Você está na página 1de 14

I. Pamagat Ni Lualhati Bautista II. Tagpuan A. Tauhan 1.

Amanda Bartolome - Siya ay nakatira sa isang subdibisyon ng Kamaynilaan; ina ng pamilyang nasa panggitnang uri; asawa ng isang inhenyero; mom ng limang anak na lalaki - Bukas ang isip sa mga ideyang dala ng nagbabagong panahon; isang babaeng nakatatap sa kanyang identidad bilang indibidwal sa panahong ang lipunang kanyang kinapapalooban ay dinadaluyong ng mga pagbabago; tulad din ng maraming ina na nakatali na ang buhay sa pag-iintindi sa buhay ng kanilang anak - Si Amanda ay maituturing na walang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran sa unang bahagi ng nobela subalit di naglaon ay unti-unting napupukaw ang kanyang kuryosidad. Mula sa pagiging isang sunud-sunuran at mahinhin na asawa ay natuto siyang maglabas ng nadarama at umunawa sa mga bagay-bagay.

2. Julian Bartolome Sr. - Tunay na apo ng isang hasendero sa isang lugar sa Norte na may lahing Kastila, dugong mayaman at piyudal - Mabuting lalaki kung ang sukatan ay ang perang idinadating niya; sitenta mil pesos (1952) ang bahay na ipinatayo niya para sa pamilya - Mula panganay hanggang bunsong anak, hindi niya sinubukang maglampin man lang o makipagtulungan sa mga gawaing-bahay kahit na sa panahong nagbabawi pa ng lakas si Amanda, maid lagi ang solusyon niya o ang mama - Kailanmay hindi nagbuhat ng kamay kay Amanda pero wala sa kanya ang suyo; naniniwala sa kasabihang Its a mans world!

- Mapapansin na sa umpisa ng nobela ay tila maka-gobyerno, partikular na sa Amerikano, na sa tuwinay kadebatehan ni Jules ukol sa panlipunang isyu sa kadahilanang pilit niyang inilalayo ang kanyang mga anak sa mga subersibong paniniwala na maaaring makapagpahamak sa kanila - Maprinsipyong ama at lalaki sa tuwina ngunit sa bandang huli ay nakita rin ang kanyang itinatagong kahinaan, para sa kanya, ngunit para kay Amanda ay siya niyang tunay na kalakasan

3. Julian Bartolome Jr. (Jules) - Dahil unang anak ay itinuring ni Julian Sr. na ekstensiyon ng kanyang sarili kaya bininyagan ng Julian sa panahon na ang usong pangalan ay mga Michael at Lawrence at iba pang pangalang kolonyal - Noong nasa sekundarya pa lamang ay aktibo na sa mga campus activities; kumandidato at nanalo naman bilang president ng student council - Mulat na ang isipan ukol sa totoong nangyayari sa lipunan kahit na sa murang edad pa lamang, halimbawa ay ang pagsali niya sa isang protesta ng mga drayber - Sa kanya kadalasang nagmumula ang mga isyung pulitikal at kapuna-punang siya ay may sariling paninindigan, malakas ang loob at tunay na makabayan kahit na kadalasay sinasalungat niya ang mga paniniwala ng amang si Julian 4. Isagani Bartolome (Gani) - Bilang konsolasyon kay Amanda sa pagkabigo niya na maging babae naman ang pangalawang anak ay isinunod ni Julian Sr. sa pangalan ng paborito niyang pinsang namatay sa tungkulin bilang pulis - Napasali sa exchange visitors program sa pagitan ng Amerikat Pilipinas at gumugol ng ilang buwang pag-aaral sa California - Maagang namulat ang isipan hindi sa kalagayan ng lipunan kundi sa mga bagay na may kaugnayan sa pakikipagrelasyon sa

opposite sex kaya naman maituturing na mapusok at marupok si Gani sa kadahilanang di pa man siya nakakapagtapos ng pagaaral ay nakadisgrasya na siya. Bunga nito, kinailangan niyang pakasalan ang babae upang di makasuhan at masabihang nangaagrabyado. - Kabaligtaran siya ni Jules sapagkat siya ay may kolonyal na pag-iisip, patunay na ang pagpasok niya sa US Navy at pagkabase sa San Diego na naging dahilan ng paghihiwalay nila kaagad ni Evelyn, sanhi ng long-distance relationship; iniisip niya ring naroroon lang ang malaking oportuninad na umasenso na mariing kinronta ni Jules 5. Emmanuel Bartolome (Em) - Ibig sabihin ng pangalan ay tagapagligtas; nanalo sa spelling bee contest; nagkuwento kay Elizabeth na anak ni Aling Dora kung paano nabuntis ang pusa na si Rose; pinakamatalino sa limang ng magkakapatid; maraming seminar na ang nadaluhan - Ipinapabatid lamang na siya ay may kamulatan na rin at may pagkakatulad sila ni Jules ng paniniwala sa aspetong pulitikal subalit siya ay sa paraang-Rizal ang ginamit na estilo samantalang si Jules ay paraang-Bonifacio 6. Jason Bartolome (Jason) - Napalaban sa suntukan at sa isyung paano lumulundag ang tipaklong; ang kakulangan bilang estudyante ay natatakpan ng mga katangian niya bilang anak siya ay nang-hijack ng mga bulaklak sa bakod ng may bakod para ialay kay Amanda isang Mothers Day; naniniwalang pusa ang pinaka-paboritong hayop ni Amanda, samakatuwid siya ay mapagmahal at sweet na anak kahit na lalaki - Siya ay maituturing na bulakbol sa pag-aaral, happy-go-lucky, at pasaway sa limang magkakapatid, namumukod-tangi subalit pinaka-paborito pa rin ni Julian di man niya tuwirang sabihin - Nabarkada at katagalay lagi nang gabi kung umuwi sa kanila; nahulihan umano ng marihuwana ng mga pulis kaya nakulong pero di na siya nakauwi sa kanila dahil siyay napag-alamang sinalvage na pala

7. Benjamin Bartolome (Bingo) - Ibig sabihin ng pangalan ay huling anak na lalaki - Malapit sa kanyang Kuya Jules ngunit katagalan ay nawalan na ito ng panahon sa kanya - Habang lumalakit nagkakaisip ay nabubuksan na rin ang kamalayan sa nangyayari sa kanyang mga magulang at kuya; pilit na inuunawa na lamang sa tahimik na pamamaraan ang mga bagay na tila banyaga pa sa kanya 8. Willy - Siya ay matalik na kaibigan ni Jules na kapareha niya ng mga paninindigan sa buhay; pareho silang malalakas ang loob at mga aktibista noong una at di katagalan ay sumapi na sa isang kilusan laban sa pamahalaan - Sa kasamaang-palad ay namatay sa isang engkwentro laban sa mga military na higit na nagpasidhi sa damdaming laban sa pamahalaan ni Jules 9. Evelyn - Isang babaing hindi nagpapa-under sa asawa, yan si Evelyn na kabiyak ni Gani; bagamat nasa bahay sila ng mga Bartolome nakatira ay hindi yun naging hadlang upang kanyang salungatin si Gani sa mga ninanais nito; batid naman nating nag-aaway sila sa tuwina na nagpapakita ng kanyang katapangan at paninindigan bilang isang babae sa makabagong panahon - Kaya naman, lihim siyang hinahangaan ni Amanda, sa kanyang mga pagpapasyang tila walang pag-aalinlangan, sa kanyang pakikipaghiwalay mismo kay Gani at sa kanyang pagtatrabaho na lalong nagpapakita ng kanyang disposisyon sa buhay 10. Anna Lissa - Anak nina Gani at Evelyn; nagbigay kaligayahan sa tahanan ng mga Bartolome sa panandaliang pananatili niya sa mga ito - Kahit papaano ay siyang naghatid ng panibagong saya kay Julian nang mamatay si Jason

11. Domeng - Siya ang tila pumalit sa puwesto ni Willy nang ito ay namatay dahil tulad nito, kasapi din siya sa kilusan at sa pagpunta niya sa bahay nina Amanda ay naging malapit siya ditto - Magaling magluto; tumutulong sa mga gawaing-bahay; napalapit nang husto kay Bingo o siyay matiyaga dito; pinakamasamang sinabi kay Bingo ay ang magpabili siya ng bike na ten-speed (biro ni Amanda) - Sa pagkikita nina Jules at Amanda sa isang restwaran ay napagalamang isa pala siyang adyaks o nage-espiya lamang sa kanilang kilusan, pakawala ng military 12. Mara - Ang babaeng kasama ni Jules sa kilusan; siya ang tinutukoy ni Jules na naging malapit na sa kanya at may unawaan na umano sila; isang araw ay bigla na lang ipinakilala ni Jules na buntis na at asawa na niya dahil ikinasal na sila sa kilusan ng isang kaibigang pari - Kung ang tatanungin ay ang kanyang mga prinsipyo sa buhay ay talaga namang pareho sila ni Jules ng paniniwala kaya nga isang katulad niya ang pinakasalan nito upang sila ay magkaintindihan; masasabing isang babaing malakas ang loob at isang asawang nakauunawa sa kalagayan nila Jules; halimbawa nito ay nang manganak siya ng wala si Jules sa kanyang tabi subalit di siya nagdamdam dahil alam niyang ginagawa lang ni Jules ang sinumpaang tungkulin sa kilusan 13. Rev - Anak nina Jules at Mara; kailanmay di nakita ng pamilya Bartolome dahil ito ay nasa piling ng ina na nanatili sa kilusan kasabay ng pag-aaruga sa kanya 14. Rene - Isang gabi ay may dinalang binatang sugatan si Jules sa kanilang tahanan at siya nga si Rene na napasabak umano sa engkwentro sa pagitan ng militar at mga kasapi ng kilusan

- Noong unay napagkasunduang isang linggo lang mananatili kina Amanda upang magpagaling subalit umabot ito ng isang buwan sa kadahilanang naging malapit na siya sa pamilya higit na kay Julian na nagawa siyang kausapin, pakinggan at pagtanungan ng mga bagay-bagay 15. Ronnie - Ang kaibigan ni Jason na tumawag kay Amanda isang alas-tres ng umaga upang ipagtanong kung nakauwi na ba ito mula sa presinto - Dahil sa kanya ay nalaman ng mag-asawang Bartolome na nakulong si Jason dahil umanoy nahulihan ng marihuwana na kinalaunay natagpuang patay na dahil sinalvage ng hindi na nakilalang mga salarin 16. Lieutenant Liboro - Isang militar sa detention center at itinuturing ni Amanda na mabait dahil patagong nagpapapasok pa rin ng mga dalaw 17. Colonel Valderama - Akala ni Amanda noong una ay maari niyang lapitan upang hingan ng tulong ukol sa kaso ni Jules dahil malapit ang loob niya ditto at di nito nakakalimutang kamustahin si Jules - Minsan nang magkaroon ng okasyon sa kampo ay kasama nito ang pamilya nito,nakita ni Amanda na kinarga pa niya bunsong anak, pinunasan ang dumi sa mukha, magilw na tumawa sa kung ano mang sinabi nito; inangat niya ang isang kamay at magiliw na inakbayan ito, larawan ng isang magandang pamilya - Nang ikuwento ni Amanda ang mga ito kay Jules ay nalaman niyang ito pa nga ang naunang nambugbog sa kanya at kahit na nagmamakaawa na siya ay di pa naawa; dalawang rape cases na rin ang inihain ditto ng mga babaeng political detainees 18. Colonel Banal - Siya ay ang isa pang may hawak sa kaso ni Jules; colonel ng Judge Advocate Generals office

- Makalipas ang dalawang taon na pagkakakulong ni Jules ay napromote si Colonel Banal; siya ang nagrekomenda ng release paper ni Jules at isang umaga, sa pagpunta ni Amanda sa kampo ay nasorpresa siya sapagkat nakalaya na ito na kumakanta pa ng We shall overcome . . .we shall soon be free! kasama ang iba pang nakalaya na

19. Marela - Siya naman ang batang iniuwi ni Em sa kanilang bahay sa bandang huli ng nobela; walong taong gulang pa lamang at survivor sa malagim na masaker sa isang baryo sa Samar noong 1981 - Ang baryo nila ay sinona, walang awang pinagpapatay ang apatnaput limang naninirahan doon; siya ay iniligtas lamang ng kanyang katalinuhat presence of mind; nang bumuga ang mga baril ay nagpatay-patayan siya, hindi kumilos hanggang sa mag-alisan ang mga sundalo - Isa rin siyang maituturing na bayani dahil noong nakarinig siya ng uha ng isang sanggol ay kinuha pa niya ito at idinala sa bahay ng kapitan sa kabilang baryo - Masasabing may trauma sa mga nangyari sa kanya sapagkat habang nanonood sila ni Bingo ng ma-aksiyong palabas sa telebisyon ay bigla na lamang siyang nagtitili B. Oras/panahon Ang tagpuan ng Dekada '70 ay noong kapanahunan ng Batas Militar sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong 1970, ang Republika ng Pilipinas ay nasa ilalim ng pamamahala ng dating Pangulong Ferdinand Marcos. Noong Setyembre 21, 1972, idineklara ni Marcos ang Batas Militar na naglagay sa Pilipinas sa pamamalakad ng mga Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, ngunit pinanatili ang sariling kapangyarihan. Sa ilalim ng panahon ng Batas Militar, pinagisa ni Marcos ang lakas ng

hukbong sandatahan, nilimitahan ang kalayaan sa pagpapahayag, at ikinulong ang mga kalaban sa pulitika. C. Lugar D. 1. Sa Bahay ng Pamilya Bartolome E. a. Sa Sala
F. - Dito naghintay si Amanda sa pagdating ni Jules minsan nang

binalak niya itong kausapin. G. b. Sa Library


H. - Dito sinabi ni Em kay Julian ang balitang patay na si Jason;

off-limits ditto si Amanda I. c. Sa Kuwarto nina Amandat Julian


J.

- Dito nagaganap ang pribadong pag-uusap ng dalawa ukol sa kanilang mga anak.

K. 2. Sa Presinto L. - Dito minsang naganap ang pagkakabugbog kay Jules nang siyay mahuli at ditto rin naman nagapa ang Masaya niyang pagkakalaya. III. Buod ng nobela Nag-umpisa ang nobela sa pagpapakilala sa mga tauhan at nabigyangpansin na ang nagkukuwento na si Amanda ay isang uri ng asawang alipin ng makalumang paniniwala sa tungkulin ng babae at lalaki. Unay di niya binigyang pansin ang mga pangyayari sa kanyang kapaligiran subalit ng magsimula nang manaig ang damdaming aktibista ni Jules at ang pagkamapusok ni Gani ay nabahala siya ng lubusan. Unti-unti ay nagkaroon siya ng kuryosidad kung ano nga ba ang dahilan ng ipinaglalabang prinsipyo ni Jules na katagalan ngay tuluyan nang sumapi sa kilusang kalaban ng pamahalaan. Bunga nitoy nagkaroon ng lamat ang relasyonang magpapamilya. Pati na rin ang iba pang anak na sina Em, Jason at Bingo ay nakaranas ng sulinanin bunga ng batas militar. Kinalaunan, dumaluhong ang ibat ibang pagsubok sa pamilya Bartolome tulad nang pagkakakulong ni Jules, pag-aawat maagang paghihiwalay ni Gani at Evelyn, pagbubulakbol ni Jason sa pag-aaral,

pagtatanong ni Bingo sa nagyayari at ang pagiging mapusok manunulat ni Em. Katagalan diy di inaasahang namatay si Jason, biktima ng salvaging kaya nagkaroon ng pagtatalo sina Amanda at Julian na halos umabot pa sa puntong nakikipaghiwalay siya ditto. Salamat naman at di natuloy ang binalak gawin ni Amanda at dahil doon ay patuloy na hinarap na magkasama ng mag-asawa ang lahat ng suliraning bunga ng batas military. Sa huli, tagumpay na nalagpasan ng pamilya Bartolome ang mga pagsubok na nananatiling buo ang ugnayat samahan sa isat isa. Nakita natin kung gaano kahalaga ang pagiging matibay ng pundasyon ng isang pamilya upang makayanan ang lahat ng banta ng problema. Nagsilbi ang nobela na magandanag halimbawa ng pamilyang Pinoy na kayang lagpasan ang lahat, na atin pa ring maiuugnay sa kasalukuyang panahon kahit na nangyari ito noong Dekada 70.

Ang Dekada '70 (Dekada '70: Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon), ay isang nobelang Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista.[1] Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong dekada ng 1970. Tinatalakay nito kung paano nakibaka ang isang maganak na nasa gitnang antas ng lipunan, at kung paano nila hinarap ang mga pagbabago na nagbigay ng kapangyarihan upang bumangon laban sa pamahalaang Marcos. Naganap ang sunud-sunod na mga pangyayari matapos ang pagbomba ng Plasa Miranda noong 1971, ang pagkitil sa Batas ng Habeas Corpus, ang pagpapatupad ng Batas Militar at ang walang anu-anong pagdakip sa mga bilanggong pampulitika. Nawalan ng katiwasayan ang mga mamamayan dahil sa paniniil ng rehimeng Marcos. Napagmasdan ng babaeng katauhan na si Amanda Bartolome ang mg pagbabagong ito na humubog sa dekada. Ina ng limang anak na lalaki si Amanda Bartolome. Habang nagsisilaki at nagkaroon ng sari-sariling mga paniniwala, pananaw

at buhay ang mga anak na lalaki ni Amanda, itinaguyod naman ni Amanda ang kaniyang pagkakakilanlan bilang isang mamamayang Pilipino, ina at babae. Ibinungad ng Dekada '70 sa bagong salinlahi ng mga mambabasang Pilipino ang salaysaying ng isang mag-anak na nasa isang partikular na panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang nakahihikayat na katangian ng nobela ay nakasalalay sa pagunlad ng mga tauhan nito na kumakatawa sa bagong henerasyon ng mga Pilipino. Ito ay isang kuwento hinggil sa isang ina at sa kaniyang maganak, at sa lipunang nakapaligid sa kanila. Isa itong salaysayin kung paano ang damdamin ng isang ina ay napupunit sa pagitan ng panitik ng batas ang kaniyang mga katungkulan bilang ina.

May isang eksena sa gitna ng pelikula na simple ngunit puno ng simbolismo. Sa gabi ng unang araw ng pag-alis ni Jules upang sumali na sa NPA at mamundok, makikita natin si Amanda at Julian na nakaupo sa veranda ng kanilang bahay. Pinag-uusapan nila ang ginawa ng kanilang anak. Nagsisimula ang eksena sa isang long shot, at mapapansin nating nasa ibabang bahagi ng screen ang isang mesang bubog kung saan nasasalamin ang baligtad na imahe ng mag-asawa. Ipinahihiwatig sa atin ng shot na ito na binabaligtad na ng mundo sa labas ang kanilang datis masayahin at tahimik na tahanan. suliranin: a. Maagang Pagpapakasal ni Gani - Ito ang maituturing kong unang medyo mabigat na suliranin ng pamilya Bartolome sapagkat si Gani ay isang lalaki, ikinokonsedarang nangagrabyado sa kanyang kasintahan na si Evelyn at ito ang na-agrabyado, kayat kinakailangan talagang panagutan niya ang kanyang kapusukan. Sa mapanuring mata ng lipunan, maaaring makasuhan si Gani sakaling siyay tumalikod na lang at tiyak na masisira ang magandang reputasyon ng pamilya Bartolome.

b. Pagkakasangkot ni Jules sa NPA - Hindi man tahasang sinabi na NPA nga yun, obyus naman na sa isang kilusang laban sa pamahalaang Marcos ang kinasangkutan ni Jules. Ano naman ngayon? Well, dear, dahil sa sinuspende na rin ang writ of habeas corpus ay delikado na para sa mga tulad ni Jules sapagkat mas mapapadali na ang pag-aresto sa kanila sakali mang silay paghinalaan. Natural, madadamay na rin ang buong pamilya dahil concern lang naman sila sa kadugo nila, gets? Seriously speaking, nabahala na talaga ang pamilya Bartolome higit na si Amanda dahil sa sunud-sunod na paghuli sa mga rebelde, baka mahuli rin si Jules. c. Paghihiwalay nina Gani at Evelyn - Pinilit mang sagipin pa ni Amanda ang relasyon ng dalawa ay desido na talaga si Evelyn. Isa siyang babaeng di kinatatakutan ang iisipin ng iba bagkus mas pinahahalagahan niya ang sariling kaligayahan, which is okay di ba? Kaya ayun tuloy si Amanda, medyo nainggit sa kanyang lakas ng loob na makipaghiwalay at magtrabaho kahit na babae. Kasukdulan: Ang bahagi ng kwento na nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapanabikan ng kwento ay ang bahagi kung saan nagkaroon ng hinala o pagduda sa sarili si Amanda Bartolome na ang kanyang panganay na anak na si Jules o julian, ay maaaring pumanig sa ilang organisasyong may kaugnayan sa pagiging isang subersibo, na tumutuligsa sa pamahalaan, na siyang ikinatatakot niya, sapagkat bilang isang ina, ayaw nyang mapahamak ang kanyang anak, lalo nayt pamahalaan ang kanilang tinutuligsa. Sa bahaging ito mayroong kapanapanabik ang maaaring mangyari, maaaring ano ang mangyayari kay Jules pagkatapos ng kanyang ginagawa? Kung ang lahat ng hinalang ito ay may katotohanan? Ito ay ilan sa mga tanong na maaaring magpatunay na ito ay kapanapanabik dahil nagkakaroon o nakalilikha tayo ng mga katanungan at pagtataka sa ating isipan Pangwakas: Sa huli, kung tutuusin ay pulitikal din naman ang mensahe ng Dekada '70. Binibigyang-diin nitong mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga magulang sa paggabay sa kanilang mga anak sa mga usaping katulad ng kalayaan o karapatang pantao o peminismo at marami pang iba. At sa kahihinatnan, makikita nating ganito rin kahalaga ang papel na gagampanan

ng isang pamilya magulang at anak sa paghubog ng isang tunay na malaya at mapagpalayang lipunan. IV. Pinaka magandang pangyayari sa nobela

V. Aral / mensahe

Ang Dekada 70 ay isang nobela na tunay na makabayan. Sinasalamin nito ang mga taong tumatahak sa kanilang mga landas na may gusting patunayan. Ang mga tao sa likod nito ay may kakayahang makapagpalabas ng isang buhay na larawan ng isang pamilyang dumanas ng mga problema. Sa mga kasuotan at mga gamit dahil ito ay naganap noong mga 1970 naipakita ang mga kasuotan at mga gamit na talagang pang 1970. Maganda ang kwento at nagsasabi sa atin na kailangan nating ipaglaban ang ating mga karapatan bilang isang mamamayan sa isang malinis na paraan. Makikita na upang makalaya tayo sa pagkaalipin may mga taong nagsisikap na mapaalis ang mga taong mapang-api gaya ni Jules at ng kaibigan niya na hinangad ang kabutihan ng isang bansa at di lamang sa pansarili. Nakalulungkot nga lang at namatay si Jason na kapatid ni Jules dahil sa paglaban nito sa pamahalaan. Nakaantig damdamin ang mga pinagdaanan ni Amanda bilang isang ina dahil masakit para sa kanya ang mawalan ng anak at maghirap ang mga ito. Sa kabuuan ng kwento, masasasabing maganda ito sapagkat naipakita at nagbigay ng aral ito sa mga manonood. Bagamat kalunos-lunos ang nangyari sa pamilyang ito ay nakapagsimula silang muli at nagiging makabayan na. Masasabi nating sa kasalukuyan ay maaaring mangyari ito dahil sa gulo ng ating pamahalaan. Kaya maging mapagmasid tayo sa lahat ng oras at gawing mapayapa ang inyong gagawin. Isa lang ang tanong sa kwentong ito Paano mo palalakihin ang iyong mga anak sa panahon ng katiyakan. Talaga nga namang napakaraming naiambag ng Dekada 70 sa aking kamulatan. Nabuhay ang aking damdaming nasyonalismo dahil sa impluwensya ni Jules na kahanga-hanga ang pagmamahal sa lipunan. Nabuhay din ang aking pagpapahalaga sa pamilya na kahit na nga hindi ganun kaganda ang aming samahan ay kahit napapaano ay nabatid kong kami-kami rin ang magdadamayan sa lahat ng unos ng buhay. Kami-kami rin

pala ang talagang dapat na umunawa sa isat isa dahil makikita dito ang klase ng lipunan ng iyong ginagalawan. Para naman sa ating Perlas ng Silanganan, nagsisilbi itong hamon sa tanang mamamayang Pilipino na naway huwag sayangin ang dugot pawis na inialay ng dating pilit na kinalaban ang mapang-abusong epekto ng masalimuot na lipunan sa ilalim ng batas-militar.

Bilang mag-aaral sa Filipino ay napag-alaman kong hindi lamang sa Araling Panlipunan higit na mauunawaan ang kasaysayan o mga dating pangyayari sa isang lipunan. Dahil maging ang asignaturang ito, Filipino, ay maaari rin palang maging mas higit na kawili-wili ang dating ng kasaysayan, tulad ng Dekada 70. Labis-labis ang naging kagalakan ko at naabutan ko pa ang taon ng simula ng pag-aaral ng mga akda ni Lualhati Bautista, ang mapangahas na manunulat ng Pilipinas. - Sa nobelang ito, lalong sumidhi ang pagka-Pilipino ko dahil ipinakita ng Dekada ang mga bagay-bagay na parehong katangi-tangi at di kaaya-aya sa ating Inang Bayan. Anupat mismong mga tao nito, tayong mga Pilipino ay may paninindigang di mabibili ninuman, kahit na ang pinakamakapangyarihan sa tanang bansa na Amerika. Tandaan, ang Pilipinas ay para sa ting mga Pilipino at ang Amerikay para sa Amerikano kaya walang silang karapatang angkinin ang lupain ng Perlas. - Maganda ang nobela dahil ang mga pangyayari ay batay sa totoong nangyari noong panunungkulan ni Marcos. Ang paraan ng pagsasalaysay na ginamit ay nakakahatak ng interes upang magbasa nang magbasa at ang pagkakaayos ng mga eksena ay mahusay na napagsunud-sunod sa tamang kalagyan upang magkaroon ng ugnayan nag bawat isa. Sa unang basa mo pa lang ay mahahatak ka na talaga sa mundo ni Lualhati noong dekada sitenta. VI. puna / suhestiyon Dahil nga nagaganap ang istorya sa panahon ng batas militar, maaasahan nating marami sa mga tema ng pelikula ay may bahid-pulitikal. Sa katunayan, mainam nitong isinasalarawan ang masalimuot na panahong ito sa ating kasaysayan. Maigting na ipinapakita ang mga nag-aalab na damdamin ng mga aktibistang-estudyante sa ibat ibang paraan. Nariyan ang tapang nila sa harap ng karahasan ng Metrocom sa mga nagra-rally, ang pagkakasal sa isang magkasintahan kasama sa kilusan kung saan sa halip na

puting belo ay pulang bandilang komunista ang ibinabalabal at sa halip na singsing ay kuwarenta y singkong baril ang hahawakan nila, at iba pa. Si Jules, bilang panganay at estudyanteng kolehiyo, ang mamumulat sa ganitong mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.

Você também pode gostar