Você está na página 1de 2

Crush

By: John Cedrick C. Eugenio

Pagpasok sa eskwela
Napansin agad kita
Ikay kakaiba
Akoy napatulala
Minamasdan kita
Saan uupong silya

Gagawan ng paraan
Mapansin lang kita
Iimprenta sa isipan
Mga letrang bibitawan

Pagbanggit ng iyong pangalan


Aking aabangan
Mga mata na sayo nakatingin
Sa pagsulyap, kikiligin
Mga kamay, lalamigin

Totoo ngang may pagtingin


Mga ngiti hanggang buwan
Hindi alam ang dahilan
Pag ikay andyan
Agad kinakabahan

Napupuno ng kilig
Sa ayos mo at tindig
Boses mo’y naririnig
Katawan ko’y nanginginig

Gusto kong malaman lahat ng


Tungkol sayo, dahil sa buhay mo
Ako’y interisado
Bubuksan ang pinto dyan sa puso mo

Sabay pupunuin lahat ng espasyo


Nagsisilbing inspirasyon ang isang katulad mo
Pag anyan ka umiiba ang ihip ng mundo
Minamasdan ang bawat galaw
Puso ko’y sumisigaw
Isip ko’y naliligaw
Bukambibig ay ikaw

Você também pode gostar