Jose Rizal
Pangkat 3 – Pag-aaral/pinasukan ni Dr. Jose Rizal
Pangkat 4 – Mga akdang sinulat ni Jose Rizal

PAGSASANAY
GAWAIN 4

Gumawa ng isang Facebook account na nakapaloob ang lahat ng


impormasyon na may kaugnayan kay Dr. Jose Rizal.

http://worldartsme.com/lady-on-computer-clipart.html

PAGLALAPAT:Pahalagahan Mo

Bakit mahalagang malaman natin ang


background ng may-akda ng ating mga
binabasa?

Mahalagang malaman ang background ng may-akda ng ating mga binabasa dahil


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

439
TANDAAN

Si Jose P. Rizal ay may lahing Intsik ngunit dahil sa diskriminasyon at kautusan ay binago ang kanilang
apilyedo. Bata pa lang ay nagpamalas na siya ng di matawarang galing at talino. Di naging madali ang kanyang
pagkamit sa kanyang mga pangarap ngunit di siya nagpadala sa mga hamon sa buhay. Sa bawat bayang kanyang
pinuntahan, sinikap niyang pag-aralan ang kasaysayan at wika nito. Marami siyang alam na wika kung kaya’t
tinawag siyang dalubwika.

Sa pagnanais na matulungan ang kanyang inang-bayan na makalaya mula sa mananakop na Kastila, ibinuwis
niya ang sariling buhay sa pagsulat ng iba’t ibang akda na gigising at pupukaw sa damdaming makabayan ng mga
Pilipino.

PAGTATAYA

Patunayan mong kilalang-kilala mo na ang may-akda ng nobela. Ibigay ang mga hinihinging
impormasyon tungkol sa kanya.

Pangalan:_________________________ Kasarian: ___________


Kapanganakan
Petsa: _______________ Lugar:________________________
Mga Magulang: ____________________________
____________________________
Mga Kapatid: _______________________, __________________________
__________________________, __________________________
__________________________, __________________________
Edukasyon
Elementarya:_______________________________________
Sekondarya:________________________________________
Kolehiyo: __________________________________________
Kursong Natapos: _________________________________________
Asawa:______________________________
Mga Babaeng Naugnay: ___________________________________
__________________________, ___________________________
Paaralang Napasukan:______________________________________
Mga Akdang Nasulat:________________________________________
________________________________________
Sagisag-panulat: ____________________________________________
Lengguwaheng Alam: ________________________________________
Kamatayan 440
Petsa:_____________________ Dahilan:_______________________
TAKDANG ARALIN: Ihanda Mo

Ihanda ang iyong sarili sa susunod na talakayan. Panoorin ang trailer ng pelikulang “Jose Rizal” na
pinagbidahan ni Cesar Montano. Maaari itong mapanood sa : https://www.youtube.com/watch?v=K-
Y4tqxIBWk.

Ang galing mo! Naragdagan mo pa ang dating kaalaman sa paksa.

441
UNANG LINGGO - SESYON 3 & 4

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 3-4 (Aralin 1.3 – 1.4)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Kaligirang
Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ang mga mag-aaral ng debate o pagtatalo
tungkol sa paksang: “Dapat o di dapat ginamit ni Jose Rizal
ang panulat sa kapakanan ng bansa”.
Kompetensi: Natutukoy ang mga kontekstwal na pahiwatig sa
pagbibigay-kahulugan. (F9PT-IVa-b-56)
Napatutunayang ang akda ay may pagkakatulad o
pagkakaiba sa ilang napanood na nobela. (F9PD-IVa-b-55)
I. LAYUNIN
Kaalaman : Nabibigyang-pansin ang mahahalagang pangyayari sa
pelikulang napanood.
Saykomotor: Nakasusulat ng isang reaksyong-papel hinggil sa napiling
bahagi ng pelikula.
Apektiv: Naiuugnay sa kasalukuyang pangyayari ang mga
pangyayari mula sa napanood.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Kaligirang Pangkasaysayan ng “Noli Me Tangere”
(Panonood ng Pelikula)
B. SANGGUNIAN https://www.youtube.com/watch?v=XGngke4P0N8

C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO Laptop, projector/TV, larawan na may kaugnayan sa


lipunan noong panahon ng Kastila
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibeysyunal na tanong: 1. Nais ba ninyong makita ang uri ng lipunang kinamulatan
ni Dr. Jose Rizal at kung ano ang klase ng buhay mayroon
ang ating mga ninuno sa panahon ng mga Espanyol?
2. Ano pa ang nais ninyong malaman tungkol sa panahong
ito? Bakit?

Aktiviti / Gawain * Pagpapaliwanag sa sariling hinuha ukol sa ipinakitang


larawan ng guro.
B. PAGLALAHAD * Bago panoorin ang pelikula, bibigyan ang mga mag-aaral
Abstraksyon ng mga gabay na tanong:
(Pamamaraan sa Pagtalakay) 1. Ano ang iyong saloobin at realisasyon tungkol sa
kalagayan ng lipunan noong panahon ng Espanyol?
2. Ano-anong mga kaisipan ang nabago o mas napagtibay
matapos mapanood ito?
3. Ano ang iyong napatunayan sa napanood mong peliku-
la?
4. Ano ang ibinigay nitong hamon sa iyo bilang kabataang
Filipino?
* Panonood ng pelikula.
C. PAGSASANAY Pagbanggit sa pagkakatulad at pagkakaiba ng pelikulang

442
Mga Paglilinang na Gawain napanood sa nobelang “Noli Me Tangere”. (Venn Diagram)

D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pagsulat ng reaksyong-papel sa napiling bahagi o eksena
mula sa pinanood na labis na nakaantig sa damdamin.
E. PAGLALAHAT Dapat ba nating pahalagahan ang natatamasang kalayaan?
Generalisasyon Sa paanong paraan?
IV. PAGTATAYA Mag-isip ng kasalukuyang pangyayari sa ating lipunan na
maiuugnay sa mga pangyayari noong panahon ng mga
Espanyol. (Think, Pair, Share)
V. TAKDANG-ARALIN Gumupit ng larawan mula sa diyaryo na nagpapakita sa
kasalukuyang sitwasyon sa ating bansa. Idikit ito sa isang
short bondpaper. Sa ibaba nito, isulat ang iyong panig kung
sang-ayon o tutol ka ba rito. Ilahad din ang iyong rason at
mungkahi.

TUGON

PAGNINILAY-NILAY

443
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 1.3 – 1.4 Sesyon 3-4

TUKLASIN

Sinasalamin ng mga palabas o pelikula ang mga pangyayari sa lipunan. Halika’t panoorin din natin ang
pelikulang “Jose Rizal” nang malaman ang mga kaganapan dito sa Filipinas noong panahon ng mga Espanyol.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

1. Nais ba ninyong makita ang uri ng lipunang kinamulatan ni Dr. Jose Rizal at kung ano
ang klase ng buhay mayroon ang ating mga ninuno sa panahon ng mga Kastila?
2. Ano-ano pa ang nais mong malaman tungkol sa panahon ng mga Kastila?
3. Paano kaya ito makatutulong sa iyo bilang kabataang Pilipino?

PAGSUSURI
Gawain 1: Suriin Mo

Suriin ang mga larawan. Isulat sa katapat na kahon ang alam mo tungkol dito.

1.
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________

https://xiaochua.files.wordpress.com/2013/02/08-isa-siya-sa-
tatlong-paring-binitay-noong-february-17-18721.jpg

2.
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________

https://www.pinterest.com/pin/360921357610310402/

444
ALAM MO BA NA…

Ang pelikulang “JoseRizal” ay tungkol sa buhay ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Saklaw
nito ang kanyang buhay mula sa pagkabata hanggang sa siya ay litisin, hatulang barilin sa Bagumbayan at
mamatay sa kamay ng mga Espanyol. Ipinapakita rin dito ang kanyang malawak na imahinasyon: ang kanyang
dalawang nobelang “Noli me Tangere” at “El Filibusterismo” na kung saan ipinapakita rito ang kanyang
mithiin na matigil na ang pagmamatrato ng mga Espanyol, gisingin ang mundo sa pang-aabuso ng pamahalaan
ng Espanya at makamit ang kapayapaan sa isang mapayapang paraan imbis na sa madugong labanan.

BUOD

Nagsimula ang lahat sa paglalahad ni Rizal ng katotohanan sa pamamagitan ng kanyang mga nobela.
Ang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” na naging daan para mabuhay ang puso ng mga Filipino upang
maghimagsik at makamit ang inaasam na kalayaan ng Filipinas laban sa pamahalaan ng Espanya. Inilahad dito
ang kanyang mithiin na kapayapaan para sa mga Filipino Dahil sa mga nobelang ito, ang pamahalaan ng
Espanya ay pinagbibintangan si Jose Rizal bilang pinuno ng rebolusyon. Maging ang kanyang kapatid na si
Paciano ay pinahirapan para umamin na si Rizal ay may kinalaman sa nasabing rebelasyon.

Nobyembre 1896 ay nadakip si Rizal at dinala sa Fort Santiago. Sa kulungan ay may isang alipin o
tagasilbi na nakakuwentuhan niya ng kanyang buhay. Ginunita niya ang kanyang kabataan, kung paano
naikwento sa kanya ni Paciano ang pagbitay sa tatlong paring martir na GOMBURZA (Gomez, Burgos at
Zamora), ang pagtuturo ng kanyang ina na si Teodora Alonzo at ang kwento ng batang gamo-gamo, ang
pagpunta niya sa Biñan upang mag-aral, ang pagkakakulong ng kanyang ina, ang pagpapalit ng apelyidong
Mercado sa Rizal, ang buhay niya sa Ateneo Municipal at ang paggamot ni Rizal sa problema sa mata ng
kanyang ina.

Katulad ng ibang nasasakdal, si Rizal ay pinapili ng kanyang abogado para idepensa ang kanyang panig. Si
Luis Taviel de Andrade, kapatid ni Jose Taviel na dating guwardiya ni Rizal, ang naging abogado niya. Si
Taviel ay isang opisyal ng Espanyol na sa umpisa ay hindi naniwala sa kanya. Pero sa pagbabahagi ng buhay ni
Rizal sa loob ng kulungan ay natutunan nitong respetuhin si Rizal at napagtanto na ito’y hindi lang isang
inosente sa kaso kundi isang kahanga-hangang nilalang at dahil doon ay nagdesisyon siya na ibibigay ang lahat
para maipagtanggol ito sa paglilitis. Naikwento ni Rizal dito ang kanyang buhay sa Unibersidad ng Santo
Tomas na kung saan ay kumuha siya ng kursong medisina, ang labis na diskriminasyon sa mga estudyanteng
Filipino roon, at ang pag-iibigan nila ni Leonor Rivera na kanyang pinsan at kasintahan.

Naikuwento rin niya ang pagpasok sa Unibersidad Central de Madrid noong 1884. Dito ay nag-aral siya ng
medisina. Naitatag din dito ang Kilusang Propaganda na isang organisasyon na naglalayon ng kalayaan sa
pamamahayag at mabigyan ng pantay na karapatan ang mga Filipino katulad ng mga Espanyol. Ilan sa mga
kasapi ay sina Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at Manuel Hidalgo. Sa pamamagitan ng La Solidaridad,
ang pahayagan ng kilusan, naipaparating nila ang kanilang mga adhikain. Enero ng taong 1891 nang nagkaroon
ng pag-aaway sa kilusan nang maisipan na nilang maghalal ng pangulo. Ayon kay Marcelo H. del Pilar, ang
adhikain ng La Solidaridad ay pampribado na matinding tinutulan ni Rizal. Para sa kanya ang adhikain ng La
Solidaridad ay dapat pambansa.

Pagbalik sa Filipinas, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. Ito’y isang pansibikong samahan ng mga
Filipino na naglalaman ng pagbabago sa ilalim ng mga Kastila. Dito ay nakilala niya si Andres Bonifacio.
Ngunit ang La Liga Filipina ay nanatiling pangarap. Itinuring na isang samahan na kumakalaban sa Espanya
ang La Liga Filipina. Nagtanim ng mga mapangwasak na polyeto ang ilang ahente ng mga prayle sa maleta ni
Rizal. Dahil dito, kababalik pa lang ni Rizal sa Filipinas ay ipinahuli na siya at ipinatapon sa isang malayong
lugar, sa Dapitan, isang maliit na bayan sa Hilagang-Kanluran ng Mindanao. Sa lugar na iyon ay nakilala niya

445
ang pag-ibig ng kanyang buhay na si Josephine Bracken, isang Irish na ipinanganak sa Hong Kong, na kung
saan ay nagkaroon sila ng anak pero namatay din ng ilang oras. Sa kabila ng pagpapatapon kay Rizal sa
Dapitan at pagsulat niya ng manifesto na hindi pag-aalsa ang sagot sa hinaing ng mga Pilipino, nais pa rin ng
mga prayle na siya ay mamatay.

Umabot na sa pagpapalit sa bagong Gobernador-Heneral ng Filipinas dahil na rin sa isyung naging malapit
si Gobernador Heneral Blanco kay Rizal. Noong ika-26 ng Disyembre, 1896, ginanap ang araw ng paglilitis ni
Rizal. Sa panig ng mang-uusig, pinagbintangan si Rizal bilang pasimuno ng pag-aalsa, at dahil din sa mga
isinulat niya na inaatake at kinakalaban ang relihiyon, mga prayle at pamahalaan ng Espanya. Bunga nito, ang
nararapat na kaparusahan sa mga mapangahas ay kamatayan.

Sa panig naman ng nasasakdal, ipinaabot ng mga sulat ni Rizal kung papaano dapat patakbuhin ang
Filipinas. Ang pagkakaroon ng pantay na karapatan at kalayaan para sa mga Filipino ang nais niya. Pero hindi
pinahihiwatig at pinatutunayan nito na si Rizal ang dahilan ng rebolusyon. Sa katunayan, sa paglalagi niya sa
Dapitan, hindi siya nagsulat ng mga bagay na may koneksyon sa pulitika. At sa pagbisita sa kanya ni Dr. Pio
Valenzuela sa Dapitan upang ikonsulta at yayaing sumama siya sa rebolusyon, si Rizal ay hindi pumayag sa
nasabing balak na pag-aalsa. At sa huli, sa pahintulot na magsalita si Rizal, sinabi niyang ang gusto lang niya
ay kalayaan. Kalayaang hindi nakamit dahil sa rebolusyon kundi kalayaan gamit ang edukasyon.

Pero sa kabila ng pagtatanggol na ginawa ni Taviel kay Rizal, wala na siyang magagawa ukol sa tadhanang
nito. Ang paglilitis ay isa lang panloloko. Si Rizal ay nakatakdang barilin sa ika-30 ng Disyembre, 1896. Sa
kinahinatnan ng kaso, si Taviel ay nasaktan at nainis kung bakit siya ay naging isang Espanyol pa. Dahil sa
hatol, binisita si Rizal ng kanyang ina at mga kapatid. Binigay niya ang kanyang huling kahilingan sa ina at ang
isang lampara na may laman ng kanyang huling tula, ang “Mi Ultimo Adios” (o Huling Pahimakas).

Ika-30 ng Disyembre, 1896 ay ang nakatakdang Araw ng Kamatayan ni Rizal. Ang huling kahilingan ni
Rizal ay harapin niya ang mga babaril sa kanya ngunit hindi siya pinayagan. Ang mga Espanyol ay gusto
siyang barilin sa likod tulad ng isang traydor. Nang siya ay pinagbabaril na, naisipan niyang humarap nang
kaunti para sa pagbagsak niya sa lupa ay nakaharap siya sa kalangitan. Sa pagkamatay ni Rizal, lalong
lumaganap ang himagsikan sa Filipinas. Nakamit ng Filipinas ang kalayaan noong ika-12 ng Hunyo, 1898.
Ilang taon ang nakalipas, naideklarang Pambansang Bayani si Dr. Jose P. Rizal.

Halaw sa:
http://tantrumscute.blogspot.com/2012/04/jose-rizal-movie-review.html

PAGSASANAY
GAWAIN 2: Panoorin Mo

Maaaring mapanood ang pelikula sa link na makikita:


https://www.youtube.com/watch?v=XGngke4P0N8&spfreload=10

Gabay na Tanong:
1. Ano ang iyong saloobin at realisasyon tungkol sa kalagayan ng lipunan noong panahon ng Kastila?
2. Ano-anong mga kaisipan ang nabago o mas napagtibay matapos mapanood ito?
3. Ano ang iyong napatunayan sa napanood mong pelikula?
4. Ano ang ibinigay nitong hamon sa iyo bilang kabataang Pilipino?

446
PAGSASANAY
GAWAIN 3: Paghambingin Mo

Paghambingin ang pelikulang napanood sa nobelang “Noli Me Tangere” gamit ang Venn
Diagram.

Nobela Pelikula

PAGSASANAY
GAWAIN 3: Reaksyonan Mo
Sumulat ng reaksyong-papel sa napiling bahagi o eksena mula sa pinanood na pelikula na labis na
nakaantig sa damdamin.

_____________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
________________________________________________________
447
TANDAAN

Ang “Jose Rizal” ay isang pelikulang Pilipino na dinirek ni Marilou Diaz-Abaya. Ang pelikula ay ang
opisyal na panlahok ng GMA Films noong 1998 para sa Metro Manila Film Festival. Ang pelikula ay
naglalarawan sa buhay ng pambansang bayani ng Pilipinas, na si Dr. José Rizal, na ginampanan ni Cesar
Montano.

PAGTATAYA

Pumili ng kapareha. Mag-isip ng kasalukuyang nangyayari


sa ating lipunan na maiuugnay sa mga pangyayari noong panahon ng
mga Espanyol.
Itala ito sa papel at ibahagi sa klase.

https://questioninganddiscussionforteaching.files.wordpress.com/2015/04/18277796401.jpg

TAKDANG ARALIN

Maghanap Ka

Gumupit ng larawan mula sa diyaryo na nagpapakita sa kasalukuyang sitwasyon sa ating bansa. Idikit ito sa
isang short bondpaper. Sa ibaba nito, isulat ang iyong panig kung sang-ayon o tutol ka ba rito. Ilahad din ang
iyong rason at mungkahi.

448
UNANG LINGGO - SESYON 5

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 5 (1.5)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Kaligirang
Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ang mga mag-aaral ng debate o pagtatalo
tungkol sa paksang “Dapat o di dapat ginamit ni Jose Rizal
ang panulat sa kapakanan ng bansa.
Kompetensi: Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng
akda sa sarili at sa nakararami. (F9PS-IVa-b-58)

Nagagamit ang mga angkop na salita / ekspresyon sa:


➢ paglalarawan
➢ paglalahad ng sariling pananaw
➢ pag-iisa-isa
➢ pagpapatunay
( F9WG-IVa-b-57 )
I. LAYUNIN
Kaalaman : Nakapaglalahad ng mga patunay at nakagagamit ng mga
angkop na salita sa pagpapahayag ng opinyon.
Saykomotor: Nakapagbabahagi ng sariling opinyon, reaksyon at pananaw
sa paksang pagtatalunan.
Apektiv: Nakapagpamalas ng paggalang sa opinyon ng iba.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA “Dapat o di-dapat ginamit ni Jose Rizal ang panulat sa
kapakanan ng bansa?”
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing
House, Inc.
C.KAGAMITANG Batayang-aklat
PAMPAGKATUTO
III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA

Aktiviti / Gawain Pagsusuri ng mga larawan.

Pangmotibeysyunal na tanong: Pamprosesong Tanong:


1. Ano ang napansin ninyo sa mga larawan?
2. Bakit kaya nagkakaroon ng di-pagkakaunawaan?
3. Paano ito maiiwasan?
B. PAGLALAHAD Pagtalakay nang pahapyaw sa debate at ang mga dapat
Abstraksyon isaalang-alang sa pakikipagdebate.
(Pamamaraan sa Pagtalakay)
Paglalahad ng rubrik na gagamitin sa pagtataya.
C. PAGSASANAY Ibigay ang iyong panig (Sang-ayon o Tutol) sa sumusunod
Mga Paglilinang na Gawain na isyu:
1. pagsusuot ng uniporme sa paaralan

449
2. walang dobleng supot sa mga biniling produkto
3. 2x3x2 na gupit para sa mga lalaki
4. pagtalakay sa klase ng sex education
5. same-sex marriage
D. PAGLALAPAT Paglalahad ng rubrik para sa debate.
Aplikasyon
Pagdedebate sa paksang: “Dapat o di dapat ginamit ni Jose
Rizal ang panulat sa kapakanan ng bansa”.
E. PAGLALAHAT Bakit mahalaga ang paggamit ng angkop na salita sa
pagpapahayag ng opinyon?
IV. PAGTATAYA Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba:
1. Ang debate ay _____________________________
___________________________________________.

Mabisa itong nagagawa sa pamamagitan ng


___________________________________________
___________________________________________.

2. Maituturing pinakamaimpluwensya ang “Noli Me


Tangere” dahil _______________________________
________________ kaya _______________________.
V. TAKDANG-ARALIN Kilalanin ang mga tauhan ng “Noli Me Tangere” at alamin
ang papel na kanilang ginampanan sa nobela.
TUGON

PAGNINILAY-NILAY

450
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 1.5 Sesyon 5

TUKLASIN

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pareho ng ideya ang lahat ng tao. Kung minsan, ang pagkakaiba ng opinyon
ng mga tao ang nagiging sanhi ng di pagkakasundo-sundo at pagtatalo.

Ngayon, tuklasin natin ang paraan ng pagpapahayag ng opinyon na di reresulta sa gulo. Gusto mo bang
malaman? Halika ka na’t ihanda ang iyong sarili sa bago na namang mga gawain.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

1. Ano ang kalimitang sanhi ng pagsisigawan at kaguluhan?


2. Mayroon kayang paraan para maiwasan ito?
3. Ano-ano naman ang mga paraang ito?
4. Ikaw ba ay nakasaksi na ng isang pagtatalo o debate?
5. Ano ang napansin mo?

GAWAIN 1:Pansinin Mo

Tingnang mabuti ang mga larawan. Suriin ang mga ito at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

http://clipartmag.com/images/fighting-clipart-5.gif http://clipartmag.com/images/fighting-clipart-23.jpg

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang napansin ninyo sa mga larawan?
2. Naranasan mo na bang malagay sa parehong sitwasyon?
3. Bakit kaya nagkakaroon ng di-pagkakaunawaan?
4. Kanino ito madalas nangyayari? Bakit?
5. Paano ito maiiwasan? Magbigay ng mga suhesyon.

451
ALAM MO BA NA …

Ang debate o pagtatalo ay isang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang pananaw o opinyon sa isang
paksa. Masasabi rin natin na ito ay isang uri ng pahigitan sa bawat kampo.

Naglalayon itong makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa pamamagitan ng


pangangatuwiran. Maaari itong nakasulat o binibigkas. Ayon kay Arrogante, ang pagtatalo ay isang sining ng
gantihan ng katwiran o makatuwid ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang
kontrobersyal na paksa.

Kalimitang ang pagtatalo ay binubuo ng pagbibigay matuwid ng dalawang magkasalungat na panig


tungkol sa isang pinagtatalunang paksa.

Kahalagahan ng Pagtatalo
• Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag- iisip.
• Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pagsasalita.
• Malinang ang kasanayan sa lohikal na pangangatwiran.
• Malinang ang kasanayan sa pag-uuri ng tama at maling pagmamatuwid.
• Nagbibigyang kahalagahan ang magandang asal tulad ng paggalang, pagtitimpi,o pagpipigil ng sarili.
• Magkakaroon ng pag-uunawa sa mga katwirang inilahad ng iba at pagtanggap na nararapat na
kapasyahan.

Dapat Tandaan sa Pagtatalo


• Kailangan magkaroon ng isang kapasyahan o proposisyon na nakasaad sa isang positibong pahayag.
• Isaalang-alang ang antas ng pang-unawa ng mga nakikinig.
• Kailangan may katumbas na katibayan ang lahat ng katwiran at ito ay nakahalad sa isang maayos na
pagpapahayag.
• Ilahad nang maayos at mahinahon ang mga mali sa katwiran ng kalaban.
• Ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensya o patunay na inilahad ng kalaban.

Dapat Tandaan sa Pagtatanong


• Huwag hayaang magamit ng iyong kalaban ang oras ng iyong pagtatanong.
• Ang tanong ay dapat nasasagot lamang sa OO o HINDI.
• Ibigay lamang ang sagot sa hinihingi ng tanong.
• Ipaalam sa tagapamahala ng pagtatalo kung lumabag sa itinakdang pamantayan ng pagtatanong ang
isa sa kanila.
• Ang mga tanong ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan.

Dapat Tandaan sa Talumpating Pagtuligsa (Rebuttal)


• Mahinahon at maliwanag na ilahad ang mga kamalian sa katuwiran ng kalaban.
• Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban.
• Ipaliwanag ang kahinaan at kamalian ng mga argumento ng kalaban.
• Ipaalam sa kalaban na walang kaugnayan ang mga binanggit na katwiran sa paksang pinagtatalunan.
• Ipaalam sa kalaban at mga tagapamahala kung may paglabag sa mga alituntunin sa pagtuligsa.
• Tapusin ang talumpati sa pamamagitan ng paglalagom sa mga inilahad na katuwiran at katibayan.

452
Mga Tagapagsalita o Speaker
1. Beneficiallity – ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay kung anong mga benipisyong
makukuha sa proposisyong pinagtatalunan.
2. Practicability – angibinibigay na talumpati ng tagapagsalita kung bakit posible ba o praktikal na
maisakatuparan ang hinihingi.
3. Necessity – ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay hinihingi ng sitwasyon bilang kailangan
at tunay na solusyon.
Uri ng mga Pagtatalo

➢ Debateng Oregon-Oxford
o Madalas gamiting paraan ng pagtatalo
o Binubuo ng dalawang koponan na may 2-3 kasapi
o May mga huradong susuri sa mga argumento na may sapat na kaalaman sa paksa
➢ Debateng Oxford ( Rufino Alejandro )
o Pagpapakilala ng bawat koponan ( pagtukoy sa mga tuntunin )
o Paglalahad ng proposisyon
o Pagbibigay ng katuturan
o Paglilinaw sa mga isyu o buod ng pangangatwiran
o Pagtatalo
➢ Debateng Oregon
o Unang Tagapagsalita ng dalawang panig - maghaharap ng pagmamatwid ng kani-kanilang
panig
o Pangalawang Tagapagsalita - magtatanong upang maipakilala ang karupukan ng mga
matwid na panig ng katalo.
o Pangatlong Tagapagsalita - maghaharap ng pagpapabulaan bago lalagumin ang mga matwid
ng kani-kanilang panig.

PAGSUSURI
GAWAIN 2: Panig Mo, Ilahad Mo

Ibigay ang iyong panig (Sang-ayon o Tutol) sa sumusunod na isyu:

___________1. pagsusuot ng uniporme sa paaralan


___________2. walang dobleng supot sa mga biniling produkto
___________3. 2x3x2 na gupit para sa mga lalaking estudyante
___________4. pagtalakay sa klase ng sex education
___________5. same-sex marriage

Pamprosesong Tanong:
1. Naging madali ba ang pagpapili ng iyong magiging panig? Bakit?
2. Sa tingin mo ba ay makatutulong sa ating lipunan kung maririnig ang ating panig at opinyon sa bawat
isyu? Paano?

PAGSASANAY
GAWAIN 3: Ipahayag Mo

Pagdebatehan ang paksang: “Dapat o di dapat ginamit ni Jose Rizal ang panulat sa kapakanan

453
ng bansa”. (Maaaring hatiin ang klase sa tatlong grupo.)
Pangkat 1 - Debateng Oregon-Oxford
Pangkat 2 - Debateng Oregon
Pangkat 3 - Debateng Oxford

Ang iskor ng bawat pangkat ay naaayon sa pamantayang nasa ibaba.

Pamantayan 1 2 3 Sarili Pangkat


Walang mainam May naipahayag na Lubhang malinaw at
Paksa/Kaisipan na kaisipang 2 hanggang 3 maayos ang kaisi-
ipinahayag tungkol kaisipan ang na- pang naipahayag.
sa paksa. banggit tungkol sa May 4 o higit pang
paksa. kaisipan ang na-
banggit tungkol sa
paksa.
Pangangatwiran Walang sapat na Walang gaanong May sapat na
katibayan ng pa- iniharap na panga- katibayang iniharap
ngangatwiran ngatwiran sa pangangatwiran.
Pagpapahayag/ Mahina at hindi Mahina ang pag- Maayos na maayos
Pagsasalita maunawaan ang kakapahayag ang pagkakapahayag
sinasabi. ngunit may pang- na may pang-akit sa
akit sa nakikinig nakikinig ang boses o
ang boses o pag- pagsasalita.
sasalita.
Pagtuligsa Walang naipaha- May isa o dala- May 3 o sapat at
yag tungkol sa wang malinaw na malinaw na pahayag
sinabi ng kabilang pahayag tungkol sa tungkol sa ipinaha-
panig. ipinahayag ng yag ng kabilang pa-
kabilang panig. nig.
Tiwala sa Sarili Hindi maayos ang May mahinang Lubusang naipaha-
pagsasalita dahil pagpapahayag dahil yag nang malinaw at
sa kaba kaya’t na-ipabatid nang naipabatid ang ka-
nabubulol. kaunti ang layunin tanggap-tanggap na
ng panig. layunin ng panig.
Kabuuang Puntos

PAGTATAYA

Dugtungan Mo
Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba.

1. Ang debate ay ________________________________________________________________________.


Mabisa itong nagagawa sa pamamagitan ng ________________________________________________.

2. Maituturing pinakamaimpluwensya ang Noli Me Tangere dahil _________________________________


________________ kaya _______________________________________________________________.

TAKDANG ARALIN

Isaliksik Mo

454
Kilalanin ang mga tauhan ng “Noli Me Tangere” at alamin ang papel na kanilang ginampanan sa nobela.

455
IKALAWANG LINGGO - SESYON 1

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 1 (Aralin 2.1)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa
mahahalagang tauhan ng Noli Me Tangere.
Pamantayan sa Pagganap: Masining na nabibigkas ng mag-aaral ang nabuong
monologo tungkol sa napiling tauhan.
Kompetensi: Nakikilala ang mga tauhan batay sa napakinggang pahayag
ng bawat isa. (F9PN-IVc-57)
Nahihinuha ang katangian ng mga tauhan at natutukoy ang
kahalagahan ng bawat isa sa nobela. (F9PB-IVc-57)
I. LAYUNIN
Kaalaman : Naisasaayos ang mga larawan ayon sa pagkakilala sa mga
tauhan.
Saykomotor: Nakapagsasagawa ng isang paghahalintulad ng mga tauhan
ng nobela sa mga taong kilala o pamilyar.
Apektiv: Napahahalagahan ang mga karakter o papel na ginampanan
ng mga tauhan.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Mahahalagang Tauhan ng Noli Me Tangere
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing
House, Inc.
Google images
C.KAGAMITANG Batayang-aklat, larawan ng mga tauhan, cartolina strips
PAMPAGKATUTO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibeysyunal na tanong: 1. Sino ang mga taong hinahangaan mo?
2. Ano ang mga naging tatak nila sa iyo?
3. Gusto ba ninyong malaman ang mahahalagang tauhan ng
nobelang ating babasahin?

Aktiviti / Gawain * Ipaskil ang mga larawan ng mga tauhan sa pisara. Hayaan
ang mag-aaral na ayusin o ihanay ito. (Maaari itong gawing
pangkatan)
* Tumawag ng representante ng grupo na magpapaliwanag
sa ginawang paghahanay.
( Kinakailangan ang gabay ng guro sa bahaging ito.)
B. PAGLALAHAD *Gamit ang pareho pa ring mga larawan, iisa-isahing
Abstraksyon kilalanin ng mga mag-aaral ang mga ito sa pamamagitan ng
(Pamamaraan sa Pagtalakay) pagbanggit ng kanilang mahalagang papel sa nobela at
kaugnayan ng isa’t isa.
C. PAGSASANAY * Sino Ako, Kilalanin Mo
Mga Paglilinang na Gawain ___________1. Anak ako ni Kapitan Tiyago.
___________2. Mahilig akong magpanggap na Oropea.
___________3. Ako ang kinatawan ng hari ng Espanya.

456
___________4. Ako ay anak ni Don Rafael na nag-aral sa
Europa.
___________5. Tinatawag nila akong baliw dahil sa
kakaiba kong isipan at kilos.
___________6. Ina ako nina Crispin at Basilio.
___________7. Ako ang dating kura ng San Diego.
___________8. Nagpapanggap akong doktor.
___________9. Ako ang maybahay ng alperes.
___________10. Inalagaan ko si Maria Clara
D. PAGLALAPAT Sino ang maiisip mong katulad ng sumusunod na tauhan.
Aplikasyon Ibigay rin ang iyong dahilan kung bakit.
Tauhan Maitutulad Kay Dahilan
1. Ibarra
2. Padre Damaso
3. Maria Clara
4. Victorina
5. Kapitan Tiago
E. PAGLALAHAT 1. Mahalaga ba ang karakter na ginampanan ng mga tauhan
Generalisasyon sa nobela? Bakit?
2. Alin sa mga tauhan ang lubos mong naibigan? Bakit?
IV. PAGTATAYA Bumuo ng isang character web na nagpapakita ng
kaugnayan ng mga tauhan sa nobela.
V. TAKDANG-ARALIN Kilalanin pang mabuti ang mga tauhan sa pamamagitan ng
pagsasaliksik sa kanilang mga katangian. Maghanda para
talakayan sa susunod na sesyon.
TUGON

PAGNINILA-NILAY

457
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 2.1 Sesyon 1

TUKLASIN

Bawat taong makasasalamuha natin ay may kani-kaniyang katangian. Dahil dito kinakailangang kilalanin
natin sila. Katulad ng nobelang ating babasahin, may mga tauhan din itong nararapat na ating kilalanin isa-isa
bago basahin ang akda nang sa ganon ay madali na lang para sa atin ang pagtagpi-tagpi ng mga pangyayari.
Handa ka na ba?

GAWAIN 1: Idolo Ko, Ipakikilala Ko


Idikit ang larawan o isulat sa nakalaang hanay ang larawan ng mga taong hinahangaan at ang ugaling naging
tatak nila sa iyo.

Taong Hinahangaan Tatak at Dahilan

1. Sino ang mga taong hinahangaan mo?


2. Ano ang mga naging tatak nila sa iyo?
3. Gusto ninyo rin bang malaman ang mahahalagang tauhan ng nobelang ating babasahin?

PAGSUSURI
GAWAIN 2: Ihanay Mo

Tingnan ang mga larawan. Ihanay ito ayon sa gusto ng inyong grupo at maghanda ng
isang maikling pagpapaliwanag.

Maria Clara Padre Damaso Donya Victorina

http://jenniecasoza.blogspot.com/2012/03/maria-clara-dances.html http://www.mariaronabeltran.com/2011/12/jose-rizals-padre-damaso-to-whom-in_25.html
https://ph-static.z-dn.net/files/da7/43fab9242797d76855200daa6973a72e.jpg

458
Elias Sisa Pilosopo Tasyo
https://rommelj.files.wordpress.com/2012/02/elias1.jpg?w=461&h=592
https://orig00.deviantart.net/6c8d/f/2013/007/4/a/narcisa__sisa_of_noli_me_tangere__by_gwatsinanggo-d5qq16c.jpg
https://rommelj.files.wordpress.com/2012/02/tasyo1.jpg?w=448&h=575

ALAM MO BA NA …

Mahalaga ang ginagampanan ng bawat tauhan sa nobela. Sila ay maaari ring sumisimbolo ng mga tiyak na
tao o pag-uugali sa lipunan.

MGA TAUHAN SA NOLI ME TANGERE

Crisostomo Ibarra - binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagtayo ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego.

Elias - piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

Kapitan Tiago - mangangalakal na taga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod nang matagal
na panahon sa San Diego.

Maria Clara - mayuming kasintahan ni Crisostomo Ibarra; mutya ng San Diego.

Pilosopo Tasyo -maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

Sisa - isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

Basilio at Crispin - magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San
Diego.

Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa bayan ng San Diego.

Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang pananalita at pag-uugali.

Donya Victorina - babaeng nagpapanggap na mestisang Espanyol kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha
at maling pangangastila.

Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Espanyol na napadpad sa Filipinas sa paghahanap ng
magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

459
Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para
mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo - tinyente mayor na mahilig magbasa ng Latin; ama ni Sinang.

Ñol Juan - namamahala sa mga gawain sa pagpapatayo ng mga paaralan.

Lucas - taong madilaw na gumagawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.

PAGSASANAY

GAWAIN 3: Sino Ako, Kilalanin Mo

_________________1. Anak ako ni Kapitan Tiyago.


_________________2. Mahilig akong magpanggap na Oropea.
_________________3. Ako ang kinatawan ng hari ng Espanya.
_________________4. Ako ay anak ni Don Rafael na nag-aral sa Europa.
_________________5. Tinatawag nila akong baliw dahil sa kakaiba kong isipan at kilos.
_________________6. Ina ako nina Crispin at Basilio.
_________________7. Ako ang dating kura ng San Diego.
_________________8. Nagpapanggap akong doktor.
_________________9. Ako ang maybahay ng alperes.
________________10. Inalagaan ko si Maria Clara.

TANDAAN

Mga Tauhan at Simbolismo sa Nobela

➢ Juan Crisostomo Ibarra – idealismo ng mga kabataang nakapag-aral


➢ Maria Clara – ideal na babae ni Rizal
➢ Sisa – larawan ng kawalan ng katarungan sa bansa
➢ Pia Alba – sumisimbolo sa Pilipinas na walang tigil ang pagpapaalipin sa ibang bansa
➢ Kapitan Tiyago – papet na indio ng istruktura ng lipunang binuo ng mga Espanyol sa Filipinas
➢ Donya Victorina at Donya Consolacion – larawan ng mga indiong may kaisipang kolonyal

PAGLALAPAT: Ihambing Mo
Sino ang maiisip mong katulad ng sumusunod na tauhan. Ibigay rin ang iyong dahilan kung bakit.

Tauhan Maitutulad Kay Dahilan


1. Ibarra
2. Padre Damaso
3. Maria Clara
4. Victorina
5. Kapitan Tiago

460
PAGTATAYA

Bumuo ng isang character web na nagpapakita ng kaugnayan ng mga tauhan sa nobela.

TAKDANG ARALIN

Isaliksik Mo

Kilalanin pang mabuti ang mga tauhan sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa kanilang mga katangian.

461
IKALAWANG LINGGO - SESYON 2

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 2 ( Aralin 2.2)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa
mahahalagang tauhan ng Noli Me Tangere.
Pamantayan sa Pagganap: Masining na nabibigkas ng mag-aaral ang nabuong
monologo tungkol sa napiling tauhan.
Kompetensi: Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay-katangian.
(F9WG-IVc-59)
Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag.
(F9PT-IVc-57)
Nahuhulaan ang maaaring maging wakas ng buhay ng
bawat tauhan batay sa napanood na parade of characters.
(F9PD-IVc-56)
I. LAYUNIN
Kaalaman : Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag.
Saykomotor: Nakagagamit ng mga tamang pang-uri sa paghahambing ng
isang kaibigan sa tauhan sa nobela.
Apektiv: Naibabagay ang mga salitang naglalarawan sa katangian ng
tauhan.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA * Mahahalagang Tauhan ng Nobela
* Pang-uri
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing
House, Inc.
https://www.youtube.com/watch?v=4NhCxx6XN7w
C.KAGAMITANG Batayang-aklat, internet
PAMPAGKATUTO
III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA
Pangmotibeysyunal na tanong:

Aktiviti / Gawain * Pagbibigay-kahulugan ng mga matatalinghagang salita at


paggamit nito sa pangungusap.
1. bukas-palad –
2. walang-turing
3. walang-habas –
* Pagkilatis sa mga tauhan
B. PAGLALAHAD
Abstraksyon * Pagtalakay sa pang-uri bilang salitang naglalarawan.
(Pamamaraan sa Pagtalakay)
* Pagpapanood ng parade ng mga tauhan.
C. PAGSASANAY Anong pang-uri ang maglalarawan sa sumusunod:
Mga Paglilinang na Gawain Hal. Maria Clara - mahihinhin o dalagang - Filipina
1. Ibarra - __________________

462
2. Padre Damaso - ___________________
3. Donya Consolacion - ___________________
4. Sisa - ________________________
5. Padre Salvi - ___________________

D. PAGLALAPAT Sumulat ng paghahambing sa pagitan ng iyong matalik na


Aplikasyon kaibigan at ng isang tauhan sa nobela. Huwag kalimutang
gumamit ng mga tamang pang-uri sa pagbibigay-katangian.
E. PAGLALAHAT Ano ang napagnilay-nilay ninyo ukol sa napag-usapan sa
Generalisasyon aralin?
IV. PAGTATAYA Base sa napanood na parade of characters, pumili ng apat
(4) na tauhan at bigyang-hinuha kung ano ang maging
wakas ng kanilang buhay.

Buhay ng Tauhan
Tauhan Sa Simula Maging Wakas

V. TAKDANG-ARALIN Pumili ng isang tauhan mula sa nobela at gumawa ng 2


minutong monologo tungkol sa kanya. Ihanda ang sarili sa
pagtatanghal nito sa susunod na pagkikita.

TUGON

PAGNINILA-NILAY

463
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 2.2 Sesyon 2

TUKLASIN

MOTIBEYSUNAL NA TANONG
1. Naisip mo ba kung anong mangyayari sa mundo kung walang liwanag at dilim o kung walang kakulay-
kulay ang paligid natin? Ano kaya ang mararamdaman mo?
2. Halika’t bigyan pa natin ng kulay at halaga ang mahahalagang bagay at tao.

GAWAIN 1: Ilarawan Mo

Isulat ang mga salitang mailalarawan mo sa mga larawang makikita sa ibaba.

1. 2.

a. _______________________ a.________________________
b. _______________________ b.________________________
c. _______________________ c.________________________

PAGSUSURI

Palawakin Mo

Bigyang-kahulugan ang mga matatalinghagang salita at gamitin ito sa pangungusap.

1. bukas-palad – ___________________________________________________________________

Pangungusap: ______________________________________________________________________

2. walang-turing – __________________________________________________________________

Pangungusap: _______________________________________________________________________

3. walang-habas – ___________________________________________________________________

464
Pangungusap: _______________________________________________________________________

ALAM MO BA NA …

Ang pang-uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip. May tatlong kaantasan
ang pang-uri.

Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay - tumutukoy sa tanging katangian ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
• Nais kong makapaglakbay sa malayong lugar.
• Ang mabait na anak ay biyaya mula sa Maykapal.
2. Pahambing - nagpapahayag ng magkatulad o magkaiba ang kalagayan ng isang pangngalan o panghalip.
Ang pahambing na pang-uri ay may dalawang kalagayan: magkatulad at di-magkatulad.
Halimbawa:
a. Magkatulad
• Kasinghusay niya ang kapatid pagdating sa pag-awit.
• Magkahusay lang ang Kathniel at Lizquen.
b. Di-magkatulad
• Si Mario ay di-gasinong matangkad kaysa kay Pablo.
• Ang iskor ni Marissa ay di-gaanong mataas kaysa sa nakuha ni Dina.
3. Pasukdol - nagpapakilala ng nangingibabaw o namumukod na katangian ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
• Siya ang pinakamatalino sa klase.
• Walang ibang hari ng sablay kundi si Anita lang.
• Ang banda nila Bamboo ang pinakasikat sa buong bansa.

PAGSASANAY
GAWAIN 3: Panoorin Mo

Panoorin ang parade of characters ng mga tauhan ng nobela mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=4NhCxx6XN7w at maghanda para
sa mga susunod na gawain.

465
PAGSASANAY

GAWAIN 4: Tauhan, Ilarawan Mo

Anong pang-uri ang maglalarawan sa sumusunod:


Hal. Maria Clara - mahihinhin o dalagang-Filipina
1. Ibarra - __________________
2. Padre Damaso - ___________________
3. Donya Consolacion - ___________________
4. Sisa - ________________________
5. Padre Salvi - ___________________

PAGSASANAY

GAWAIN 4: Paghambingin Mo

Sumulat ng paghahambing sa pagitan ng iyong matalik na kaibigan at ng isang tauhan sa nobela. Huwag
kalimutang gumamit ng mga tamang pang-uri sa pagbibigay-katangian.

_____________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
__________________________________________________

466
PAGTATAYA

Hinaharap Nila, Hulaan Mo

Base sa napanood na parade of characters, pumili ng apat (4) na tauhan at bigyang-hinuha kung ano
ang magiging wakas ng kanilang buhay.

Buhay ng Tauhan
Tauhan Sa Simula Maging Wakas

TAKDANG ARALIN

Itanghal Mo

Pumili ng isang tauhan mula sa nobela at gumawa ng 2 minutong monologo tungkol sa kanya. Ihanda ang
sarili sa pagtatanghal nito.

467
IKALAWANG LINGGO - SESYON 3 & 4

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 3-4 (Aralin 2.3 – 2.4)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mahahalagang
tauhan ng Noli Me Tangere.
Pamantayan sa Pagganap: Masining na nabibigkas ng mag-aaral ang nabuong monologo
tungkol sa napiling tauhan.
Kompetensi: * Naisusulat ang isang makahulugan at masining na monologo
tungkol sa isang piling tauhan. (F9PU-IVc-59)
* Madamdaming nabibigkas ang nabuong monologo tungkol sa isang
tauhan. (F9PS-IVc-59)
I. LAYUNIN
Kaalaman : Naisaalang-alang at nakagagamit ng mga angkop na pang-uri sa
pagsulat ng isang monologo.
Saykomotor: Masining na nakapagtatanghal ng isang monologo ng napiling
tauhan.
Apektiv: Napahahalagahan ang pagbibigay ng wastong damdamin sa
pagbigkas ng monologo.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Mahahalagang Tauhan ng Noli Me Tangere
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni
Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc.
https://www.youtube.com/watch?v=LEj9pmL79_Y
C.KAGAMITANG Batayang-aklat, iskrip ng monologo, rubrics
PAMPAGKATUTO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Aktiviti / Gawain * Panonood ng isang video ng monologo.

Pangmotibeysyunal na tanong: Pamprosesong Tanong:


1. Ano ang napansin ninyo sa taong nagtatanghal ng monologo?
2. Saan nakasentro ang kanyang mga sinasabi?
3. Paano niya ipinarating ang kanyang mensahe?
B. PAGLALAHAD
Abstraksyon * Pagtalakay sa monologo
(Pamamaraan sa Pagtalakay) * Pagbibigay-alam sa inaasahang bunga pagkatapos ng talakayan.

C. PAGSASANAY * Pagbasa nang may wastong tono’t damdamin sa mga pahayag na


Mga Paglilinang na Gawain makikita sa pisara. (pangkatan)

D. PAGLALAPAT * Pagbasa’t pagtatanghal ng iilang estudyante ng maikling linya ayon


Aplikasyon sa sitwasyong nabunot.

E. PAGLALAHAT * Ipalahad sa mag-aaral konseptong nabuo sa aralin sa paraang


dugtungan.
IV. PAGTATAYA * Madamdaming pagbigkas ng monologo.
* Pagbibigay-puna ng guro batay sa rubrik.
V. TAKDANG-ARALIN Basahin ninyo ang mga kabanata sa nobela na tumatalakay kay Ibarra
upang higit pa natin siyang makikilala.
TUGON

468
PAGNINILA-NILAY

469
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 2.3 – 2.4 Sesyon 3-4

TUKLASIN

Mahalagang maipahayag ng isang tao ang kanyang iniisip at nararamdaman. Kung minsan
mahirap kung kaya kinakailangan pang gumamit ng iba para maipaabot ito. Hayaan mong
gamitin ka nila. Masarap ang pakiramdam na makatulong. Handa ka na bang maging instrumento para sa kanila?
Kaya halika na!

GAWAIN 1: Panoorin Mo
Panoorin ang isang videoclip ng pagmomonologo at sagutin ang mga kasunod na tanong. Ito ay mula sa:
https://www.youtube.com/watch?v=LEj9pmL79_Y

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang napansin ninyo sa taong nagtatanghal ng monologo?
2. Saan nakasentro ang kanyang mga sinasabi?
3. Paano niya ipinarating ang kanyang mensahe?

ALAM MO BA NA …

Ang monologo ay isang uri ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan ay sinasabi ang kanyang iniisip sa
isa pang tauhan o kaya sa kapulungan ng nangakikinig. Ang mga monologo ay ginagamit sa iba't ibang medya
gaya ng mga dula, pelikula, animasyon, atbp.

PAGSUSURI
Basahin Mo

Ipamalas ang galing at kasiningan sa pagbasa. Basahin nang may tamang tono’t damdamin ang
mga sumusunod na pahayag.

1. Tumahimik ka. Di mo ba nakikita kung ano 2. Naku! anong nangyari sa’yo, anak? Huwag
ang resulta ng ginawa mo? Ikaw ang dapat kang pumikit. Di ka pwedeng mawala sa akin.
sisihin. Ikaw! Huwag. Maawa ka.
3. Hmmp…anong magagawa
ko? Napag-utusan lang ako.
Anong magagawa ng isang
hamak na utusan ?

4. Sa tingin mo ba’y di ko alam. Nakatatawa ka. 5. Mabuti naman at nakarating ka. Buong akala
Isa kang manloloko ngunit mas napaniwala pa ko ay hindi mo pauunlakan ang aming
kita na di ko alam. imbitasyon. Halika’t nang makakain.

470
PAGSASANAY

GAWAIN 3: Artista ka

Basahin at itanghal ang maikling linya ayon sa sitwasyong ipinabunot ng guro. Dapat maipakita
mo ang damdamin ng tauhan sa nabunot na pahayag.

PAGLALAPAT: Dugtungan Mo

Ilahad ang konseptong nabuo sa aralin. Dugtungan ang mga salita upang mabuo ang konsepto.

Natutuhan ko na ang mga tauhan sa Noli Me Tangere ay __________________________________________


_____________________. Ibig kong tularan si _____________________ dahil sa______________________
_______________________________________________________________________________________.

TANDAAN

Sa isang monologo, ang tao ay nagsasalita o nagsasabi ng kanyang mga iniisip nang siya
lang mag-isa. Siya lang ang nagsasalita at wala siyang kausap.

PAGTATAYA

Balikan ang iyong ginawang monologo. Ayusin ito at itanghal sa harap ng klase sa oras
na ibibigay ng guro. Dapat mo ring isaalang-alang ang mga pamantayan sa gagawing pagtatanghal.

TAKDANG ARALIN

Buhay Niya, Alamin Mo

Basahin ang mga kabanata sa nobela na tumatalakay sa buhay ni Ibarra upang higit pa natin
siyang makikilala.

471
IKATLONG LINGGO - SESYON 1

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 1 ( Aralin 3.1 )
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mahalagang
pangyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra bilang
mangingibig at biktima ng pagkakataon.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ng pagtatanghal ng Mock Trial sa sinapit
ng mga tauhan.
Kompetensi: Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga
pangyayari sa buhay ng tauhan.
(F9PN-IVd-58)
Napapangkat ang mga salita ayon sa antas ng pormalidad
ng gamit nito (level of formality).
(F9PT-IVd-58 )
I. LAYUNIN
Kaalaman : Nasisiyasat na mabuti ang mga salita ayon sa antas ng
pormalidad ng gamit nito.
Saykomotor: Nakapagprepresenta ng isang action plan na may malinaw
na plano sa pagsagot sa suliraning binanggit.
Apektiv: Napagtitimbang na walang mabuting naidudulot ang inggit
sa tao.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Mga Kabanatang may Kaugnayan sa mga Pangyayari sa
Buhay ni Ibarra ( Kab. 1-5, 7, at 9-11)
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing
House, Inc.
C.KAGAMITANG Batayang-aklat, kartolina strips,
PAMPAGKATUTO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Aktiviti / Gawain ➢ Pagpapabigay ng kahulugan sa akronim na
I.N.G.G.I.T.
Pangmotibeysyunal na tanong: ➢ Ipasagot ang tanong:
1. Ano ang nagagawa ng inggit sa tao?
2. Dapat ba itong ipagpatuloy o dapat nang itakwil? Bakit?
B. PAGLALAHAD
Abstraksyon ➢ Pagpapabasa ng buod ng mga kabanata.
(Pamamaraan sa Pagtalakay) ➢ Pagbabanggit sa mahahalagang pangyayari at
pagbibigay-reaksyon nito.
C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Gawain ➢ Pagpapangkat ng mga salita ayon sa pormalidad ng
gamit.
➢ Pag-unawa sa binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong.
D. PAGLALAPAT ➢ Pagpapatala ng mga tiyak na pangyayari na
Aplikasyon nagpapakita ng paglabag sa karapatang-pantao.

472
➢ Pagbibigay ng mga suhestiyon kung papaano ito
masolusyunan.
E. PAGLALAHAT 1. Ano ang masasabi mo sa lipunan noon ayon sa mga
Generalisasyon nabasang kabanata?
2. Paano maiwasan ang mainggit sa kapwa-tao?
IV. PAGTATAYA ➢ Paggawa ng Action Plan para masolusyunan ang mga
problemang nabanggit sa mga kabanata.
➢ Pagbibigay-puna ng guro at ng mga mag-aaral.
V. TAKDANG-ARALIN ➢ Basahin ang kabanata 12, 19, 20, 22, 24, 26, 29-31.
➢ A. Gawan ng buod ang mahahalagang pangyayari sa
buhay ni Ibarra.
➢ Pangkat 1 – Pagdating ni Ibarra sa San Diego mula sa
Europa
➢ Pangkat 2 – Buhay Pag-ibig ni Ibarra
➢ Pangkat 3 – Pagbabanta sa Buhay ni Ibarra
➢ B. Gumupit ng dalawang (2) larawan na nagpapakita
ng pag-ibig o pagmamahal. Dalhin ito sa klase sa
susunod na pagkikita.
TUGON

PAGNINILA-NILAY

473
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 3.1 Sesyon 1

TUKLASIN

Ang ugali ng tao ay mahalaga. Ito ay nagpapaiba sa kanya sa iba pang nilalang sa mundo. Sa ugali
rin kalimitan binabatay ang pagpili ng ating mga kaibigan. Ang mga taong di natin magustuhan ay nilalayuan
ngunit may mga tao ring sadyang mainggitin na kahit wala kang ginagawa sa kanila o lumalayo ka na’y may
negatibo pa rin silang masasabi. Tuklasin natin ang mga pag-uugali ng mga tauhan sa nobela at kung paano ito
hinarap ni Ibarra.

GAWAIN 1: Sariling-Kahulugan, Ibigay Mo

Bigyang- kahulugan ang akronim na I.N.G.G.I.T.

I
N
G
G
G
I
T

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng inggit?
____________________________________________________________________________________
2. Ano ang nagagawa ng inggit sa tao?
____________________________________________________________________________________
3. Dapat ba itong ipagpatuloy o dapat nang itakwil? Bakit?
____________________________________________________________________________________
4. Kung ikaw ay kinainggitan, ano ang gagawin mo?
____________________________________________________________________________________
5. Paano maiiwasan ang inggit sa puso ng isang tao?
_______________________________________________________________________
_____________
ALAM MO BA NA …

474
Si Crisostomo Ibarra ay nakapag-aral sa Europa. Sa kanyang pag-uwi sa Filipinas ay isang kagila-gilalas na
katotohanan ang kanyang malaman. Narito ang buod ng mga kabanata na may kaugnayan sa kanya.

Buod ng Kabanata 1-11


Isang pagtitipon ang idinaos sa tahanan ni Kapitan Tiyago sa Daang Anloague sa Binundok. Marami ang
dumalo. Sa mga Espanyol, naroon sina Padre Sibyla, Padre Damaso, Ginoong Laruja at ang tinyente ng
guardia-civil. Dahil sa kilala si Kapitan Tiyago sa pagiging bukas-palad, pati mga collado ay dumalo rin sa
handaan.

Sa handaan, kapansin-pansin ang pag-uumpukan ng mga lalaki at hiwalay naman ang umpukan ng mga
babae maliban kay Donya Victorina na humalo sa mga lalaki at pilit na ipinagmamayabang na siya’y Europea.
Ipinagmayabang din ni Padre Damaso na kahit ang Kapitan-heneral ay di makakapigil sa isang kura kung nais
nitong magpahukay ng patay at tinawag pang Indiyo ang mga Filipino. Nagkataasan pa ng boses sina Padre
Damaso at ang tinyente ngunit talagang di nagpapatalo ang prayle at hinamon pa ang tinyente.

Sa kabilang banda, dumating si Kapitan Tiyago na hawak sa kamay ang lalaking luksang-luksa. Siya’y si
Juan Crisostomo Magsalin Ibarra. Napatigagal ang tinyente at si Padre Damaso pagkakita sa binata. Nilapitan
kaagad ni Ibarra ang kura nang makilala at sinabing ang kura ng kanilang bayan at kaibigan ng kanyang ama
sabay lahad sa kamay ngunit mariin itong itinanggi ng pari at tinalikuran sila.

Naiwan si Ibarra sa bulwagan. Dahil walang nagpakilala sa kanya, siya ang lumapit sa mga nag-uumpukan
at ipinakilala ang kanyang sarili gaya ng kaugalian sa Alemanya na natutuhan niya. Nang nakahanda na ang
hapunan, madaling dumulog ang mga kalalakihan ngunit kailangan pang pilitin ang mga mga kababaihan.
Samantala, kunwari naman nagkahiyaan pa sina Padre Sibyla at Padre Damaso kung sino ang uupo sa kabisera
na hindi naman binibitiwan ang upuan. Nang makaupo na ang lahat, ipinahain na ang espesyal na putahe, ang
tinolang manok, na ipinasadyang ipaluto ni Kapitan Tiyago sa kaalamang iyon ang paborito ni Ibarra.

Nang ipamahagi ang tinola, ang napabigay kay Padre Damaso ay upo at leeg na walang balat at maganit na
pakpak ng manok habang ang kay Ibarra ay pawang lamang-loob lahat. Sa inis ng pari, niligis niya ng kutsara
ang upo, humigop ng kaunting sabaw at pabagsak na binitiwan sa pinggan ang kutsara sabay tulak.

Sa hapag-kainan, naisalaysay ni Ibarra na pitong taon siyang nawala sa Pilipinas ngunit di niya ito
nakalimutan kahit pa tila kinalimutan na siya nito. Itinuri niyang pangalawang bayan ang Espanya at na pinag-
aralan niya ang kasaysayan at kaugalian ng lahat na kanyang napuntahang bansa. Dahil dito, sinansala na
naman siya ni Padre Damaso at sinabing sayang lang ang kanyang ginugol na salapi at iyon lamang ang alam
na kahit bata ay pwedeng malaman nang di umaalis sa bansa.

Naunang umalis si Ibarra ngunit nakasabay niya si Tinyente Guevarra. Ito ang nagsalaysay sa kanya sa
totoong dahilan ng kanyang ama, si Don Rafael. Di siya makapaniwala na nakulong ang kanyang ama. Ito ay
inakusahang erehe at pilibustero. Nakapatay ng isang artilyero dahil sa pagtatanggol sa isang musmos. Dahil
dito, naglabasan ang kaaway nang ito ay makulong. Ayon pa sa tinyente, dahil sa kayamanan at karangalan nito
ay marami itong lihim na kaaway na mga Espanyol at prayle.

Nang makarating sa Fonda de Lala, wala nang ibang laman ang kanyang isipin kundi ang sinapit ng
kanyang ama. Naisip niya na habang siya ang nagsasaya kasama ang naggagandahang dalaga sa ibayong lupain
ay naghirap naman sa loob ng kulungan ang kanyang ama. Siguro tinatawag pa nito ang kanyang pangalan
bago nalagutan ng hininga. Dahil sa masyadong abala ang kanyang isipan, di niya napansin ang pagdating ng
isang bituin sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ito ay naging sentro ng paghanga ng mga naroon maging sa
kasalukuyang kura ng San Diego, si Padre Salvi, na di nakatulog pag-uwi ng kumbento dahil sa nasaksihan.

Kinabukasan, pagkaraan ng pitong taong paghihiwalay, muling nagkita ang magkababata’t magkasintahang
Crisostomo at Maria Clara. Sa asotea, muli nilang binalikan ang masasayang alaala bago sila nagkalayo. Ang
dahon ng sambong na inilagay ni Maria Clara sa sombrero ni Ibarra upang di ito mainitan ay kinuha ng lalaki
mula sa kalupi at ipinakita kay Maria Clara na dala-dala niya kahit saan siya magpunta. Kinuha naman ni Maria

475
Clara ang kaisa-isang liham ng lalaki mula sa kanyang dibdib. Ito ang liham ng lalaki na namamaalam sa
kanya bago ito pumunta ng Europa para mag-aral. Nang makaalis na ang binata, inutusan ni Kapitan Tiyago
ang anak na ipagtulos ng kandila para kina San Roque at San Rafael, mga patron ng paglalakbay, para sa ligtas
na paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego.

Uuwi si Ibarra sa San Diego upang dalawin ang puntod ng yumaong ama. Bisperas iyon ng Araw ng mga
Patay. Habang nasa daan, nasabi niyang wala pa ring pagbabago. Lubak-lubak pa rin ang daanan, nilulumot pa
rin ang mga pader, at nababansot na ang mga puno ng talisay. Nakita rin niya ang magarang sasakyan ni
Kapitan Tiyago na nakakunot pa ang noo habang ang mga Filipino ay nagtitiis sa paglalakad o sa napakabagal
na kalesang hinihila ng kalabaw.Nagugunita tuloy niya ang pangyayari noon na nahilo siya nang dumaan ang
sinasakyan sa pabrika ng tabako, ang pagpipison ng mga bilanggo na kulay asul ang damit at may numero at
may nakatanod ding bastonero o mayor na hahagupit sa kanila ng latigo sa sandaling titigil sa pagtatrabaho.
Lahat ng iyon ang nag-udyok sa kanya na sundin ang payo ng kanyang matandang guro na nagsabi sa kanya na
ginto ang sinadya ng mga banyaga sa ating bayan kaya pumaroon din siya sa kanilang bayan upang tumuklas
ng ginto. Pinaalalahanan din siya nito na hindi lahat ng kumikinang ay ginto.

Samantala, pumunta si Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tiyago upang sabihin dito na di siya sang-ayon
sa pag-iibigan at planong pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Galit siyang tumuloy sa silid ng bahay.
Pagkatapos nilang mag-usap, hinipan ni Kapitan Tiyago ang mga nakasinding kandila para sa paglalalakbay ni
Ibarra.

Dumating si Ibarra sa San Diego. Ang bayang ito ay nasa baybayin ng lawa at napaliligiran ng malalawak
na bukirin at palayan. Kung sa Binundok, pinakamayaman si Kapitan Tiyago, sa San Diego naman ay ang
pamilya ni Ibarra. Ayon sa kwento, dati itong isang masukal na gubat na nababalot ng katangi-tanging alamat.
May tao na ritong nakita noong nakabitin na patay na at umiilaw pa kung gabi ang pinakaloob ng kagubatan.
Hanggang sa dumating ang isang matandang Espanyol na matatas managalog. Siya ang bumili ng kagubatan at
nilinang iyon. Bigla siyang nawala at di naglaon dumating si Don Saturnino ang ama ni Don Rafael at sinabing
siya ang anak ng matandang Espanyol. Magkaiba ng ugali ang dalawa. Masipag at walang kibo si Don
Saturnino ngunit mapusok at malupit.

Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego.
Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan. Hindi kabilang
dito sina Don Rafael, Kapitan Tiyago, at ilang namumuno sa pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang
pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang
nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon. Si Kapitan Tiyago na may mga ari-arian din at kabilang sa
mataas na antas ng lipunan, sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay
walang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan. Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng
gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde
mayor. Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San Diego? Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at
ang Alperes na siyang puno ng mga gwardiya-sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang batang
Pransiskano na mukhang masakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara
kay Padre Damaso, kung meron mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero,
mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng Filipina, si Donya
Consolacion, na mahilig magkolorete sa mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Espanyol,
natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa
ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.

Pamprosesong Tanong:
1. Sino si Ibarra?
2. Ano ang kaugnayan o relasyon ni Ibarra sa sumusunod na tauhan?

476
Maria Clara

Don Rafael

Padre Damaso

Kapitan Tiyago

3. Paano ipinakita ni Ibarra na nasasabik siyang makabalik sa Filipinas?


4. Bakit di-tinanggap ni Padre Damaso ang kamay ni Ibarra?
5. Ano ang nangyari kay Don Rafael ayon sa salaysay ni Tinyente Guevarra?
6. Makatarungan bang ikulong si Don Rafael dahil lamang sa di ito nangungumpisal? Ipaliwanag ang sagot.
7. Bakit nasabi ni Ibarra na wala pa ring pagbabago sa Pilipinas mula nang siya’y umalis?
8. Ano ang sinisimbolo nang nakita ni Ibarra ang puno ng talisay na nabansot?
9. Ano-anong mga kultura at paniniwala ang masasalamin mula sa mga binasang kabanata?
10. Ipaliwanag “Ginto ang ipinunta nila rito, pumunta ka rin sa kanila at tumuklas ng ginto”.
11. Naging madali ba para kay Ibarra na tanggapin ang pagkamatay ng ama? Bakit?
12. Paano ipinakita ni Ibarra na siya ay mapagtimpi?
13. Bakit itinanggi ni Padre Damaso na kaibigan niya ang ama ni Ibarra? Ano ang ipinahiwatig nito?
14. Anong klaseng mangingibig si Ibarra?
15. Gusto mo ba ang klase ng pagsusuyuan nila noon?
16. Sino ang mga makapangyarihan sa bayan ng San Diego? Paano kaya nila nakuha ang kanilang
kapangyarihan? Nangyayari pa rin ba ito sa kasalukuyan?

PAGSUSURI

Gawain 2: Itala Mo
Ilista ang mga pangyayari mula sa nabasang mga kabanata na nagpapakita ng paglabag ng
karapatang-pantao

477
PAGSASANAY
GAWAIN 3: May Solusyon

Bumanggit ng mga posibleng solusyon sa mga nilabag na karapatang-pantao sa naunang gawain.


Paano ito maiwasan o di kaya’y makontrol?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________

478
PAGSASANAY

GAWAIN 4: Nakaraa’y Balikan Mo

Bumuo ng isang talata na naglalahad sa iyong napagtanto sa uri ng lipunan noon ayon sa mga
nabasa at kung papaano maiiwasan ang pagkainggit sa kapwa-tao.

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________

PAGTATAYA

Subukin Mo

Bumuo ng isang Action Plan para masolusyunan ang mga problema o isyu sa lipunan.

TAKDANG ARALIN

Magbasa Pa

1. Basahin ang kabanata 12, 19, 20, 22, 24, 26, 29-31. Gawan ng buod ang mahahalagang pangyayari sa
buhay ni Ibarra.

Pangkat 1 – Pagdating ni Ibarra sa San Diego mula sa Europa


Pangkat 2 – Buhay pag-ibig ni Ibarra
Pangkat 3 – Pagbabanta sa buhay ni Ibarra

2. Gumupit ng 2 larawan na nagpapakita ng pag-ibig o pagmamahal. Dalhin ito sa klase sa susunod na


pagkikita.

479
IKATLONG LINGGO - SESYON 2

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 2 ( Aralin 3.2 )
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mahalagang
pangyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra bilang
mangingibig at biktima ng pagkakataon.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ng pagtatanghal ng Mock Trial sa sinapit
ng mga tauhan.

Kompetensi: Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-


ibig sa magulang, sa kasintahan, sa kapwa at sa bayan.
I. LAYUNIN
Kaalaman : Nasusuri ang mga simbolismo na ginamit sa mga binasang
kabanata.
Saykomotor: Nakalilikha ng photo collage sa mga paraan ng pagpapakita
ng pagmamahal sa magulang, kasintahan, kapwa, at bayan.
Apektiv: Napayayaman ang mga kaugaliang Filipino na litaw sa mga
binasang kabanata.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Kabanatang may Kaugnayan sa mga Pangyayari sa Mga
Buhay ni Ibarra ( Kab. 12, 19, 20, 22, 24,26, 29, 30 at 31)
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing
House, Inc.
http://misterhomework.blogspot.com/2013/07/noli-me-
tangere-buod-ng-bawat-kabanata.html
C.KAGAMITANG Batayang-aklat, kartolina strips, mga ginupit na larawan,
PAMPAGKATUTO glue
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibeysyunal na tanong: ➢ Pagtatanong
1. Ano ang sinisimbolo ng hugis-puso?
2. Paano ito naiuugnay sa pag-big?
3. Bakit nauuso ang mga hugot lines ngayon?
Aktiviti / Gawain
➢ Pagpapabigay ng ilang “hugot lines” ng mga mag-
aaral.
B. PAGLALAHAD
Abstraksyon ➢ Pag-uulat ng grupo sa itinakdang kabanata.
(Pamamaraan sa Pagtalakay) ➢ Pagtatalakay sa mahahalagang pangyayari sa kabanata
at mga kaugaliang Filipino na masasalamin dito.
➢ Pagtalakay sa denotasyon at konotasyon.
C. PAGSASANAY ➢ Pagbibigay ng konotasyon at denotasyon na kahulugan
Mga Paglilinang na Gawain ng mga salita:
buwaya
anino
kampana
umaga

480
takipsilim
➢ Pag-uugnay sa salita sa taong maaaring tinutukoy nito.
D. PAGLALAPAT
Aplikasyon ➢ Paggawa ng photo collage na nagpapakita ng iba’t
ibang uri ng pag-ibig mula sa mga larawang ginupit sa
mga diyaryo at magasin.
Pangkat 1 – Pag-ibig sa Magulang
Pangkat 2 – Pag-ibig sa Kasintahan
Pangkat 3 – Pag-ibig sa Kapwa
Pangkat 4 – Pag-ibig sa Bayan
(Ang pagpapangkat ay maaaring ayon sa larawang nadala o
nagupit ng mag-aaral.)
E. PAGLALAHAT
Generalisasyon Paano napapakilos ng pag-ibig ang isang tao?
IV. PAGTATAYA ➢ Pagpapaliwanag ng grupo sa photo collage na nabuo.
➢ Pagbibigay-puna at pagtataya sa output ng bawat grupo
V. TAKDANG-ARALIN ➢ Basahin ang Kabanata 32, 34-36, 49, 54-55, 58, 60, at
62.
➢ Alamin kung paano nanganib ang buhay at nagbago
ang pag-uugali ni Ibarra at kung sino-sino ang
nagbabalak nang masama sa kanya.
TUGON

PAGNINILA-NILAY

481
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 3.2 Sesyon 2

TUKLASIN

Masarap ang magmahal at lalo na ang mahalin ka. Iba-iba man ang naging karanasan ng mga taong umibig,
pinipili pa rin nating sumugal sa pag-ibig kaysa umiwas dito.

GAWAIN 1: Iugnay Mo

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang sinisimbolo ng hugis-puso?
2. Paano ito naiuugnay sa pag-big?
3. Bakit nauuso ang mga hugot lines ngayon?

PAGSUSURI

Gawain 2: Hugot Ko, Pakinggan Mo

Basahin nang puno ng damdamin ang mga hugot lines sa ibaba. Pagkatapos, magbigay din ng
sarili mong halimbawa.

482
ALAM MO BA NA …

Ang buhay ni Ibarra ay makukuhanan natin ng aral sa iba’t ibang uri ng pagmamahal. Di lamang niya
ipinakita kung anong klaseng kasintahan siya kay Maria Clara ngunit ipinamalas din niya ang pagmamahal sa
bayan, sa kapwa, sa Diyos at maging sa sarili. Alamin mula sa mga sumusunod na kabanata kung papaano
mahalin ang sarili na hindi ka hahantong sa pagiging makasarili.

Buod ng Kabanata 12, 19, 20, 22, 24, 26, at 29-31

Ang sementeryo ng San Diego ay matatagpuan sa isang malawak na palayan at nababakuran ng


lumang pader at kawayan. Masukal ang libingan at may malaking krus na nakatirik sa kalagitnaan. Makipot ang
daan patungo sa sementeryo, maputik kapag tag-ulan at maalikabok naman kung tag-araw. Isang napakalakas
na ulan ang bumuhos ng gabing iyon, at dalawang tao ang abalang-abala sa paghuhukay sa isang bahagi ng
sementeryo. Ang isa ay batikang sepulturero at ang kanyang katulong ay bago at hindi mapakali sa kanilang
ginagawa. Hindi nito maitago ang pandidiri at kinakalaban ang pagbaliktad ng sikmura sa pagdura at paghitit
ng sigarilyo. Sinaway ng batikang sepulturero ang kanyang kasama sa pagrereklamo nito at pinagpatuloy ang
paghuhukay hanggang sa maiahon ang bangkay. Sariwa pa kasi ang bangkay na kanilang hinuhukay sapagkat
dalawampung araw pa lamang itong naililibing mula nang mamatay. Sinusunod nila ang pinag-utos ni Padre
Garrote, na walang iba kundi si Padre Damaso, ang kura paroko ng panahong iyon; na ilipat ang bangkay sa
libingan ng mga Intsik. Ngunit dahil sa kabigatan ng bangkay at sa malakas na buhos ng ulan, minarapat na
lamang nila na itapon ito sa lawa.

Dumating si Ibarra sa San Diego at kaagad na nagtungo sa sementaryo kasama ang kanilang
matandang katiwala. Agad nitong hinanap ang puntod ng ama na si Don Rafael. Ayon sa kanyang katiwala, ang
libingan ay tinamnan niya ng mga bulaklak na adelpa at sampaga. Nasalubong nina Ibarra ang sepulturero at
tinanong nila dito ang libingan ng kanyang ama. Pinagtapat naman ng sepulturero na itinapon ang bangkay sa
lawa dahil sa kabigatan nito at hindi na nailibing sa libingan ng mga Intsik, ang bagay na pinag-utos ng kura
paroko. Higit na ikinasindak ito ni Ibarra at ang matandang katiwala ay napaiyak sa narinig. Sa matinding galit
at poot ay iniwan ni Ibarra ang kausap at nang makasalubong niya si Pari Salvi ay hindi nito napigilang
daluhungin ang pari. Humingi ng paliwanag si Ibarra sa pari kung bakit nagawa nitong lapastanganin ang
bangkay ng kanyang ama. Ipinaalam naman ng huli na ang may kagagawan niyon ay si Padre Damaso.

Nagkita sa tabi ng lawa si Ibarra at ang guro sa San Diego. Itinuro ng huli kung saan naitapon ang
bangkay ng kanyang ama at isa si Tinyente Guevarra sa iilang nakipaglibing. Isinalaysay ng butihing guro ang

483
ginawang pagtulong ni Don Rafael sa ikauunlad ng edukasyon at naitulong nito sa kanyang kapakanan. Si Don
Rafael kasi ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo noong siya ay nagsisimula pa lamang.
Naisalaysay ng guro ang mga suliraning kinakaharap ng San Diego tungkol sa edukasyon. Isa na rito ang
kawalan ng panggastos para sa mga kagamitan sa pag-aaral, ang kawalan ng silid-aralan na akma upang
makapag-aral nang walang balakid ang mga bata, ang kakaibang pananaw ng mga pari sa paraan ng pagtuturo,
ang mga patakaran ng simbahan tungkol sa nilalaman ng kanyang mga aralin, at ang kawalan ng pagkakaisa ng
mga magulang ng mag-aaral at ng mga taong may katungkulan.

Ang mga libro ay nasusulat sa Espanyol at kahit anong tiyaga ng guro na ituro sa kanyang mga
estudyante ang nilalaman ng babasahin, pilit itong pinanghihimasukan ni Padre Damaso. Madalas din itong
mamalo at pagmumurahin ang mga bata kapag nakarinig ito ng ingay mula sa tapat ng kumbento, kung saan
nag-aaral ang mga bata dahil nga sa walang silid-aralan. Ang mga magulang naman ay pinapanigan ang mga
pari tungkol sa pagpalo bilang epektibong paraan ng pagdedisiplina at pagtuturo. Ang pakikialam ng pari, at
ang maraming mga balakid sa pagtuturo ang naging sanhi upang magkasakit ang guro. At nang siya ay bumalik
upang magturong muli, higit pang nabawasan ang bilang ng kanyang mga mag-aaral. Laking pasasalamat niya
nang hindi na si Padre Damaso ang kura sa San Diego, kayat minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng mga
aralin sa kalagayan ng kanyang mga mag-aaral. Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan para iangkop ang
kanyang mga aralin, higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo tungkol sa relihiyon. Sa mga
binanggit na ito ng guro, nangako naman si Ibarra na gagawin ang kanyang makakaya upang matulungan ang
guro at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa bayan. Kanya itong babanggitin sa araw ng pulong sa
paanyaya ni Tinyente Mayor.

Ang tribunal ang tanging bulwagan na nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at pag-uusap ng mga
makapangyarihan at mayayaman sa bayan. Panauhin noong araw na iyon sina Ibarra at ang guro. Nahahati ang
mga nasa pulong sa dalawang kinatawan o lapian: ang conserbador na siyang pangkat ng mga matatanda na
pinamumunuan ng Kabesa at ang liberal na binubuo naman ng mga kabataan sa pamumuno ni Don Filipo. Ang
mga paksa ng pagpupulong na iyon ay tungkol sa gaganaping kapistahan labing-isang araw mula sa araw na
iyon, mga programa at aktibidad na gagawin para sa pista, at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan.
Sinamantala ng mga mayayaman sa bayan ang pulong na iyon upang makapagtalumpati kahit na walang
katuturan ang ibang mga pinagsasabi. Katulad na lamang ni Kapitan Basilyo na nakalaban ni Don Rafael.
Sinalungat naman ito ni Don Filipo na nagmungkahi na bawat gawain ay dapat may talaan ng mga gastos.
Dapat din magpagawa ng isang malaking tanghalan sa plasa at magtanghal ng palatuntunan tulad ng komedya
sa loob ng isang linggo. Binanggit din ni Don Filipo ang pagkakaroon din ng paputok upang maging lalong
kasiya-siya ang pista. Hindi naman lahat ay sumang-ayon sa kanyang mungkahi. Nagbigay naman ng panukala
ang Kabesa na nagsabing marapat na tipirin ang pagdiriwang, dapat ay wala na ring paputok at ang mga
gaganap sa programa ay dapat mga taal na taga-San Diego. Ang sentro rin ng pagtatanghal ay dapat mga
sariling ugaling Filipino. Walang bisa ang mga panukalang inihandog ng magkabilang pangkat sapagkat
nakapagdesisyon na ang kura tungkol sa pista. Ang mga gagawin ay anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong
misa mayor at isang komedya.

Araw ng pagdating nina Maria Clara at Tiya Isabel sa San Diego upang mamalagi roon para sa pista
ng bayan. Kumalat ang balita ng kanyang pagdating sapagkat kinagigiliwan siya sa lahat ng mga tao roon.
Kumalat din ang madalas na pagkikita nila ni Ibarra, bagay na ikinagalit ni Padre Salvi. Napapansin naman ni
Maria Clara ang pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap. Plano ng magkatipan na
magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang kanilang mga kaibigan. Iminungkahi ni Maria Clara na huwag nang
isama si Padre Salvi sapagkat siya ay nababahala kapag ito ay nasa paligid niya. Hindi naman ito napagbigyan
ni Ibarra dahil sa hindi ito magandang tingnan. Habang nag-uusap ang dalawa ay dumating naman si Padre
Salvi kung kaya't nagpaalam na si Maria upang mamahinga. Inimbitahan ni Ibarra si Padre Salvi sa piknik at
kaagad naman itong sinang-ayunan ng kura. Pagkalipas ng ilang oras ay umuwi na rin si Ibarra. Sa kanyang
paglalakad ay nakasalubong niya ang isang lalaking humihingi ng tulong. Pinaunlakan naman siya ni Ibarra.

Maagang nakapagmisa si Padre Salvi at kaagad na nag-almusal, ngunit hindi na nito tinapos ang
pagkain at nagpunta na sa lugar ng piknik sakay ng karwahe. Malayo pa ay pinahinto na niya ang karwahe
upang sa gayon ay malayang makapanood ng lihim sa mga kadalagahan. Hindi naman siya nabigo sa ninais na
mangyari, nakita nga niya ang mga dalaga at masayang pinagmamasdan ang mga binti at sakong ng mga ito

484
habang nagkakatuwaan. Pinigil na lamang ng pari ang kanyang sarili na sundan pa ang mga ito kung kaya't
hinanap na lamang niya ang mga kalalakihan. Pagkapananghalian ay nag-usap-usap ang mga nagpiknik.
Nabanggit ni Padre Salvi na may tumampalasan kay Padre Damaso kaya't nagkasakit ito. Nagkataon na
dumating si Sisa at nais ni Ibarra na siya ay pakainin ngunit dala ng pagkawala ng katinuan nito ay tumalilis
itong papalayo sa pangkat. Nabanggit din ang pagkawala ng mga anak ni Sisa, kung saan nagkaroon ng
matinding pagtatalo sina Don Filipo at Padre Salvi. Ikinatwiran ng una na higit pang pinahalagahan ang
dalawang onsa kaysa sa pagkawala ng mga bata. Pumagitna na sa Ibarra sa dalawa upang hindi na umabot sa
sakitan ang dalawa. Lumayo si Ibarra at nakiumpok sa mga binata at dalagang naglalaro ng Gulong ng
Kapalaran. Itinanong ni Ibarra sa Gulong kung may mga katuparan ang kanyang binabalak. Natapat naman ang
dais sa sagot na pangarap lamang. Hindi ito sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat mayroon na siyang katibayan at
pahintulot sa pagpapatayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang kasulatan at ibinigay kay Maria Clara at
Sinang. Dumating naman si Padre Salvi at walang hudyat na pinunit nito ang aklat. Aniya, malaking kasalanan
ang maniwala sa nilalaman nito. Ikinainis naman ito ni Albino at isinagot sa kura na mas malaking kasalanan
ang kanyang pakikialam sa pag-aari ng iba. Lumayas naman kaagad ang kura at padabog na bumalik ng
kumbento. Makalipas ang ilang sandali ay dumating naman ang mga gwardya-sibil at sarhento. Hinahanap nila
si Elias kay Ibarra sapagkat ito ang nanakit kay Padre Damaso. Kinuwestyon din nila si Ibarra sa pagkupkop
niya kay Elias, bagay na sinalungat ni Ibarra at sinabing walang karapatang kwestyunin ninuman ang kanyang
desisyon kung sino ang nais niyang imbitahin sa kanyang tahanan. Hinalughog ng gwardya-sibil ang kagubatan
ngunit wala silang nakitang Elias.

Bisperas ng Pista ng San Diego tuwing ika-10 ng Nobyembre. At sa bisperas pa lamang ng Pista ay
nakahanda na ang lahat. Nagagayakan ang mga bahay ng kanilang mga pinakagarbong palamuti, kurtina at
iba't-ibang dekorasyon at pati na mga minanaat antigong kagamitan. Ang hapag-kainan naman ng mga
mayayaman ay punong-punong mga iba't-ibang masasarap na putahe, kakanin, panghimagas at mga inangkat at
mamahaling mga alak mula pa sa Europa. Inilalaan ang mga pagkaing ito para sa lahat, kahit na taga-ibang
bayan upang maging masaya ang kapistahan. Ang bawat sulok ng bahay ay malinis at makintab, sadyang
pinaghandaan at iginayak para makita ng lahat. Maya't maya rin ang pagpapaputok ng kwitis, pagtugtog ng
kampana at tugtugan ng mga banda ng musiko. Ang plasa naman ng San Diego at mga matataong lugar ay
pinalamutian ng arkong kawayan, pati na rin ang harapan ng simbahan na nilagyan ng tolda para sa prusisyon.
May tanghalan din na nakalaan para sa pagtatanghal ng komedya at iba pang palatuntunan. May partisipasyon
sa kasayahan ang mga mayayaman sa Sa Diego, tulad ni Kapitan Tiago at Kapitan Joaquin, ang intsik na si
Carlos, at iba pa. Si Padre Damaso naman ang nakalaang magmisa sa umaga. Ang mga magsasaka at mahihirap
ay iginayak ang kanilang mga pinaka-mainam na ani upang ihandog sa mga may-ari ng kanilang bukirin.
Kasalukuyan namang tinatapos ang bahay-paaralan na pinapagawa ni Ibarra malapit sa kanyang tahanan sa
pamamatnubay ni Nol Juan. Sagot niyang lahat ang gastos dito, at magalang na tinanggihan ang alok na tulong
ng mga mayayaman at ng pari. Ang bahay-paaralan na kanilang itinatayo ay katumbas ng mga paaralan sa
Europa, hiwalay ang mga babae sa lalaki, may lugar para sa pagtatanim ng puno at gulay, may bodega at
mayroon ding silid pang-disiplina sa mga batang mag-aaral. Marami ang humanga sa kanyang ginawa ngunit
marami din naman ang palihim niyang naging kaaway.

Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang magbigay saya at salubungin ang
kapistahan. Sinabayan pa ito ng tunog ng kampana at mga siklab at pasabog ng paputok. Nagising ang mga tao
sa bayan at nagsigayak na para makiisa. Ang taumbayan ay naghanda ng kanilang pinakamainam na kasuotan
at mga alahas. Naghanda rin ng masasarap na pagkain ang bawat tahanan at hinahatak ang mga tao upang
tikman ang mga ito. Taliwas ito sa ikinilos ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ayon sa kaniya, paglulustay lamang ng
pera at pakitang tao lamang ang pagsasaya sa araw na ito. Marami ang dapat na higit pagkagastusan ng may
kabuluhan at marami ang hinaing ng bayan na hindi natutugunan. Sang-ayon si Don Filipo sa ganitong
pananaw ngunit wala siyang lakas ng loob upang salungatin ang pari. Sa simbahan ay naghihintay na ang mga
tao at mga tanyag na tao sa bayan. Si Padre Damaso naman ay itinaon ang sarili na magkasakit upang higit na
makakuha ng importansya mula sa lahat. Inalaagaan siya ng taga-pangasiwa ng simbahan habang siya ay may
sakit. Sinumulan ang mahabang prusisyon ng iba't-ibang santo bandang alas otso ng umaga. Kahit sa prusisyon
ay ipinapakita ang pagkakaiba ng antas o diskriminasyon sa lipunan kahit na ang mga nagpuprusisyon ay mga
ginggon. Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago, na inaabangan naman nila Maria Clara,
Ibarra at ilan pang mga Kastila.

485
Dinumog ng lahat ang simbahan kung kaya't nagsiksikan ang mga tao sa kabila ng init at iyakan ng
mga bata. Bayad din ang misang iyon para sa kabanalan ng lahat sa halagang P250. Ang paniniwala noon ay
mas mabuti ng magbayad ng mahal sa misa kaysa sa komedya sapagkat ang misa ay makapagdadala ng
kaluluwa sa langit, samantalang impyerno naman sa komedya. Hindi naman sinimulan ang misa hanggat hindi
dumarating ang alkalde mayor. Sinadya naman ng alkalde na magpahuli, upang higit na mapansin ng lahat.
Nagsuot din ito ng limang medalya na sagisag ng kanyang tungkulin. Nang siya ay dumating, naghanda na ang
lahat upang makinig sa pagmimisa ni Padre Damaso.Sinamantala naman ng Padre ang walang pakundangang
paglibak sa pari na nagmisa kahapon, si Padre Manuel Martin. Ipinangalandakan ng mayabang na padre na
higit siyang magaling magmisa kaysa Kay Padre Martin. Hindi ito nagsimulang magsermon hanggat hindi ito
tapos makapagmayabang.

Sinimulan ni Padre Damaso ang kanyang sermon mula sa isang sipi sa Bibliya at nagsermon sa
wikang Tagalog at Espanyol. Ang kabuuan ng sermon ni Padre Damaso ay pagpupuri sa mga banal na santo ng
simbahan, ang dapat tularan na sina Haring David, ang mapagwaging si Gideon, at si Roldan na isang tapat na
mananampalataya; at higit sa lahat ay ang panlilibak sa mga Filipino na binibigkas sa wikang Espanyol kung
kayat walang kamalay-malay ang nakararami sa kahulugan ng kanyang mga sinasabi. Pinatutsadahan din ng
Padre ang lahat ng tao na kanyang hindi gusto upang ipahiya ang mga ito sa karamihan. Sapagkat karamihan ng
mga tao roon ay walang naiintindihan sa pinagsasasabi ng Padre, hindi nila napigilang antukin at mapahikab,
lalo na si Kapitan Tiyago. Sina Maria at Ibarra naman ay palihim na nagsusulyapan at nangungusap ang
kanilang mga mata. Sinimulan na rin sa wakas ni Padre Damaso ang misa sa wikang Tagalog. Dito ay walang
pakundangan na tinuligsa niya si Ibarra, bagamat hindi niya pinangalanan ang kanyang inaalipusta ay
mahahalata naman ng lahat na walang ibang pinatutunguhan ang kanyang mga salita kundi si Ibarra lamang.
Hindi naman natuwa si Padre Salvi sa nagaganap kung kaya't nagpakuliling na ito upang maging hudyat kay
Padre Damaso na tapusin na nito ang kanyang sermon. Ngunit nanatiling bingi ang mayabang na pari at
nagpatuloy pa ng kalahating oras sa walang kwentang sermon at pag-alipusta kay Ibarra. Samantala, palihim
naman na nakalapit si Elias kay Ibarra habang tuloy ang misa. Binalaan ni Elias si Ibarra na mag-ingat at huwag
lalapit sa bato na ibabaon sa hukay sapagkat maaari niya itong ikamatay. Wala namang nakapansin sa
pagdating at pag-alis ni Elias.

http://misterhomework.blogspot.com/2013/07/noli-me-tangere-buod-ng-bawat-kabanata.html

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit di nagawa ng sepulturero ang ipinag-utos ni Padre Garrote sa bangkay ni Don Rafael?
2. Ayon sa kanya, bakit mas mabuti pang malibing sa ilalim ng lawa kaysa ilibing sa libingan ng mga Intsik
ang hinukay? Ano ang masasalamin natin sa lipunan noon?
3. Sino ang napagbuntunan ng galit ni Ibarra sa natuklasan niya? Isalaysay ang pangyayari at bigyang-
reaksyon.
4. Ano-ano ang napag-alaman ni Ibarra sa mga naging karanasan at suliranin ng guro sa pagtuturo?
5. Sa tingin mo ba’y problema pa rin ito ng mga guro ngayon? Bakit?
6. Sa halip na maghiganti sa mga taong lumampastangan sa kanyang ama, ano ang naging balak gawin ni
Ibarra? Bakit kaya?
7. Sino ang masusunod noon sa mga gawaing panlipunan at panrelihiyon tulad ng pista? Makatarungan
kaya ito?
8. Ilarawan si Padre Salvi. Ano-ano ang kanyang mga katangian?
9. Ilarawan si Padre Damaso bilang alagad ng Diyos. Tama ba ang kanyang inugali sa pulpito? Bakit?

486
10. Itala ang lahat na pagpapahalaga at kulturang Pilipino na masasalamin sa mga kabanatang tinalakay.

Kulturang Pilipino Pagpapahalagang Pilipino

TANDAAN

Di lahat ng mga salita o pahayag ay nagtataglay ng iisa o literal na kahulugan. Sa pagpapakahulugan, dapat
isaisip ang denotasyon at konotasyong kahulugan kung alin ba sa dalawa ang tinutukoy ng nagsasalita.

Denotasyon
• Ito ay ang kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo.
• Ito ay literal o totoong kahulugan ng isang salita.
Konotasyon
• Ito ay pansariling pagpapakahulugan ng isa o grupo ng mga tao sa isang salita.
• Ang kahulugan sa konotasyon ay iba sa totoong kahulugan.

PAGSASANAY

GAWAIN 3: Kahulugan, Ibigay Mo

Ang mga salita ay maaaring nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan. Kung minsan literal
kung minsan naman ay pansarili o patalinghaga. Subukin mo ngayong ibigay ang konotasyon at denotasyon ng
mga larawang makikita sa ibaba.
Denotasyon Konotasyon
1.

487
___________________ _________________

2.

___________________ _________________
3.

___________________ _________________
4.

___________________ _________________
5.

__________________ _________________

PAGSASANAY

Gawain 4: Pag-isipan Mo

488
Paano napapakilos ng pag-ibig ang tao?

PAGLALAPAT

Gumawa ng photo collage na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng pag-ibig mula sa mga larawang ginupit sa
mga diyaryo at magasin.

Pangkat 1 – Pag-ibig sa Magulang


Pangkat 2 – Pag-ibig sa Kasintahan
Pangkat 3 – Pag-ibig sa Kapwa
Pangkat 4 – Pag-ibig sa Bayan

PAGTATAYA

➢ Pagpapaliwanag ng grupo sa photo collage na nabuo.

➢ Pagbibigay-puna at pagtataya sa output ng bawat grupo

TAKDANG ARALIN

➢ Basahin ang Kabanata 32, 34-36, 49, 54-55, 58, 60, at 62.
➢ Alamin kung paano nanganib ang buhay at nagbago ang pag-uugali ni Ibarra at kung sino-
sino ang nagbabalak nang masama sa kanya.

489
IKATLONG LINGGO - SESYON 3 – 4

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 3-4 (Aralin 3.3 – 3.4)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mahalagang
pangyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra bilang
mangingibig at biktima ng pagkakataon.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ng pagtatanghal ng Mock Trial sa sinapit
ng mga tauhan.
Kompetensi: Napaghahambing ang kalagayan ng lipunan noon at ngayon
batay sa sariling karanasan at sa napapanood sa telebisyon
at/ o pelikula. (F9PD-IVd-57)
Nailalarawan ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili
matapos mabasa ang akda. (F9PS-IVd-60)
Naitatala ang mga impormasyong nakuha sa isinagawang
panayam sa mga taong may lubos na kaalaman sa aralin.
(F9EP-IVd-22)
I. LAYUNIN
Kaalaman : Nakapagbabahagi ng mga ideya batay sa paksa.
Saykomotor: Nakapagsasagawa ng isang panayam tungkol sa mga
binanggit na pangyayari sa aralin.
Apektiv: Napahahalagahan ang pagpapanatili ng kahinahunan sa
sarili sa gitna ng magulong sitwasyon.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Kabanatang may Kaugnayan sa mga Pangyayari sa Mga
Buhay ni Ibarra (Kab. 32, 34-36, 49, 54-55, 58, 60, at 62)

B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me


Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing
House, Inc.
https://www.youtube.com/watch?v=sRB1D17L7uQ
https://www.youtube.com/watch?v=CLPklIc3G3s
https://www.youtube.com/watch?v=o5E5etKH0Jk
C.KAGAMITANG Batayang-aklat, cartolina strips, mga ginupit na larawan,
PAMPAGKATUTO glue
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA ➢ Paglalahad ng pangganyak na tanong
Pangmotibeysyunal na tanong: 1. Ano-ano ang mga dahilan sa pagbabago ng ugali ng tao?
2. Dapat ba natin siyang husgahan at sisihin sa pagbaba-
gong ito? Bakit?

Aktiviti / Gawain ➢ Pagbanggit ng mga tauhan sa mga napanood na


teleserye o pelikula na nagbago ang mga pag-
uugali.
B. PAGLALAHAD
Abstraksyon ➢ Paglilinang ng Talasalitaan
(Pamamaraan sa Pagtalakay) ➢ Dugtungang Pagsasalaysay sa naging buhay ni
Ibarra mula nang dumating sa Filipinas.

490
C. PAGSASANAY Paghambingin ang katwiran nina Ibarra at Elias. Kaninong
Mga Paglilinang na Gawain katwiran ang higit na matimbang? Bakit?

D. PAGLALAPAT Kunan ng ideya ang mga sumusunod na link para sa


Aplikasyon kasunod na gawain.
https://www.youtube.com/watch?v=sRB1D17L7uQ
https://www.youtube.com/watch?v=CLPklIc3G3s
E. PAGLALAHAT Ang pakikipanayam o pangangalugad ng isang
Generalisasyon impormasyon ay isang paraaan ng pagkuha ng
impormasyon o kabatiran nang harap-harapan. Kung
nais nating makuha ang kinakailangan nating kabatiran
ay pumili ng mga dalubhasa sa kanilang larangan na
nagtataglay ng ganap na kaalaman sa nais nating
mabatid.

Gabay sa Pagsasagawa ng Pakikipanayam


1. Humingi ng kaukulang pahintulot sa tiyak na
taong nais kapanayamin.
2. Dumating ng mas maaga sa itinakdang oras na
panayam .
3. Tiyakin dala ang mga kinakailangan kagamitan sa
paglulunsad ng panayam.
4. Agad na pasalamatan ang kinakapanayam dahil
sa pag sang-ayon lalo na sa oras at panahong
inilaan para sa gawing ito.
5. Magpakilala nang may paggalang.
6. Tumingin sa kinakapanayam at magpakita ng
tiwala sa sarili.
7. Limitahan ang mga katanungan at iwasan ang mga
personal na tanong.
8. Tapusin ang panayam sa itinakdang oras.
9. Magalang na magpasalamat.
IV. PAGTATAYA Bakit mahalagang panatilihin ang kahinahunan lalong-lalo
na sa magulong sitwasyon?
V. TAKDANG-ARALIN Sarili, Ihanda Mo

Panoorin ang videoclip ng isang eksena sa korte na mula sa:


https://www.youtube.com/watch?v=o5E5etKH0Jk
TUGON

PAGNINILA-NILAY

491
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 3.3 – 3.4 Sesyon 3-4

TUKLASIN

Karapatan ng tao kahit pa ng isang nasasakdal na idepensa ang kanyang sarili sa harap
ng hukuman. Kaugnay nito, marami na ring pagkakataon na kung saan nalalagay tayo sa
sitwasyon na napagkamalan,napagbintangan o di kaya’y di nauunawaan ng iba ang ating ginagawa. Bago pa man
ito mangyari ay paghandaan mo na sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain.

GAWAIN 1: Nagbago Ka, Nagbago Siya

Mag-isip ng mga tauhan sa mga napanood mong pelikula o teleserye na nagbago ang ugali at sabihin
kung ano-ano ang mga dahilan ng pagbabagong iyon.

Tauhan/Karakter Pagbabago Dahilan

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga dahilan sa pagbabago ng ugali ng tao?
2. Dapat ba natin siyang husgahan at sisihin sa pagbabagong ito? Bakit?
3. Papaano kaya natin sila matutulungan para makabalik sa dating pag-uugali (mabuti)?

ALAM MO BA NA…

Nagkaroon ng sakuna sa araw ng paghugos ng unang bato sa paaralang itatayo ni Ibarra. Ang
paaralang kanyang naisip na itayo para tulungan ang kanyang minamahal na bayan at iangat ang katayuan ng
mga kababayan.Basahin ang mga kabanata na nagpapakita na may mga taong may masasamang tangka sa
kanyang buhay.

Kabanata 32, 34-36,49, 54-55, 58, 60, 62

Nagkaroon ng demonstrasyon ang taong dilaw kay Ñol Juan patungkol sa paggamit ng panghugos
bago ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan. Ipinagmalaki ng taong dilaw na ang ganitong paraan ay natutuhan
pa niya sa nuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Ipinakita ng taong dilaw kung paano itinataas at ibinababa ang
batong malaki na siyang ibabaon sa hukay na napapagitnaan ng apat na haligi. Hinangaan naman ito ni Ñol

492
Juan at pinuri rin ito ng mga tao sa paligid. Sinimulan ni Padre Salvi ang pagbabasbas sa bahay-paaralan.
Inilulan ang mga mahahalagang kasulatan at relikya at iba pang mahahalagang bagay sa isang kahang bakal, na
ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga. Ang lubid ang nagkokontrol sa bato, na may hukay sa gitna kung
saan ilalagay ang tingga. Hawak naman ng taong dilaw ang lubid. Sinimulan ng pari ang seremonya at
nagsibabaan ang lahat ng importanteng tao upang sumaksi. Isa si Elias sa mga taong naroroon upang sumaksi
sa okasyon. Hindi niya winala ang tingin sa taong dilaw. Hustong pagbaba ni Ibarra upang makiisa sa pagsaksi
ay humulagpos ang lubid mula sa kalo at kasaba'y nito ay ang pagkagiba ng balangkas. Ilang saglit ang lumipas
at nasaksihan ng lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang kalo at ng malaking bato. Ang taong
dilaw ang siyang namatay at hindi si Ibarra. Nais ng alkalde na ipahuli si Ñol Juan ngunit sinabi ni Ibarra na
siya na ang bahala sa lahat.

Huling dumating sa pananghalian sa bahay ni Kapitan Tiyago si Padre Damaso at lahat ay bumati sa
kanya liban kay Ibarra. Sinimulan nang ihanda ang serbesa at sinimulan na rin ni Padre Damaso ang patotsada
kay Ibarra. Tinangkang sumingit naman ang alkalde upang maiba ang usapan ngunit lalong nag-umalpas ang
dila ng pari. Hindi naman kumikibo si Ibarra at nagtimpi na lamang. Ngunit talagang nananadya si Padre
Damaso kaya’t nang inungkat ang nangyari sa kanyang ama, bagay na hindi mapapayagan ni Ibarra,
dinaluhong niya ang pari at tangkang sasaksakin. Pinigilan naman ni Maria ang katipan kung kaya't bumalik
ang hinahon ni Ibarra at umalis na lamang ito.

Ang pangyayaring naganap sa pananghalian ay naging mainit na usapan sa buong bayan ng San
Diego. Karamihan ay halos panig kay Padre Damaso sapagkat ayon sa kanila, hindi mangyayari ang nangyari
kung nagtimpi lamang si Ibarra. Si Kapitan Martin lamang ang tunay na nakaunawa sa ikinilos ng binata,
sapagkat walang sinuman ang hindi makakapagpigil kung ang ama ang lalapastanganin. Ang mga matatandang
babae sa bayan ay nahihintakutan na hindi panigan ang pari sapagkat baka sila ay mapupunta sa impyerno.
Tanging si Kapitana Maria ang nalugod sa ginawang pagtatanggol ni Ibarra sa kanyang ama. Ang mga
magsasaka naman ay nawawalan ng pag-asa na matuloy ang paaralan, na ang kahulugan niyon ay hindi
pagkatuto ng kanilang mga anak. Ganunpaman, wala pa ring katwiran si Ibarra sapagkat laging ang tama ay
ang mga prayle. Isa pa, ang mga mayayaman at prayle ay may pagkakaisa, hindikatulad ng taumbayan na
watak-watak kung kayat mananalo ang mga pari. Kumalat ang usap-usapan na tinawag nang Filibustero ng mga
prayle si Ibarra, hindi naman ito madalumat ng mga mahihirap.

Nagdesisyon ang mga prayle na paghiwalayin sina Ibarra at Maria Clara pagkaraang ma-
ekskomulgado ang binata. Walang abisong dumating ang Kapitan Heneral sa bahay ni Kapitan Tiyago kaya
naging abala ang lahat sa paghahanda maliban kay Maria Clara. Si Maria Clara ay patuloy ang pagtangis dahil
sa pagbabawal ng ama nito na makipagkita kay Ibarra hanggat ito’y ekskomulgado. Naging walang silbi ang
pang-aalo nina Tiya Isabel at Andeng sa dalumhati ng dalaga. Sinabi ng tiyahin na maari silang sumulat sa
Papa at magbigay ng malaking limos upang mapawalang bisa ang ipinataw sa binata. Si Andeng ay
nagprisintang makagagawa ng paraan upang magkausap ang magkatipan.

Bumalik si Kapitan Tyago mula sa kumbento at isiniwalat nito Kay Maria Clara ang desisyon ni Padre
Damaso na sirain ang nakatakdang pakikipag-isang-dibdib nito kay Ibarra. Si Padre Sibyla ay nag-utos naman
na bawal nang tanggapin sa kanilang tahanan ang binata, at ang utang ng kapitan na limampung libong piso ay
hindi rin dapat bayaran, o ang kapalit nito ay kamatayan ng kaluluwa sa impyerno. Ang mga bagay na ito ay
hindi makayanang marinig ni Maria kung kaya't lalo itong naghinagpis. Inalo naman ito ng ama at sinabing
may inilalaan ang kanyang pangalawang ama na si Padre Damaso na isang binatang kamag-anak nito at
manggagaling pa mula sa Europa. Lalong nasindak ang dalaga at pati si Tiya Isabel ay nagalit sa kapitan at
pinagsabihan ito na hindi parang damit na isinusuot ang magpalit ng katipan. Iminungkahi ni Tiya Isabel na
sulatan ng Kapitan ang Arsobispo ngunit sinalungat naman ito ng huli. Sinabi niyang hindi sila nito
pakikinggan kundi ang desisyon lamang ng mga pari. Labis ang paghanga ng kapitan-heneral kay Ibarra nang
makausap ito. Inalok pa niya itong sumama pabalik sa Europa.

493
Kinagabihan, pinuntahan ni Elias si Ibarra at sinabi kaagad na siya ang sugo ng mga sawimpalad.
Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan, si Kapitan Pablo, na hindi na binanggit pa ang
mga pag-aalinlangan at pagbabala. Ang kahilingan ng mga sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng
makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago sa mga kawal na sandatahan, sa
mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa iba pang pangangasiwa ng gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting
karangalan sa pagkatao ng mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at kapangyarihang taglay
ng mga sibil na madalas na nagiging puno’t dulo ng paglapastangan sa karapatang pantao.

Nagtaka si Ibarra. Hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay naniniwala sa tinatawag na
masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na kailangang gumawa muna ng masama upang
makapagdulot ng mabuti. Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin ng isang
mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kaya’t kailangan ang kaparaanang marahas kung ito ay
makakabuti. Ang isang mabuting manggagamot, anya ay sinusuri ang pinagmulan ng sakit at hindi ang mga
palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng lunas. Binigyang-diin naman ni Elias na ang mga sawimpalad na
hinihingi sa bayan ang pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at ng isang pagtangkilik laban sa
korporasyon. Pero, sinabi naman ni Ibarra na may utang na loob na dapat tanawin ang bayan sa mga paring
pinagkakautangan ng pananalig at patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng mga may kapangyarihan.

Sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa lumitaw na kapwa nila mahal ang bayan. Pero, hindi
napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya kay Ibarra na
sasabihin na lamang daw niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang pagtitiwala na sa
kapwa tao na di magtatamong-pala.

Orasyon. Pahangos na nagtungo ang kura sa bahay ng alperes. Sinabi ng pari na nanganganib ang
buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin ng gabing iyon. Nalaman ito
ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang
kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob
ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisano ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel
naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli ng mga buhay ang mga lulusob.

Sa kabilang dako, isa namang lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra.
Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad namang itinuro na ito ay
nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa
kanyang narinig si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra
ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang
isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil.

Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Mula sa mga kasulatan, nalaman ni Elias na
si Don Pedro Eibarramendia ay nuno ni Ibarra. Natuklasan ng piloto na ang lahing lumikha ng matinding
kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra.
Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan nang biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na
balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra at
itinuloy ang pagsunog sa mga mahahalagang papeles at dokumento.

Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya niyaya niya ang
kaibigan si Sinang sa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang palakad-lakad si Padre Salvi sa loob ng
bulwagan. Hindi mapakali si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan sa pagdating ni Ibarra. Kasalukuyang
kumakain noon ang argos na si :Linares at isinadasal nilang umalis na ang "multong" si Padre Salvi.
Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ikawalo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa
kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang
magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang

494
magdasal. Siya namang pagpasok ni Ibarra na luksang-luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang
kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang sunod-sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi
makapagsalita. Ang kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay
nakakarinig ng puro putukan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. Biglang pumasok ang mga tulisan. Si
Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan.

Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang kura. Inakala ng mga nasa bahay na nasugatan
nang malubha si Padre Salvi. Tiniyak ng alperes na wala nang panganib kaya lumabas na sa pinagtataguan ang
kura, nanaog ito. Si Ibara ay nanaog din. Hindi nagkausap sina Ibarra at Maria, basta nagpatuloy na lamang sa
paglakad ang binata. Napadaan siya sa hanay ng mga sibil na nakabayoneta pa. Sa may bandang tribunal,
nangingibabaw ang tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa kapitan na huwag niyang pabayaang makatakas ang
mga nahuling lumusob.

Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda ang
kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya sa kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga
kasukatan at larawan ni Maria. Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang rebolber. Ngunit aalis na lamang
siya nang nakarinig siya ng malakas na pagputok sa pintuan. Tinig ng isang kawal na Espanyol. Lalaban sana
siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binitawan niya ang kanyang baril at binuksan ang pinto. Dinakip siya ng
Sarhento ng mga dumating na kawal. Isinama siya.

Sa kabilang dako, gulong-gulo ang isip ni Elias nang pumasok siya sa bahay ni Ibarra. Para siyang
sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kanyang angkan, ang kanyang nuno, si Balat, kapatid
na babae at ang kanyang ama. Waring ang lahat ay tinatawag siyang duwag… isang duwag. Labis na
nangingipuspos ang kanyang damdamin. Hanggang sa maisip niyang balikan ang bahay ni Ibarra. Dinatnan
niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa kanilang amo. Nang malaman niya ang nangyari kay
Ibarra, nagkunwari itong umalis. Pero lumigid lamang saka umakyat sa bintana na patungo sa gabinete. Nakita
niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at baril. Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa
sako at inihulog sa bintana. Nakita niyang dumating ang mga sibil. Kinuha ni Elias ang larawan ni Maria at
isinilid ito sa isang supot. Nag-ipon siya ng mga damit at papel, Binuhusan niya ito ng gaas at saka sinilaban.
Biglang nagkaroon ng malalakas na pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang mga
kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra.

Pabalik-balik sa kumbento, kuwartel at tribunal ang pamilya ng mga bilanggo. Nang ilabas ang mga
bilanggo upang dalhin sa pangulong-bayan, lahat sila’y may gapos matangi kay Ibarra. Ang bagay na ito ay
lalong ikinagalit ng mga kaanak ng mga bilanggo kay Ibarra. Kahit pilit siyang nagpalagay ng gapos, hindi
nabawasan ang galit ng mga ito. Sinigawan, isinumpa at inulan si Ibarra ng mga bato at buhangin. Isa mang
kaibigan ay wala siyang nakita.Walang naawa sa kanya. Doon niya nadama nang husto ang mawalan ng inang-
bayan, pag-ibig, tahanan, kaibigan at magandang kinabukasan.

Ikakasal si Maria Clara kay Linares sa lalong madaling panahon gaya ng napagkasunduan nina
KapitanTiyago at Donya Victorina. Iba-iba ang naririnig ni Maria Clara hinggil sa kanya at kay Ibarra na labis
na nakasakit ng kanyang damdamin. Nang tahimik na ang lahat, lumabas siya sa asotea at tumanaw sa ilog.
Ilang sandali pa, isang bangka ang huminto sa sadsaran ng bahay ni Kapitan Tiyago. Isa sa dalawang lulan nito
ay umakyat sa kinaroroonan ng dalaga, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata
upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan.
Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-
iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging
pag-ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Pagkaraan,
lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka.

Sa pagtakas, naparaan sa tapat ng palasyo ng Kapitan-Heneral sina Ibarra. Natuklasan na ang pagtakas

495
ng binata. Pumasok si Elias upang akalaing taga-Penafrancia siya. Pinahiga niya si Ibarra sa bangka habang
tinutugis sila. Ibinalita sa pahayagan ang pagkalunod ng bangkang sinakyan ni Ibarra, ang nagbibigay sa kanya
ng pagnanais na makibaka, maghintay at magtiwala. Sa gitna ng pagdadalamhati ng dalaga, ipinagtapat ni
Padre Damaso ang dahilan ng pag-ayaw niya kay Ibarra. Para sa dalaga, ngayong wala na ang binata, ang
tanging nalalabi sa kanya ay ang kumbento o ang kamatayan.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang inilagay sa uka ng batumbuhay? Paano ito magiging makabuluhan sa darating na panahon?
2. Ano ang nagtulak sa taong madilaw para pagtangkaan ang buhay ni Ibarra? Makatarungan ba ang
kanyang ginawa? Bakit?
3. Anong kalagayan ang nagpalubha sa galit ni Ibarra kay Padre Damaso?
4. Makatwiran ba ang parusang iginawad kay Ibarra?
5. Sa kasalukuyan, sinlawak pa rin ba ang impluwensya ng mga pari o ministro sa kay Padre Damaso?
Patunayan.
6. Kailan nagiging banyaga sa sariling bayan ang isang Pilipino? Ano ang epekto nito sa indibidwal? Sa
kanyang bayan?
7. Kung ikaw si Elias, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawang pagtulong kay Ibarra matapos mong
malaman na nuno nito ang dahilan ng kasawian ng inyong angkan? Bakit?
8. Anumang panganib sa buhay ni Ibarra ay naroroon si Elias. Ano sa palagay mo ang dahilan at hindi
maiwan-iwanan ni Elias si Ibarra?
9. Bakit nasa bahay ni Kapitan Tiyago si Padre Salvi nang gabi ng kaguluhan?
10. Kung inibig ni Ibarra, maililigtas ba niya ang kanyang sarili sa gulo? Paano?
11. Bakit tumindi ang poot ng mga tao kay Ibarra? Paano nila ipinadama ang kanilang galit?
12. Ayon kay Tinyente Guevarra, paano sana nakaligtas sa pagkapiit si Ibarra?
13. Nang malamang patay na si Ibarra, bakit ayaw nang magpakasal ni Maria Clara kay Linares?

PAGSUSURI
Gawain 2: Pagtimbangin Mo

Paghambingin ang katwiran nina Ibarra at Elias.


Kaninong katwiran ang higit na matimbang? Bakit?

496
TANDAAN

Ang pakikipanayam o pangangalugad ng isang impormasyon ay isang paraaan ng pagkuha ng


impormasyon o kabatiran nang harap-harapan. Kung nais nating makuha ang kinakailangan nating kabatiran ay
pumili ng mga dalubhasa sa kanilang larangan na nagtataglay ng ganap na kaalaman sa nais nating mabatid.

Gabay sa Pagsasagawa ng Pakikipanayam


1. Humingi ng kaukulang pahintulot sa tiyak na taong nais kapanayamin.
2. Dumating nang mas maaga sa itinakdang oras na panayam .
3. Tiyaking dala ang mga kinakailangan kagamitan sa paglulunsad ng panayam.
4. Agad na pasalamatan ang kinakapanayam dahil sa pagsang-ayon lalo na sa oras at panahong inilaan
para sa gawing ito.
5. Magpakilala nang may paggalang.
6. Tumingin sa kinakapanayam at magpakita ng tiwala sa sarili.
7. Limitahan ang mga katanungan at iwasan ang mga personal na tanong.
8. Tapusin ang panayam sa itinakdang oras.
9. Magalang na magpasalamat.

PAGSASANAY

GAWAIN 3: Panoorin Mo

Kunan ng ideya ang mga sumusunod na link para sa kasunod na gawain.

https://www.youtube.com/watch?v=sRB1D17L7uQ
https://www.youtube.com/watch?v=CLPklIc3G3s

PAGSASANAY

GAWAIN 4: Kung Ikaw Ako

Anong gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon? Isulat sa ibaba nito.

Ipinagkasundo kang ipakasal sa anak ng kaibigan ng iyong mga magulang. Di mo iyon gusto
dahil nais mong makalabas muna ng bansa at may napupusuan ka na. Ano ang gagawin mo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Ikaw ang napagbintangan na nagpasimuno ng gulo sa klase. Ano ang gagawin mo?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

497
PAGLALAPAT

Kunan ng ideya ang mga sumusunod na link para sa kasunod na gawain.


https://www.youtube.com/watch?v=sRB1D17L7uQ
https://www.youtube.com/watch?v=CLPklIc3G3s

Pakikipanayam, Planuhin Na

Pumili ng taong kakapanayamin sa sumusunod na paksa.


Pangkat 1: Mga Bagay na Inilalagay sa Paghugos ng Unang Bato
Pangkat 2: Pagpapatawad sa mga Taong Nagkasala
Pangkat 3: Mga Dahilan ng Pagpataw ng Ekskomunyon
Pangkat 4: Pangingialam ng mga Magulang sa Desisyon ng mga Anak

PAGTATAYA

Pahalagahan Mo

Bakit mahalagang panatilihin ang kahinahunan lalong-lalo na sa magulong sitwasyon?

TAKDANG ARALIN

Sarili, Ihanda Mo

Panoorin ang videoclip ng isang eksena sa korte na mula sa:


https://www.youtube.com/watch?v=o5E5etKH0Jk

498
IKAAPAT NA LINGGO - SESYON 1

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon :1 (Aralin 4.1)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas sa mag – aaral ang pag – unawa sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ni Elias
Pamantayan sa Pagganap: Naipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa
kasalukuyan na may pagkakatulad sa nagging desisyon ni
Elias na pagtubos sa buhay ng isang kaibigan. Ang
Pagtataya sa pagsasalaysay ay batay sa sumusunod na
pamantayan: a) masining, b) orihinal, c) makatotohanan, d)
kaangkupan ng mga pahayag, e) presentasyon
Kompetensi: Naipaliliwanag ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay –
pahiwatig sa kahulugan (F9PT-IVe-f-59)
Nasusuri kung ang pahayag ay nagbibigay ng opinyon o
nagpapahayag ng damdamin (F9PS-IVe-61)
I LAYUNIN Nabibigyan ng kasingkahuluga ang iilang salita na
Kaalaman : nagtataglay ng malalim na kahulugan sa aralin;
Saykomotor: Nakapagbibigay ng ideya na may kaugnayan sa mga
pangyayari sa aralin;at
Apektiv: Nakapagbibigay ng mga opinyon/damdamin sa mga
pahayag.
II PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Kabanata 64 Ang Lihim Na Nabunyag
Kabanata 65 Ang Pagkapahamak
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing
House, Inc.
Google images
C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO Kagamitang Mag – aaral, Gabay ng Guro, Manila Paper,
Panulat, Audio Tape o Radio
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA
Pangmotibeysyunal na tanong: 1.Kayo ba ay may mga lihim?
2.Naniniwala ba kayo na walang lihim na hindi
nabubunyag?
3.Sa mga lihim na ito’y nakapagdudulot ba ng kabutihan o
kapahamakan?

Aktiviti / Gawain Pangkatang pagpapagawa ng isang showbiz balita. Pipili


lamang ang guro ng iilang grupo na magbabahagi ng
kanilang nagawa.
B. PAGLALAHAD
Abstraksyon Pangkatang Pag – uulat :
(Pamamaraan sa Pagtalakay) Pangkat 1 – Kabanata 64 Ang Lihim Na Nabunyag
Pangkat 2 – Kabanata 65 Ang Pagkapahamak
(Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang
ulat ng mga mag – aaral)

499
C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Gawain Pagbibigay ng mga opinyon/damdamin sa pahayag na
hango sa mga kabanatang tinalakay.
Mga Pahayag:
• “Hindi maaaring ibunyag ang lihim ng kumpisalan”.
• “Sapilitang pinasok ng guwardiya civil ang bahay ni
Ibarra”.
D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pagbabahagi ng ideya hinggil sa mga sitwasyon na may
kaugnayan sa aralin sa paraang “Maikling Dula - dulaan”

Pangkat 1 – Paglilihim sa tunay na katauhan ng kanilang


anak.
Pangkat 2 – Hindi ipinaalam sa taong may sakit na may
taning na ang kanyang buhay.
Pangkat 3 – Pangangaliwa ng magulang na hindi ipinaalam
sa mga anak.
E. PAGLALAHAT Sa inyong palagay ang mga lihim na pilit ninyong itinatago
ay nakapagbibigay ba ng katahimikan sa inyong
sarili?Bakit?
IV PAGTATAYA Magsulat ng isang sanaysay na may temang “Walang Lihim
na Hindi Nabubunyag”
V TAKDANG-ARALIN Paunang basahin ang mga sumusunod na kabanata sa
nobelang Noli Me Tangere.
*Kabanata 45
*Kabanata 49
*Kabanata 61
TUGON

PAGNINILA-NILAY

500
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 4.1 Sesyon 1

TUKLASIN

Makikita kay Elias ang ilang paniniwala at katangian ni Rizal – ang pagiging tapat at mapagmahal na
kaibigan, mapagmahal sa bayan at paniniwalang ang bayan ay pinakamahalaga higit sa lahat ng bagay. Likas sa
tao ang kabutihan subalit kapag pinagmalupitan at pinagkaitan ng katarungan, natututong maghimagsik at
lumaban.

Mga Kabanatang May Kauganayan sa mga Pangyayari sa Buhay ni Elias

Kabanata XXIII (Ang Pangingisda)


Kabanata XXV (Si Elias at si Salome–tagong kabanata ng akda)
Kabanata XLV (Ang Mga Nagrerebelde)
Kabanata XLIX (Tinig ng Pinag - uusig)
Kabanata LII (Ang mga Tao sa Libingan)
Kabanata LIV (Ang Lihim Na Nabunyag)
Kabanata LV (Ang Pagkapahamak)
Kabanata LXI (Habulan sa lawa)
Kabanata LXIII (Noche Buena)

MOTIBEYSYUNAL NA MGA TANONG

1. Kayo ba ay may mga lihim?


2. Naniniwala ba kayo na walang lihim na hindi nabubunyag?
3. Sa mga lihim na ito’y nakapagdudulot ba ng kabutihan o kapahamakan?

GAWAIN 1: Ibalita Mo

Pangkatang pagpapagawa ng isang showbiz balita. Pipili lamang ang guro ng iilang grupo na
magbabahagi ng kanilang nagawa.

PAGSUSURI

GAWAIN 2: Iulat Mo

Pangkatang Pag – uulat : Papangkatin ng guro ang klase para sa pag – uulat.

Pangkat 1 – Kabanata 64 Ang Lihim Na Nabunyag


Pangkat 2 – Kabanata 65 Ang Pagkapahamak
(Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang ulat ng mga mag – aaral)

501
ALAM MO BA NA…

Kabanata 64: Muling nagkatagpo ang mag – inang Sisa at Basilio, subalit anong sakit na pagkikita. Kung kailan
nagising ang nagugulping isipan ni Sisa sa pagkakilala sa anak na si Basilio, saka naman siya pinanawan ng
buhay. Si Elias man ay binawian din ng buhay na di namasdan ang pagsikat ng araw sa kanyang bayan.

PAGSASANAY

GAWAIN 3: Ibigay Mo

Pagbibigay ng mga opinyon/damdamin sa pahayag na hango sa mga kabanatang tinalakay.

Mga Pahayag:
➢ Hindi maaaring ibunyag ang lihim ng kumpisalan.
➢ Sapilitang pinasok ng guwardiya civil ang bahay ni Ibarra.

PAGLALAPAT

Pagbabahagi ng ideya hinggil sa mga sitwasyon na may kaugnayan sa aralin sa paraang


“Maikling Dula - dulaan”

Pangkat 1 – Paglilihim sa tunay na katauhan ng kanilang anak.


Pangkat 2 – Hindi ipinaalam sa taong may sakit na may taning na ang kanyang buhay.
Pangkat 3 – Pangangaliwa ng magulang na hindi ipinaalam sa mga anak.

TANDAAN

Hindi nakapagdudulot ng maganda kung ang indibidwal ay may dinadalang lihim na nakapagpabagabag sa
sarili dahil may kasabihan tayo na walang lihim na hindi nabubunyag.

PAGTATAYA

Magsulat ng isang sanaysay na may temang “Walang Lihim na Hindi Nabubunyag”

502
TAKDANG ARALIN
Basahin Mo

Paunang basahin ang mga sumusunod na kabanata sa nobelang Noli Me Tangere.

*Kabanata 45 – Ang mga Nagrebelde


*Kabanata 49 – Tinig ng Pinag-uusig
*Kabanata 61 – Pamamaril sa Lawa.

503
IKAAPAT NA LINGGO - SESYON 2

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 2 (Aralin 4.2)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas sa mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang
pangyayari sa buhay ni Elias
Pamantayan sa Pagganap: Naipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa kasalukuyan
na may pagkakatulad sa naging desisyon ni Elias na pagtubos sa buhay
ng isang kaibigan.
Ang Pagtataya sa pagsasalaysay ay batay sa sumusunod na
pamantayan: a) masining, b) orihinal, c) makatotohanan, d)
kaangkupan ng mga pahayag, e) presentasyon

Kompetensi: Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa


pamamagitan ng pag – uugnay sa ilang pangyayari sa kasulukuyan.
(F9PN-IVe-f- 59)
Batay sa naririnig/nababasa sa multimedia, nailalahad ang mga hinaing
ng mga piling tauhan na siya ring hinaing ng mamamayan sa
asalukuyan. (F9PD-IVe-f-58)
I LAYUNIN
Kaalaman : Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Elias na
maiuugnay sa iilang pangyayari sa kasalukuyan;
Saykomotor: Nakapapaskil ng napiling larawan sa Timeline ng Facebook page na
gawa ng guro;at
Apektiv: Nakapagtatamo ng kasiyahan sa pagtulong ng mga nangangailangan.

II PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Mahahalagang Pangyayari sa buhay ni Elias:


Kabanata 45 – Ang mga Nagrerelde
Kabanata 49 – Tinig ng Pinag - uusig
Kabanata 61 – Pamamaril sa Lawa
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni
Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc.
Google images
C.KAGAMITANG Larawan, Kompyuter, Magasin, Pahayagan/Diyaryo
PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA
Pangmotibeysyunal na tanong: Bubuo ang guro ng circle group sa klase (nasa guro na kung ilang
miyembro bawat pangkat). Magpakita ang guro ng mga larawan na
Aktiviti / Gawain nagpapakita ng kasawiang nararanasan ng mga tao. Bigyan ang mag –
aaral ng pagkakataong pag – usapan ang nasa larawan. Maaaring
gawing gabay ang mga tanong:

504
1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?
2. Bakit nangyayari ang ganitong kasawian sa isang tao?
3. Ilarawan ang damdaming namayani sa iyo habang tinitingnan mo
ang larawan?
Pagkatapos, magtatalaga ang guro ng isang tagapagsalita sa pangkat na
magbabahagi ng kanilang pinag – usapan. Maaaring magpalitan ng
puna o feedback ang guro sa mga naging sagot ng mga mag – aaral.
B. PAGLALAHAD
Abstraksyon Pangkatang pag – uulat tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay
(Pamamaraan sa Pagtalakay) ni Elias na maiuugnay sa iilang pangyayari sa kasalukuyan.
Pangkat 1 Kabanata 45 – Ang mga Nagrerelde
Pangkat 2 Kabanata 49 – Tinig ng Pinag - uusig
Pangkat 3 Kabanata 61 – Pamamaril sa Lawa
(Maaaring magbigay ng feedback sa ginawang ulat ng mag - aaral)
C. PAGSASANAY Ipasasagot ng guro sa bawat pangkat ang mahahalagang tanong sa
Mga Paglilinang na Gawain aralin gamit ang 3-2-1 strategy. Sa unang tanong, 3 sagot, ikalawa 2
sagot, ikatlong tanong 1 sagot. Ipasulat s mga mag – aaral ang mga
sagot sa kartolina at ipapaskil ito. Hayaan ng guro na nakapaskil ito
hanggang sa matapos ang aralin.

Mga Tanong:
1. Bakit natututong lumaban o maghimagsik ang tao?
2. Paano ipinakita ni Elias ang pagmamahal sa isang kaibigan?
3. Sino ang sinisimbolo ni Elias?
D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Papangkatin ang klase sa lima. Pipili ang bawat grupo ng isang
larawan na pwedeng maiuugnay sa buhay ni Elias na ilalagay sa
timeline ng facebook page na gawa ng guro. Ang larawang nailagay sa
timeline ay bibigyan ng pagpapaliwanag.

505
E. PAGLALAHAT Bilang isang mag – aaral, ano ang pakiramdam na nakatulong ka sa
iyong kapwa? Ang pagtulong ba ay bukas sa iyong kalooban?
IV PAGTATAYA Pumili ng isang kaibigan na maituturing na pinakamatalik. Maglahad
ng iilang sitwasyong sa tingin mo ay may naitulong/naiambag sa iyong
buhay.
V TAKDANG-ARALIN Magsaliksik ng mga Kulturang Pilipino.

TUGON

PAGNINILA-NILAY

506
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 4.2 Sesyon 2

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas sa mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang


pangyayari sa buhay ni Elias

Pamantayan sa Pagganap: Naipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa kasalukuyan


na may pagkakatulad sa nagging desisyon ni Elias na pagtubos sa
buhay ng isang kaibigan. Ang Pagtataya sa pagsasalaysay ay batay sa
sumusunod na pamantayan: a) masining, b) orihinal, c)
makatotohanan, d) kaangkupan ng mga pahayag, e) presentasyon

MOTIBEYSYUNAL NA MGA TANONG

1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?


2. Bakit nangyayari ang ganitong kasawian sa isang tao?
3. Ilarawan ang damdaming namayani sa iyo habang tinitingnan mo ang larawan?

GAWAIN 1: Ibahagi Mo

Bubuo ang guro ng circle group sa klase (nasa guro na kung ilang miyembro bawat pangkat). Magpakita
ang guro ng mga larawan na nagpapakita ng kasawiang nararanasan ng mga tao. Bigyan ang mag – aaral ng
pagkakataong pag – usapan ang nasa larawan. Maaaring gawing gabay ang mga tanong:

Pagkatapos, magtatalaga ang guro ng isang tagapagsalita sa pangkat na magbabahagi ng kanilang pinag – usapan.
Maaaring magpalitan ng puna o feedback ang gurosa mga naging sagot ng mga mag – aaral.
PAGSUSURI

GAWAIN: Iulat mo

507
Pangkatang pag – uulat tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Elias na maiuugnay sa
iilang pangyayari sa kasalukuyan.

Pangkat 1 Kabanata 45 – Ang mga Nagrerelde


Pangkat 2 Kabanata 49 – Tinig ng Pinag - uusig
Pangkat 3 Kabanata 61 – Pamamaril sa Lawa

(Maaaring magbigay ng feedback sa ginawang ulat ng mag - aaral)

ALAM MO BA NA…

Kabanata 45: Nagsadya sa kabundukan si Elias upang makipagkita kay Kapitan Pablo, isa sa mga pinag – uusig
ng pamahalaan. Ibig ni Elias na iwan na ng matanda ang pamumundok, sumama sa kanya sa Hilaga at
magsama silang parang mag – ama. Sinabi niya sa kapitan na may kaibigan siyang mayaman at kaibigan ng
Kapitan – Heneral, si Ibarra. Sinabi niyang makatutulong ang binata sa pagpaparating sa Madrid ng kanilang
mga kairingan.

Kabanata 49: Habang namamangka sa lawa, inilahad ni Elias kay Ibarra ang mga karaingan ng mga pinag-
uusig. Sinabi ni Ibarra na hindi kailangan ang pagbabago, na ang mga guardia civil ay kailangan ng pamahalaan
at ang kasiraan ng korporasyon ng mga prayle ay isang masamang kahilingan.

Kabanata 61: Sa pagtakas, naparaan sa tapat ng palasyo ng Kapitan-Heneral sina Ibarra. Natuklasan na ang
pagtakas ng binata. Pumasok si Elias sa Ilog Beata upang akalaing taga-Penafrancia siya. Nang makarating sila
sa lawa, nabanaagan ni Elias ang palwa kaya pinahiga niya sa bangka si Ibarra at tinakpan ng bayong. Binago
ni Elias ang bangka ngunit may sumulpot na isa pang palwa. Ipinihit ni Elias ang bangka patungong pulo ng
Talim. Dalawa na ang tumutugis sa kanila.

PAGSASANAY
GAWAIN 3: Sagutin Mo

Ipasasagot ng guro sa bawat pangkat ang mahahalagang tanong sa aralin gamit ang 3-2-1 strategy. Sa unang
tanong, 3 sagot, ikalawa 2 sagot, ikatlong tanong 1 sagot. Ipasulat sa mga mag – aaral ang mga sagot sa kartolina
at ipapaskil ito. Hahayaan ng guro na nakapaskil ito hanggang sa matapos ang aralin.

Mga Tanong:

1. Bakit natututong lumaban o maghimagsik ang tao?


2. Paano ipinakita ni Elias ang pagmamahal sa isang kaibigan?
3. Sino ang sinisimbolo ni Elias?
PAGLALAPAT

Papangkatin ang klase sa lima. Pipili ang bawat grupo ng isang

508
larawan na pwedeng maiuugnay sa buhay ni Elias na ilalagay sa timeline
ng facebook page na gawa ng guro. Ang larawang nailagay sa timeline ay
bibigyan ng pagpapaliwanag.

TANDAAN

Ang Kahalagahan ng Mabubuting Kaibigan

Ang mga kaibigan ay may malakas na impluwensya sa ating pagkilos, lalo na sa ating kabataan. “Malaki ang
magiging impluwensya nila sa inyong pag-iisip at pagkilos, at maging sa kahihinatnan ng inyong pagkatao.”
At kapag mabubuting kaibigan ang pinili ninyo, “malaking kalakasan at pagpapala sila sa inyo. …
Tutulungan nila kayong maging mas mabuting tao at gagawing mas madali para sa inyo na ipamuhay ang
ebanghelyo ni Jesucristo.”Ang pagkakaroon ng mga kaibigan batay sa alituntuning ito ay tutulong sa
kabataan na bumuo ng mga pakikipag-ugnayan na magtatagal at pakikihalubilo na higit pa sa pagiging “mga
kaibigan” sa mga social networking site. Bilang magulang matutulungan mo ang iyong mga anak na
maunawaan ang kahalagahan ng pagiging mabuting kaibigan at pagpili ng mga kaibigan na hihikayat sa
kanilang ipamuhay ang ebanghelyo.
https://www.lds.org/liahona/2013/04/the-importance-of-good-friends?lang=tgl

PAGTATAYA

Pumili ng isang kaibigan na maituturing na pinakamatalik. Maglahad ng iilang sitwasyong sa


tingin mo ay may naitulong/naiambag sa iyong buhay.

TAKDANG ARALIN
Saliksikin Mo

Magsaliksik ng mga Kulturang Pilipino.

509
IKAAPAT NA LINGGO - SESYON 3 - 4

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 3-4 (Aralin 4.3 – 4.4)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas sa mag – aaral ang pag – unawa sa mahahalagang
pangyayari sa buhay ni Elias
Pamantayan sa Pagganap: Naipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa kasalukuyan
na may pagkakatulad sa naging desisyon ni Elias na pagtubos sa buhay
ng isang kaibigan. Ang Pagtataya sa pagsasalaysay ay batay sa
sumusunod na pamantayan: a) masining, b) orihinal, c)
makatotohanan, d) kaangkupan ng mga pahayag, e) presentasyon

Kompetensi: Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanatang


nakatutulong sa pagpapayaman ng kulturang Asyano.
(F9PB-IVe-f-59)
Nakikibahagi sa pagsulat at pagtatanghal ng pagsasadula ng ilang
isyung binanggit sa akda na makatotohanan pa rin sa kasalukuyan.
(F9PU-IVe-f-61)
I LAYUNIN
Kaalaman : Nasusuriang mga Kulturang Filipino;
Saykomotor: Naisasadula ang nagawang komik istrip ng mga mahahalagang
pangyayari tungkol sa Kulturang Filipino;at
Apektiv: Napapanatili ang pagpapahalaga mga Kulturang Filipino.
II PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Kabanata 23 – Ang Pangingisda


Kabanata 62 – Ang Baraha ng Patay at Anino
Kabanata 63 – Noche Buena
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me Tangere ni
Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing House, Inc.
Google images
C.KAGAMITANG Kagamitang Mag – aaral, Gabay ng Guro, Manila Paper, Panulat,
PAMPAGKATUTO
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA 1. Ano – ano ang mga Kulturang Pilipino?


Pangmotibeysyunal na tanong: 2. Sa tingin ninyo ang mga kulturang inyong nabanggit ay
napahahalagahan pa rin ba sa kasalukuyan?
3. Paano mo mapahahalagahan ang mga Kulturang Pilipino?

Aktiviti / Gawain Papangkatin ang klase sa lima. Gamit ang Picture Perfect ay ipapakita
ng bawat pangkat ang iilang Kulturang Pilipino na ibibigay ng guro.

510
B. PAGLALAHAD
Abstraksyon Pangkatang pag – uulat .
(Pamamaraan sa Pagtalakay) Pangkat 4 Kabanata 23 – Ang Pangingisda
Pangkat 5 Kabanata 62 – Ang Baraha ng Patay at Anino
Pangkat 6 Kabanata 63 – Noche Buena
(Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang ulat ng mga
mag - aaral)

C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Gawain Ipapaliwanag sa mag – aaral ang kulturang Pilipinong inilahad sa
aralin at ang kalagayan nito sa kasalukuyan. Gamit ang Triple Entry
Journal.

Mga Kulturang Saang Kabanata ito Kalagayan ng mga


Pilipino na inilahad Makikita Kulturang ito sa
sa Aralin Kasalukuyan

D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pagpapasadula sa nagawang Komik Istrip ng mga mahahalagang
pangyayari tungkol sa Kulturang Pilipino.

511
Malaya ang guro sa pagpapangkat ng klase at pagbubuo ng rubrik na
pagbabasehan sa pagsasadula.
E. PAGLALAHAT Bilang isang Filipino, buong puso mo ba na niyakap ang kulturang
pamana ng nakaraan? Paano mo ito pahahalagahan para sa
kasalukuyan maging sa hinaharap?
IV PAGTATAYA Ipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa kasalukuyan na
may pagkakatulad sa naging desisyon ni Elias na pagtubos sa buhay ng
isang kaibigan.

Ang pagtataya sa pagsasalaysay ay batay sa sumusunod na


pamantayan:
➢ Masining
➢ Orihinal
➢ Makatotohanan
➢ Kaangkupan ng mga pahayag
➢ Presentasyon
(Maaaring bumuo ng sariling rubrik ang guro sa pagtataya)
V TAKDANG-ARALIN Paunang basahin ang mga kabanata na may kaugnayan sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ni Maria Clara.
Mga Kabanata:
VI-(Si Kapitan Tiyago)
VII-(Suyuan sa Asotea)
XXII-(Liwanag at Dilim)
XXIV-(Sa Gubat)
XXVII-(Dapithapon)
XXVIII-(Mga Sulat)
XXXVI-(Mga Suliranin)
XXXVII-(Ang Kapitan Heneral)
XXXVIII-(Ang Prusisyon)
XLII-(Ang Mag – asawang De Espadana)
XLIV-(Ang Pangungumpisal)
XLVIII-(Mga Talinghaga)
LXI-(Ang Pagpapakasal ni Maria Clara)
TUGON

PAGNINILA-NILAY

512
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 4.3 – 4.4 Sesyon 3-4

TUKLASIN

MOTIBEYSYUNAL NA MGA TANONG

1. Ano – ano ang mga Kulturang Pilipino?


2. Sa tingin ninyo ang mga kulturang inyong nabanggit ay napahahalagahan pa rin ba sa
kasalukuyan?
3. Paano mo mapahahalagahan ang mga Kulturang Filipino?

GAWAIN 1: Iaksyon Mo

Papangkatin ang klase sa lima. Gamit ang Picture Perfect ay ipapakita ng bawat pangkat ang
iilang Kulturang Pilipino na ibibigay ng guro.

PAGSUSURI

GAWAIN 2: Iulat mo

Pangkatang pag – uulat . Papangkatin ng guro ang klase para sa pag - uulat.

Pangkat 4 Kabanata 23 – Ang Pangingisda


Pangkat 5 Kabanata 62 – Ang Baraha ng Patay at Anino
Pangkat 6 Kabanata 63 – Noche Buena
(Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang ulat ng mga mag – aaral

ALAM MO BA NA…

513
Kabanata 23: Masayang nagkita-kita ang mga dalaga’t binata sa pistang pambukid ni Ibarra. Sumakay sila sa
dalawang malaking bangkang magkakabit. Nagtungo sila sa unang baklad upang kumuha ng mga isdang
kanilang lulutuin. Gayon na lamang ang pagtataka nila nang walang isdaang baklad.

Kabanata 62: Ang balitang nalunod si Ibarra’y tuluyang pumaram sa pagnanais ni Maria Clara na makibaka,
maghintay at magtiwala. Sa pagdadalamhati ng dalaga, ipinagtapat ni Padre Damaso ang dahilan ng pag –ayaw
niya kay Ibarra. Para sa dalaga, ngayong wala na ang binata, ang tanging nalalabi sa kanya ay ang kumbento o
ang kamatayan.

Kabanata 63:Muling nagkatagpo ang mag – inang Sisa at Basilio, subalit anong sakit na pagkikita. Kung kailan
nagising ang nagugulping isipan ni Sisa sa pagkakilala sa anak na si Basilio, saka naman siya pinanawan ng
buhay. Si Elias man ay binawian din ng buhay na di namasdan ang pagsikat ng araw sa kanyang bayan.

PAGSASANAY

GAWAIN 3: Itala Mo

Ipapaliwanag sa mag – aaral ang kulturang Filipinong inilahad sa aralin at ang kalagayan nito sa
kasalukuyan. Gamit ang Triple Entry Journal.

Mga Kulturang Saang Kabanata ito Kalagayan ng mga


Filipino na inilahad Makikita Kulturang ito sa
sa Aralin Kasalukuyan

PAGLALAPAT

Pagpapasadula sa nagawang Komik Istrip ng mga mahahalagang pangyayari tungkol sa


Kulturang Filipino.

514
Malaya ang guro sa pagpapangkat ng klase at pagbubuo ng rubrik na pagbabasehan sa pagsasadula.

TANDAAN

Ang kultura ay kabuan ng mga tradisyion paniniwala kaugaliang natutuhan ng tao mula sa kanyang
pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan .Ang kultura rin ang humuhubog kung
paano mamumuhay at makikipagtulungan ang tao sa mundo.

Maraming paraan upang mapagyaman at mapalaganap ang kulturang Filipino. Ngunit ang unang hakbang
ay matutuhan mong mahalin ito at huwag ikahiya sa iba. Matutong ibahagi sa iyong kapwa ang iyong kultura.

PAGTATAYA

Ipasasalaysay sa mag – aaral ang ilang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa naging
desisyon ni Elias na pagtubos sa buhay ng isang kaibigan.

Ang pagtataya sa pagsasalaysay ay batay sa sumusunod na pamantayan:

➢ Masining
➢ Orihinal
➢ Makatotohanan
➢ Kaangkupan ng mga pahayag
➢ Presentasyon

(Maaaring bumuo ng sariling rubrik ang guro sa pagtataya)

TAKDANG ARALIN

Basahin Mo
Paunang basahin ang mga kabanata na may kaugnayan sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni
Maria Clara.

Mga Kabanata:

VI-(Si Kapitan Tiyago)


VII-(Suyuan sa Asotea)
XXII-(Liwanag at Dilim)
XXIV-(Sa Gubat)
XXVII-(Dapithapon)
XXVIII-(Mga Sulat)
XXXVI-(Mga Suliranin)
XXXVII-(Ang Kapitan Heneral)
XXXVIII-(Ang Prusisyon)
XLII-(Ang Mag – asawang De Espadana)

515
XLIV-(Ang Pangungumpisal)
XLVIII-(Mga Talinghaga)
LXI-(Ang Pagpapakasal ni Maria Clara)

516
IKALIMANG LINGGO - SESYON 1 - 2

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 1-2 (Aralin 5.1 – 5.2)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag – aaral ang pag – unawa sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ni Maria Clara
Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ang mag – aaral ng isang maikling kuwentong
dekonstruksyon tungkol sa kalakasan ng katangian ng isang
Maria Clara sa kasalukuyan
Kompetensi: Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa pag – ibig.
(F9PB-IV-j-61)
Naipahahayag kung paano nakatulong ang karanasan ng
mga tauhan upang mapabuti ang sariling ugali,
pagpapahalaga at buong katauhan. (F9PS-IVi-j-63)
Naibabahagi ang sariling damdamin sa naging kapalaran ng
tauhan sa akda at ang pag – unawa sa damdamin ng tauhan
batay sa napakinggang talakayan (F9PN-IVi-j-61)
I LAYUNIN Nakabubuo nang mabisang pananaw tungkol sa pag – ibig.
Kaalaman :
Saykomotor: Naihahambing at naibabahagi ang mga ideya sa kababaihan
sa nakaraan at sa kasalukuyan.
Apektiv: Napahahalagahan ang mga pangyayaring nagpapakita ng
pagpapahalagang Pilipino
II PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Mahahalagang Pangyayayri sa buhay ni (C. Maria Clara)
B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing
House, Inc.
Google images
C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO Kagamitang Mag – aaral, Gabay ng Guro, Manila Paper,
Panulat, Larawan
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA
Pangmotibeysyunal na tanong: 1.Para sa inyo, ano ang ibig sabihin ng pag – ibig?
2.Naranasan mo na bang umibig?
3.Gaano makapangyarihan ang pag – ibig?

Aktiviti / Gawain Papangkatin ng guro ang klase, depende na sa guro kung


ilang pangkat. Bawat pangkat ay bubuo ng isang hugot lines
na ukol sa pag – ibig. Pagkatapos ay ibabahagi ito sa klase.

517
B. PAGLALAHAD
Abstraksyon Pangkatang pag – uulat tungkol sa mahahalagang
(Pamamaraan sa Pagtalakay) pangyayari sa buhay ng tauhan(C. Maria Clara) maaring
gumamit ng estratehiyang Story Ladder. Depende na sa
guro kung paano niya hahatiin ang kabanata sa pag – uulat.
VI-(Si Kapitan Tiyago)
VII-(Suyuan sa Asotea)
XXII-(Liwanag at Dilim)
XXIV-(Sa Gubat)
XXVII-(Dapithapon)
XXVIII-(Mga Sulat)
XXXVI-(Mga Suliranin)
XXXVII-(Ang Kapitan Heneral)
XXXVIII-(Ang Prusisyon)
XLII-(Ang Mag – asawang De Espadana)
XLIV-(Ang Pangungumpisal)
XLVIII-(Mga Talinghaga)
LXI-(Ang Pagpapakasal ni Maria Clara)
(Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang
ulat ng mga mag - aaral)

Story Ladder

C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Gawain Paghambingin ang babae Noon at Ngayon
Ibigay ang kani – kanilang mga katangian
Sino sa kanila ang nais mong tularan?

518
Noon Ngayon

Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag – aaral na


magpalitan ng kanilang mga hinuha.
D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Ipauulat ang natapos na gawain at ito’y bibigyan ng
feedback, (Maaaring guro o mag - aaral)
E. PAGLALAHAT 1. Paano mo maipapakita ang tunay na pagmamahal sa
taong itinatangi?
2. Bakit sinisimbolo ni Maria Clara ang mga katangian ng
isang tunay na Pilipina gayong sa nobela siya ay
inilarawan bilang isang mahinang babae?
IV PAGTATAYA Pagpapaliwanag:
Anong pagpapahalagang Filipino na nakapaloob sa araling
ito?

V TAKDANG-ARALIN Muling pag – aralan ng masinsinan ang mga pangyayari sa


buhay ni Maria Clara.
TUGON

PAGNINILA-NILAY

519
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 5.1 – 5.2 Sesyon 1-2

TUKLASIN

Si Maria Clara ay mabining kumilos, mapagmahal sa kasintahan at magulang. Bagamat nagpakita ng


kahinaan sa larangan ng pag – ibig nangangahulugan lamang na mas pinili niya ang sariling kabiguan kaysa
sariling kaligayahan mapasaya lamang ang mga magulang. Marahil ito’y taglay din ng mga Filipina sa
kasalukuyan.

Mga Kabanatang May Kaugnayan sa mga Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Maria Clara:

Kabanata VI (Si Kapitan Tiyago)


Kabanata VII (Suyuan sa Asotea)
Kabanata XXII (Liwanag at Dilim)
Kabanata XXIV (Sa Gubat)
Kabanata XXVII (Dapit Hapon)
Kabanata XXVIII (Mga Sulat)
Kabanata XXXVI (Mga Suliranin)
Kabanata XXXVII (Ang Kapitan Heneral)
Kabanata XXXVIII (Ang Prusisyon)
Kabanata XLII (Ang Mag – asawang De Espadana)
Kabanata XLIV (Ang Pangungumpisal)
Kabanata XLVIII (Mga Talinghaga)
Kabanata LX (Ang Pagpapakasal ni Maria Clara)

MOTIBEYSYUNAL NA MGA TANONG

4. Para sa inyo, ano ang ibig sabihin ng pag – ibig?


5. Naranasan mo na bang umibig?
6. Gaano kamakapangyarihan ang pag – ibig?

GAWAIN 1: Humugot Ka

Papangkatin ng guro ang klase, depende na sa guro kung ilang pangkat. Bawat pangkat ay
bubuo ng isang hugot lines na ukol sa pag – ibig. Pagkatapos ay ibabahagi ito sa klase.

520
PAGSUSURI

GAWAIN 2: Iulat mo

Pangkatang pag – uulat tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan(C. Maria Clara)
maaring gumamit ng estratehiyang Story Ladder. Depende na sa guro kung paano niya hahatiin ang
kabanata sa pag – uulat.

Mga Kabanatang May Kauganayan sa mga Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Maria Clara.
Kabanata VI (Si Kapitan Tiyago)
Kabanata VII (Suyuan sa Asotea)
Kabanata XXII (Liwanag at Dilim)
Kabanata XXIV (Sa Gubat)
Kabanata XXVII (Dapit Hapon)
Kabanata XXVIII (Mga Sulat)
Kabanata XXXVI (Mga Suliranin)
Kabanata XXXVII (Ang Kapitan Heneral)
Kabanata XXXVIII (Ang Prusisyon)
Kabanata XLII (Ang Mag – asawang De Espadana)
Kabanata XLIV (Ang Pangungumpisal)
Kabanata XLVIII (Mga Talinghaga)
Kabanata LX (Ang Pagpapakasal ni Maria Clara

Story Ladder

(Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang ulat ng mga mag – aaral)

ALAM MO BA NA…

Kabanata 6: Kung si Don Rafael ang pinakamayaman sa San Diego, si Kapitan Tiyago naman ang sa
Binundok. Kasundo siya ng Diyos, ng pamahalaan at ng mga tao.

Kabanata 7: Pagkaraan ng pitong taong paghihiwalay, muling nagkita ang magkababata’t magkasintahang

521
Crisostomo at Maria Clara. Nanatili silang tapat at di nakalilimot sa isa’t isa.

Kabanata 22: Nagkaroon ng anas-anasan sa mga pagbabagong nakikita kay Padre Salvi. Bumalik naman si
Ibarra sa bahay nina Maria Clara pagkaraan ng ikatlong araw at ibinalita nito na matutupad sa kinabukasan ang
ipinangako niyang pistang pambukid.

Kabanata 24: Idinaos ang pistang pambukid ni Ibarra. Dumating ang kura habang naglalakad sa batis sina
Maria Clara. Nakinig siya sa pinag – uusapan ng mga dalaga. Nang makita ang kura at alperes, ang pag-uusap
nila’y nauwi sa pagtatalo. Habang naglalaro ng ahedres sina Kapitan Basilio at Ibarra, isang telegram ang
tinanggap ni Ibarra.

Kabanata 27: Inanyayahang mamasyal ng mga kaibigang dalaga si Maria Clara. Kasama nila sina Ibarra at Tiya
Isabel. Sa liwasan, naawa si Maria Clara sa ketongin. Inilagay niya sa bakol nito ang relikaryong kabibigay pa
lamang ng kanyang ama.

Kabanata 28: Ang pagdaraos ng kapistahan ng San Diego ay inilathala ng isang kilalang pahayagan sa Maynila.
Isang liham ang ipinadala ni Kapitan Manuel Aristorenas kay Luis Chiquito. Samantala, tumanggap naman ng
liham si Ibarra mula kay Maria Clara.

Kabanata 36: Nilapatan ng excomunion si Ibarra dahil sa tangkang pagpatay kay Padre Damaso. Pati si Kapitan
Tiyago ay magiging excomulgado kung di niya sisirain ang kasunduan ng kasal nina Maria Clara at Ibarra. Ni
hindi na maaaring kausapin ng binata si Maria Clara.

Kabanata 37: Magaan ang loob ng Kapitan-Heneral kina Maria Clara at Ibarra. Nagpasalamat ang Kapitan-
Heneral kay Maria Clara dahil sa pagkakapigil nito kay Ibarra sa tangkang pagpatay kay Padre Damaso.
Hinangaan naman ng Kapitan-Heneral si Ibarra. Ang mga pahayag ng binate na nagpapahiwatig ng
katalinuhan, pagkamakabayan, pagkamapagpakumbaba. Ngunit hinayang na hinayang ang Kapitan-Heneral
kay Ibarra.

Kabanata 38: Sa prusisyon, kapansin-pansin ang diskriminasyon ng mga prayle. Ang mga paborito nilang santo
ay magara ang kasuotan at ang gayak ng karo ay naiilawang mabuti. Sumama sa prusisyon ang matataas na
pinuno at kilalang mamamayan. Ang iba ay nag-abang sa bintana ng kanilang bahay. Ngunit nasaan si Dona
Consolacion?

Kabanata 42: Tumuloy kina Kapitan Tiyago ang mag-asawang De Espadana upang gamutin si Maria Clara.
Kasama nila si Linares, ang binatang pamangkin ni Don Tiburcio.

Kabanata 44: Lahat ay ginawa ng mga nagmamahal kay Maria Clara upang siya ay gumaling. Ipinadoktor,
ipinagmisa, ipinagtulos ng kandila at higit sa lahat, ipinagkumpisal at hinatdan ng viatico. Kay Elias nabalitaan
ni Ibarra na nagkasakit si Maria Clara nang minsang dumalaw ang piloto upang ipaalam ang pagtungo niya sa
Batangan.

Kabanata 48: Dumating kinabukasan si Ibarra kina Kapitan Tiyago upang ibalita na siya’y di na excomulgado.
May dala siyang sulat ng arsobispo para sa kura. Nadatnan niyang si Maria Clara na nakaupo sa balkonahe
habang namimitas ng mga rosas at sampaga si Linares. Namula si Maria Clara at namutla si Linares nang
makita nila si Ibarra. Nang siya’y umalis, ang puso ni Ibarra’y ginugutay ng pag-aalinlangan.

Kabanata 60: Ikakasal si Maria Clara kay Linares sa lalong madaling panahon gaya ng napagkasunduan nina
Kapitan Tiyago at Dona Victorina. Iba-iba ang naririnig ni Maria Clara hinggil sa kanya at kay Ibarra na labis
nakasakit sa kanyang damdamin. Nang tahimik na ang lahat, lumabas siya sa asotea at tumanaw sa ilog. Ilang
sandali pa, isang bangka ang huminto sa sadsaran ng bahay ni Kapitan Tiyago. Isa sa dalawang lulan nito ang
umakyat sa kinaroroonan ng dalaga.

522
PAGSASANAY

GAWAIN 3: Paghambingin ang babae Noon at Ngayon

1.Ibigay ang kani – kanilang mga katangian


2. Sino sa kanila ang nais mong tularan?

Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag – aaral na magpalitan ng kanilang mga hinuha.

Noon Ngayon

PAGLALAPAT
Pagbabahagi ng ideya hinggil sa mga sitwasyon na may kaugnayan sa aralin sa paraang “Maikling
Dula - dulaan”

Pangkat 1 – Paglilihim sa tunay na katauhan ng kanilang anak.


Pangkat 2 – Hindi ipinaalam sa taong may sakit na may taning na ang kanyang buhay.
Pangkat 3 – Pangangaliwa ng magulang na hindi ipinaalam sa mga anak.

TANDAAN

Ang pag – ibig ay sadyang kamakapangyarihan sapagkat hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Kayang
pasukin ang butas ng karayom para sa itinatangi. Naging simbolo si Maria Clara bilang dalagang Filipina
sapagkat taglay niya ang mga katangian ng isang Filipina ang pagiging mahinhin,mapagkumbaba,marespeto at
mapagmahal na tao.

523
PAGTATAYA

Pagpapaliwanag:

Anong pagpapahalagang Filipino na nakapaloob sa araling ito?

TAKDANG ARALIN

Busisiin Mo

Muling pag – aralan nang masinsinan ang mga pangyayari sa buhay ni Maria Clara.

524
IKALIMANG LINGGO - SESYON 3 - 4

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 3-4 (Aralin 5.3 – 5.4)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag – aaral ang pag – unawa sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ni Maria Clara
Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ang mag – aaral ng isang maikling kuwentong
dekonstruksyon tungkol sa kalakasan ng katangian ng isang
Maria Clara sa kasalukuyan
Kompetensi: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng
pagbibigay ng halimbawa (F9PT-IVi-j-60)
Nagagamit ang mga kasanayang komunikatibo sa lahat ng
mga gawain sa klase. (F9WG-IVi-j-63)
Nasusuri ang pinanood na dulang panteatro na naka – video
clip. (F9PD-IVi-j-60)
Naitatanghal ang dulang panteatro na pumapaksa sa ilang
napapanahong isyung panlipunan. (F9PU-IVi-j-63)
I LAYUNIN
Kaalaman : Nabibigyan ng kahulugan ang mga salita at nagagamit sa
pangungusap;
Saykomotor: Nakabubuo ng isang tula na may kaugnayan sa isyung
panliligaw noon o ngayon; at
Apektiv: Napahahalag ang kaibahan sa napanood na ng panililigaw
noon at ngayon sa pamamagitan ng panonood ng video
chip.
II PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Mahahalagang Pangyayayri sa buhay ng (C. Maria Clara)


B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing
House, Inc.
Google images
C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO Kagamitang Mag – aaral, Gabay ng Guro, Manila Paper,
Panulat, Larawan o Video Player, TV
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA
Pangmotibeysyunal na tanong: 1. Naranasan niyo na bang manligaw o ligawan?
2. Anong klaseng panliligaw ang iyong naranasan?
3. Anong mas maganda ang panliligaw noon o ngayon?

Aktiviti / Gawain ➢ Pipili ang guro ng iilang mag – aaral na magsasabuhay


tungkol sa panliligaw noon at ngayon.
B. PAGLALAHAD Pagpapanood ng isang video clip.
Abstraksyon
(Pamamaraan sa Pagtalakay) https://www.youtube.com/watch?v=ehhu6-wN1RU
➢ Pagkatapos ay iuugnay ito sa mga pangyayari sa buhay
ni Maria Clara.
Mga Gabay na tanong:

525
1. Ano ang kaugnayan ng video sa mga pangyayari sa
buhay ni Maria Clara?
2. May malaki ba na kaibahan ang suyuan noon at
ngayon?
3. May malaki bang papel ang magulang sa sitawsyong
ipinapakita sa video?
4. Ano ang nais ipahiwatig ng Video Clip para sa mga
manonood?

➢ Maaaring magpalitan ng puna o feedback ang gurosa


mga naging sagot ng mga mag – aaral.

Teoryang Dekonstruksyon
Isang paraan ng pag – aanalisa ng akda. Batay ito sa
ideyang walang permanenteng kahulugan ang akda dahil
ang wika ay di matatag at nagbabago. Dahil dito, higit na
mahalaga ang mambabasa kaysa sa may – akda sa pagtiyak
ng kahulugan ng akda.

APAT NA KOMPONENT O SANGKAP NG


KASANAYANG KOMUNIKATIBO
Ayon kay Nelson Mandela, kapag kinausap mo ang isang
tao sa wikang ginagamit niya ay mapupunta it sa kanyang
puso. Ngunit kung ika’y makikipag-usap gamit ang wikang
iyong naiintindihan ngunit hindi mo naman kabisado, ano
ang iyong gagawin upang matiyak na naipaabot mo ang
iyong mensahe at kayong nagkakaintindihan ng iyong
kausap?
Narito ang sagot sa tanong, ang apat na sangkap sa
paglinang ng kasanayang komunikatibo. Partikular na
nakatutulong ang mga ito sa mga taong nag-aaral ng
bagong wika. Mababasa sa ibaba ang apat na komponent ng
kasanayang komunikatibo ayon kina Michael Canale at
Merril Swain.
• Gramatikal - ang komponent na nagbibigay-
kakayahan sa nagsasalita upang epektibong
makipagtalastasan gamit ang angkop na mga tuntuning
pang-gramatika. Mahalagang batid niya ang tuntuning
pang-gramatika dahil magagamit ang mga ito sa
epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang
pagbigkas,pagbaybay at maging sa pagbibigay
kahulugan sa salita. Ang komponent na ito ay
nagsasaad kung anu-anong mga salita ang angkop at
kung kaila sila nagagamit nang tama gamitin sa
pagsasalita o sa pakikipagusap.

“Ang Pag-ibig ay parang gramatika, kaunting pagkakamali


at di na nagkakaintindihan.”
• Sosyo-Lingguwistik - ang komponent na nagbibigay-
kakayahan sa nagsasalita upang magamit ang salitang
naaangkop sa sitawsyon at sa kontekstong sosyal ng

526
lugar kung saan ginagamit ang wika. Kailangang alam
at magamit ang salitang angkop para sa hinihinging
pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang
taong mahusay lang magsalita kompara sa isang
katutubong nagsasalita ng wika. Madalas, ang isang
mahusay lang magsalita ay maaaring magkamali sa
pagpili ng salitang gagamitin na puwedeng magbigay
ng impresyon sa tagapakinig na siya'y walang galang,
mayabang , o naiiba. Sa pakikipag-usap, importanteng
malaman natin kung anong mga wika ang ginagamit,
ng iyong kausap, hindi kung ano lang ang kanyang
naiintindihan na wika. Isinasaalang rin sa sosyo-
lingguwistik na diskorsal kung anong salita ang angkop
sa isang partikular na lugar.
• Diskorsal - ang komponent na nagbibigay-kakayahang
magamit ang wikang binibigkas at wikang ginagamit sa
pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid
ang mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na
mensahe. Dito binibigyan ng wastong interpretasyon
ang salita, pangugusap o pahayag upang makabuo ng
isang mas malawak at malalim na kahulugan. Tinutro
ng paraang diskorsal kung sa paanong paraang ang
mga salita, parirala, at pangugusap ay mapagsasama-
sama o mapag-uugnay-ugnay upang makabuo ng
maayos na usapan , sanaysay, talumpati, e-mail at
artikulo.
• Strategic - ang komponent na nagbibigay-kakayahang
magamit ang berbal at hindi berbal na mga hudyat
upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe at
maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan
o mga puwang (gaps) sa komunikasyon. Sa isang
bagong nag-aaral ng salita na hindi pa bihasa sa
paggamit ng wikang binibigkas ay makatutulong ang
paggamit ng mga hindi berbal na hudyat tulad ng
kumpas ng kamay, tindig, at ekspresyon ng mukha
upang maipaabot ang tamang mensahe. Maging ang
mga katutubong nagsasalita ng isang wika ay
gumagamit din ng strategic kapag minsang
nakalimutan ang tawag sa isang bagay o nasa “dulo na
ito ng kanilang dila” at hindi agad maalala ang tamang
salita. Kilala rito ang mga Pilipino na madalas
isinesenyas sa pamamagitan ng nguso o pagkumpas ng
kamay kapag tinatanong kung nasaan ang isang lugar.
Isinasaalang-alang sa strategic na diskorsal kung paano
malalaman kung hindi mo pala naunawaan ang ibig
sabihin ng kausap mo o kung hindi niya naunawaan
ang gusto mong iparating at kung ano ang sasabihin o
gagawin mo upang maayos ito. Itinuturo rin dito kung
paano ipahahayag ang iyong pananaw nang hindi
mabibigyan ng maling interpretasyon ang iyong
sasabihin kung hindi mo alam ang tawag sa isang

527
bagay.
Ang apat na komponento ay dapat isinasaalangalang sa
pakikipagusap sa isang tao upang kayo ay mas
magkaintindihan. Ang hindi berbal na mga hudyat ay
malaki rin tulong upang magkaunawaan parin kayo ng
iyong kausap kahit na hindi ka bihasa sa wikang kanyang
ginagamit.

C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Gawain Bigyang kahulugan ang mga salitang nasa kahon at gamitin
ang mga ito sa pangungusap.
Mga Salita Pangungusap

Pag - uulayaw

Asotea

Pag – iisang
dibdib

D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Papangkatin ang klase at depende na sa guro kung ilang
pangkat at magpapagawa ng isang tula hinggil sa panliligaw
maging ito man ay sa noon o ngayon. Pagkatapos ay
ibahagi sa klase.
E. PAGLALAHAT Gaano kahalaga ang panliligaw?

IV PAGTATAYA Dalawahan na Gawain


Ipasulat ang maikling kuwentong dekonstruksyon tungkol
sa kalakasan ng katangian ng isang Maria Clara sa
kasalukuyan.
Pamantayan:
5- Napakahusay
4- Mahusay
3- Katamtaman
2- May Pag-unlad
1- Pasimula
V TAKDANG-ARALIN Paunang basahin ang mga kabanatang ang mga pangyayari
ay may kaugnayan sa buhay ni Sisa.
Kabanata 15, 16, 17, 18, 21, 39, 63, 47.
TUGON

PAGNINILA-NILAY

528
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 5.3 – 5.4 Sesyon 3-4

TUKLASIN
Ang panliligaw/ligawan ay bahagi na ng ating pagka-pilipino sa gawain na ito, dito ipinapakita ng
mga kalalakihang Pilipino ang kanilang paggalang sa mga kababaihan.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

1. Naranasan niyo na bang manligaw o ligawan?


2. Anong klaseng panliligaw ang iyong naranasan?
3. Anong mas maganda ang panliligaw noon o ngayon?

GAWAIN 1: Isabuhay Mo

▪ Pipili ang guro ng iilang mag – aaral na magsasabuhay tungkol sa panliligaw noon at
ngayon.

PAGSUSURI

GAWAIN 2: Panoorin Mo
Pagpapanood ng isang video clip.

https://www.youtube.com/watch?v=ehhu6-wN1RU
▪ Pagkatapos ay iuugnay ito sa mga pangyayari sa buhay ni Maria Clara.

Mga Gabay na tanong:


1. Ano ang kaugnayan ng video sa mga pangyayari sa buhay ni Maria Clara?
2. May malaki ba na kaibahan ang suyuan noon at ngayon?
3. May malaki bang papel ang magulang sa sitawsyong ipinapakita sa video?
4. Ano ang nais ipahiwatig ng Video Clip para sa mga manonood?
(Maaaring magpalitan ng puna o feedback ang guro sa mga naging sagot ng mga mag – aaral.)

ALAM MO BA NA…

529
Teoryang Dekonstruksyon
Isang paraan ng pag – aanalisa ng akda. Batay ito sa ideyang walang permanenteng kahulugan ang akda dahil
ang wika ay di matatag at nagbabago. Dahil dito, higit na mahalaga ang mambabasa kaysa sa may – akda sa
pagtiyak ng kahulugan ng akda.

APAT NA KOMPONENT O SANGKAP NG KASANAYANG KOMUNIKATIBO


Ayon kay Nelson Mandela, kapag kinausap mo ang isang tao sa wikang ginagamit niya ay mapupunta it sa
kanyang puso. Ngunit kung ika’y makikipag-usap gamit ang wikang iyong naiintindihan ngunit hindi mo
naman kabisado, ano ang iyong gagawin upang matiyak na naipaabot mo ang iyong mensahe at kayong
nagkakaintindihan ng iyong kausap?

Narito ang sagot sa tanong, ang apat na sangkap sa paglinang ng kasanayang komunikatibo. Partikular na
nakatutulong ang mga ito sa mga taong nag-aaral ng bagong wika. Mababasa sa ibaba ang apat na komponent
ng kasanayang komunikatibo ayon kina Michael Canale at Merril Swain.

Gramatikal - ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang epektibong makipagtalastasan


gamit ang angkop na mga tuntuning pang-gramatika. Mahalagang batid niya ang tuntuning pang-gramatika
dahil magagamit ang mga ito sa epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang pagbigkas,pagbaybay at
maging sa pagbibigay kahulugan sa salita. Ang komponent na ito ay nagsasaad kung anu-anong mga salita ang
angkop at kung kaila sila nagagamit nang tama gamitin sa pagsasalita o sa pakikipagusap.

“Ang Pag-ibig ay parang gramatika, kaunting pagkakamali at di na nagkakaintindihan.”

• Sosyo-Lingguwistik - ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang magamit ang


salitang naaangkop sa sitawsyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika.
Kailangang alam at magamit ang salitang angkop para sa hinihinging pagkakataon. Dito makikilala
ang pagkakaiba ng isang taong mahusay lang magsalita kompara sa isang katutubong nagsasalita ng
wika. Madalas, ang isang mahusay lang magsalita ay maaaring magkamali sa pagpili ng salitang
gagamitin na puwedeng magbigay ng impresyon sa tagapakinig na siya'y walang galang, mayabang , o
naiiba. Sa pakikipag-usap, importanteng malaman natin kung anong mga wika ang ginagamit, ng
iyong kausap, hindi kung ano lang ang kanyang naiintindihan na wika. Isinasaalang rin sa sosyo-
lingguwistik na diskorsal kung anong salita ang angkop sa isang partikular na lugar.
• Diskorsal - ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang binibigkas at wikang
ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid ang mensahe at maunawaan din ang
tinatanggap na mensahe. Dito binibigyan ng wastong interpretasyon ang salita, pangugusap o pahayag
upang makabuo ng isang mas malawak at malalim na kahulugan. Tinutro ng paraang diskorsal kung sa
paanong paraang ang mga salita, parirala, at pangugusap ay mapagsasama-sama o mapag-uugnay-
ugnay upang makabuo ng maayos na usapan , sanaysay, talumpati, e-mail at artikulo
• Strategic - ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na mga
hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi
pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon. Sa isang bagong nag-aaral ng salita na hindi
pa bihasa sa paggamit ng wikang binibigkas ay makatutulong ang paggamit ng mga hindi berbal na
hudyat tulad ng kumpas ng kamay, tindig, at ekspresyon ng mukha upang maipaabot ang tamang
mensahe. Maging ang mga katutubong nagsasalita ng isang wika ay gumagamit din ng strategic kapag
minsang nakalimutan ang tawag sa isang bagay o nasa “dulo na ito ng kanilang dila” at hindi agad
maalala ang tamang salita. Kilala rito ang mga Pilipino na madalas isinesenyas sa pamamagitan ng
nguso o pagkumpas ng kamay kapag tinatanong kung nasaan ang isang lugar. Isinasaalang-alang sa
strategic na diskorsal kung paano malalaman kung hindi mo pala naunawaan ang ibig sabihin ng

530
kausap mo o kung hindi niya naunawaan ang gusto mong iparating at kung ano ang sasabihin o
gagawin mo upang maayos ito. Itinuturo rin dito kung paano ipahahayag ang iyong pananaw nang
hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang iyong sasabihin kung hindi mo alam ang tawag sa
isang bagay.
Ang apat na komponento ay dapat isinasaalangalang sa pakikipagusap sa isang tao upang
kayo ay mas magkaintindihan. Ang hindi berbal na mga hudyat ay malaki rin tulong upang
magkaunawaan parin kayo ng iyong kausap kahit na hindi ka bihasa sa wikang kanyang
ginagamit.

PAGSASANAY

Bigyang kahulugan ang mga salitang nasa kahon at gamitin ang mga ito sa pangungusap.

Mga Salita Pangungusap

Pag - uulayaw

Asotea

Pag – iisang dibdib

PAGLALAPAT

Papangkatin ang klase at depende na sa guro kung ilang pangkat at magpapagawa ng isang tula
hinggil sa panliligaw maging ito man ay sa noon o ngayon. Pagkatapos ay ibahagi sa klase.

TANDAAN

Sadyang napakahalaga ang panliligaw sa larangan ng pag-ibig dahil dito mo makikita kung
anong klaseng pag-uugali ang taong magiging kabiyak sa iyong buhay. Makikita sa panliligaw ang
pagrerespeto ng lalaki sa babae at lalong-lalo na sa magulang ng nililigawan.

PAGTATAYA

Dalawahan na Gawain

Ipasulat ang maikling kuwentong dekonstruksyon tungkol sa kalakasan ng katangian ng isang Maria
Clara sa kasalukuyan.

Pamantayan:
5- Napakahusay
4- Mahusay
3- Katamtaman

531
2- May Pag-unlad
1- Pasimula

TAKDANG ARALIN

Basahin Mo

Paunang basahin ang mga kabanatang ang mga pangyayari ay may kaugnayan sa buhay ni Sisa. Kabanata
15, 16, 17, 18, 21, 39, 63, 47.

532
IKAANIM NA LINGGO - SESYON 1 - 2

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 1-2 (Aralin 6.1 – 6.2)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag – aaral ang pag – unawa sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ni Sisa
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ang mag – aaral ng Scenario Building
tungkol kay Sisa sa makabagong panahon.
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salita batay sa
kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan.
(F9PT-IVg-h-60)
Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin
gaya ng pamamalakad ng pamahalaan, paniniwala sa Diyos,
kalupitan sa kapwa, kayamanan at kahirapan at iba pa.
(F9PB-IVg-h-60)
Naibabahagi ang sariling damdamin tungkol sa narinig na
naging kapalaran ng tauhan sa nobela at ng isang kakilalang
may karanasang katulad ng nangyari sa tauhan.
(F9PN-IVg-h-60)
I LAYUNIN Nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa
Kaalaman : kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan;
Saykomotor: Nakabubuo ng isang tanaga na naglalaman ng mga
katangian o gawain ng isang butihing ina ;at
Apektiv: Napahahalagahan ang papel ng isang babae lalong – lalo na
ang ina sa lipunan.
II PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Mahahalagang Pangyayayri sa buhay ng tauhan (Sisa)


B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing
House, Inc.
Google images
C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO Kagamitang Mag – aaral, Gabay ng Guro, Manila Paper,
Panulat, Larawan
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA
Pangmotibeysyunal na tanong: 1. Importante ba ang inyong magulang sa inyong buhay?
2. Gaano ninyo kamahal ang inyong ina?
3. Kaya ba ninyong ipagtanggol kung sakaling may
umaapi sa kanila?

Aktiviti / Gawain Pipili ng iilang mag – aaral ang guro na bubuo sa pira –
pirasong papel ng larawan ng isang ina at ama. Paunahan
ito sa pagbuo sa pamamagitan ng pagdidikit nito sa pisara.
B. PAGLALAHAD
Abstraksyon Pangkatang pag – uulat sa mga pangyayari sa buhay ni Sisa
(Pamamaraan sa Pagtalakay) sa paraang Story Frame
Mga kabanatang may kaugnayan sa buhay ni Sisa:

533
Kabanata 15, 16, 17, 18, 21, 39, 63, 47.
(Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang
ulat ng mga mag - aaral)
Mga Gabay na Tanong:
1. Ilarawan si Sisa. Anong uri siya ng ina? Asawa?
Bigyan ng halimbawa ang sagot.
2. Tama ba ang ginagawang pagtitiis ni Sisa sa piling ng
asawa? Bakit?
3. Anong mensahe ang ibig ipaabot ni Rizal sa
kababaihang Pilipina sa pamamagitan ng katauhan ni
Sisa?
4. Sa kasalukuyan, ano ang kalagayan ng mga ginang sa
lipunan at sa sariling tahanan?
5. Sa ngayon, may tinatawag nang Feminist Movement.
Layunin ng samahang ito ang pagkakapantay-pantay
ng karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan. Sa
kalagayan ni Sisa, ano kayang karapatan ang nilalabag
ng kanyang asawa sa kanya?
C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Gawain Subukin ang Pagka – unawa
Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang
italisado sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. Anuman ang kanyang Maibigay


gawin, pilit na gumigiit sa
kanyang isipan ang
mapait na karanasan. Sumisiksik
2. Dahil sa pagkahayok ng
bata, naubos niya ang
pagkain para sa kanilang Katakawan
hapunan.
3. Dahil sa kanyang
pagsusugal, unti – unti Labis na kagutuman
niyang nalustay ang
kayamanang minana niya.
4. Nabisto ng kanyang mga Masama
kaibigan ang makahayop
na ugali ng taong iyon.
5. Nang wala na silang Nagasta
maitustos sa pag – aaral
ng anak, pinagtrabaho nila
ito. Naubos
D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pangkatang pagbabatuan ng tanaga. Bibigyan lamang ng 30
segundo ang bawat grupo para makabuo ng tanaga na
magiging panlaban sa ibang grupo.

534
Halimbawa:

E. PAGLALAHAT Hanggang saan maaaring humantong ang pagmamahal ng


isang magulang sa kanyang anak o ng isang anak sa
kanyang magulang?
IV PAGTATAYA Tatayain ang mga nagawang tanaga ng bawat grupo ayon sa
sumusunod na pamantayan.
Pamantayan Bahagdan
Kahusayan sa Pagtatanaga 35%
Orihinalidad 30%
Kabuuang Pagtatanaga 35%
Kabuuang Marka 100%
Marka:
Napakahusay – 100-91%
Mahusay – 90-81%
Mahusay-husay – 80-75%
Nagsisimula – 74%-pababa
V TAKDANG-ARALIN Magsaliksik ng mga sitwasyon sa kasalukuyan na may
kaugnayan sa isang ina.
TUGON

PAGNINILA-NILAY

535
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 6.1 – 6.2 Sesyon 1-2

TUKLASIN

Makikilala rito si Sisa bilang ulirang ina at asawa. Hangga’t may mga Ina at asawang patuloy na nagmamahal
sa kanilang pamilya nang walang hinihinging kapalit, walang kondisyon, mananatiling may Sisa sa modernong
panahon. Mababatid din ditto ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Sisa.

Mga kabanatang may kaugnayan sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Sisa.

Kabanata XV (Ang mga Sakristan)


Kabanata XVI (Si Sisa)
Kabanata XVII (Si Basilio)
Kabanata XVIII (Nagdurusang mga Kaluluwa)
Kabanata XXI (Kasaysayan ng Isang Ina)
Kabanata XXXIX (Dona Consolacion)
Kabanata LXIII (Noche Buena)
Kabanata LXVII (Ang Dalawang Senyora)

MOTIBEYSYUNAL NA MGA TANONG

1. Importante ba ang inyong magulang sa inyong buhay?


2. Gaano ninyo kamahal ang inyong ina?
3. Kaya ba ninyong ipagtanggol kung sakaling may umaapi sa kanila?

GAWAIN 1: Idikit Mo

▪ Pipili ng iilang mag – aaral ang guro na bubuo sa pira – pirasong papel ng larawan ng isang
ina at ama. Paunahan ito sa pagbuo sa pamamagitan ng pagdidikit nito sa pisara.

PAGSUSURI
GAWAIN 2. Iulat mo

Pangkatang pag – uulat sa mga pangyayari sa buhay ni Sisa sa paraang Story Frame

Mga kabanatang may kaugnayan sa buhay ni Sisa:

Kabanata 15, 16, 17, 18, 21, 39, 63, 47.


(Maaaring magbigay ng feedback ang guro sa ginawang ulat ng mga mag - aaral)
Mga Gabay na Tanong:

1. Ilarawan si Sisa. Anong uri siya ng ina? Asawa? Bigyan ng halimbawa ang sagot.

536
2. Tama ba ang ginagawang pagtitiis ni Sisa sa piling ng asawa? Bakit?
3. Anong mensahe ang ibig ipaabot ni Rizal sa kababaihang Pilipina sa pamamagitan ng
katauhan ni Sisa?
4. Sa kasalukuyan, ano ang kalagayan ng mga ginang sa lipunan at sa sariling tahanan?
5. Sa ngayon, may tinatawag nang Feminist Movement. Layunin ng samahang ito ang
pagkakapantay-pantay ng karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan. Sa kalagayan ni
Sisa, ano kayang karapatan ang nilalabag ng kanyang asawa sa kanya?

ALAM MO BA NA…

Kabanata 15: Ang magkapatid na sakristan ay sina Crispin at Basilio. Si Crispin, ang maliit, ay
pinagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa sa simbahan kaya ayaw pauwiin hangga’t hindi ito inililitaw. Si
Basilio, ang malaki, ay minultahan dahil sa pagputol-putol na pagtugtog ng batingaw kaya di makauuwi kundi
sa ikasampu ng gabi.

Kabanata 16: Mababakas pa rin sa mukha ni Sisa ang kanyang kagandahan noong kabataan niya. Isa siyang
mapagmahal na ina nina Crispin at Basilio subalit walang swerte sa lalaking kanyang napangasawa.

Kabanata 17: Si Basilio’y isang mapagmahal na anak at kapatid. Nang gabing iyon, ipinagtapat niya sa ina na
ayaw na niyang magsakristan. Inilahad niya sa ina ang mga balak niya para sa kanilang mag-ina na hindi
kasama ang ama.

Kabanata 18: Nagtungo si Sisa sa kumbento upang makausap ang kura at makita ang anak na si Crispin. Subalit
may sakit ang kura at wala roon ang anak. Ayon sa isang utusan, si Crispin ay nagtanan din pagkatapos nitong
magnakaw sa kumbento.

Kabanata 21: Sa labis na paghihirap ng loob at masidhing pag – aalala sa mga anak, ang isipan ni Sisa’y
lubhang naligalig. Kinabukasan, nakita na lamang siyang pagala-gala, ngumingiti, umaawit at kinakausap ang
lahat ng nilalang ng kalikasan. Ang kaawang-awang si Sisa ay nabaliw.

Kabanata 39: Lahat ay nagsaya sa kapistahan ni San Diego maliban kay Doña Consolacion. Pinagbawalan siya
ng alperes na lumabas dahil sa nakahihiya niyang anyo at pag-uugali. Ang napagbuntunan ng Doña ng galit ay
si Sisa na noon ay nakakulong sa bahay ng alperes.

Kabanata 63: :Muling nagkatagpo ang mag – inang Sisa at Basilio, subalit anong sakit na pagkikita. Kung
kailan nagising ang nagugulping isipan ni Sisa sa pagkakilala sa anak na si Basilio, saka naman siya pinanawan
ng buhay. Si Elias man ay Binawian din ng buhay na di namasdan ang pagsikat ng araw sa kanyang bayan.

Kabanata 47: Nag-away sina Doña Victorina at Doña Consolacion. Sa pag-aaway ng dalawang señora,
nadamay sina Don Tiburcio, Linares at ang alperes. Ibig ng “doktora” na hamunin ng kanyang esposo o ni
Linares ng barilan o sable ang alperes. Kung hindi susunod si Linares, ibubunyag ng Doña kung sino talaga ang
binata. Noon naman natuklasan ni Maria Clara na siya pala’y ipinagkasundo kay Linares.

PAGSASANAY

GAWAIN 3: Subukin Mo

Subukin ang Pagka – unawa

537
Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga Mga Salita salitang italisado sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. Anuman ang kanyang gawin, pilit na gumigiit sa kanyang isipan ang Maibigay
mapait na karanasan.
2. Dahil sa pagkahayok ng bata, naubos niya ang pagkain para sa Sumisiksik
kanilang hapunan.
3. Dahil sa kanyang pagsusugal, unti – unti niyang nalustay ang Katakawan
kayamanang minana niya.
4. Nabisto ng kanyang mga kaibigan ang makahayop na ugali ng taong Labis na kagutuman
iyon.
Masama
5. Nang wala na silang maitustos sa pag – aaral ng anak, pinagtrabaho
nila ito.
Nagasta

Naubos

PAGLALAPAT

Pangkatang pagbabatuhan ng tanaga. Bibigyan lamang ng 30 segundo ang bawat grupo para makabuo ng
tanaga na magiging panlaban sa ibang grupo.

Halimbawa:

TANDAAN

ANG PAGMAMAHAL NG MAGULANG AY HINDI MASUSUKLIAN KAILANMAN.

Maraming ibig sabihin ang pag-ibig. Marami rin ang uri nito at isa sa pinakadakilang pag-ibig ay ang pag-
ibig ng isang ina sa anak. Ang ina sa pagdarasal, ang mga dalangin niya ay napakamakapangyarian. Bakit? Dahil
ang panalangin niya ay may kahalong pagmamakaawa na dinggin ito ng Panginoon lalo na kung nasa matinding
pagsubok ang kanyang anak. Hindi niya inuuna ipanalangin ang kanyang kaligtasan bagkus pinagninilayan muna
ang dapat sabihin upang maisaayos at maging ligtas ang anak sa lahat ng oras.

PAGTATAYA

538
Tatayain ang mga nagawang tanaga ng bawat grupo ayon sa sumusunod na pamantayan.
Pamantayan Bahagdan
Kahusayan sa Pagtatanaga 35%
Orihinalidad 30%
Kabuuang Pagtatanaga 35%
Kabuuang Marka 100%

Marka:
Napakahusay – 100-91%
Mahusay – 90-81%
Mahusay-husay – 80-75%
Nagsisimula – 74%-pababa

TAKDANG ARALIN

Isaliksik Mo

Magsaliksik ng mga sitwasyon sa kasalukuyan na may kaugnayan sa isang ina.

539
IKAANIM NA LINGGO - SESYON 3 - 4

Sabjek : Filipino Baitang : 9


Petsa: Sesyon : 3-4 (Aralin 6.3 – 6.4)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag – aaral ang pag – unawa sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ni Sisa
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ang mag – aaral ng Scenario Building
tungkol kay Sisa sa makabagong panahon.
Kompetensi: Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa:
pagpapaliwanag,paghahambing, pagbibigay ng opinyon.
(F9WG-IVg-h-62)
Naihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at sa
kasalukuyan batay sa napanood na dulang pantelebisyon o
pampelikula. (F9PD-IVg-h-59)
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin
ng ina at ng anak. (F9PS-IVg-h-62)
Naitatanghal ang scenario building tungkol kay Sisa sa
makabagong panahon. (F9PU-IVg-h-62)
Nasasaliksik ang mga pagkukunan ng impormasyon upang
mapagtibay ang paninindigan at makabuo ng matibay na
kongklusyon at rekomendasyon.
(F9EP-IVe-f-25)
I LAYUNIN
Kaalaman : Naihahambing ang isang ina noon at ngayon base sa
naoobserbahan, nakita o napanood;
Saykomotor: Nakapagpepresenta ng mga eksenang kakikitaan ng isang
Sisa sa kasalukuyan at;
Nasusukat ang kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa
pangwakas na pagtataya.
Apektiv: Naiaangkop ang pagbibigay ng opinyon hinggil sa
tungkulin ng isang ina sa pamilya lalong – lalo na kanyang
anak.
II PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA Mahahalagang Pangyayayri sa buhay ng tauhan (Sisa)


B. SANGGUNIAN Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. (2002). Noli Me
Tangere ni Dr. Jose Rizal. Metro Manila: Vibal Publishing
House, Inc.
Google images
C.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO Kagamitang Mag – aaral, Gabay ng Guro, Manila Paper,
Panulat, Larawan
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA
Pangmotibeysyunal na tanong: 1. Nagagampanan ba ng magulang o ng ina ang tungkulin
sa inyo bilang anak?
2. Sa tingin ninyo sapat na ba ang pag – alaga nila sa inyo
o pag – alaga ninyo sa kanila?
3. Paano ninyo sinuklian ang pag – alagang ibinigay ng

540
inyong ina?
➢ Pipili lamang ng mga mag – aaral na silang
magmamannequin challenge ng eksenang ibibgay ng
guro sa kanila. Bibigyan lamang ng 1 minuto para sa
paghahanda.
Aktiviti / Gawain Mga eksena:
1. Pag – aalaga sa inang may karamdaman
2. Pag – aaruga ng ina sa mga anak
3. Ina noon at sa kasalukuyan
B. PAGLALAHAD
Abstraksyon Pagpaparinig ng iilang movie trailer na may kaugnayan ng
(Pamamaraan sa Pagtalakay) isang ina maging noon o sa kasalukuyan.
https://www.youtube.com/watch?v=qF1pOscxB1k
https://www.youtube.com/watch?v=L9luOBLGFbo

Mga Gabay na Tanong:


1. Gaano ka kaepektibo ang pagganap ng mga tauhan
para maipakita ang sitwasyon na kawiwilihan?
2. Nangyayari ba sa totoong buhay ang mga eksenang
napanoood sa movie trailer?
3. Paano napupukaw ang damdamin ng bawat isa sa
sitawasyong binigyang buhay?
4. Ipinahihiwatig ba sa mga eksenang ipinakita ang
kahalagahan ng magulang/ina ng bawat isa?
5. Sa mga eksena, ano ang inyong naikintal sa puso’t
isipan?

C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Gawain 1. Paghambingin ang ina Noon at Ngayon
2. Ibigay ang kani – kanilang mga katangian
3. Sino sa kanila ang nais mong tularan?

Noon Ngayon

Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag – aaral na


magpalitan ng kanilang mga hinuha.
D. PAGLALAPAT
Aplikasyon ➢ Pangkatang pagpepresenta ng senaryo building hingil
sa mga kasalukuyang isyu sa lipunan na may
kaugnayan sa katangian ng isang magulang o ina.
➢ Depende na sa guro kung ilang pangkat ang bubuuin at
ilang minute ang ibibigay para sa gawain.
➢ Tatayain ang mga naipresenta na senaryo building ng

541
bawat grupo ayon sa sumusunod na pamantayan.

Pamantayan Puntos
Orihinal, 40
Makatotohanan, 30
Kaangkupan ng mga pahayag, 10
Presentasyon, 10
Napapanahaon. 10
Kabuuan 100

(Maaaring bumuo ng rubrik ang guro para sa pagtataya.)


E. PAGLALAHAT Napagtagumpayan ba ng inyong mga magulang lalong-lalo
na ang inyong Ina ang kanilang mga tungkulin? Ikaw
napagtagumpayan mo rin ba ang iyong tungkulin bilang
isang anak?
IV PAGTATAYA Pagpapasagot sa Pangwakas na Pagtataya

V TAKDANG-ARALIN Balik aralan ang mga natalakay para sa paghahanda sa


ikaapat na markahang pagsusulit.
TUGON

PAGNINILA-NILAY

542
YUGTO NG PAGKATUTO
Aralin 6.3 – 6.4 Sesyon 3-4

TUKLASIN

MOTIBEYSYUNAL NA MGA TANONG

1. Nagagampanan ba ng magulang o ng ina ang tungkulin sa inyo bilang anak?


2. Sa tingin ninyo sapat na ba ang pag – alaga nila sa inyo o pag – alaga ninyo sa kanila?
3. Paano ninyo sinuklian ang pag – alagang ibinigay ng inyong ina?

GAWAIN 1: Subukin Mo

Pipili lamang ng mga mag – aaral na silang magmamannequin challenge ng eksenang ibibgay
ng guro sa kanila. Bibigyan lamang ng 1 minuto para sa paghahanda.

Halimbawa:

Mga eksena:
1. Pag – aalaga sa inang may karamdaman.
2. Pag – aaruga ng ina sa mga anak.
3. Ina noon at sa kasalukuyan.

ALAM MO BA NA…

543
Pakinggan Mo

Pagpaparinig ng iilang movie trailer na may kaugnayan ng isang ina maging noon o sa kasalukuyan.

https://www.youtube.com/watch?v=qF1pOscxB1k
https://www.youtube.com/watch?v=L9luOBLGFbo

Mga Gabay na Tanong:


1. Gaano kaepektibo ang pagganap ng mga tauhan para maipakita ang sitwasyon na kawiwilihan?
2. Nangyayari ba sa totoong buhay ang mga eksenang napanoood sa movie trailer?
3. Paano napupukaw ang damdamin ng bawat isa sa sitawasyong binigyang buhay?
4. Ipinahihiwatig ba sa mga eksenang ipinakita ang kahalagahan ng magulang/ina ng bawat isa?
5. Sa mga eksena, ano ang inyong naikintal sa puso’t isipan?

PAGSASANAY

1. Paghambingin ang ina Noon at Ngayon


2. Ibigay ang kani – kanilang mga katangian
3. Sino sa kanila ang nais mong tularan?

Noon Ngayon

Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag – aaral na magpalitan ng kanilang mga hinuha.

PAGLALAPAT
Pangkatang pagpepresenta ng senaryo building hingil sa mga kasalukuyang isyu sa lipunan na
may kaugnayan sa katangian ng isang magulang o ina.

Depende na sa guro kung ilang pangkat ang bubuuin at ilang minute ang ibibigay para sa
gawain.
Tatayain ang mga naipresentang senaryo building ng bawat grupo ayon sa sumusunod na
pamantayan.

Pamantayan Puntos
Orihinal, 30
Makatotohanan, 40
Kaangkupan ng mga 10
pahayag,
Presentasyon, 10
Napapanahaon. 10
Kabuuan 100
(Maaaring bumuo ng rubrik ang guro para sa pagtataya.)

544
TANDAAN

PAGTATAYA

Pangwakas na Pagtataya
(Ikaapat na Markahan)

Alam kong nasiyahan ka sa paglakbay sa ikaapat na markahan.Sagutin ang pangwakas na pagtataya upang maging
gabay kung gaano na kalawak ang iyong natutuhan sa talakayan.

A. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra ng pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang “Noli Me Tangere” ay halimbawa ng nobelang ________________.
A. pampolitika B. panrelihiyon C. panlipunan D. pampamilya
2. Ang sagisag ni Rizal sa panulat ay _________________.
A. Laong-laan B. Lola Basyang C. Basang Sisiw D. Pepeng Agimat

3. Ang “Noli Me Tangere” ay inialay sa ________________.


A. GOMBURZA B. kasintahan C. pamilya D. Inang Bayan
4. Ang tulang isinulat ni Rizal sa edad na walo ay __________________.
A. Sa Aking mga Kabata C. Inang Wika
B. Ang Pag-ibig D. Ang Batang Gamugamo
5. Ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang nobelang “Noli Me Tangere
ay_______________.
A. Paciano Rizal B. Ferdinand Blumentrit C. Maximo Viola D. Valentin Ventura
6. Naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng nobelang “Noli Me Tangere ang _________________.

545
A. The Roots B. Iliad at Odyssey C. Ebony and Ivory D. Uncle Tom’s Cabin
7. Ang sakit sa lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang “Noli Me Tangere” ay _________________.
A. HIV B. Kanser C. Dengue D. Tuberculosis
8. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol s mga Pilipino ay_______________.
A. mangmang B. tamad C. erehe D. indiyo
9. Ang nakatuluyan ni Jose Rizal ay _________________.
A. Leonor Rivera B. Segunda Katigbak C. Josephine Bracken D. Maria Clara

Isulat ang titik S kung Sanhi at B kung bunga ang sumusunod:

10. ______ Nakatulog ang marami sa mahabang sermon ni Padre Damaso.


11. _____ Pinasaringan ni Padre Damaso si Ibarra at ang ama nito.
12. _____ Palagi na lamang umiiyak si Maria Clara at di pinakikinggan ang pag-alo ng kanyang tiya.
13. _____ Naging ekskomulgado si Ibarra.
14. _____ Namundok si Tandang Pablo.

C. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang A-E.

____15. Hinimok ni Elias si Kapitan Pablo na sumama sa kaniya.


____16. May dumating na telegram para kay Kapitan Tiago tungkol sa pagdating ng kapitan-heneral.
____17. Nakipagkita si Elias kay Ibarra upang ipaliwanag ang nangyari sa paghuhugos.
____18. Nagbigay ng kani-kaniyang opinyon ang mga tao sa nangyari kina Ibarra at Padre Damaso .
____19. Bumagsak ang panghugos na ginawa ng taong madilaw.

D. Piliin ang tamang sagot batay sa sumusunod na pahayag.

Para sa blg. 20-30.


“Mamamatay ako na di makikita ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan! Kayong maka-mamalas sa
kanya, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang nagbulid sa dilim ng gabi.”

20. Binibigyang-diin sa pahayag na binasa ang ________________.


A. naghihingalo B. kaliwanagan C. mga bayani D. inaasahang kalayaan
21. 21. Ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan ay patungkol sa ________________.
A. kinabukasan ng bayan C. kaluwagan ng bayan
B. kalayaan ng bayan D. kuwentong-bayan
22. Ang nagsasalita sa pahayag na binasa ay_________________.
A. namamaalam B. naghahabilin C. nanghihinayang D. nanunumbat
23. Sa pahayag ay binanggit ang nangabulid sa dilim ng gabi ito ay tumutukoy sa:
A. mga sundalo B. mga bayani C. kabataan D. matatanda
24. Sa kabuuan ng pahayag ay may imaheng ________________.
A. pambansa B. pang-esperitwal C. panlipunan D. pangkalikasan

25. Matapos mong mabasa ang kabuuan ng pahayag, nangibabaw ang damdaming ________________.
A. maka-Diyos B. makabansa C. makatao D. makakalikasan
26. Nahihinuha sa pahayag ng nagsasalita na siya’y may katangiang ________________.
A. matalino B. matatag C. mapagmahal D. mamamayan
27. Ang kinakausap ng nagsasalita sa pahayag na binasa ay ang ________________.
A. bata B. kabataan C. matatanda D. mamamayan
28. Sa kabuuuan ng pahayag ay nanaig sa mambabasa ang _________________.
A. pagkaawa B. pagkalito C. pagkatakot D. pagpapahalaga
29. Ang pinakaangkop na pamagat sa pahayag na binasa ay ________________.

546
A. Huling Panawagan C. Tagubilin sa Kabataan
B. Paalam sa Inang Bayan D. Ang mga Nangabulid
30. Ang dilim ng gabi ay sumisimbolo sa _________________.
A. kabiguan B. kasawian C. kamatayan D. kadakilaan

Para sa blg. 31-35.


“Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang giliw, lalong pag-ingata’t
kaaway na lihim.”
- Pilosopo Tasyo

31. Ang ideya o kaisipang lumulutang sa pahayag ay __________________.


A. pampamahalaan B. pampamilya C. panlipunan D. pambansa

32. Ang katangian ng nagsasalita ang maliwanag sa pahayag ay _______________.


A. matulungin B. matalino C. mapagmalasakit D. mapanakot
33. Ang katotohanan ang nais bigyang-pansin sa pahayag ay ________________.
A. kaingatan B. kainggitan C. kaligtasan D. kataksilan
34. Ang “masayang mukha” ay sumisimbolo sa ________________.
A. nagpapanggap B. nagpapasaya C. nagpapahanga D. nagmamayabang
35. Binigyang-diin sa pahayag ay __________________.
A. Ang tao ay di dapat magtiwala. C.Ang tao’y laging may kaaway.
B. Ang tao’y laging may pasalubong. D. Ang tao’y pinapakitaang-giliw.

Binabati kita! Natapos mo ang pangwakas na


pagtataya. Natitiyak kong nadaragdagan pa ang iyong
kaalaman.

TAKDANG ARALIN

Balik Aralan Mo
Balik - aralan ang mga natalakay para sa paghahanda sa ikaapat na markahang pagsusulit.

547