Você está na página 1de 5

KABANATA 6

UNANG UGNAYAN NG SILANGAN AT KANLURAN


Simula ng islam
Ikapitong siglo nang magsimula ang Islam sa tangway ng Arabia. Bagaman malaki ang kaunahan ng ibang pangunahing relihiyon, naging pinakamahalagang salik kakayahan ng Kanlurang Asia ang Islam at nagkaroon ng mahalagang impluwensya sa buhay pulitikal, panlipunan, ekonomiko at militar hindi lamang sa mga bahagi rin ng Timog silangan asia tulad ng Indonesia at Pilipinas.

Pagsilang ng islam
Naghari ang pagdarahop at kaguuhan sa timog Arabia nang isilang si Muhammad. Maliban sa mga sinasabing tradisyon, wlang gaanong malinaw na ulat tungkol sa buhay ni Muhammad ( most high priest ang kahulugan nito). Sa kanyang paglalakbay, narating niya ang Syria at Palestine at marahil doon siya nakakuha ng ipluwensyang Hundaismo. Dalawangput limang taon si Muhammad nang magpasagawa niya ang biyudang si Khandijan at naging mariwasang mangangakal. Tinaguriang Hegira ang pag likas na ito na nakapagbago sa takbo nang buhay ni Muhammad. Sa Medina, may kapangyarihan siya bilang mambabatas, hukom at mandirigma. Pinasimulan niya ang estadong pinamamahalaan ng caliph. Sa kanyang pag balik sa Mecca noong 630, boung puso siyang tinanggap at nang namatay siya noong 632, naging Muslim ang boung Arabia.

Mahahalagang Simulain at gawain ng islam


Napaloob sa tinatawag na Limang Haligi ng Islam ang pangunahing aral ng Islam. Ito ang sumusunod.
1. 2. 3. 4. 5.

Paniniwala na walang ibang diyos maliban kaiy Allah at si Muhammad ang propeta. Pagdarasal sa limang ulit sa isang araw nang nakaharap sa Mecca. Paglilimos sa mahirap Tinatawag na zakat ang limos na ito. Pangingilin sa buwan ng Ramadan at pagpapahayag ng Koran. Paglalakbay sa banal na lupaing Mecca. Tinatawag na Hadji yaong mga nakalakbay na sa lupaing ito.

Paglaganap ng Islam

Makalipas ang sampung taon pagkamatay ni Muhammad, humalili si Abu Bakr, may titulong Caliph, Defender of the Faith. Nagtagumpay ang sundalong Arabe sa pakikipaghamok sa kaharian ng Byzantine at Sassanid sa persia at Palestine at mga lungsod ng Antioch Damascus at Jerusalem. Nakuha nila ang kalahati ng asia minor at cyprus ngunit nabigo sila sa pag kuha sa Constantinople Ang pangunahing nanakop sa India ay ang mga galing sa Central Asia na nagbalik-loob sa Islam mga persiano, afghan, mongol at turko. Pinangunahan ni Mahmud na taga-Ghazni (sentro ng kultura ng mga turko na afganistan ngayon) ang pananalakay noong 998-1030. Ito ang nagbigay sa kanila ng daan sa India.

Pagkabou ng kabihasnang islamiko


Naganap ang pinakamaunlad na yugto ng kultura Islamiko sa panahon ng mga namumunong abbasis sa Baghdad noong malapit nang magwakas ang ikawalong siglo. Lipunan sa kulturang Islamiko. Bagaman pinahihintulan ng kulturang Musim ang pagkaroon ng malaking pamilya, kapansin-pansin naman ang pagkakabuklud-buklud ng pamilyang ito. Sa paniniwala sa mga Muslim, Ginaganyak ng Islam ang pagkakaroon ng malaking pamilya. Sa paghubong ng kaisipan ng mga bata, itinuturo ng mga magulang ang kabaitan sa kanilang mga anak. Binibigyang-diin ang edukasyon. Ginaganyak ng propeta ang mga muslim na maglakbay at magtungo kahit sa malayong lugar tulad ng China upang makakuha ng kaalaman Noong Medieval period, napakamataas ang uri ng kabihasnang Muslim lalo na sa panahon ng Umayyad at Abbasid. Nagtaglay ang ama ng kapangyarihan sa kanyang aswa at mga anak. May kanya-kanyang silid sa kabahayan ang mga asawa na tinatawag na Harem.

Kulturang islamiko: Daan ng ugnayang silangan at kanluran


Karamihan sa pananakop ng mga muslim ay may layuning palaganaoin ang Islam sa mga infidel. Naniniwala sila na ang bawat muslim na mamatay sa jihad o holy war ay may lugar na paraiso. Lumalaganap ang imperyong Islam sa India hangang sa China. Sa kaluran. Ang mga arabe at Moor ang sumakop sa hilagang africa at spain. Dinala ang mga Umayyad ang kabisera sa Damascus, Syria. Sa panahong ito nagsama-sama ang kulturang Arabe at Persiano at Asyano. Naging sentro rin ng kultura ang Toledo, Seville at Granada. Nakipagtalampakan ang Cordova (kabisera ng mga Moor), sa korte ng Baghdad.

Kalinangan pamana ng islam sa daigdig


Sumasakop sa huling bahagi ng Caliphate Umayyad at unang bahagi ng Abbasid ang Gintong Panahon ng Islam Sa simulaing Islam, pantaypantay ang lahat ng tao sa harap ni Allah at agtatamo ng mga tunay na

mananampalataya ang paraiso sa kabilang relihiyon sa pag-uugali at gawain ng mga Muslim, sa pananamit, pagkain at pakikipagkapwa.

Pamamana ng Islam sa Kabihasnan


Hindi gaanong malikhain ang mga Muslim sa panahon ni Muhammad subalit mahusay silang mangopya ng kutura. Nakalikha sila ng mga obra maestra sa sining, nakaimbinto ng mga kagamitan sa agham at kilala sa mundo ang kanilang mga siyentista at artista. Ang pananakop ng Islam ang naging daan ng pagsasama-sama ng kulturang Griyego, Romano at Asyano, isang kulturang mayaman sa bukod-tangi

Ang Imperyong Mongol


Ang mga tinatawag na Mongol ay ang mga lagalag na pangkat sa silangan at Central Asia sa Mongolia, Manchuria at Siberia. Kilala din ang mga mongol na pinaka mabangis na mananakop na kasaysayan. Nanirahan sila sa mga felt tent (tolda) na tinatawag na yurts at nag-aalaga ng mga kamelyo, kambing, tupa at buriko (pony) . Noong ika-13 siglo, pinag-isa sila ni Genghis Khan. Sa sunod-sunod na pakkidigma, napag-isa sila ni Genghis Khan (tinatawag na Temujin o Man of Iron) ang maraming lagalag ng Central Asia. Ang mga pangkat na ito ay tinatawag na mongol Bago namatay si Genghis Khan, hinayati niya ang imperyo sa apat na khanate, isa sa bawat anaksa apat na asawa:
1. 2. 3. 4.

Dakilang Khan (Silangang asya), kay Ogodei Chagbadai sa Tukestan, kay Chaghatai Persia, kay Hulagu Kipsak (Golde Horde) sa Lower Volga, kay batu

Itinuloy ni Temerlane, anak ng isang pinuno sa Central Asia, ang mga pagsalakay na sinimulan ni Genghis Khan. Noong magtatapos na ang ika-14 na siglo, winasak niya ang dinambong ang lungsod ng mga Muslim

Epekto ng pglagnap ng imperyong Mongol


Naging tanyag ang pamamaraan ng pananakop ng mongol sa organisasyon ng imperyo, Ibinatay sa kodigo legal ni Genghis Khan ang pamahalaan ng imperyon. Dakilang aklat ng Yasas ang mga ang mga pinagsamang kaugalian at mga pagbabago ng emperador. Bawal ang maghagis ng lanseta sa apoy dahil sa takot na magpait ang mga ispiritu Kulturang Mongol. Katulad ng maraming Mongol si Genghis Khan an relihiyoso. Ang tawag sa sinasamba nilang diyos ay Mongke Koko Tengri, ang Eternal blue sky na may kapangyarihan komontrol sa pwersa ng masama at mabuti.

Mga Kontribusyon ng Imperyong Mongol


Sa larangan ng aspetong militar, paikipaglaban at pananakop, maraming natutuhan ang mga pinunong militar tungkol sa organisasyon at administrasyon ng mga mongol. May maayos na sistema ng komunikasyon,

mga bagong kalsada at pinalawak ang Great Coral sa panahon ni Genghis khan. Isa si Temerlane sa mga emperador na mongol na nag-iwan ng mahalagang pamana sa Persia. Kahanga-hanga ang mga gusaling itinayo niya sa Persia ang mga arko, dome, minaret, mosaic at glazed tile.

PROYEKTO SA

A.P.

Ipinasa ni :
Natz Alfie Dacion

Ipapasa kay:
Mr. Ramon T. Castor

Você também pode gostar