Você está na página 1de 1

Parokya ni San Martin ng Tours

Pandiyosesis na Dambana ng Mahal na Poong Krus sa Wawa


Bocaue, Bulacan

MGA PABATID
1. Sa darating po na Martes, ika-7 ng Mayo sa ganap na ika-6 ng gabi ay gaganapin po
ang: “BOCAUE, KANINO KA? The St. Martin Coop Mayoral and Vice-Mayoral Candidates’
Forum” sa Quadrangle ng ating Parokya. Maaari po tayong kumuha ng ticket sa Religious
Store ng ating Parokya o makipag- ugnayan po kay Bro. Zernan Lucio.

2. Inaanyayahan po ang mga kalalakihang may edad 18 pataas na dumalo sa 1st Degree
Exemplification of Knights of Columbus, Holy Cross of Wawa Council 8723-M-27 sa darating
na ika-25 ng Mayo sa ganap na ika-6 ng gabi. Ito po ay gaganapin sa Old Building ng St.
Paul College. Makipag ugnayan lamang po kay Bro. Ferdie Natividad, ang kanyang
numero po sa telepono ay 09420301039.

3. Ang atin pong Parokya ay patuloy sa ating programang Lingap Pangkalusugan tuwing
Linggo sa ganap na ika-10 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa ating Social Action
Center. Ang atin pong doctor ngayong Linggo ay si Dr. John Paul Borlongan na isang
General Practitioner. Iniimbitahan po ang lahat ng gustong magpagamot.

4. Gayundin po, patuloy pa rin po ang ating gawaing paghubog na Fridays for Christ. Sa
atin pong pangalawang Biyernes ay ang Bible Study kasama si Rdo. P. __________________
sa ating Bulwagang Hermandad sa ika-10 ng Mayo sa ganap na ika-7 ng gabi.

5. Inaanyayahan pa rin po ang lahat na bumili ng ating Raffle Ticket para sa Kapistahan ng
Mahal na Poong Krus sa Wawa. Maaari po tayong bumili sa Opisina, sa Religious Store ng
ating Parokya o makipag-ugnayan po kay Bb. Baby Ruth San Pedro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagsuporta sa mga Gawain ng ating Parokya!

Você também pode gostar