Você está na página 1de 2

Ano ang bayani sa panahong ngayon?

Ni Gianina Martha Anit

Isa ang bayani sa mga konseptong mahalaga para sa isang bansa. Ang
bayani ay nagsisilbing inspirasyon para sa isang lupon ng mga tao. Inspirasyong
hindi lamang upang gayahin ngunit mas higit ang pagbibigay ng pag-asa sa mga tao
na may lulutas ng kanilang suliranin, at may magbubuklod sa kanila tungo sa
pagkakaisa. Madalas ginagawang ehemplo ang bayani sa dapat na asal ng mga tao.
At sa kaso ng RA 1425, ginamit ni Claro M. Recto ang pambansang bayani ng
Pilipinas upang maging instrumento sa pagbuo ng kaisipang nasyonalista at
pagkakabuklodbuklod ng mga Pilipino. Ngunit ano na nga ba ang bayani sa panahon
natin ngayon? Kasama bang nabago ito sa pagtakbo ng kasaysayan ng ating bansa?

Ayon sa mga lektura sa PI 100, ang bayani o ang ibang anyo ng salita na ito
ay nakakalat sa ibat-ibang dayalekto at lengwahe. Masasabing kalat ang konseptong
ito sa unang panahon pa lamang. Kabilang din ang salitang ito sa mga diksyunaryo
at dokumento ukol sa wika. Halimbawa, ayon sa Boxer Codex noong 1590, ang
bayani ay isang lider mandirigma, walang takot, at nagbibigay ng tulong ng walang
kapalit. Ayon naman kay Pedro San Buenaventura noong ikalabing anim o ikalabing
pitong dantaon, ang bayani ay isang taong may tapang. Nabuo naman nila Juan de
Noceda at Pedro San Licar ang iba’t ibang anyo ng salitang bayani, tulad ng
magbayani, ipabayani, at bayanihan. Ang magbayani ay nangangahulugan ng
pagpapanggap bilang isang bayani samantalang ang dalawang nahuling salita ay
ukol sa paggawa ng walang kapalit. Noong 1914, dinagdagan naman ni Pedro
Serrano-Laktaw ang kahulugan ng bayani. Ayon kay Laktaw, ang bayani raw ay
isang taong templado o mahinahon. (Isang pagmumunimuni: hindi kaya nabuo niya
ang pakahulugang ito galling sa mga Amerikano, na pinili si Rizal bilang pambansang
bayani dahil sa kanyang pagka’mahinahon’?).

Bumuo naman si Atoy Navasero ng mga pakahulugan sa bayani sa paglipas


ng panahon. Ayo sa kanya, sa sinaunang bayan (Bago 1565), ang bayani ay ang
tagapagtanggol hindi lamang ng bayan ngunit maging ng santinakpan. Ang bayani
rin daw ang nagpapanatili ng kaayusan sa isang bayan. Sa panahon naman dawn g
krisis o sa panahong nasakop tayo ng mga Espanyol (1565-1896), masasabing isang
bayani ang isang tao kung mapananatili niya ang kaayusan, mapagtatanggol niya
ang bayan, magtatangka siyang maibalik ang bayan sa dati nitong kabuuan, o
magtatangka siyang bumuo ng bagong kabuuan. Simula naman daw 1896 hanggang
sa kasalukuyan at hinaharap, bayaning maituturing ang isang tao kung mapag-iisa
niy ang inang bayan, bansa, at sambayanan.

Gumawa naman si Zeus Salazar ng dalawang uri ng mga taong may


nagawang mahalag para sa bansa. Ang heroe, kung saan ang ibinigay niyang
halimbawa ay si Rizal, ay mga ‘bayaning’ may kamalayan na kanluranin at may
pansariling misyon. Ang mga heroe rin daw ay gumagawa ng mag-isa at nahihiwalay
sa bayan. Samantalang ang mga tunay na bayani, ayon kay Salazar, ay
nagtatrabaho para sa grupo at hindi naihihiwalay sa bayan. Ang mga bayani rin daw
ay gumagawa ng tulong tulong, kasama ng iba.

Mapapansin natin sa pagdalumat ni Navasero na ang pakahulugan sa bayani


ay bahagyang naiiba ayon sa tawag ng panahon. Sa panahong walang mananakop,
pagtatanggol lamang ang gawain ng mga bayani at maaring pagtulong rin sa mga
tao. Habang sa panahon naman ng kolonyalismo, inaasahang ang bayani ang
magpapalaya sa bayan buhat sa mga nanakop sa huli. Sa panahong wala na ang
mga kolonisador, ang bayani naman ay inaasahang mapagkaisa ang isang bansang
dumaan sa matinding pagsubok at nadurog buhat sa dinanas na dilim. Masasabi
ngang mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga bayani sa pagbuo ng isang
bansa.

Sa panahon natin ngayon, kung saan tayo ay masasabing malaya na dahil


wala nang sumasakop sa atin, ano na nga ba ang pakahulugan sa bayani? Nang
tanungin ang klase kung ano ang maaring kwalipikasyon ng isang bayani, nasabing
dapat ang bayani ay gumagawa o umaaksyon, makamasa, lider, matapang, may
paninindigan, handang magsakripisyo o may isinakripisyo, matalino, kritikal, at may
impluwensya. Dapat rin daw na hindi isaalangalang ang kasarian. Kailangan ding
nalalaman ng bayani ang mga pangyayari sa kanyang panahon. Kapag tinanong mo
ang isang Pilipino ngayon kung sino ang bayani para sa kanya, kadalasan Rizal,
Bonifacio, Aguinaldo o sino pang mga masasabing bayani noong mga panahon ng
digmaan. Marahil si Ninoy Aquino na ang pinakamalapit sa ating henerasyon na
masasabing isang magiting na bayani. Ganoon na nga ba kalayo sa ngayon ang mga
bayani natin? Mayroon ba tayong maituturing na bayani ng ating henerasyon?

Manny Pacquiao o Jun Lozada? Mga OFW o ang nanay at tatay mo? O ang
boyfriend o girlfriend mo? Si Manny Pacquiao nga ba sapagkat sa tuwing araw ng
laban niya, walang nangyayaring krimen sa Pilipinas at ‘cease fire’ ang magkabilang
panig ng politika? Pambansang bayani na nga ba ang Pambansang Kamao? Ngunit
kailangan nga bang araw araw na may boksing sa Pilipinas para magkasundo ang
lahat? Kung ‘knockout’ si Manny, makknockout na rin ba ang bansa? Si Jun Lozada
na ba sa pagsisiwalat niya ng ‘katotohanan’ ng katiwalian sa pamahalaan? Sa
kanyang paglipatlipat sa iba’t-ibang lugar sa bansa upang mapagkasundo ang buong
bansa na labanan ang katiwalian? Hindi kaya bigla niyang maisip na gawing
campaign rally ang kanyang krusada?

Ang mga OFW’s, ang nanay o tatay mo, ang mga maliliit na taong tumutulong
ng walang kapalit sa mga taong hindi nila kilala. Maaring ituring din silang mga
bayani sa maliit nilang pamamaraan. Sa mga gawain nila, may mga nababagong
buhay. Siguro kahit papaano unti unti nilang napipihit ang landas ng Pilipinas tungo
sa magandang kinabukasan. Hindi maaaring maliitin ang mga kanilang mga gawain.
Ngunit nakalulungkot isipin na wala akong masabing bayani ng ating henerasyon na
maihahambing kay Rizal, Bonifacio, Ninoy, at sa iba pang bayani ng mga nakaraang
dantaon. Naipagwawalang bahala na nga ba ng mga Pilipino ang tunguhing
mapagkaisa ang bansa sapagkat wala naming banta ng pananakop? Nagkakanya
kanya ng nga ba tayo at tumutupad na lamang sa ating mga pansariling layunin?

Sana sa marahil milyong katao na nakakuha at kumukuha ngayon ng PI 100,


may mga indibidwal na namulat ang isipan ukol sa dahilan kung bakit nila
kinukuha ang kursong ito. Na ginawa ni Claro M. Recto ang RA 1425 upang
mapagkaisa ang ating bansa. Sana may mga umusbong na bagong bayani ng ating
henerasyon. Mga taong matapang, may paninindigan, may inisyatibo, at may
kakanyahang pagakaisahin ang bansang Pilipinas, ang lupa kung saan tayong lahat
ay nagmula.

Você também pode gostar