Você está na página 1de 7

ALUSYON

1. Sa isang madilim, gubat na mapanglaw, dawag na matinik ay walaang pagitan , haloy naghihirap ang kay Pebong silang, dumalaw sa loob na lubhang masukal. 5. karamihay sipres at higerang kutad

na ang lihim niyon ay nakasisindak, itoy walang bungat dahoy malalapad na nakadidilim sa loob ng gubat. 7. Itoy gubat manding sa pintoy malapit

Abernong Reyno ni plutong masungit ang nasasakupang lupay dinidilig ng Ilog Cositong kamandag ang tubig. 9. Bugtaong basal ang anyo at tindig

kahit nakatali kamay, paat liig kung si Narcisoy tunay na Adonis mukhay sumisilang sa gitna ng sakit 11. Dangan dooy walang oreadas nimfas, gubat na palasyo ng masidhing harpyas nangaawa disit naakay lumiyag sa himalang tipon ng karitat hirap.

SIMILI
10. Makinis ang balat at anakiy burok, pilik-matat kilay mistulang balantok bagong sapong ginto ang kulay ng buhok, sangkap ng kataway pawang magkaayos 44 Ang aking plumahe kung itinatahi ng parang korakes na iyong daliri, buntong-hininga moy nakikiugali sa kilos ng gintong ipinananahi. 68. Sa puno ng kahoy napayukayok ang liig ay supil ng lubid na gapos, bangkay na mistulat nag kulay na burok ang kanyang mukhay naging puting lubos

METAPORA
48. Pahihiyasan mo ang aking turbante ng perlas ,topasyot maningning na rubi bukod ang magalaw na batong dyamante puno ng ngalan mong isang laetrang L. 51. Kung akoy mayroong kahapisang munti, tatanungin mo na ko kung anong sanhi hanggang di maligning ay idinarami sa mga mukha ko amg rubi mong labi

METONOMIYA
43. Di kung ako pooy utusag manggubat ng haring mong ama sa alimang syudad, kung ginawa mo ang aking sagisag, dalawa mong matay nanalong ng pelas? 46. Balutit koletoy di mo papayagang madampit malapat sa aking katawan kundi tingnan munat baka may kalawang ay nanganganib na hukboy makikilala agad.

HAYPERBOLE
17. Kaliluhat sama ang uloy nagtayo at ang kabaitay kimit nakayuko santong katwiray lugamiat hapo, ang luha na lamang ang pinatutulo

APOSTROPHE
13 Mahiganting langit, bangis may nasaan ngayoy nanalig sa pagkagulaylay, bagoy ang bandila ng lalong kasam-an sa Reynong Albanyay iwinawagayway

21. Ang lahat ng ito, maawaing langit, iyong tinutunghay anot natitiis?
mula ka ng buong katuwirat bait, pinapayagan mong ilubog ng lupit. 24. Datapwat sino ang tatarok kaya?

sa mahal Mong lihim, Diyos na dakila? Walang mangyayari sa balat na lupa, di may kagalingan Iyong ninanasa.

EKSKLAMASYON
19. O taksil na pita sa yamay mataas! O hangad sa puring hanging lumilipas! ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat, at niring nasapit na kahabag-habag 66. O Konde Adolfoy inilapat man sa akin ang hirap ng sansinukuban, ang kabangisan moy pasasalamatan, ang pusa ni Lauray hindi inagaw!

PERSONIPIKASYON
60. Wala na, Laura ikaw na nga lamang ang makalulunas niring kahirapan; damhin ng kamay mo ang aking katawan at bangkay man akoy muling mabubuhay! 63. Alin ang hirap na di sa akin? may kamatayan pang di ko daramdamin? ulila sa amat sa inang nag- angkin, walang kaibigat nilimot ng giliw.

ONOMOTOPIYA
12. Ang abang uyamin ng dalitat sakit ang dalawang matay bukal ng kaparis; sa luhang nanatak ta tinangis-tangis ganitoy damdamin ng may awing dibdib 27. At dito sa laot ng dusat hinagpis, malawak na lubhang aking tinatawid, gunita ni Laura sa naabang ibig, siya ko na lamang ligaya sa dibdib.

PARADOKS
29. Sa pagkagapos koy kung gunigunihin malamig nang bangkay akong mahihimbing at tinatangisan ng sula kot gilw ang pagkabuhay koy walang hanggan mandin.

ALITERASYON
9. Baguntaong basal ang anyo ng tindig, kahit nakatali kamay, paat liig kung si Narcisoy tunay na Adonis, mukhay sumisilang sa gitna ng sakit

REPITASYON
25. Ay saan ngayon ako mangangapit? saan ipupukol ang tinangis-tangis, kung ayaw na ngayong dinigin ng langit, ang sigaw ng aking malumbay na boses! 26. Kung siya mong ibig na akoy magdusa Langit na mataas, aking mababata, isagi mo lamang sa puso ni Laura, akoy minsan-mainang mapag-alala.

Você também pode gostar