Você está na página 1de 20

Filipino Drill Commands

The National Service Training Program (NSTP) is a civic education and defense
preparedness program students instituted by the Republic of the Philippines as the
“National Service Training Program (NSTP) Act of 2001.”

The following are translation into Tagalog / Filipino of English-language drill commands.

1. PAGSASANAY NG KAWAL NA WALANG SANDATA (SCHOOL FOR


SOLDIERS WITHOUT ARMS)

A. Katayuan sa pagtindig (Position of Attention)


1. Humanda (Attention)
2. Humanay (Fall in line)
3. Masinsing Pagitan, Humanay (At Close Interval. Fall in line)
4. Magtipon (Assemble)
5. Manumbalik (As you Were)

B. Katayuan sa Paghinga Nakahinto (Rest at Halt)


1. Tikas Pahinga (Parade Rest)
2. Tindig Paluwag (Stand at Ease)
3. Paluwag (at Ease)
4. Pahinga (Rest)
5. Tiwalag (Fall out)
6. Lumansag (Dismissed)

C. Pagharap Kung Nakahinto (Facing at the Halt)


1. Harap sa Kanan, Rap (Right Face)
2. Harap sa Kaliwa, Rap (Left Face)
3. Harap sa Likdod, Rap (About Face)
4. Harap Hating-kaliwa, Rap (Left Half Face)
5. Harap Hating-Kanan, Rap (Right Half Face)

D. Pagpugay (Salute)
1. Pugay Kamay, Na (Hand Salute)
2. Tingin sa Kanan, Na (Eyes Right)

E. Hakbang at Lakad (Steps and Marching)


1. Bilang Hakbang, Na (Count Cadence Count)
2. Isa, Dalawa, Tatlo, Apat (One, Two, Three, Four)
3. Pasulong, Kad (Forward March)
4. Tilap/Palutong, Hinto (Squad/Platoon Halt)
5. Patakda, Kad (Mark Time March)
6. Hating Hakbang, Kad (Half Step March)
7. Takbong-Hakbang, Kad (Double Time March)
8. Sigalng-Hakbang, Kad (Quick Time March)
9. Hakbang Pakanan, Kad (Right/Left Step March)
10. Paurong, Kad (Backward March)
11. Pabalik, Kad (Roar March)
12. Paulit-Hakbang, Kad (Change Step March)
13. Layang Hakbang, Kad (Rout Step March)
14. Paluwag, Kad (at Ease March)
15. Liko sa Kanan/Kaliwa, Kad (Column Right/Left March)
16. Pagawing Kanan/Kaliwa, Kad (Incline to the Right/Left)
17. Kanang/Kaliwang Panig, Kad (Right Left Oblique March)
18. Sa Lunan, Hinto (In Place Halt)
19. Patuloy, Kad (Resume March)

2. MALAPITANG PAGSASANAY (CLOSE ORDER DRILL)

A. Pagtitipon at Paghahanay (Assembly and Alignment of Troops)


1. Tunton-Kanan/Kaliwa, Na (Dress Right/Left Dress)
2. Masinsing Pagitan, Tunton Kanan, Na (At Close Interval, Dress Right Dress)
3. Handa, Rap (Ready Front)
4. Tunton, Na (Cover-Up)
5. Patnubay sa Kanan/Kaliwa/Gitna (Guide Right/Left/Center)
6. Manumbalik (As You Were)
7. Manatiling Walang Kilos (Stand Fast) o (Stand Feet) ? Ang Labo kc ii !
8. Sumaluman (Posts)
9. Ibayong Dalang Pakanan/Pakaliwa, Na (Take Interval to the Right/Left)
10. Magtipon sa Kanan/Kaliwa, Kad (Assemble to the Right/Left March)
11. Sunuran ng mga Tilap/Pulutong (In Column of Squads/Platoons)
12. Sunuran Mula sa Kanan/Kaliwa o Isahan Mula sa Kanan/Kaliwa

B. Pagpalit ng Pagitan (Change of Interval)


1. Isahang/Tuluyang Bilang, Na (Count Call, off)
2. Dalawahang/Tatluhang bilang, Na (Count by Twos/Threes, Count)
3. Sabay na Bilang, Na (By the Number, Count)

3. MGA UTOS SA PATIKAS AT PAGMASID NG SEREMONYA


(COMMANDS FOR PARADE AND REVIEW)

A. Panawagan sa Pagtitipon (Assembly Call)


B. Mga Patnubay Sumahanay (Guides on the Line
C. Patnubay sa Lunan, Kad (guides, Post)
D. Ginoo, Handa na po ang Patikas (Sir, The Parade is Formed)
E. Sumalunan (Take yuor Post)
F. Ihudy at (Sound Off)
G. Ginoo, Handa na po ang Tipon sa Pagsisiyasat (Sir, the Troops are Ready for
Inspection)
H. Kalipunan Sumalikod Ko (Staff Behind Me)
I. Tanggapin ang Ulat/Mag-ulat (Receive the Report)
J. Narito pong Lahat, Napag-alamanan (All Present or Accounted for)
K. Ihayag ang Kautusan (Publish the Order)
L. Mga Nakatalaga Ngayon (Details for Today)
M. Pinunong Panlarangan (Field Officer of the Day)
N. Pinunong Panlarangan/Tagapamahala/Tagapangalaga (Field Officer of the Day,
Officer of the Day and Officer In-Charge)
O. Mga Pinuno, Pumagitna, Kad (Officers, Center, March)
P. Mga Pinuno Hinto (Officers, Halt)
Q. Mga Pinuno Balik, Kad (Officer, Post March)
R. Mga Taong Pararangalan at mga Watawat, Pumagitna, Na (Persons to be Decorated
and all Colors, Center March)
S. Pasa-Masid (Pass-In-Review)
T. Ginoo, Tapos na po ang Seremonya/Parangal (Sir, The ceremony/Honors Is over)

Legend:
P: Purpose of Movement
C: Number of Counts
W: When the movement may be executed
C: Command that may cause the movement to be executed

POSITION OF ATTENTION
P: Basic military position from which most other drill movement are executed.
C: No count
W: This movement is executed when halted, at any position of rest, marching at route
step or at ease
C: Tilap, Pulutong, Balangay; DA

REST
P: To give the troops a rest from the position of attention
C: Parade rest, at ease and rest are one (1) count movement. Fall out is not a precision
movement and it has no count
W: Halted at attention
C: Tikas PAHINGA, PALUWAG, PAHINGA, TIWALAG
HALT
P: Halt the unit
C: Quick time – 2 counts; double time- 3 counts
W: Quick time, double time, mark time, double time in place, half step, back step, and
side steps
C: Tilap, Pulutong, Balangay; TO

HAND SALUTE
P: Form of courtesy used between members of the AFP and to Colors
C: One count
W: Halted at attention, marching at quick time, or seated in a vehicle
C: Pugay kamay, NA

FACING
P: To face the unit to the right or to the left, or to face about
C: two counts
W: Halted at attention
C: Harap sa Kaliwa, Harap sa Kanan, Harap sa likod; NA

QUICK TIME
P: To march taking 120, 30-inch steps per minute
C: No count
W: Halted at attention, marking time, marching forward at double time and marching at
half step
C: Pasulong, KAD; Siglang Hakbang, KAD

DOUBLE TIME
P: To march taking 180, 36-inch steps per minute
C: No count
W: Halted at attention, marking time, double timing in place, marching forward at quick
time
C: Takbong Hakbang,; KAD

MARK TIME
P: To mark in place at quick time cadence
C: No count
W: Halted at attention, double timing in place, marching at half step and marching
forward at quick time
C: Lakad Patakda, KAD

DOUBLE TIME IN PLACE


P: To march at double time cadence
C: No count
W: Halted at attention, marking time, marching forward at double time
C: Siglang Hakbang, KAD

HALF STEP
P: To march at 120, 15-inch step per minute
C: No count
W: Halted at attention, and marching forward at quick time
C: Hating Hakbang, KAD

BACK STEP
P: March the unit backward for short distance
C: No count
W: Halted at attention
C: Paurong, KAD

SIDE STEP
P: To move the unit a short distance to the left or right
C: No count, however there is a cadence of 1-2
W: Halted at attention
C: Hakbang Pakanan, KAD; Hakbang Pakaliwa, KAD

FACE TO THE RIGHT(LEFT) IN MARCHING


P: To face the unit to the right or left while marching
C: No count
W: Marching at quick time
C: Kanang Paning, NA; Kaliwang Panig, NA

CHANGE STEP
P: Change the cadence count but not the rhythm
C: No count
W: Marking time; double timing in place; marching forward at quick time or double time
cadence
C: Palit Hakbang, NA

FACE TO THE REAR WHILE MARCHING


P: To march to the rear for a short distance
C: No count
W: Marching forward at quick time or double time cadence
C: Pabalik, NA

TO MARCH AT REST
P: To march at ease or rest (route step)
C: No count
W: March forward at quick time
C: Layang Hakbang, KAD

POSITION OF ORDER ARMS


P: The basic position of the rifle
C: No count
W: Halted
C: Tilap, Pulutong, Balangay, HUMANAY; Baba, TA

POSITION OF TRAIL ARMS


P: Used when moving units at short distance
C: One count
W: Halted at order arms
C: Bitbit, TA

PORT ARMS FROM ORDER ARMS


P: To bring the rifle to the position of port arms
C: Two counts
W: Halted at order arms
C: Agap, TA

ORDER ARMS FROM PORT ARMS


P: To bring the rifle to order arms
C: Three counts
W: Halted at port arms
C: Baba, TA

RIGHT SHOULDER ARMS FROM ORDER ARMS


P: To bring the rifle to right shoulder arms
C: Three counts
W: Halted at Order Arms
C: Kanang Balikat, TA

PRESENT ARMS FROM ORDER ARMS


P: Used as salute to persons and colors during parades and ceremonies
C: Two counts
W: Halted at order arms
C: Tanghal, TA

INSPECTION ARMS
P: To inspect the rifle
C: Seven counts
W: Halted at order arms
C: Siyasat, TA

SLING ARMS
P: To bring the rifle to sling arms, This position is used for long long periods of marching
and for taking interval
C: No count
W: Halted at order arms
C: Isakbat, TA

REST WITH THE RIFLE


P: To give the troops a rest from the position of attention
C; Parade rest, at ease, and rest are one count movement. Fall out is not a precision
movement; in has no count
W: Parade rest- Halted at order arms, sling arms, or unsling arms
C: Tikas, PAHINGA; PALUWAG;

FORM THE PLATOON


P: To form the platoon onto the basic drill formation
C: Platoon in line
W: Forming the platoon
C: PULUTONG, HUMANAY

REPORTING PROCEDURE
P: Receive accountability of troops
C: Platoon in line
W: Forming unit
C: MAG-ULAT

DISMISS THE PLATOON


P: To dismiss the platoon
C: Platoon in line at normal or close interval
W: Halted or marching at quick time
C: TIWALAG
CHANGE OF DIRECTION
P: To change the direction of the direction of march of a column
C: Platoon in column
W: Halted or marching at quick time
C: Liko sa kanan, KAD; Liko sa kaliwa, KAD; Liko hating kanan, KAD; Liko hating
kaliwa, KAD

COUNT-OFF
P: To designate relative position in ranks
C: Platoon in line or in column
W: Halted at attention
C: Isahang Bilang, NA; Isahang bilang mula sa harap; NA.

ALIGNMENTS
P: To align the platoon
C: Platoon in line (or in column during parades)
W: Halted at position of attention
C: Tunton sa kanan, NA; Tunton sa kaliwa, NA.

TO CLOSE AND EXTEND THE INTERVAL IN LINE


P: To obtain close interval and extend to normal interval
C: Platoon in line
W: Halted at the position on attention
C: Masinsing pagitan gabay sa kanan/kaliwa, NA; Tunton sa kanan, NA

OBLIQUE
P: To Change the line of march for a short distance but not the direction
C: Any formation
W: Marching at quick time cadence
C: Lihis pakaliwa (pakanan), KAD

OPEN AND CLOSE RANKS


P: To increase the distance between ranks
C: Platoon in line at normal or close interval
W: Halted at attention; if armed with rifles, the rifles will be at order arms
C: Pabukang taludtod, KAD; Pasinsing taludtod, KAD
Ang kuwentong-bayan (Ingles: folklore) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip ng mga tauhan
na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki,
o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook
o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.

SI MARIANG MAPANGARAPIN

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa't
masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o
tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo,
waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang
Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang
bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-
tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw
niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa
karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa
umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At
pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na
magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing
manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-
araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang
manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang
pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa
limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya
ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria.
Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang
tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng.
Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya
umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang
dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.

Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o adhika upang ito ay


maisakatuparan.

Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends
and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.84-85.

Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang
Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog.
Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.

Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya
maraming ibon sa aking mga sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit
malayo, ako ay kitang-kita na.

Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga,wika
ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga.
Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.

Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang


pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga
bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na
punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng
malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.

Mensahe: Ang kababaang-loob, papuri ang dulot.

Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends
and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.77-78.

Nakalbo ang Datu

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May katutubong kultura ang
mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay
maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang
pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila.
May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.
Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan ng datu ang mag-asawa.
Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang
magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya.

Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging pihikan ang datu
dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng
matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu.
Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na
ay mababait pa. Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang
mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga.

Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata at


napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na
mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya. Dahil sa
pagmamahal sa matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang
asawa.

Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito, magmumukhang


kasinggulang ko lamang siya.

Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni
Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at
napakahimbing pa.

Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si Farida ngunit
kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu.
Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda.

Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang
binubunot ang itim na buhok ng asawa.

Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang datu.


Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya nag-asawa.
Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi
niya nakilala ang kanyang sarili.

Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu.

Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

Mensahe: Ang pagmamahal ay naipakikita sa iba't-ibang paraan.


Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends
and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.80-81.

(source: http://kapitbisig.com/philippines/information/arts-and-literature-mga-
kuwentong-bayan-folktales.190)

Ang Kalabasa at ang Duhat


(Kuwentong-bayan / Folktale)

Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat. Gusto niyang makita
kung papano magsilaki ang mga ito.

Dahil si Bathala ang nagtanim, kaydali nilang lumaki. Si Duhat ay lumaki pataas na ang
itinuturo’y kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda na itong mamunga.

Sabik na sabik na akong mamunga, wika ni Duhat.

Si Kalabasa naman ay humaba, ngunit hindi tumaas. Gumapang lang ito nang gumapang,
hanggang sa ito’y nakatakda nang mamunga.
Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga ang ipagkakaloob niya sa
dalawang ito.

Matamang nag-isip si Bathala.

Ang duhat na nilikha ko’y malaki, nararapat lamang na malaki rin ang kanyang bunga. At si
Kalabasa naman ay gumagapang lamang, at walang kakayahang tumayo, nararapat lamang
na ang mga bunga nito’y maliliit lamang. Wika ni Bathala.

Ganyan nga ang nangyari. Si Duhat ay namunga ng sinlaki ng banga. Agad niyang nakita
na hindi tama ito, sapagkat nababali ang mga sanga nito dahil sa bigat ng bunga. Si
Kalabasa nama’y hindi bagay dahil maliit ang bunga. Di pansinin ang mga bunga nito lalo’t
natatakpan sa malalapad na dahon.

Muling nag-isip ng malalim si Bathala. Tunay na hindi siya nasiyahan.

Napagpasiyahan niyang ipagpalit ang mga bunga ng mga ito. At napatunayan niyang tama
ang kanyang ginawa, sapagkat ang kalabasa, mahinog man ito’y hindi malalaglag dahil ang
puno ay gumagapang lamang. Samantalang ang duhat, malaglag man ay magaan, hindi
masisira at ginawa naman niyang kulay berde ang kalabasa sa dahilang ito’y malayo sa
araw. At kulay itim naman ang duhat. Pagkat ito’y malapit sa araw.

At sa kanyang ginawa’y nalubos ang kasiyahan ni Bathala.

(Source: http://www.kabisig.com/philippines/tagalog-version-of-folktales-mga-
kuwentong-bayan-ang-kalabasa-at-ang-duhat-kuwentong-bayan-folktale_314.html)

ANG BATIK NG BUWAN


Maikling Kuwentong – Bayan Ng Bisaya
Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin.
Gustung-gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyang
yakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw ang
mga bituin sa labis na init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag
lumalapit sa kanya.

Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming


damit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag niyang
lalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak. Buong kasiyahan
niyang pinanood ang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik
at hindi siya nakatiis na hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang
lipon ng maliliit na bituin nang madikit sa kanya ay biglang natunaw.

Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siya sapagkat


malungkot ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nya
nakita ang maliliit kaya't hinanap niya ang mga ito kung saan-saan. Hindi niya
matagpuan ang mga anak. Sa gayo'y sinumabatan niya ang asawa. "Niyakap mo
sila? Huwag kang magsisinungaling!”

Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang
punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyang
kasalanan. Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang
sarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at
inihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang
mukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa
kanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.

ANG DIWATA NG KARAGATAN


Kuwentong - Bayan Ng Ilocos

Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay.


Mapagpala ang kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang
pangingisda. Sagana sa maraming isda ang karagata. May isang diwatang
nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito'y nalalaman ng mga taganayon.
Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-maraming isda
upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na
napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay.
Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang
mahuli kahit na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging
pangit na rin ang karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon
at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa
karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at
gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira
sa kalikasan.

Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng


karagatan at muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng
mga tao.

NAGING SULTAN SI PILANDOK


kuwentong bayan ng Maranaw
Ang kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.
Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang
pagkakasalang kanyang ginawa.
Pagklipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang
harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang
isang kumikislap na ginituang tabak.
"Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong
tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay
nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng
sultan.
"Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapgkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa
ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino
po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang
paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang
sultan. "Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat."
"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna
ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang
paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa
pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at
marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok.
"Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga
ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak."
Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at
pinagsabihangwalang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta
roon ang ultan sa loob ng isang hawla.
"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi
ng sultan. "Sino po angmamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni
Pilandok. "Kapag nalaman po ng iba ang tingkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng
dagat ay magnanais silang magtungo rin doon."
Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang
sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang
hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat
mlaman ng inyong mga ministro."
"Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito.
Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga
ito ng inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok.
Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa
isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan.
Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging
sultan.

Sina Adlaw at Bulan


Ito ay isang kuwentong bayan ng Tinggiyan
Noong unang panahon ay may mag-asawang may mabuting pagpapasunuran at
pagmamahalan. Sila'y sina Adlaw at Bulan. Nagkaanak sila ng maraming bituin. Napansin
ni Adlaw na lubha ng masikip sa kanilang bahay sapagkat patuloy na nag-aanak si Bulan.
Kinausap ni Adlaw si Bulan at sinabi sa asawa na pagpapatayin nila ang iba nilang mga anak
upang lumuwag ang kanilang tirahan.Tinutulan ni BUlan ang mungkahi ni Adlaw at ito ang
naging dahilan ng mainit nilang pagkakagalit. Wala nang katahimikan sa kanilang bahay
sapagkat halos araw-araw ay nag-aaway sila. Hindi na nakatiis si Bulan at ipinasya niyang
makipaghiwalay sa asawa na lalo namang ikinagalit ni Adlaw. Hindi nagtagal ay pumayag
na rin si Adlaw na makipaghiwalay sa kasunduang isasamang lahat ni Bulan ang mga anak
na bituin at hindi na pakikita sa kanya ang mag-iina.
Kaya mula noon, makikitang nag-iisang sumusikat si Adlaw (Araw) sa araw at sa gabi
naman ay lumilitaw si Bulan (Buwan) kasama ang mga anak na bituin. Kapag ang dating
mag-asawa'y nagkakatagpo ay lalong tumitindi ang poot ni Adlaw kay Bulan kaya hinahabol
niya ito na nagiging dahilan ng eclipse.

Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to FacebookShare to Pinterest

Você também pode gostar