Você está na página 1de 2

I.

Pamagat: Thy Womb

II. Mga Tauhan: Nora Aunor(Shaleha), Bembol Roco(Bangas-An), Lovi Poe(Mersila)

III. Buod:

Matagal nang mag-asawa sina Shaleha at Bangas-An. Kumadrona si Shaleha at mangingisda naman
ang asawa niya. Subalit damang-dama nilang mayroong puwang sa kanilang pagsasamahan. Ito ay dahil
hindi kayang bigyan ng anak ni Shaleha si Bangas-An. Tatlong beses na rin siyang nakaranas ng
pagkalaglag. Sa tuwing mag-aampon sila ng mga sanggol, kinukuha naman ang mga ito ng kanilang mga
tunay na magulang kapag lumaki na. Araw-gabi, walang palya si Bangas-An sa paghahanap ng babaeng
makapagbibigay sa kanya ng anak. Kaya imbes na magloko ang asawa, si Shaleha na mismo ang
naghanap ng babaeng maaaring pakasalan ni Bangas-An. Masakit man ay kaya niyang tiisin ang hapding
nararamdaman kung iyon lamang ang makapagpapasaya sa kanyang asawa. Tumatanda na siya at ito
lamang ang tanging paraan para matugunan niya ang pangarap ng kanyang asawa na magkaroon ng anak
sa paniniwalang ito ang magpapala sa kanila at siyang simbolo ng banal na grasya ni Allah.

Maituturing na isang hiyas ang Thy Womb. Sa gitna ng mga pelikulang melodrama, horror at
komedyang walang humpay sa pag-iingay, narito ang isang pelikulang matahimik na ipinararating sa
manonood ang mga pasakit ng isang nagdurusang asawa na handang magpaka-martir alang-alang sa
minamahal. Walang sampalan, walang sigawan, walang mahahabang dayalogo, ngunit ramdam ng
manonood ang nais na iparating na damdamin ng pelikula. Magaganda ang mga kuha ng kamera, lalo na
ang mga tanawin sa Tawi-Tawi, at hindi maitatanggi ang hirap na pinagdaanan ng buong produksiyon sa
pagbuo ng pelikulang ito. Higit sa lahat, ang tunay na hiyas at yaman ng pelikula ay si Nora Aunor na
halos maglaho ang tunay na katauhan sa karakter na kanyang ginampanan bilang Shaleha. Sa kanyang
mga kilos, galaw ng mata at mga labi, maliwanag nang agad ang nais na iparating na emosyon ng
pangunahing tauhan. Marami ring matutunan sa kulturang Muslim at Badjao sa pelikula.

IV. Banghay ng mga Pangyayari:

a. Tagpuan- Tawi-Tawi

b. Protagonista- Nora Aunor (Shaleha),Bembol Roco (Bangas-An)

c. Antagonista- Lovi Poe(Mersila)

d. Suliranin- Hindi magkaanak ang mag asawang Shaleha at Bangas-An.

e. Mga kauganay na pangyayari o mga pagsubok sa paglutas ng suliranin

-Noong nasa laot sila habang nangingisda ay binaril ng isang grupo ng kalalakihan ng walang dahilan.
Binenta nila ang kanilang bangkang de motor parasa dowry na iaalay sa babaeng kanyang magiging
pangalawang mapapangasawa. Ibinigay din ni Shaleha ang kanyangga gintong alahas at ang kanyang
ipon. Tinanggap din ni Shaleha ang hiling ni Mersila na hihiwalayan niya ang kanyang asawa kapag nagka
anak sila.
f. Mga ibinunga

Maraming sakripisyo pinagdaanan ni Shaleha tulad ng ibinigay niya ang kanyang mga gintong alahas at
ipon. At nagparaya sya sa kanyang asawa na makasama ang pangalawang asawa. At sa bandang huli kahit
naging masaya si Shaleha ay sa loob ng kanyang pusoy ay masakit pa rin na makita ang kanyang asawa na
masaya sa piling ng iba.

V. Paksa o Tema

Ang paksa o tema nito ay kung anong kultura, tradisyon at paniniwala mayroon ang mga tao rito.
Melodrama.

VI. Mga Aspektong Teknikal

a. Sinematograpiya

Ang magandang framing at wastong paggamit sa kagandahan ng kapaligiran amg nagpakinang sa


sinematograpiya ng pelikula. Sa kabilang banda, may kabagalan ang pacing ng pelikula.

b. Musika

Ang musikang inilipat sa pelikula ay angkop sa kung anong nais ipabatid ng mga manonood.

c. Visual Effects

Ang visual effects na ginamit ay tugma sa pelikula at madali itong naunawaan kung anong nais
ipabatid sa mga manonood.

d. Set Design

Ang mga disenyong ginamit sa pelikula ay angkop at nagbigay galak sa mga manonood.

VII Kabuuang Mensahe

Ang Thy Womb ay patungkol sa pagpapakasakit ng isang maybahay na hindi magkaanak at handang
magparaya alang-alang sa kaligayahan ng kabiyak. Kita kung gaano kawagas ang pagmamahal ni Shaleha
sa asawa at siya pa ang nag-ipon ng dowry at naghanap ng dalagang magiging ikalawang asawa ni
Bangas-an. Kakatwang isipin na mayroong ganitong wagas na pag-ibig sa gitna ng mundong pinipigilan
ng kultura at relihiyon ang mga relasyon tulad ng pag-aasawa. Tunay ngang uusbong pa rin ang tunay na
pag-ibig kahit saan pa man ito itanim.

Você também pode gostar