Você está na página 1de 1

Anak Dalita

Ni : Jonna Rose G. Jallores Ang isang anak dalita, Palaging mahapdi ang bituka; Dahil siyay isang sampid bakod, Kusang palong kumakayod. Minsan madilim ang mukha, Itoy dahil butas ang bulsa; Nagtitiis na maging alilang kanin, Nang sa gayon ay may makakain. Ang isang anak dalita, Dapat palaging magdilat ng mata; Magpalambot ng ilong ay di dapat gawin, Taoy pantay pantay ang laging isipin. Lumaking anak dalita, At pinaglaruan ng tadhana; Palaging madilim ang mukha, Nagmumukhang alog na ang baba. Isang anak dalita ang laging nasaisip, Samaing palad ang laging sinasambit; Kaya ang tanging panaginip, Munting pangarap ay makamit.

Você também pode gostar