Você está na página 1de 15

A no smoking sign does one thing, it communicates to workers or visitors that the area they are in prohibits

smoking. No smoking signs also help you maintain compliance with state and federal laws regarding non-
smoking facilities

17.3 Million Filipino Adults Are Current Tobacco Smokers

Every cigarette that gets smoked shortens the smoker’s life, but it does more than just that. Smokers effect the
nation’s health as a whole, so they need to be removed from the world. Smoking is a terrible habit to start, and
even though it can be hard to quit people should as soon as possible. People find it hard to quit after having a
life time of smoking fueling their addiction. Their attempt to quit can only be made through heaps of difficulty
and diligence. These people do not have to be alone in their struggle however. There are many different plans,
organizations, and items that can help a person to quit smoking. It is merely out of laziness or out of popularity
that people do not stop smoking. This laziness and bad decisions lead to the destruction of the smoker’s body
and the bodies of everyone around the smoker. A single cigarette shortens the smoker’s life by roughly eleven
minutes. Cigarettes have horrendous effects on everybody around a smoker as well. Secondhand smoke is
caused when a cigarette is burned. The smoke from it is released into the air and has the chance of being
breathed in by others. The smoke that is breathed in can have a larger effect on the people breathing in the
smoke than the smoker themselves. This means that people that smoke near others are shortening the other
people’s lives as well as their own.

About 23 percent of all adults are smokers. This fact seems dwarfed when you hear that 30 percent of
adolescents use some sort of tobacco. In fact, statistics show that the average age for first using tobacco is 13.
This means that the majority of all tobacco users started when they were a teenager. The effects of smoking are
common and dangerous but what most people don't realize, secondhand and thirdhand smoking is just as bad.
Authority figures need to set up limitations for tobacco use and combat young age smoking.

Cigarette smoke contains around 4,800 chemicals, 69 of those can cause cancer. The effects of using tobacco
are wide and varied but all of them are dangerous to every user's health. A study done by the American Lung
Association states that smokers die significantly earlier than non-smokers. Smoking men and women have an
average of 14 years of less life than a person who doesn't use tobacco. Human beings are supposed to do all
they can to extend their lives. Yet people still make the choice to use tobacco and other abusive substances. A
few dangerous diseases one could get by using tobacco include: coronary heart disease, lung, oral, throat,
kidney, and pancreatic cancer, and even COPD. The list goes on and on and most of them can leave a person
scared for life. Smoking is unacceptable in general, but doing it while pregnant is even worse. Just under eleven
percent of all pregnant women smoke. Using tobacco while pregnant accounts for ten percent of all infant
deaths. Smoking is obviously terrible. All of these facts plainly support that simple statement.

If one person smokes, the whole building smokes! Whether that statement describes a house, a place of work,
or an apartment building, smoking affects everyone in the near vicinity. The more prominent example of the
three would be an apartment building. What would happen if a tobacco user decided to smoke in a building full
of families and young children? The smoke that is released from the cigarette has the possibility of infiltrating
the homes where young children are playing. Secondhand smoke is not something to joke about. It's just as bad,
if not worse than directly inhaling tobacco on a regular basis. Secondhand smoke occurs when one person
exhales a smoke cloud and that cloud makes its way to another person. That other person could be baby
sleeping in the apartment next door, a teenager doing homework the floor directly above the smoker, or even an
elderly lady knitting in her room across the hall. It could happen to anyone, anytime, anywhere. Thirdhand
smoke occurs when the actual smoke permeates a person's clothes and anyone who takes a sniff, inhales
particles of tobacco. This is a much more widespread problem than secondhand smoke because one person can
carry the scent of smoke wherever he or she goes. In the elevator, through a hallway, in the lobby, the
possibilities of meeting someone who smokes are endless and that increases the chance of inhaling tobacco.
Only the actual smoker has the power to stop second and thirdhand smoke. They have to take the initiative to
not harm other people and quit bringing dangerous tobacco to innocent humans.

Certain places are making it illegal to smoke around other people. The Grand Island City code prohibits
smoking in public places. Why not outlaw all smoking except for certain designated places. This would limit
the amount of exposure nonsmoking individuals receive. It would allow families to safely take a walk through a
park without encountering any disease filled smoke clouds. California was the first state to try and achieve this
by initiating a statewide ban. Following California's lead other states started to join in. On June 1,2009,
Nebraska's Clean Indoor Air Pact went into effect. This banned all smoking in bars, restaurants and all enclosed
workplaces. This is a great start and hopefully Nebraska bumps it up a notch and initiates more laws and bills
that effectively stops second and thirdhand smoke altogether.

The effects of smoking are widespread and can be deadly. The issues one could get by using tobacco should
turn anyone away from the idea. Yet, it still happens. Youth still have a high probability of trying some sort of
tobacco use and when they live in an environment where secondhand smoke is constant, it makes it that much
worse. Like stated above, an apartment building would be the perfect example for showing the dangers of
second and thirdhand smoke. If one person smokes, the whole building smokes. This phrase clearly states that
when one persons decides to give in to the addiction known as cigarettes, the whole building and the
surrounding area are affected to.

Cigarette smoking is the leading preventable cause of death in the United States. Cigarette smoking causes more
than 480,000 deaths each year in the United States. This is nearly one in five deaths.1

Ang paninigarilyo na tumutukoy sa paghithit ng sinusunog na dahon ng tabako ay bahagi na ng buhay ng tao
magmula pa noong mga panahon na dinidiskubre pa lamang ang Pilipinas. Bagaman hindi na bago sa pandinig
na ang paninigarilyo ay tiyak na makakasama sa kalusugan, at maaari pang maiugnay sa ilang mga
malulubhang sakit sa baga, tila nahihirapan talaga ang mga indibidwal na umiwas sa ganitong gawain lalo na
kung ito’y nakasanayan na.
Ang hirap sa pag-iwas sa paninigarilyo ay maaaring isisi sa substansyang taglay ng mga sigarilyo. Ang nikotina
o nicotine ay isang kemikal na maaaring makuha sa bawat paghithit sa sigarilyo, at sadiyang nakahuhumaling at
hahanaphanapin sa oras na makaabot sa utak. Sa madaling salita, ito ay nakaka-adik.
Kaya naman ang tanong ngayon, paano makakaiwas sa paninigarilyo at paano malalabanan ang adiksyon sa
nikotina? Ating alamin ngayon sa Kalusugan.Ph
PAANO MATITIGIL ANG PANINIGARILYO?

1. Disiplina at sariling sikap.


Ang pundasyon ng pagtigil sa paninigarilyo ay nagsisimula sa sariling sikap at disiplina sa sarili. Walang ibang
tao na higit na makatutulong sa pagtigil sa paninigarilyo kundi ang mismong sarili. Kailangang maging desidido
sa pagtigil nito at pagtiyagaan ang mahaba at mahirap na proseso.
2. Paghingi ng payo sa eksperto.
May ilang bagay na makatutulong upang maisakatuparan ang pagtigil sa paninigarilyo. Isa na dito ang paghingi
ng payo sa mga eksperto tulad ng mga councilor, doktor, therapist, at mga taong napagdaanan na ang
kaparehong karanasan.
3. Therapy para labanan ang adiksyon sa nikotina.
Dahil ang pagbitiw sa paninigarilyo ay hindi basta-basta dahil sa pagkahumaling sa nikotina, maaaring
kailanganing sumailalim din sa mga therapy na tutulong para malabanan ang adiksyon na ito. Mayroong mga
nicotine patch, nicotine gum, o nicotine lozenge na nagbibigay ng tamang dami ng nikotina na pupuno sa
kagustuhan ng utak sa substansyang ito. Unti-unting binabawasan ang dami ng nikotina hanggang sa tuluyan
nang mawala sa pagnanais ng utak dito.
Dapat alalahanin na maaaring dumanas ng withdrawal syndrome kung bibiglain ang pagtigil sa paninigarilyo
nang hindi kinokontrol ang pagnanais ng utak sa nikotina.
4. Paggamit ng mga gamot na makatutulong sa pagtigil sa paninigarilyo.
May ilang gamot na maaaring ireseta ang doktor upang mabawasan ang pagnanais sa paghithit ng sigarilyo.
Ang mga gamot na Bupropion HCL at Varenicline Tartrate ay nakatutulong pamamagitan ng pagharang sa
kaligayahan na maaaring maramdaman sa utak kapag paninigarilyo.
5. Suporta mula sa taong nakapaligid.
Siyempre pa, ang tagumpay ng pagtigil sa paninigarilyo nakasalalay din sa suportang ibibigay ng mga taong
nakapaligid sa taong nagnanais na tumigil sa paniigarilyo.

TIPS PARA MATAGUMPAY NA MATIGIL ANG PANINIGARILYO

1. Alamin kung anu-ano ang mga bagay na nakapagpapasimula o triggers ng paninigarilyo.


Mahalaga na malaman ang lahat ng bagay na nakapaghihikayaat sa sarili na manigarilyo. Ito’y upang
maiwasan ang mga ito ay hindi na matukso na muling manigarilyo.
2. Magtiyaga at panindigan ang pagtigil sa paninigarilyo
Muli at muli, disipilina ang pangunahing kailangan upang mapagtagumpayan ang pagtigil sa paninigarilyo,
ngunit kakailanganin din ang mahabang pasensya at pagkakaroon ng paninidigan sapagkat ang proseso sa
pagtigil sa paninigarilyo ay mahaba at mahirap.
3. Huwag magpapatalo sa pagnanais na manigarilyo.
Huwag hahayaan ang sarili na matukso ng mga “triggers” na nakapagpapasimula ng paghithit ng sigarilyo.
Labanan ang tukso.
4. Ibaling ang oras sa ibang mga gawain.
Ibaling ang oras sa ibang mga aktibidades gaya ng sports, pagbabasa ng libro at iba pang mga libanangan
upang makalimutan na ang pagnanais sa paninigarilyo.
5. Laging ipaalala sa sarili ang dahilan ng pagtigil sa paninigarilyo.
Bigyan ng motibasyon ang sarili sa pagtigil sa paninigarilyo, at lagi itong ipapaalala sa sarili nang sa gayon ay
mas lalong lumakas ang loob at maging determinado sa pagtigil sa paninigarilyo.
6. Alalahanin ang masasamang epekto sa kalusugan ng paninigarilyo.
Laging iisipin at matakot sa mga sakit at kondisyon na maaaring idulot ng patuloy na paninigarilyo. Isipin din
ang kalusugan ng mga mahal sa buhay na maaaring nakalalanghap ng usok na ito.

Ang bullying ay isa sa mga problema ngayon na hindi masyadong binibigyan pansin ng mga otoridad at ng mga
magulang. Walang tuwirang dokumentasyon at estadistika dito sa Pilipinas ang mga kaso ng bullying. Ngayon,
paano nga ba binibigyang pakahulugan ang bullying? Ayon sa Stop Bullying Campaign ng Estados Unidos, ang
bullying ay isang akto na hindi ginugusto ng pinapatunguhan ng kilos na ito. Ito ay may karakter na agresibo,
paulit-ulit, at may hindi pagkapantay ng lakas sa pagitan ng binubully at nambubully.

Ilan sa mga bagay na maituturing na porma ng bullying ay pagsasagawa ng mga banta, pagkakalat ng
nakakasamang mga tsismis, pagasuntong pisikal at pasalita sa isang tao, at ang sadyang hindi pagsama o pagsali
sa isang tao sa isang grupo.

May iba’t ibang tipo ang bullying. Nahahati ito sa pananalita, sosyal, at pisikal. Masasabing pambubully ang
pananalita kung tinatawag ang isang tao sa kung anu-anong pangalan (name calling), pangaasar, ‘di tamang mga
komentong may sekswal na konotasyon, pambubuska, at pagbabanta ng pagsasagawa ng sakit.

Sa kabilang banda ang social bullying naman ay: ang pagiwan sa isang tao ng sinasadya, ang pagsasabi sa iba
na huwag kaibiganin o pansinin ang binubully, pagkakalat ng mga mapanirang mga komento o usapin, at
pamamahiya ng lantaran.

Habang ang pisikal na manipestasyon ng bullying ay makikita sa mga sumusunod na gawain: panununtok,
paninipa, pangungurot, pandudura, pamamatid, panunulak, pagsira ng mga kagamitan ng isang tao, at
paggagawa ng mga bastos na mga senyas.

Para sa mga nakakaraming mga tao, ang alam nila ay nagkakaroon ng bullying lamang sa loob at labas ng
paaralan. Sa pagyabong ng teknolohiya, ang bullying ay nasa internet na rin. Ang ilan sa mga ito ay ang
pagpopost ng mga malalaswang litrato o video, pagkakalat ng mga kung anu-anong pangloloko, at walang tigil
na panggugulo. Para sa dagdag pang impormasyon ukol sa cyberbullying, tumungo sa link na ito:
brainly.ph/question/551351.

Epekto ng Pambubully

Sa magkakaibang mga bata, iba’t iba rin ang epekto ng pambubully. May mga batang hindi naapektuhan sa
pambubully habang ang iba naman ay may mga malalang implikasyon tulad ng tuluyang pagkasira ng
kalusugang mental, pagaadik o paggamit ng masamang droga, at minsan ay pagpapakamatay.
Para sa mga nambubully, may malaking pagkakataon na ang mga ito ay humantong sa pagtanda nila sa
pagabuso sa mga nakakalasing na inumin (alcoholism) o pagkalango sa droga (drug addiction; para sa dagdag
na kaalaman tungkol sa adiksyon, i-click ito: brainly.ph/question/442448), madalas na pagkasangkot sa mga
gulo, paninira ng mga ari-arian, hindi pagtatapos sa pag-aaral, maagang pagkasangkot sa mga sekswal na
gawain, pagkakaroon ng mga talang krimen at iba pang paglabag sa batas, at pagiging abusado sa kanilang mga
magiging asawa, anak, at iba pang mga karelasyon.

Lingid sa kaalaman ng iba, may epekto rin ang bullying para sa mga nakakakita nito o hindi mga direktang
nakakaranas ng bullying. Ang ilan sa mga ito ay pagkahantong sa paglalango sa droga, alak, at sigarilyo,
pagkakaroon ng depresyon at iba pang mga sakit sa isip, at madalas na hindi pagpasok at madalas na pagliban
sa klase.

Dahil sa bullying maraming mga bata ang hindi naniniwala sa kanilang sariling kakayahan. Marami ding mga
bata o estudyante ang nagpapakamatay o pinapasakitan ang kanilang sarili dahil sa mga sinasabi ng kapwa nila
na masama o hindi kaaya-aya na hindi na nila kayang itimpi.

Maraming pwedeng mangyaring masama sa mga biktima ng bullying.

Kaya ngayon kapit kamay tayong isugpo ang BULLYING kahit saan!!!!
Para sa mga NABULLY,

Bakit ka ba nagpapabiktima sa mga iyan? Tumayo ka naman. Wag kang magpadala sa kanila. Magbago ka
nang kunti. Kung binibiktima ka nila sa itsura, baguhin mo ng kunti ang labas ng sarili mo. Baguhin mo ang
mga ayaw nila sa iyo. Isumbong mo din sila sa mga guro, magulang o nakakatanda sa iyo. HUWAG KANG
MATAKOT!
Bullying. Isang salita na madaming kapahamakan nadulot sa iba’t-ibang panig ng bansa at ang makagawa ng
paraan upang tumulong itigil ito ay napakasaya. Madaming paraan para makatulong at napili ko ang mamigay
ng flyers kung saan nakapaloob dito ang mga salitang “No to Bullying.” Ipinamigay ko ‘to sa ilang mga
estudyante upang mabuksan sila sa isang kaisipan na walang maidudulot na kagandahan ang pang-aapi sa
kapwa. Hindi lamang nito nabuksan ang isipan ng iba, nabuksan din nito ang isipan ko na hindi ko dapat
binabalewala ang bullying. Ito'y isang seryosong pangyayari na dapat unti-unting binibigyang solusyon. At ang
maging isang parte ng solusyon na ito ay nakapagpagaan sa aking kalooban. Sa munting pagtulong na aking
ginawa naisip ko na hindi ko lamang tinulungan ang mga taong naapi kundi nakatulong ako na maiwasan ang
paglaganap ng bullying. Sa simpleng gawain tulad ng pamimigay ng flyers, naramdaman ko na hindi pa huli
ang lahat upang itigil ang bullying at maraming magagawa ang isang estudyanteng tulad ko upang maiwasan
ito. Sa isang munting gawain ay makakatulong na tayong iwasan ang bullying. Isang napakagandang experience
ang aking naranasan. Sana sa aking munting pagtulong ay na-impluwensyahan ko kayong simulan ang
pagpapalaganap ng mga katagang “No to Bullying.”

indi na bago sa mga Pilipino ang ideya na ang kaunlaran ay nagdudulot ng pagkasira ng kapaligiran.
Ayon sa popular na kanta ng Asin, hindi masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan. Ngunit
kung ikaw na ordinaryong tao ang tatanungin, gaano ba kalaki ang kontribusyon mo sa pagkasirang ito?
Karaniwan na sa kanayunan ang pagsusunog ng basura sa paligid ng bahay pagkatapos silang walisin at ipunin
sa isang tabi. Imbes na sunugin, ano naman ang maaari nilang gawin dito? Ibaon sa likod ng bahay para maging
pataba? Paano naman ang mga basurang hindi nabubulok kaagad sa ilalim ng lupa? Saan sila itatambak? Ang
suliranin sa pagtatapon ng basura ay isa lamang sa maraming usaping pangkalikasan, at ito ang totoong kaakibat
ng pag-unlad ng lipunan.

Sa pag-unlad ng lipunan, dumarami ang mga produktong nalilikha ng tao: mga produktong nakakatulong sa
pagpapagaan sa proseso ng pagtatanim ng palay at iba pang pinagkukunan ng pagkain; mga produktong
nakakapagpadali sa pagdadala ng mga produktong agrikultural; mga produktong nakakapagpaginhawa sa
pamumuhay at sa mga gawain sa loob ng tahana; mga produktong nagbibigay saya o mga produktong pang-
sining; mga produktong nagluluwal ng iba pang produkto; at marami pang klase ng produkto na nalilikha sa
sangkatauhan.

Kahit ang mga hayop ay nagtatapon din ng basura. Pero huwag na natin silang sisihin sa problemang hindi nila
kayang lutasin. Masisisi ba natin ang mga ibon na kung saan-saan na lang binabato ang mga buto ng prutas
pagkatapos itong kainin? Ang mga unggoy sa gubat na kung saan-saan lang tinatapon ang balat ng saging? Ang
mga baboy ramo na kung saan-saan lang tumatae (pasensya na sa mga kumakain)?

Bumalik tayo sa mga tao. Ano nga ba ang solusyon sa suliranin sa basura? Masasagot natin ito kung
maiintindihan natin kung paano umusbong ang parami nang paraming basura na nalilikha natin. Kung mga
hayop ay hindi natin masasangkot sa problemang ito, mayroon ding pagtatanggi sa laki o liit ng ambag ng
bawat tao sa problemang ito.

Ang ordinaryong mamamayan na nagtatapon ng balat ng kendi sa daan ay hindi hamak na mas maliit ang
ambag kaysa sa may-ari ng pabrika ng kendi na napakalaki ang kinikita sa paglikha ng kendi. Kung walang
kendi na nalikha sa pabrika, wala ding basura na maitatapon sa daan. Sino ngayon ang dapat singilin para
malutas ang ang problemang ito? Si Mr. Candyman ba na limpak-limpak ang tubo sa pagluluto at pagbebenta
ng kendi o si Juan na pagkatapos ilabas ang kendi ay itatapon lang sa labas ng jeep ang balat?

Si Lucio Tan ba na milyun-milyon ang kinikita araw-araw sa paglilikha ng sigarilyong di-maubos o si Pedro na
pagkatapos ubusin ang sigarilyo ay itatapon lang upos sa kalsada? Si Henry Sy ba na maliban sa kita niya sa
kanyang tindahan ay tubong-lugaw na rin sa mga plastic bag na pambalot ng binili ni Maria o si Maria na
tinatapon ang bag sa kalye kapag ito ay sira na?

Ang pananagutan sa problemang basura ay nakatuon sa kung sino ang lumilikha at nakikinabang sa paglikha
nito. Kahit sa basura sa hangin na nagdudulot ng pagbabago ng klima (climate change), ang may pananagutan
ay ang mga mayayamang bansa na siyang may pinakamalaking volume na ibinuga at patuloy na ibinubugang
greenhouse gas, hindi ang Pilipinas na mas maliit pa sa 1% ang ambag nito. Ang lumilikha at yumayaman ang
may pananagutan at sila ang dapat singilin para sa pagbubuo ng mga imprastruktura para ayusin ang pagtatapon
ng basura. At bago natin makalimutan, mayroong gobyerno para gawin ang lahat nang ito.

Sa madaling salita, gobyerno ang dapat maningil sa mga tagapaglikha ng basura, gobyerno ang dapat magtayo
ng imprastuktura sa pag-aayos ng mga basura. Gobyerno ang dapat maglagay ng mga basurahan sa bawat kanto
ng daan. Para saan pa ang napakalaking buwis na napupunta sa pork barrel na kontrolado ng Pangulo?

Kaya imbes na sisihin si Juan, Pedro, at Maria, ipaunawa natin sa kanila ang kahalagahan ng wastong
pagtatapon ng basura. Ipaunawa natin sa kanila ang kahalagahan ng pagsasama-sama upang singilin ang
gobyerno sa problema sa basura at gamitin nito ang pork barrel para maglagay ng mga basurahan sa bawat
kanto sa lahat ng kalye sa bung bansa, para magtayo ng mga na makabagong imprastuktura para ayusin ang
samu’t-saring basura na nililikha ng mga yumayaman dito.

Ipaalala natin sa kasalukuyang gobyerno na hindi lahat ng basura ay bawal itapon sa Ilog Pasig. Ang basurang
gobyerno ay nararapat lamang na itapon at palanguyin dito.

Basura mo, Itapon mo!

HMMM.. Bawal ang mga basurang pakalat- kalat!

Garbage (Photo Credit: Colors-and-grays.blogspot)


Garbage (Photo Credit: Colors-and-grays.blogspot)
Try to think of it?

Kung plastic kang makisama, yong tipong patatayuan ka ng monumento ng kausap mo at masasabi pa nila na
isa kang anghel kapag harapan, pero maipababaril ka sa luneta dahil sa sinasabi at ginagawa mo kapag ika’y
nakatalikod…. pakilagay ang sarili mo sa di- nabubulok ah.

Kung ang lumalabas na salita sa bibig mo ay pawang kasinungalingan at panlilinlang ….. pakilagay ang sarili
sa mga nabubulok.. ang Baho kasi eh. Umaalingasaw ang amoy tatalunin mo ang dump site sa Payatas.

Kung ikaw naman ay ang taong nakagawa ng pagkakamali at nais o nakahanda kang magbago at maituwid ang
mga nagawang pagkakasala sa diyos at kapwa PlS. Put urself sa recyclable materials. Napalaki nang pag-asa na
muli kang mapakinabangan ng Lipunan.

Tulad ko, ako may basurang maituturing nakagawa ng maraming pagkakamali subalit patuloy ko ring
pinagsusumikapan na maituwid at hindi na maulit aking mga nagawa. Ako man ay isang basura pero palagi
kong sinasabi sa aking sarili na kailangan kong maging kapakipakinabang, hindi lang ngayon, bukas o sa
makalawa. Ako ang basurang nangangako na gagamitin ko ang aking talino at kakayahan para sa ikabubuti ng
ating sambayanan
Basura: Biyaya o Disgrasya
Posted: September 17, 2010 in Kim John
Tags: basura, sanaysay 1
Kapag naririnig natin ang salitang basura agad pumapasok sa ating isipan na ito ay marumi at pinandidirihan
ng nakararami subalit kung ating bubusisiin ito’y may kapakinabangan ding maidudulot.

TAUN-TAON nagsasagawa ang ating pamahalaan ng mga batas o alituntunin ukol sa pagatapon ng mga
basura, patunay rito ang R.A.9003 o Ecological Solid Waste Management Act na nagsasaad ng tamang
pagtapon ng basura ngunit parang walang pagbabago. Hindi nasasaway ang mga pasaway, paano kasi ang ating
pamahalaan ay walang mahigpit na pagmamatyag.Kung ganyan palagi ang ipinapakita ng bawat isa talagang
babahain tayo ng mga problema.

Naalala niyo pa ba ang nakaraang bagyo? Ang ONDOY na halos ubusin ang lahat ng ating mga ari-arian at
masaklap pa rito dinala pa ng malalakas na hangin ang natitira nating pag-asa. Dahil sa mga basurang iyan na
nakatambak kung saan-saan hudyat na rin ito nang nakangangambang panganib. Kung mahigpit lang ang ating
pamahalaan, di hindi na sana ito nangyari pa na nakapaminsala sa nakararami nating mga kababayan. Huli na
kasi ang lahat bago sila kumilos. Kung iisipin natin,ngayon pa lang ay gabundok na basura na ang bumulagta sa
atin, di hindi lang ganito ang aabutin natin sa mga susunod pang taon baka pa nga lamunin tayo ng higanting
basurang iyan, dulot na rin ng hindi pagsunod sa R.A.9003.Isa-isahin niyo kapag marami ang basura syimpre
magdudulot ito ng baha lalo na sa mga mabababang lugar at dagdag pa rito mawawalan ng trabaho ang mga tao
dahil sa pinsalang dulot ng matinding trahedya.

Kulang! Kulang sa pamamaraan ang Department of Agriculture kung paano hikayatin ang sambayanan na
makiisa laban sa pesteng basura. Kung paano ihiwalay ang nabubulok na pwedeng gawing pataba. Paano kung
magkaroon na naman ng bagyo, guguho ang ating sanitary landfill at magdudulot na naman ito ng panibagong
trahedya.

Kung sa bagay nakagawian na nang mga Pilipino na magtapon ng basura kahit saan na hindi iniisip ang
kapakanan ng nakararami.Kaya ngayon subukan mo nang ihiwalay ang nabubulok at di nabubulok,nang sa
gayo’y makatulong ka rin sa ating kalikasan dahil kung hindi magdudulot na naman ito ng malawakang
pagbaha gaya nang nangyari noong nakaraaang bagyong ONDOY na nakapaminsala ng ating mga ari-
arian.Kulang kasi ang gobyerno sa pamamaraan kung paano gawing mas kapakipakinabang ang mga basura sa
ating kapaligiran.

Kaya ngayon umpisahan mo nang makatulong sa ating kalikasan kahit man lang sa pagsunod sa R.A.9003.

Kapag nagawa natin ng maayos ang mga ito, masasalamin natin ang malinis at magandang kapaligiran, malinis
na hangin, makakaiwas sa sakit at karamdaman, maipagmamalaking pamayanan, may disiplina at magandang
halimbawa na tiyak na pamamarisan sa ibang lugar at susundan ng mga susunod pang henerasyon.
Mahalaga na itapon sa tamang lugar ang mga Basura kasi tayo ay Nilikha ng Diyos upang Pangalagaan ang
mga nilalang sa mundo, at hindi abusuhin, sirain ito. Kundi magkaroon ng Responsibilidad dito, at ang mga
kalat natin ay nasa tamang lugar at inilalagay din sa tamang lugar ang mga basurang nagmumula sa mga Tao .
Batayang Teyoretical
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, nais ng mga mananaliksik na matuldokan ang problema na kaakibat sa
patatapon ng basura. Gusto namin silang turuan o ipaalam sa kanila ang kahalagahan ng tamang pagtapon ng
basura. Tayong lahat ay may magagawa kung tayo mismo ang siyang kumikilos atindi lang basta sabi sabi.
Matutulongan natin ang ating mga sarili na maging malinis pati na rin ang mahal natin na kalikasan.

Ayon kay Dr. Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ang makabagong henerasyon ng mga kabataan
ay hindi ganoon ka ganda dhil kokonti na lamang sa kanila ang marunong gumalang sa mga nakakatanda. Kung
hindi sila marunong gumalang sa kanilang mga magulang papaano na lang kaya ang kalikasan? Ang mga
makabaong henerasyon ang hindi mo inaasahan na makatutulong dahil lagi silang nagrerebelde. Lahat tayo ay
may masamang ugali. Ugali na pwede pang baguhin. Kung matuturuan ang mga kabataan sa tamang pagtapon
ng basura, sila ang magiging makabagong henerasyon ng tagapagpangalaga ng kalikasan.

Ang ating gobyerno ay nagbibigay ng mga solution sa basura. Gaya ng paglagay ng signage na bawal itapon
ang basura dito at pagmumulta sa mga lumalabag. Ngunit kung tayo mismo ay hindi marunong sumunod
walang silbi ang solution ng ating gobyerno. Laging sinasabi sa balita na sa ating kapabayaan sa ating kalikasan
pababayaan din tayo ng ating kalikasan. Gaya ng ating panahon, kung may mga bagyo at may maraming
nakakalat na basura, ang mga tao ay magkakasakit at dahil sa sakit maaari tayong mamatay.
Isa lamang ang solution sa mga problema sa basura. Kung tayong lahat ay magtapon ng basura sa tamang
lalagyan, wala tayong magiging problema. Hindi lamang ito isang issue sa pagtapon ng basura kundi isa itong
issue sa pangangalaga natin sa ating kalikasan. Binigyan tayo ng Panginoon ng mga magagandang paligid
ngunit tayo mismo ang sumisira dito. Hindi lamang tayo ang masisiyahan sa tamang pagtapon ng basura kundi
pati na rin ang ating Panginoon.

Kailan tayo magsisimulang umaksyon sa mga problemang ito? BUkas? Sa Susunod na bukas? Ngayon!
Nagyon dapat ito simulan. Ang malinis na paligid ay parang isang puno. Kung pangangalagaan ang puno
magbubunga ito ng magandang prutas. Dahil walang mas sasaya pa sa atin kundi ang malinis na paligid at
malayo sa mga sakit.
KABANATA 1 : ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO
Panimula

Ang ating kalikasan ay parang ating buhay. Kung ano tayo sa kalikasan ganun din tayo sa ating mga sarili.
Araw-araw tayong lahat ay may tinatapong basura. Ngunit gaanu nga ba kalaki ang ating kontribusyon sa
malinis na kapaligiran? Paano natin mapapangalagaan ang ating kalusugan pati na ang ating mamimili kung ang
paligid ay madumi? Paano nga ba natin maiiwasan ang baha na ang sunhi ay ang mga basurang nakakalat kung
saan saan?

Ang kalinisan sa ating paligid ay napakahalaga lalo na sa ating kalusugan. Ang Magallanes Street ang isa sa
mga lungsod ng Cebu na kapag umuulan ay bumabaha. Isa sa mga sanhi ng baha ay ang basura. Mga basura na
kung saan nila itinatapon. Alam nating lahat na hindi lamang mga tindera ang siyang nagtatapon ng basura kahit
saan pati na rin ang mga mamimili ng kanilang mga tinda. Bilang mga tindera may mga responsibilidad tayo na
dapat gawin gaya na lamang ng tamang pagtapon ng basura.

Ang maruming paligid ay nagbibigay epektp sa kalusugan ng tao kaya kung malinis ang paligid siguradong
hindi tayo magkakasakit. Gaya ng mga tindera sa Magallanes Street, kung hindi nila itatapon ang kanilang mga
basura sa tamang lalagyan magkakaroon ng baha sa kanilang palibot at dahil sa baha ay wala mamimili ang
gustong bumili.

Ayon kay Dr. Jose Rizal ang kabataan ang pag-asa bayan. Sabi ni Dr. Jose Rizal na ang tunay na kahulugan ng
pag-asa ay hindi nakikita sa mga kokonti lamang bagkos ito ay nagsisimula sa sariling sikap upang matulongan
natin ang ating sarili para sa ika-uunlad ng bayan. Ang kalinisan sa paligid nagsisimula sa mga tindera. Kahit
simple lamang ang pagtapon ng basura malaki ang maitutulonjg nito sa kapaligiran.

Ayon sa kanta ng isang band na Asin na pinamamagatng "Masdan mo ang Kapaligiran," masasabi mo na ang
mga tao ay walang pakialam sa mga pangyayari sa paligid. Mas pinagtutuunan nila ng pansin ang kanilang pag-
unlad. Ngunit para saan pa gn pag-unlad kung ang paligid ay napakadumi at nagsasanhi ng sakit sa mga tao?
Idiniin din niya sa kanyang kanta na hindi dapat sirain ang biyaya na bigay ng Diyos.

Ayon na man sa author na si slickmaster, isang author sa blog para sa mga Pinoy viewers, "na sa dinami dami
naglipana sa mga daluyan ng tubig, lalo na sa mga ilog, ang mga bsaura ang pinakapansin sa lahat." Kahit sa
ibang lugar nangyari ang ganyan kung mangyayari ito sa MAgallanes Street maraming tao ang mapipinsala
hindi lamang ang mga tindera at mga mamimili pati na rin ang mga taong dumadaan at mga estyudante. Kung
hindi tayo gagawa ng paraan wala siguro tayo ngayon dahil ang
Malapit na naman ang eleksyon. Pitong buwan na lamang ang bibilangin at eto na naman tayo sa mala-
tsubibong panahon ng pangangako sa mga tao. Dito masusubukan kung sinong pulitiko ang may
pinakamabulaklak na dila. At sigurado, kung sino ang pinakamagaling mambola, siya ang panalo. Ika nga sa
larong pambata “maiba, taya!”.

Ang galing, di ba?

Wala ba kayong napapansin? Taong 2009 nang ginulo ni Ondoy at Santi ang bansa natin. Maraming probinsya
sa Luzonang naapektuhan ng kalamidad na ito. Ang trahedya ding ito ang naging sukatan ng mga botante para
makapili ng kanilang alaga para sa darating na pambansang eleksyon noong taong 2010.

Gayundin naman, sinamantala ito ng mga ambisyosong pulitiko, patuloy ang kanilang paglapit sa mga tao para
magkunwari at magbigay ng pangakong magpapaasa. Kalakip ng pagbibigay ng kanilang mga pangako ang
dalawang lata ng sardinas at dalawang kilong bigas (na nakalagay sa plastic na may mukha at pangalan ng
kandidato?)
Siyempre, ang kawawang mamamayan ay maniniwala sapagkat sa tingin nila ay sapat na ang mabusog ang
kanilang tiyan. Ngunit hindi doon nagtatapos ang kuwento, kapag ang pulitikong ito ay naupo na sa puwesto,
mangyayari na ang tinatawag nyang “resbak”.

Dito mangyayari ang paniningil sa mga ginastos niya sa pinambili niya ng dalawang lata ng sardinas at
dalawang kilong bigas. At sigurado, tatlong doble ang sisingilin nitong tubo. Kakaiba, hindi ba? At sino na
naman ang kawawa pagdating sa huli? – Ang taong bayan. Ang kawawang si Juan.

May nakapagsabi na rin na ang bawat taon sa kada-tatlong taong termino ng bawat pulitiko ay may skedyul
kung paano nito mapapaikot ang taong bayan.

Sabi nila, ang unang taon daw ay ang pag-aaral ng mga gawaing gobryerno. Kabilang dito ang paunti-unting
paniningil ng mga nagastos ng nakaraang eleksyon.

Sa ikalawang taon naman nangyayari ang equilibrium of governance. Dahil dito ginaganap ang 50/50 na
paglilingkod at pag-iipon. Singkwenta porsyento ng pondo ay mapupunta para sa pangangailangan ng mga tao
kagaya ng pagpapatayo ng mga gusali, paaralan, pagpapasemento ng daan at iba pa. Samantalang ang natitirang
singkwenta porsyento ay ilalaan upang mabayaran ang kabuuang nagastos noong nakaraang eleksyon at ang
matitira ay ilalaan naman bilang pondo ng isang pulitiko sa darating na eleksyon.
At ang ikatlo at huling taon ng pamumuno ay nakatuon sa pagpapabango ng isang pulitiko upang muli siyang
makilala at nang siya ay magkaroon muli ng tsansa na kumita. Bibihira na talaga ang mga namumuno na may
matuwid na hangarin.. Mistulang magneto sa paningin ng mga ambisyosong pulitiko ang pera at ang kaban ng
yaman ng mamamayan. Ganito ang pulitika sa Pilipinas.

Kung tutuusin, kayang-kaya ng bansa natin ang pumantay at lumebel sa ibang naglalakihang bansa dito sa
mundo. Pero dahil sa makasariling hangarin ng mga namumuno, nawawala ang ambisyon ng pagpapaunlad at
unti-unting nalulupog at napipilay ang bayan ni Juan.

Sa panahong kasalukuyan, muling naulit ang trahedya noong 2009, dumating si Haring Habagat. At eto ulit
kami, nalubog na naman sa baha. Nasaan na kaya yung mga pulitikong mahilig mangako?

Malapit na ang 2013 eleksyon.

Hmmmm…… isang obserbasyon pa rin ito, kami ang naapektuhan ng baha, pero dahil kakaunti ang botante sa
aming lugar, maliit ang pansin na ibinibigay sa amin ng mga pulitiko. Isang beses lang yata kami nakatanggap
ng tulong na relief goods. Mabuti pa ang mga organisasyon na kaugnay ng simbahan, patuloy ang pagbibigay
ng tulong. Walang pinipiling lebel ng mamamayan basta ikaw ay apektado.

Samantalang ang mga pulitiko, naroon at patuloy na nakikipagsiksikan sa mataong lugar na hindi man lang
naapektuhan ng kalamidad. At dahil nga naroroon ang karamihan ng mga botante, ang tulong na nararapat para
sa mga naapektuhan ng trahedya ay doon na rin dinadala.
Tsk tsk tsk…

Ano pa nga ba ang dapat naming gawin? Wala naman kaming choice. Kaya kung minsan, nakatatamad na ang
bumoto. Mas gusto ko pa ang mag-abstain na lamang. Kaya lang, kung ganito palagi ang aking desisyon, lalo
lamang lulubog ang bayan ni Juan. Pero kung iyong iaanalisa, tingnan maigi ang listahan ng mga kandidato o
nominado, karamihan ay trapo o yung tinatawag na traditional politician, ang iba naman ay kilala ng kurakot, at
ang natitira naman ay yung mga napilitan lang kumandidato dahil sa udyok ng mgas kapwa pulitiko o sindikato
marahil.

Sino pang iboboto mo? Ang trapo, ang corrupt, o ang puppet?

Halina at ako ay inyong samahan, muli nating abangan at obserbahan kung ano ang inihanda para sa atin ng
mga nominado sa darating na eleksyon 2013 habang kami ay narito pa rin at pinipilit tumayo mula sa
pagkakalugmok ng aming kabuhayan sa baha.

“Sino nga ba ang dapat iboto?” Ngayong nalalapit na naman ang eleksyon, ito pa rin ang tanong ng marami sa
atin. Madalas nating marinig sa telebisyon, radio o dyaryo ang paulit-uilit na paalala na tayo ay bumoto ng tama
at pumili ng karapat-dapat.

Ngunit sino nga ba ang tama? Sino nga ba ang dapat iluklok ng taong-bayan sa puwesto? Sino nga ba ang
karapat-dapat mamuno sa atin at sa ating sintang bayan? Sa dami ng kandidatong tumatakbo ngayon, hindi
uubra ang palabunutan o iasa na lang sa tiyamba ang lahat.

Sa ating mga boto nakasalalay ang kinabukasan ng ating mga pamilya at ng ating minamahal na Pilipinas. Ang
kailangan natin ay isang mapanuring mata at tapat na konsiyensya upang responsableng piliin ang wastong
pangalan na isusulat sa balota. Huwag sayangin ang iyong boto! Isang boto man iyan ito ay may
kapangyarihang gumawa ng mga magagandang bagay kung gagamitin ng tama.

At upang gabayan ka sa iyong pagdedesisyon, narito ang 10 katangian ng isang matuwid na lider:

MAY TAKOT SA DIYOS. Nakikita sa buhay niya ang pagsunod sa Biblia. (2 Samuel 23:3-4)
MAY MALASAKIT AT PAGMAMAHAL SA ATING BAYAN. Tunay ba siyang mamamayang Pilipino sa
“isip, sa salita, at sa gawa?” (Deuteronomio 17:15)
MAY KAKAYAHANG MAMUNO. Kaya ba niyang patakbuhin ang ipagkakatiwalang tungkulin sa kanya?
( Genesis 41`:37-41)
MAGALING MAMAHALA SA SARILING PAMILYA. Tapat sa kanyang asawa at anak, hind alipin ng
anumang bisyo at mataas ang antas ng moralidad. ( 1 Timoteo 3:4)
MAY INTEGRIDAD. Hindi masusuhulan at makatotohan sa pananalitang binibitiwan. ( Deuteronomio 16:18-
19)
MASIPAG. Ginugugol ang panahon sa pagganap ng tungkulin. ( Roma 12:11)
MATUWID. Hindi nangungurakot sa bayan at di nasasangkot sa katiwalian. ( Awitr 89:14)
HINDI SAKIM. Magpapayaman ba siya sa maling paraan? Gagamitin ba nya ang kanyang posisyon para
magpayaman? ( Kawikaan 29:4)
TINUTUPAD ANG SINASABI. Mayroong isang salita sa pagtupad ng pangakong binitawan. May lakas ng
loob at kakayahang ipatupad kung ano ang tama. Kung may pagkakamali, may pagpapakumbabang aminin at
itama ito. ( Kawikaan 25:14)
WALANG PINAPANIGAN. Maasahang magiging patas sa anumang pagpapasya. (Kawikaan 31:8-9)
* Ang “10 Katangian ng Matuwid na Lider” ay hinango ng may permiso mula sa “Sino ang Dapat Iboto sa
Eleksyon” mula sa Philippine Bible Society.
ANG TAMA AT KARAPAT-DAPAT: Sa Eleksyon 2013, Makialam Ka!
Ang iba ay nagsasabing nakatutulong ang droga ara maibsan ang pangangailanagan. Pangangailangan sa tulog o
marahil ay tulong para sa problema. Pero ganoon nga ba? Kadalasan ng hindi sinasabi ng isa ang nagiging unti-
tunting negatibong epekto sa kanila ng isang bagay. Kaya karamihan sa kanila ay unti-unti na ring lumulubog sa
masamang bagay na ito.

Bakit pa kasi nasimulan? Ito ang kadalasang tanong ng mga ka-pamilya o marahil tanong ng mga nabiktima
mismo. Maaaring buyo ng mga kaibigan, pagiging mausisa, o pagrerebelde. Pero sapat bang dahilan iyo para
masabing wala siyang pagkakamali. Malamang na hindi.

Likas sa atin ang pagkakaroon ng budhi at konsiyensya. Mahalagang malaman natin na higit sa lahat itong
makatutulong sa atin. Bawat magnanakaw bago sila magnakaw ay nakaramdam ng binubudhi. Sa katulad na
paraan, sa mga gumagamit ng droga ay tiyak na naranasan din nilang budhiin.

Hindi nila maaaring sabihin na hindi nila alam na mali. Pero bakit nila itinago ang paggamit nito kung hindi
nga nila alam na ipinagbabawal ito? Oo, ang mga tao sa ngayon ay hindi sanay tumanggap at umamin ng
pagkakamali nila. Pero dapat na hindi maging gayon ang isa.

Sa paggamit ng droga ay hindi lang sumisira sa katawan, pag-iisip, o sa sarili mo. Kundi pati na rin sa buhay ng
mga nagmamahal sa'yo. Hahayaan mo bang maging gayon ang kalagayan mo?

Nawa'y hindi maisapanganib ang bawat isa sa atin sa paggamit nito. Bawat isa sa atin ay may kalayaang
magpasya at magdesisyon. Ngunit hindi iyon dahilan upang gumawa ng mali at masama. May kakayahan din
tayong umibig. At hindi natin dapat hayaan na mapalitan ng poot at galit ang pag-ibig na iyon dahil lang sa
isang droga.

Paggalang sa buhay at sa minamahal. Kung ito ang ikikintal natin sa ating isipan minu-minuto, makasisiguro
tayong makalalayo sa ipinagbabawal na gamot na ito, droga
Saan ba natin ginagamit ang tubig?
Ginagamit natin ang tubig sa pagluluto. pag-inom. paliligo. Paghuhugas ng lahat ng bagay.
Ganun din sa pang-agrikultura gaya ng pagsasaka at pangingisda.
Kailangan din natin ang tubig para sa Manufacturing Industry.
Kinakailangan din na may tubig kahit sa libangan. gaya ng swimming. pagbabalsa ng kahoy. O boating.
Hydropower generation.na lubhan gmalaki ang naitutulong sa ating buhay at sa ating kabuhayan.

Gaano kahalaga ang tubig sa ating katawan?


Ang katawan ng tao ay naglalaman ng humigit-kumulang na. 70 porsiyento ng tubig at dapat itong makuha
nang sapat upang maging malusog at sariwa ang ating katawan.

Image Source

Ang ating katawan ay gumagamit ng tubig, sa lahat ng mga selula o organo, at tisyu nito upang makatulong na
makontrol ang temperatura at mapanatili ang iba pang mga pag-galaw o pagkilos ng katawan. Ang ating
katawan ay lumilikha ng mga bagong selula bawat minuto. L:ubhang kinakailangan ang tubig sa bagay na ito, at
ang paginom ng sariwa at ligtas na tubig ay tumutulong sa produksyon ng mga selula, na nagpapahintulot sa
iyong mga kalamnan na lumago at maging malakas.

Dahil ang katawan ay bnababawasan o nawawalan ng tubig sa pamamagitan ng paghinga, pagpapawis, at


pagtunaw, mahalaga na mag-palit ng kakulangan na tubig sa pamamagitan ng pag-inom ng mga likido gaya ng
tubig at pagkain ng mga pagkain, prutas o gulay na naglalaman o mayaman sa tubig. kung uminom ka ng tubig
ay nagdaragdag ka ng iyong katingkad. Ang tubig ay nakakatulong sa pagpapasigla ng mga patay na selula at
pinatataas ang suplay ng oxygen. Tumutulong ito sa paggawa ng mga mekanismo ng utak ng cell.

Ang tubig ay malaki ang maitutulong upang magpawalang-saysay ng katawan ang mga sakit at makatulong na
mapawi ang mga ” toxin” na maaaring humantong sa kanser.
. Ang tubig ay ang tanging inumin na hindi nakakapinsala at maaaring magkaroon ng napakaraming mga
benepisyo tulad ng ”miniaturization” ng balat, pag-alis ng ”byproduct” ng taba at may malaking tulong sa
pagbawas ng timbang.Ang tubig rin ay nakagagamot at pagpapagaling para sa isang taong nagdurusa sa
anumang uri karamdaman gaya ng impeksiyon.
Ang mga nakaugalian natin sa hapag kainan o sa pagkain sa panahong ito ay nagiging sanhi at nagdudulot ng
pagbuo ng mga nakakalason na basura sa ating katawan na maaaring maging dahilan at humantong sa iba’t-
ibang uri ng sakit sa tiyan sa balat at sa isipan.at binibigyan din ng sapat ang mga organs na nangangailangan ng
tubig..
Ang tubig ay hindi lamang moisturizes mo mula sa loob, ngunit pinapanatili mo detoxified ang iyong buong
katawan.
Ang isang malusog na pamumuhay at isang masayang araw ay nagsisimula sa isang baso ng tubig, kaya i-angat
na ang isang basong tubig at sabihin ang mga katagang “cheers”, tubig para sa tagay ng buhay
Bakit mahalaga ang Tubig? Ano ang naitutulong nito sa pang araw araw nating buhay?
Ang tubig ay napakahalaga sa buhay ng tao. Marami itong gamit. Di tayo mabubuhay kung walang tubig.
Pwede natin itong magamit bilang inumin, pampaligo, panghugas ng pinggan, panglinis ng mga kagamitan,
panlaba,, panlinis ng mga sasakyan.Kapag tayo ay nauuhaw una natin naiisip uminom ng tubig. kapag tayo ay
naiinitan, gusto nating maligo.Kapag tayo ay tapos n kumain pano tayo maghuhugas kung walang tubig. kaya
napakahalaga ng tubig para sa atin. Dapat natin itong gamitin ng maayos. Ang mga ilog, dagat, talon, batis sapa,
lawa ay ilan lamang sa mga anyong tubig na dapat nating pangalagaan hanggat maari dapat wag natin itong
abusuhin, wag natin itong itong tapunan ng kahit anong klaseng basura gaya ng mga plastic, lata, basyo ng bote,
patay n hayop, at dapat ang mga gamit n oil ng mga pabrika ay hindi dito tinatapon bilang pag iingat sa ating
yamang tubig. dahil dito nagmumula ang mga tubig na ginagamit natin s bahay.At wag nating kakalimutan
pagkatapos gamitin dapat ito ay patayin upang di masayang ang tubig para yung mga susunod n henerasyon ay
may magamit pa. KAYA NAMAN "LET'S CONSERVE WATER"!!

Você também pode gostar