Você está na página 1de 1

Pangalan _______________________________________________Baitang_______________ Petsa________________

Test 1. Isulat sa di-karaniwang ayos ang mga sumusunod na pangungusap.


1. Simple lang ang buhay ng mga tao sa probinsya.
2. Nasa bukid na sila umaga pa lamang.
3. Mabilis naman ang buhay sa lungsod.
4. Araw-araw,nakikipaghabulan ang mga tao sa pagsakay
5. Walang panahon ang bawat isa sa pakikipag-usap.
6. Abala ang lahat sa trabaho.
7. Hapon na kung umuwi sa bahay ang mga tao.
8. Trabaho pa rin ang naghihintay sa bahay.
9. Iniisip nila kung paano madaragdagan ang kita.
10. Parang karera ang buhay sa lungsod.

Test II. Tukuyin ang ayos ng pangungusap.


__________1. Sumasama sa prusisyon ang mga tao.
__________2. Ang paliwanag mo ay naintindihan ko.
__________3. Ang mga kabataan ay naglilinis ng bakuran.
__________4. Ang Sanghiyang ay ginagawa taon-taon.
__________5. Nag-aalay din sila ng pagkain at kandila.
__________6. Inaawit ng mga tao ang kanilang kahilingan sa Diyos.
__________7. Isa itong ritwal ng pasasalamat sa Diyos.
__________8. Ang Sanghiyang ay ipinagdiriwang sa Indang at Alfonso, Cavite.
__________9. Naglalako ang nanay nang masarap na adobo.
__________10. Ang bata ay niregaluhan ng bagong damit.

Test 111. Isulat sa karaniwang ayos ang ga pangungusap.

1. Ang lahat ay sasama sa lakbay-aral.


___________________________________
2. Kami ay magtutungo sa silid- aklatan.
___________________________________
3. Si Ronjo ay katabi ko sa upuan.
___________________________________
4. Ag ina ay susulat sa guro ng anak.
___________________________________
5.Sina Grace at Ronnie ay magkapatid.
___________________________________

Test 1V. Salungguhitan ng isang beses ang simuno at dalawang beses ang panaguri.

1. Mag-aaral akong mabuti.


2. Iniwan ko sa inyo ang aking relo.
3. Mahalaga ang araw na ito para sa ating paaralan.
4. Ang pangulo ng bansa ay pupunta sa aming paaralan.
5. Sasama ako sa inyo.
6. Si Mario ay nakita ko sa labas.
7. Manonood kami ng sine.
8. Nakita ko ang paborito kong artista.
9. Ang mga bata ay sasali sa palaro.
10. Ikaw ay isasama ko bukas.

Você também pode gostar