Você está na página 1de 28

NI BOB-ONG

SUBMITTED BY: Erwin O. Opea SUBMITTED TO: Maam Racquel M. Cruz

Si Tong na anak ni Haring Talangka na inutusan ng kanyang ina na pumunta sa lupa upang humanap ng puso ng saging na makapagpapagaling sa kanyang amang may sakit.

Sa simula ng kanyang paglalakbay, una niyang nakita si Buwaya. Mabilis niyang tinanong ito kung nasaan ang puso ng saging ngunit sa bawat tanong ni Tong ay ipinagbabayad siya ng tatlong perlas. At nang wala ng mabigay si Tong, biglang umatake si Buwaya at gusto siyang kainin kaya dali-dali siyang tumakbo. Kasunod niyang nakita si Leon na inutusan siyang magbigay ng mga itlog na inagaw ni Buwaya kina Manok at Pagong kapalit ng pagturo sa kanya kung nasaan ang puso ng saging.

Nakarating na rin siya kina Manok at Pagong. Mabilis niyang binigay ang mga itlog sa kanila at itinanong kung saan makikita ang puso ng saging. Si Aso daw ang makakapagturo kay Tong kung nasaan ang puso ng saging. Sinamahan ni Pagong si Tong papunta kay Aso. Nang makarating kay Aso, na kinakaiin at isinusuka ang suka niya, itunuro agad nito ang puno kung nasaan ang puso ng saging. Maibibigay lang daw ni Aso ito kung magkakaroon sila ng kasunduan. Ibibigay ni Aso ang puso ng saging kay Tong para mapagaling nito ang kanyang Amang Hari at ang kahilingan na nakapaloob sa puso ng saging ay mapupunta kay Aso. Narinig ito lahat ni Kuneho na tutol sa mga sinasabi ni Aso. Gusto ni Kuneho na sa kanya mapunta ang kahilingan. Maya-maya ay nagkagulo na at naisipan kung sino ang magiging hari siya ang makakapagdesisyon kung kanino mapupunta ang kahilingan.

Hindi nagtagal pumunta na sina Aso, Pagong, Kuneho at Tong sa puno ng puso ng saging. At nagsimula na ang kanilang pagkuha sa puso ng saging na laging nauudlot dahil lahat ay gusto sila ang makakuha nito. Nakuha na nila ang puso ng saging ngunit hindi namalayan na nandiyan na sina Buwaya at Leon kasama ang kapatid ni Tong. Ang kanyang kapatid ay matagal ng may galit kay Tong dahil laging siya ang panapaboran ng kanyang magulang. Dali-daling humiling si Kuneho na maayos at mailigtas ang lahat ng hayop ngunit inagaw ito ni Aso at humiling ito ng suka. Sabay-sabay ang mga gulong nangyayari bigla na lang nandilim ang paningin ni Tong.

Pagmulat niya ng kanyang mata, napadpad siya sa pampang ng isang tabing-dagat. Doon meron siyang namumukhaan na pula na nilalang sa may tabingdagat. Lumapit siya at natukalasan na ito ay si Ulang. Ginising niya ito ngunit ayaw sumagot ni Ulang. Doon lang niya nahinuha na si Ulang ay pumanaw dahil sa hindi paggalaw at paggawa ng wala. Siya ay nabilad sa araw at di nakayanan ang init nito. Sa pagdadalamhati niya, siya ay nagisip-isip sa kanyang mga nagawang pagkakamali at nagdesisyon kailangan niyang magpatuloy sa paglalakbay niya.

Namulat si Tong sa mga pangaral ni Matsing at gusto niyang ipaglaban ang karapatan ng mga hayop sa gubat. Hindi siya natatakot sa kahit anuman ang mangyari, basta ang mahalaga lang ay maipaglaban niya ang kaniyang pinaniniwalaan.

Ang bida sa Alamat ng Gubat. Siya ay isang talangkang naghahanap ng puso ng saging para ipanggamot sa kanyang itay. Kasintahan niya si Dalagang Bukid. Siya ang kapatid ni Katang.

Siya ay isang pagong na tumulong kay Tong na hanapin ang puso ng saging. Kanyangipinagmamalaki ang kanyang mga itlog kay Tong. Siya ay mabagal magsalita.

Siya ay isang aso na nakatira sa gubat. Tumulong din siya kay Tong na hanapin ang puso ngsaging. Si Aso ay mahilig sumuka, kainin ang sinuka niya, muling susuka, at kakainin muli ito.

Siya ay isang kunehong sumama sa paghahanap para sa puso ng saging. Gusto niya nanasusunod ang gusto niya, at madalas ay nagagalit siya.

Siya ang buwaya na kumain sa mga kaibigan ni Tong sa dulo ng kwento. Ang kanyangkasa-kasama ay si Maya na isang maliit na ibon. Kasama siya sa grupo ng masasamang hayop.

Siya ang kinakasama ni Leon. Ito ay natutong umatungal dahil kay Leon. Kasama siya sagrupo ng masasamang hayop.

Ang pinaka-pinuno ng grupo ng masasamang hayop na kinakasama si Daga.

Ang kasama ni Buwaya. Minsan ay kinakain siya ni Buwaya ngunit nakakatakas siya. Ang trabaho niya ay linisin ang ngipin ni Buwaya.

Siya ang kapatid ni Tong na may galit sa kanya . Ipinagkalulo niya ang kapatid kay Leon.

Ang hari ng karagatan. Siya rin ang ama ni Tong.

Ang ina ni Tong

Gusto niyang laging malinis ang kanyang mga balahibo.

Akala niyan na pag hinalikan niya si Bibe ay siya ang magiging gwapo. Nagnanakaw rin siya ng mga perlas sa dagat at sinasabing hindi pagnanakaw ang kanyang ginagawa.

Isa siya sa mga kaibigan ni Tong na gumagawa ng wala at nakababad lamang sadalampasigan. Di kalaunan ay namatay siya dahil sa init ng araw.

Ibinebenta niya ang kanyang mga itlog.

Gusto niyang magsimula ng rebolusyon laban sa mga hayop dahil sa tingin niya ay sila ng mga insekto ay minamaliit ng mga ito.

Ayaw nitong magrebolusyon dahil masisira lamang ang kanyang mga itinayong mga pinagkakabuhayan.

Sila ay mga walang utak na nilalang na panig kay Tipaklomg ngunit pumanig kay Kuneho ng bigyan sila nito ng tae.

Siya daw ay isang paruparo na may kayumangging pakpak.

Sinasabing siya ay nakakapunta sa mga ibat ibang lugar at ang pinakamataas sa lahat.

Siya ay matalino at ang nagbigay ng puso ng saging kay Tong. Siya rin ang nagpaliwag ng mga bagay-bagay na nangyayari sa lupa.

Inihahalintulad ko si Tong sa aking kaklase noong elementary pa ako tulad ni Tong madali rin siyang magtiwala sa iba madali rin siyang mauto.

Inihahalintulad ko siya sa aking dating kaklase dahil siya ay mahilig magutos sa kanyang mga kasama

Inihahalintulad ko si Leon sa aking kapatid dahil tulad niya siya ay mapanlinlang.

Inihahalintulad ko si kuneho sa aking pinsan dahil tulad niya lagi siyang nagagalit kapag hindi siya nasusunod.

Inihahalintulad ko siya sa aking sarili dahil tulad ni Matsing ako ay Matalino at nagbibigay din ng payo sa aking mga kaklase

Ang Alamat ng Gubat ay may kinalaman sa crab mentality ng mga Plilipino. Imbis naumunlad tayo, nag hihilaan pababa ang mga tao kung sa tingin nila ay nauunahan sila ng iba, o sagabal ang iba sa kanilang sariling pag-unlad. Ang paghahanap sa puso ng saging ang halimbawa nito dahil sa kagustuhan ng bawat isa na magkaroon ng kakaibang kapangyarihan pag napasa kanilaang puso. Ang isa pa ay ang dayaan at suhulan na nangyayari din sa ating pamahalaan. Makikita rin ito sa eleksyon. Mababatid natin ang suhulan, tulad ng kay Kuneho sa mga langaw. Marahil nga na ang Alamat ng Gubat ay salamin sa ating mga katauhan sa ating lipunan ngayon

Você também pode gostar