Você está na página 1de 9

Ibat-ibang

Uri ng
Teksto

Vincent Bryan M. Posadas


Talaan ng Nilalaman

Deskriptibo………………………………………………. 1

Perswayseb .…………………………………………… 2

Naratibo ………………………………………………...3

Prosidyural ……………………………………………...4

Argumentatibo …………………………………………...5

Impormatibo………………………………………6
Deskriptibo

Ang deskriptibo ay isang teksto na nagpapahayag ng sapat na


detalye o katangian ng isang tao, pook, bagay, damdamin o teorya upang
ang isan mambabasa o tagapakining ay makalikha ng isanh larawang
mental kung anuman ang inilalarawan.Kung ang isang pintor ay
gumugamit ng iba’t ibang kulay upang maisabuhay ang isan larawan,
ganoon din ang isang manunulat, gumagamit siya ng mga salita na
nagiging daan upang mabuo ang larawan sa isipan ng mambabasa o
tagapakinig.

Mahalaga ang deskriptibo dahil ito ay isang daan upang makilala


ang isang tagapahayag. Layunin ng paglalarawan ang makalikha ng
imahe sa isipan ng kanyang mambabasa upang maging sila ay
makadanas din kung ano ang naranasan ng manunulat. Ito ay
nagbibigay ng malinaw na imahe ng isang tao, bagay, pook, damdamin o
teorya upang makalikha ng isang impresyon.
Perweysiv

Ang perweysiv ay isang tekstong nangungubinse o


nanghihikayat. Ito ang mga pahayg na makaakit sa damdamin at isipan
ng mambabasa. Ito ang mga pangngatwirang hahntong sa isang lojikal
na konklusyon.

Layunin ng tekstong perweysiv na maglahad ng isang


opinyong kailangnag mapanindigan at maipagtaggol sa tulong ng
pumapanig sa manunulat. Kung saan ang nga dokumentong buhat sa
pag-aaral at pananliksik upang higit na maging kapani-paniwala at may
kredibilidad ang palalahad.
Naratibo

Ang tekstong naratibo ay ngsasaad ng isang uri ng pasalaysay.


Ito rin ay nalalahad ng pakasunod-sunod ng mga pangyayari o
simpleng nagsasalaysay tungkol sa isang pangyayari. Dito, isinasambit
natin ang mga detalyeng kalakip sa isang particular na pangyayari
upang maibahagi sa iba ang mga bagay na nagagaganap sa atin o kaya
ay ang mga bagay na ating nasaksihan.

Layunin ng tekstong naratibo na magsaad ng tiyak na


emosyon ng manunulat. Ito ay naghahtid kalinawan sa mga bagay-
bagay o pangyayari at nagpapahiwatig ng mga kaisipan ng mga
mambabasa o tagapakining. Ito ay ngapapahayag ng tiyak na
impormasyon patungkol sa pangyayari.
Prosidyural

Ang prosidyural ay isang tekstong tumutukoy sa isang


pangyayari o ang pagkakasunod-sunodng mga bagay o Gawain na
magkaugnay sa isa’t isa.

Layunin ng tekstong prosidyural na ipakita at ilahad ang wastong


pagkakasunod-sunod ng malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng
anumang gawain. Ito ay naglalahad ng mga serye ng mga Gawain na
may inaasahang resulta o hangganana.
Argumentatibo

Ang argumentatibo ay isang tekstong naglalayong hikayatin ang


mga mambabasa na tanggapin ang isang partikular na argument.
Inilalahad ng manunulat ang kaniyang opinyon kaugnay ng isang
paksa at sisikapin niyang mahikayat ang mambabasa na paniwalaang
wasto ang kanyang panig sa pamamagitan ng mga katuwiran at
halimbawa.

Ang matibay na paninindigan sa isang isyu ay mahalaga dahil


dito huhugot ng lakas ang manunulat. Mahalang alamin din ang
opinyon ng iba tungkol sa isyu upang makahanap ng mga katuwiran
magpapahina ng mga paniniwalang ito.
Impomatibo

Ang impormatibo ay isang tekstong nagpapaliwanag ng mga


mahahalagang impormasyon o kaalaman ng malinaw. Nagsasad ng
mga tunay na pangyayari batay sa nasasaklaw na kaalaman ng tao.

Layunin ng tekstong impormatibo na maglahad ng mga tiyak na


impormasyon, at maglahad ng mga detalye na may lohikal na paghanay
at ihanay ng maayos ang mga piling tiyak at mahahalagang salita. Ito
ay nakapukos sa mga impormasyong inilahad. Isang tiyak paksa
lamang ang inilalahad dito.

Você também pode gostar