Você está na página 1de 11

ANG PITONG HULING WIKA

Tutungo ang mga tagapaglingkod, mga pamilyang gaganap sa ilang bahagi ng siete palabrast ang mga
magbabahagi sa pitong salitang patungo sa dambana. Pagsapit sa harap sila ay magbibigay pugay ayon
sa nakagawian at sisimulan ang pagsariwa sa mga sumusunod na salita. Tatayo ang lahat.

Punong tagapagdiwang:
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo
R. Amen

Mga kapatid sa mga sandaling ito na ang Panginoon ay nakabayubay sa krus


alalahanin natin ang kanyang pitong huling Salita, mga salita na nagmula sa kanya
na Salitang nagkataang tao, mga huling habilin ng isang tunay na kaibigan sa
kanyang mga alagad huling bugtong hininga ng pagsuyo at awa alay sa
sangkatauhang namisa sa ingay ng sariling kabuktutan.
Manatili tayu sa paanan ng krus na ating kaligtasan at pakinggan ang hibik ng walng
hanngang pag-ibig.

Awit
Dakilaan pag-ibig saan man Manahan
Diyos ay naroon walang alinlangan

Hinirang tayo sa pagmamahal


ng ating Poong si Hesus
tayo ay lumigay sa pagkakaisa
sa haring nakapako sa krus

Pambungad na Panalangin
Amang mapagmahal, puspusin mo ang aming mga puso ng liwanag ng iyong
Espiritu, upang sa aming pagmumuni-muni sa mga huling sandali ng buhay ng
iyong Anak, matanto nawa naming ang kabayaran para sa aming katubusan at
kami’y mapagindapat sa bunga ng iyong pagpapakasakit, kamtayan at muling
pagkabuhay. Ikaw na nabubuhay at nag hahari magpakailanman.
R.Amen.
Uupo na ang lahat at sisimulan ang pagninilay sa unang salita

I
AMA PATAWARIN MO SILA SAPAGKAT HINDI NILA NALALAMAN ANG
KANILANG GINAGAWA
PASISISNDI NG ILAW: (Anak)

“Nang dumating sila sa dakong tinatwag na Bungo, ipinako nila sa Kru si Hesus.
Ipinako rin nila ang dalawang saralin, isa sag awing kanan at isa sag awing kaliwa.
Sinabi ni Hesus Ama, Patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang
ginagawa.” (Lucas 23:33-34)

Maaring magkaroon ng maiksing dula sa halip na basahin ang pagbasa.

PANINILAY
PALUHOG (Ama)
Luluod ang lahat

Hesus aming kanlungan turuan mo kami sa landas ng pagkakasundo:

R.Panginoo turuan mo kaming magpatawad.

N. Sa mga sandaling nakalimutan na naming na kami rin ay tumatanggap di ng


pagpapatwad sa iyo at nahihirapan kaming magpatawad ng iba. (R.)
N. Sa lahat ng panahon at talent na sinayang naming dahil sa aming pagiging sakin
at walang pakundangan sa aminmga ginagawa. (R.)

N. Sa pagmamarunong naming at pag pupumilit sa isulong ang mga baluktot


naming katwiran laban sa iyong mga utos. (R.)

PANLANGIN (Mag-anak)

Panginoong Hesus pinili mong yakapin ang krus upang ituro sa ami ang daan ng
pakikipagsundo. Bagamat di kami karapdapat sinuklian big an gaming mga
katisilan, ng pagpapatawad an gaming kasamaan. Hinimok mo kaming ngayon
magpatawad kung paanong ikaw din ay nagpatawad sa lahat ng nagalipusta at
nagpako sa iyo sa krus. Ipinakita mo ang kapangyarihan na tatapos
magpakailanman sa poot at karahasan ang lakas ng pagpapatawad. Muli mong
ibinunyag na ang landas ng kapayapaan at pag-ibig ang tanging magpapabago sa
sanlibutan. Magdalang aw aka sa iyong mga lingkod. Turuan mo kaming mamuhay
at kung kailangan ay mamatay para sa pagibig.
R. Amen.
Uupo ang lahat at aawit ang Koro

II
SINASABI KO SA IYO NGAYON DIN A ISASAMAKITASA PARAISO

PAGSISINDI NG ILAW (Anak)

Tinuya siya ng isang sa mga saraling, at ang sinabi, ”Hindi ba ikaw ang Mesiyas?
Iligtas mo ang iyong sarili, pati na kami! ”Ngunit pinagsabihan siya ng kanyang
kasama , ”Hindi kaba natatakot sa Diyos? Ikaw ma’y pinararuhasan katulad niya!
Matuwid lamang na tayo’y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa;
ngnit ang taong ito’y walang ginawang masama.” At sabi niya, “ Hesus alalahanin
mo ako pag ikaw ay naghahari ka na.” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo:
ngayon di’isasama kita sa paraiso.” (Lucas 23-39-43)

Maaring magkaroon ng maiksing dula sa halip na basahin ang pagbasa


Pagninilay
Pagluhog (Ama)

Lumohod ang lahat

Hesus sa mga pagkakataong nakalimutan may mas maganda pa kaming


masusumpungan kaysa sa mundo ito na lilipas:

R. Panginoon isama mo kami sa paraiso

N. Sa mga pagkakataong namuhay kami na parang wala naka kaming inaasam na


langit. (R.)

N. Sa mga pagakakataon tinignan lamang naming ang aming paghihirap at hindi


nakita ang mas malaking paghihirap kawalan ng katarungan para sa iba. (R.)

N. Sa panahon sinisi ka naming sa kapahamakang kami rin ang piangmulan (R.)

Panalangin (Mag-anak)

Panginoon puspos ng karunungan liwanagan mo ang aming mga pag-iisip.


Matanto nawa namin na ang tunay na kaligayahan ay masusumpungan lamang sa
iyong piling at di sa anumang materyal na bagay. Buksan mo an gaming mga mata
sa mga kamalian na bumubulag sa amin mula sa iyong pamantayan. Ipabatid mo
sa lahat ng nagkasala na may pag-asa pang nakalaya muka sa tanikala sa kanilang
nakaraan. Magising ay di ang mga kahariang ang itinayo sa lupa bagkus ay ang
iyong wlang hanggang tahana sa langit.

R. Amen

Uupo ang lahat at aawit ang Koro.


III
BABAE MASDAN MO ANG IYONG ANAK, ANAK MASDAN MO ANG IYONG
INA

PASISINDI NG ILAW (Anak)

Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong
si Maria asawa ni Cleopas. Naroroon din si Marian Magdalena. Nang makita ni
Hesus ang kayang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kayang sinabi,
“Babae narito ang iyong Anak!’ at sinabi sa alagad, “Naito ang iyong ina!” Mula
noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay. (Lucas 19:25-27)

Maraming nagkaroon ng maiksing dula sa halip na basahin ang pagbasa

Paninilay

Pagluhog (Ama)

Luluhod ang lahat

Hesus sa mga sandaling pakiramdam naming kami ay nag-iisa

R. Panginoon ipakita mo si Maria na aming ina.

N. Sa mga pagkakataon na di namn pinapapahalagaan ang biyaya ng buhay lalo


na sa kultura ng contraception at abortion. (R.)

N. Sa lahat ng sandaling nilapastangan naming ang aming mga magulangat ang


inang simbahan. (R.)

N. Sa pagnanais ng yaman at katanyagang na humahantong sa pagiging palalo,


bulaan at pagyurak sa dangal ng iba. (R.)
PANALANGIN (Mag-anak)

Hesus pinakamamahal na Anak ng Ama. Napatunayan naming na lubos nag iyong


pag-ibig sa sankatauhan sa pagkakaloob mo sa amin ng iyong ina. Kahit sa gitna ng
iyong pagdurusa un mong inisip ang pangangailangan ng iba. Palaasin mo kami sa
sandali n gaming kahinaan at kawalan ng pag-asa at pag-ibig na siyang ganap na
makikita sa ina mo. Hayaan mong masambit naming sa kanya. “ Mariang ina ko,
ako rin ay anak mo kay Kristong kuya ko akayin mo ako.”
R .Amen.

Uupo ang lahat at aawit ang Koro.

IV
DIYOS KO DIYOS KO BAKIT NAMAN AKO IYONG PINABAYAAN

PASISISINDI NG ILAW (Anak)

At nagdilim ang buong lupain mula sa tanghalian tapat hanggang sa ikatlo ng


hapon. Nang mag-iikatlo ng hapon, si Hesus ay sumigaw, “Eli Eli, lema
sabachthani?” na ang ibig sabihin’y Diyos ko Diyos ko bakit naman ako’y
pinabayaan?” (Markos 15-33-34).

Maaring magkaroon ng maiksing dula sa halip na basahin ang pagbasa.

PAGNINILLAY

PAGLUHOG (Ama)

Luluhod ang lahat

Hesus sa mga sandaling nawalan kami ng pag-asa.

R. Panginoon turuan mo kaming manalig sa iyo.


N. Sa mga pagkakataton kami ay duawag, nagwalang bahala at di kumilos laban sa
katiwalian at maling gawi ng amiong lipunan. (R.)

N. Sa mga pagkakataon na inilagay naming sa panganib ang aming


pananampalataya dahil sa aming maling pamumuhay at pakikisangkot sa mga
grupo o baasahin na di nagtuturo ng katotohanan. (R.)

N. Sa kawalan ng pag-ibig sa iyo at pagkapit sa huwad na pangako sa mundo. (R.)

PANALANGIN (Mag-anak)

Hesus tumawag ka iyong Ama hindi dahil sa iniwan ka niya bagkus ipakita kung
paanong kami ang malimit na umiwan sa kanya sa simula pa ay di mapapantayan
ang pagkalinga at pagtataguyod sa sankatauhan.

Palakasin mo ang aming kalooban sa mga sandali ng aming pagaalinlangan at


bigyan kami ng lakas upang muling yakapin ang mga krus na inihabilin mo sa
amin, ang krus na magdadala sa amin sa wakas sa iyong piling.

Hayaan mong masaksihan naming na walang nagtiwala sa iyo na pinabayaan mo.


Tutulan mong magkita naming ang kabila ng krus ni Kristo, ang Koronang nakalaan
sa lahat ng tatalima sa iyo.
R. Amen

Uupo ang lahat at aawit ang Koro.

V
AKOY NAUUHAW

PASISINDI NG ILAW (Anak)

Pagkatapos nito alam ni Hesus na ganap na ang lahat ng bagay; at bilang


tuparan sa kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako.” (Juan 19:28)
Maaring magkaroon ng maiksing dula sa halip na basahin ang pagbasa.

PAGNINILLAY

PAGLUHOG (Ama)

Luluhod ang lahat

Hesus sa bawat panahon na aming pag-ibig at buhay ay tigang.

R.Pangioon pawiin nawa naming ang iyong uhaw.

N. Sa mga pagkakataon naging maramot kami kami at pinagkaitan ang aming


kapwa ng hustisya. (R.)

N. Sa mga sandali na naging mapagsayang kami sa biyaya at talent n adapt ay


pinakinabangan din sana ng iba (R.)

N. Sa maraming beses na pinagmalupitan at inabuso ang mga kabataan,


kababaihan, mga taong mahina at walang kalaban laban sa mga pamilya
nakawatak-watak dahil sa hindi pagkakaunawaan (R.)

PANALANGIN (Mag-anak)

Hesus ikaw ang lumikha sa lahat ng batis dagat at pinagmulan ng tubig ay uhaw.
Uhaw ka pa rin sapagkat ang makakapawi lamang ay ang pag-ibig ng tao.
Naguumapaw ang iyong kabutihan subalit napakasalat n gaming utang na loob.
Pagpatuloy pa rin ang pagkauhaw, dahil sa kawalan ng tarungan, ang patuloy pag
laki ng karahasan at paglapastangan sa mga bagay na banal. Pag-alabin mo ang
aming pagnanasa na maging mga Kristiyanong hindi lamang sa pangalan bagkus
pati sa gawa upang manariwa nag lahat ng bahagi sa mundo na tuyo dahilan sa
kawalan ng pag-ibig mo. O Hesus bukal ng buhay pawiin mo ang uhaw ng mga
pusong matagal ng tigang at pagningasin ang mga pusong nanlalamig dahil
kawalan ng kabanalan.
R. Amen.

Uupo ang lahat at aawit ang Koro.

VI
NAGNAP NA

PASISINDI NG ILAW (Anak)


May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang
espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig. Nang masipsip ni
Hesus ang alak ay kanyang sinabi, “Naganap na!” (Juan 19:29-30)

Maaring magkaroon ng maiksing dula sa halip na basahin ang pagbasa.

PAGNINILLAY

PAGLUHOG (Ama)

Luluhod ang lahat

Hesus sa pangingimi naming makilahok sa misyon ng iyong simbahan.

R. Panginoon magsugo ka ng bagong alagad.

N. Sa mga pagkakataong nakalimutan naming ang aming tungkulin na ipahayag sa


lahat ng dako ang mabuting balita. (R.)

N. Sa aming pakikisangkot sa gawaing taliwas sa atas ng mabuting balita, (R.)

N. Sa mga sandiling naging hadlang kami upang sumapalataya ang iba. (R.)
PANALANGIN (Mag-anak)

Dakilang Ama, ang gawain ng kaligtasan ay ganap na ng iyong Anak, ngunit ang
pagsasabuhay at pagsisiwalat sa lahat ng dako ukol sa kaligtasan ay bago palang
nagsisimula. Panginoon sa pagdami ng mga sandata ng karahasan, gawin mo
kaming instrumento ng kapayapaan sa gitna ng dilim, mamuhay kami sa liwanag
ng iyong katotohanan. Sa gitna ng pagkakanya-kanya, maging saksi kami nawa sa
pagkakaisa. Sa maraming gawain ng kasakiman gawin kaming daluyan ng
pagbibigay. Sa di maktwirang pangnagasiwa, ang karunungan ng iyong
kagandahan loob. O Diyos na walang hanggan, humantong nawa sa kaganapan
ang gawaing iyong nasimulan. Mapasaamin nawa ang iyong kaharian dito sa lupa
para nang sa langit.
R. Amen

Uupo ang lahat at aawit ang Koro.

VI
AMA SA IYONG MGA KAMAY INIHAHABILIN KO ANG AKING KALULUWA

PASISINDI NG ILAW (Anak)

Nang magkaka-ikalabingdalawa ng tanghali, nagdilim sa buong lupain hanggan sa


ikatlo ng hapon. Nawalan ng liwanag ang lupain hanggan sa ikatlo ng hapon.
Nawalan ng liwanag ang araw; at ang tabing ng templo’y napunit sa gitna.
Sumigaw ng malakas si Hesus, “Ama sa mga kamay mo’y inihahabilin ko ang aking
kaluluwa!” (Lucas 23:44-46)

Maaring magkaroon ng maiksing dula sa halip na basahin ang pagbasa.

PAGNINILLAY

PAGLUHOG (Ama)

Luluhod ang lahat


Hesus sa mga pagkakataong hindi naming maisuko ang lahat sa iyo.

R. Panginoon ibangon mo kami sa pamamagitan ng iyong kanang kamay.

N. Sa mga panahon hindi kami tumalima sa kalooban mo. (R.)

N. Sa sandali ng oras n gaming kamatayan. (R.)

N. Sa mga sandaling hindi naminisinuko ang tahat sayo. (R.)

PANALANGIN (Mag-anak)

Mapagmahal na Ama, amin ngayong pinaparanganalan ang puso ng iyong Anak,


na sinaktan ng aming pagmamalupit, ngunit ngayo’y tanda ng tagumpay ng pag-
ibig, at pangako kung saan ang lahat ng tao’y tinawag. Turuan mo kaming makita
si Kristo sa lahat ng sandali n gaming buhay at kumilos upang upang paglingkuran
ang kapwa. Mailagay nawa namin sa iyong sa iyong mga kamay ang aming mga
alalahanin, ang mga plano sa kinabukasan, ang aming nakaraan. Sa patatapos
namin, si Kristo nawa’y aming makapiling.
R. Amen

Uupo ang lahat at aawit ang Koro:

Você também pode gostar