Você está na página 1de 2

Republic of the Philippines

Bulacan State University


College of Education
Bustos Campus
____________________________________________________

Mga Alituntunin sa Paligsa ng Pagsulat ng Sanaysay

Call time: 8:30am


Lugar : Library
REHISTRASYON
 Ang lahat ng kalahok dapat ay nasa lugar na bago o habang 8:30 ng umaga para sa pag
titiyak ng mga dadalo subalit, ang nasabing timpalak ay mag uumpisa ng 9:00 ng umaga.
Ang pag kakahuli sa timpalak ay may kaparusahang pag kakatanggal. Ang timpalak ay
matatapos ng saktong 11:00 ng umaga.

CONTEST PROPER
 Ang mga kalahok ay bibigyan ng mga papel (yellow paper) na may pirma ng mga
tagapangasiwa sa likod nito. Para sa kawalan ng lagda o pangalan ng mga kalahok sila ay
bibigyan lamang ng numero kapalit ng kanilang mga pangalan . tanging ang mga
tagapangasiwa lamang ang nakakaalam ng kanilang pag kakakilanlan. Ito ay isasagawa
upang maiwasan ang pag kampi ng mga hahatol sa mga kalahok.
 Isang opisyal na papel lamang ang ibibigay sa mga kalahok . Sila ay bibigyan pa ng isang
papel para sa pag plano ng kanilang sanaysay. Kung sakaling may pagkakamali sa
opisyal na papel ang mga kalahok ay hindi na maaring humingi pa ng isa.
 Ang sanaysay na komposisyon ng mga kalahok ay dapat may 300 na salita.
 Ang puwesto ng mga kalahok ay may agwat sa bawat isa upang maiwasan ang pakikipag
usap. Ang pag iingay at pag gamit ng mga “gadgets” ay hindi pahihintulutan. Ang mga
susuway ay bibigyan ng tatlong (3) babala subalit, matapos ito ay mag kakaron ng
kaparusahang pag kakatanggal sa timpalak.
 Bawal mag dala ng pagkain sa loob ng silid. Tanging tubig at tinapay lamang ang
pahihintulutan ng mga tagapangasiwa.
 Bawal lumabas ng silid ang mga kalahok hanggat hindi natatapos ang timapalak ngunit
kung sila ay may katanggap tanggap na rason para lumabas sila ay bibigyan ng
pahintulot.
 Ang sanaysay ay isusulat sa mismong araw at oras ng timpalak. Ang makatatapos ng
maaga sa nasabing oras ng pag sasarado ng timapalak ay maaring nang mag pasa ng
kanilang sanaysay at may pahintulot ng umalis.
 Ang mga tagapag hatol ay gagamit ng “rubric” o basehan ng sanaysay. Ang mga
mananalong Una , pangalawa at pangatlo (1st, 2nd and 3rd ) ay maktatanggap ng katibayan
(Certificate). Ang ibang kalahok ay bibigyan din ng katibayan (certificates) para sa
kanilang patisipasyon. Ito ay igagawad sa mga nag sipag lahok sa panapos na seremonya
ng pangyayari (event).

“GOD BLESS”

Prepared by: Checked by:


DE GUZMAN RENZ M. ROCHELLE M. FRUEDA
LFC Assistant Secretary LFC President

Approved by:

KEN ROBIN TORRES, LPT


LFC Adviser

Você também pode gostar