Você está na página 1de 33

LAYUNIN:

Upang maipakita ang kahalagahan ng


komunikasyon sa aking mga kamag-
aral , at maipakita kung paano gamitin
at anu ang gamit ng nito sa araw-araw
nating pakikipagkomunikasyon..
KOMUNIKASYON
Isang proseso ng impormasyon na
kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng
isang proseso ng simbolo. Ang aralin
pangkomunikasyon, ang disiplinang pang
akademya na pinag-aaralan ang
komunikasyon. Ito rin ang interaksyon ng
mga tao sa isat-isa.
MGA LAYUNIN NG
KOMUNUNIKASYON
1. Ang pagpapatibay ng mga umiiral na saloobin at gawi.
2. Ang pagbabawas ng alinlangan.
3. Ang pagbibigay ng kaalaman.
4. Ang pakikipagkaibigan at pakikipagkapwa-tao.
5. Ang pagbibigay-halaga sa mga isyung nararapat
talakayin at siyasatin ng mga tao.
6. Ang pag-aanngkop kung kinakailangan, ng sariling
kausipan, damdamim at saloobin sa pamamagitan ng
paghahambing ng mga ito sa kaisipan, damdamin at
saloobin ng ibang tao.
MGA ANTAS NG
KOMUNIKASYON
1. KOMUNIKASYONG INTARAPERSONAL
Ito ang komunikasyong nagaganap sa isang indibidwal
lamang.
2. KOMUNIKASYONG INTERPERSONAL
Ang antas na ito ay tumutukoy sa komunikasyong
nagaganap sa dalawa o higit pang tao.
3. KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO
Antas ng komunikasyon na nagaganap kapag may isang
tao na nagsasalita sa harap ng maraming tao.
4. KOMUNIKASYON PANGMASA O PANG- MIDYA
Tawag ito sa antas ng komunikasyon na kung saan ang
tagahatid ng mensahe ay gumagamit ng mga kagamitang
pang-midya gaya ng television, radio at pahayagan upang
maihatid ang kanyang mensahe.
5. KOMUNIKASYONG PANG-ORGANISASYON
Komunikasyon na naglalayong higit na mapagbuti ang
pagpapatakbo ng isang samahan o organisayon.
6. KOMUNIKASYONG PANGKULTURA
Antas ng komunikasyong nagaganap kung ang mga
mensahe ay ukol sa mga usapin at paksang cultural ng mga
kalahok.
7. KOMUNIKASYONG PANGKAUNLARAN
Ito ang komunikasyong naglalayong maging mabisa a
mabilis ang pag-unlad ng bansa.






DALAWANG URI NG
KOMNIKASYON
1. KOMUNIKASYONG VERBAL
Komunikasyong verbal o ginagamitan ng wika. Maaari
itong pasulat o pasalita.
Halimbawa ng komunikasyong pasalita:
Ang pang araw-araw na pakikipag-usap natin sa ating
mga kasambahay, magulang, kapatid at mgakaibigan.
Pasulat naman ang komunikasyon kung gumagamit
tayo ng mga instrument gaya ng bolpen at papel, ng
komputer o kaya naman ng celfone para sa text message
upang makapaghatid at makakuha tayo ng mensahe.

2. KOMUNIKASYONG NON-VERBAL
Hindi wika kundi ibat ibang simbolo an gating
ginagamit upang makapaghatid ng mensahe.
Tinatangap natin ang mensaheng ito sa pamamagitan
ng ng ating pandama. Kabilang ditto ang kumpas ng
kamay, expresyon ng mukha, lakas o hina ng
tinig,kulay, simbolo, anyo, paggamit ng oras maging
ang disansya sa pagitan ng mga nag-uusap ay may mga
kahulugan

MGA URI NG
KOMUNIKASYONG NON-
VERBAL

1. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG
PAGHIPO O PANDAMA
Ito ang kauna unahang komunikasyong non verbal na
nararanasan natin bilang sanggol. Pagyapos,
pagkalong, pagtapik at paghalik sa atin, ito ay unti-
unti rin nating natututunan at nagagamit sating
paglaki upang ipahayag ang damdamin.

2. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG
KATAHIMIKAN O PAGTAHIMIK
Ang hindi pagkibo o pagtahimik ay may tiyak na
kahulugan din upang maituring na kominikasyong
non-verbal. Maari itong magpahiwatig ng pagkagalit,
pagdaramdam o kawalan ng interes na makipag-usap.
3. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG
MENSAHE
May apat na uri ng distansya o espasyo
Distansyang personal na ang mga kalahok ay may
layong isat kalahati hanggang apat na talampakan
para sa magkaibigan o sa mga taong ay higit na
ugnayan

Distansyang pantapatang loob na kung ang mga kalahok
ay higit na mas malapit kaysa sa distansyang personal, ang
paksa ng pinaguusapan ay madalas na lihim at mahinang
boses lamang kung nag uusap.
Distansyang sosyal. Angkop na uri bg espasyong ito sa mga
talakayan sa pagtitipon at ang huli;
Distansyang pampubliko.na kung saan ang mmga kalahok
ay magkakalayo ng hanggang sa labindalawang
talampakan o higat pa.

4. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG ORAS
Ang pagdating ng maaga sa oras kung ikaw ay may kausap
na tao ay nagpapakita ng interes samantalang ang
pagdating naman na huli ay ang kabaliktaran nito. Ang
mga Pilipino ay may lebel sa paggamit ng oras, kilala tayo
sa tinatawag na Filipino time.

5. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG SENYAS
Ibat ibang senyas na nagpapahayag ng mga kahulugan
. nakakatulong ang mga ito upang higit na
maunawaan ang mga kahulugan ng salitang
binibigkas,
6. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG
PAGGALAW O AKSYON
Kabilang ditto ang paggalaw ng alinmang bahagi ng
katawan maliban sa kamay. Ang mga nakakakita sa
galaw na ating nalilikha ang nagbibigay ng kahuluagan
sa mga ito.

6.KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG
EXPRESYON NG MUKHA
Sinasabi na mababasa sa mukha ang iniisip at
nadarama ng isang tao. Ang mukha ay maaring
makalikha ng napakaraming expresyon tulad ng tuwa,
galit, lungkot, gulat at iba pa.

Ayon kay Dell Hymes , may mga dapat tayong bigyang
konsiderasyon sa tuwing makikisangkot tayo sa
pakikipagkomunikasyon. Ginamit niya ang akronim na
S.P.E.A.K.I.N.G. sa kanyang pagpapaliwanag.

1. SETTING (LUGAR NG PAG-UUSAPAN)
2. PARTISIPANTS (SINO ANG MGA KASANGKOT
SA PAKIKIPAG-USAP)
3. ENDS ( BAKIT NAKIKIPAG-USAP)
4. ACT SEQUENCE (PAGKAKASUNOD-SUNOD NG
PANGYAYARI SA PAKIKIPAG-USAP)
5. KEYS ( FORMAL BA O DI FORMAL ANG USAPAN
)
6. INSTRUMENTALITIES (ANO ANG MIDYUM NG
USAPAN )
7. NORMS (ANO ANG PAKSA NG USAPAN )
8. GENRE (ANONG PARAAN NG PAGPAPHAYAG
ANG IYONG GAGAMITIN )

SETTING (LUGAR NG PAG-UUSAPAN)
Saang lugar nagaganap ang paguusap? Ibang iba ang
katangian ng paguusap sa loob ng palengke.
Subukan mong sumigaw sa loob ng simbahan
habang nagmimisa ang pari at pagtitingainan at
babawalin ka ng mga taong naroon.

PARTISIPANTS (SINO ANG MGA KASANGKOT SA
PAKIKIPAG-USAP
Dapat din nating bigyn ng konsiderasyon kung sino
ang ating kausap. Hindi mo maaaring gamitin ang
estilo ng pakikipag usap mo sa iyong kabarkada
kung ang kausap mo ay ang iyong mga magulang.

ENDS ( BAKIT NAKIKIPAG-USAP)
Anu ang iyong layunin sa pakikipas-usap? Kung nais
mong humingi ng baon sa iyong magulang ay hindi
kailangan sumigaw at magsalita ng pabalang. Dapat
ay humingi ka sa paraang maayos upang ikaw ay
bigyan nila.

ACT SEQUENCE (PAGKAKASUNOD-SUNOD NG
PANGYAYARI SA PAKIKIPAG-USAP)
Sinasabing ang komunikasyon ay dinamiko, sa
makatuwid wala itong tiyak na simula at katapusan.
Hindi natin maaaring idikta ang takbo ng usapan.
May mga usapang nagsisimula sa tawanan na sa
huliy nauuwi sa iyakan o vise versa.

KEYS ( FORMAL BA O DI FORMAL ANG USAPAN )
Kung ang titser na pumasok sa inyong klasrum ay hindi
angkop ang pananamit, hindi nakaayos ang buhok at
nang magsalita ay daig pa ang baklang manggugupi sa
iyong buhok, ano ang magiging impresyon mo sa titser
na ito? Igagalang mo ba siya?

INSTRUMENTALITIES (ANO ANG MIDYUM NG USAPAN
)
Dapat din nating isalang alang ang wikang ating
gagamitin sa pakikipag-usap. Ag wika bang ito ay
maiintindihan n gating kausap o hindi? Ano ang
mararamdaman mo kung ang iyong mga kabarkada ay
nagsasalita sa wikang hindi mo alam gayong kaharap ka
nila.

NORMS (ANO ANG PAKSA NG USAPAN )
Kung limitado o hindi sapat ang kaalaman natin sa
isang tiyak na paksa ay siguradong wala tayong
masasabi tungkol dito a malamang na ikaw ay
magsilbing agapakinig lamang.

GENRE (ANONG PARAAN NG PAGPAPHAYAG ANG
IYONG GAGAMITIN )
Dapat na alam kumilala ng paraan ng pagpapahayag
ang isang indibidwal upang maiangkop nya ito sa
paraang kanyang gagamitin. Siya ba ay maglalarawan,
magpapaliwanag , mangangatwiran o magsasalaysay?

MODELO NG
KOMUNIKASYON NI BERLO
Sa modelong ito ni Berlo ay ipinapakita ang mahahalagang
element ng komunikasyon. Ang mga element ay ang tagahatid
ng mensahe, tagatanggap ng mensahe, ang mensahe mismo at
tsanel.
Tagahatid ng mensahe o source ang tawag sa pinagmumulan
ng mensahe. Maaring ito ay isang tao o pangkat ng tao at ang
mensaheng ito ay kanyang ipararating sa tagatanggap ng
mensahe o receiver. Samantala mensahe o message naman
ang tawag sa anumang ideya o opinion o konsepto na nais
ipahayag. Sa pamamagitan ng mga salita,tunog, expresyon ng
mukha, kumpas ng kamay, kulay at anyo ay makakapagpadala
tayo ng mensahe. Ang mga mensaheng ito ay maaring iparating
sa pamamagitan ng ibat ibang tsanel o channel katulad ng
celfone, fax machine, radyo , television pahayagan at iba pa.

Tagahatid ng mensahe
o source
Tagatanggap ng mensahe
o receiver
mensahe o message
tsanel o channel
MODELO NG
KOMUNIKASYON NI
SHANNON AT WEAVER
Mayroong isang mahalagang elemento na dapat
nating bigyan ng pansin sa proseso ng komunikasyon
ayon kina Shannon at Weaver. Ito ay ang ingay. Ayon sa
kanila ito ay ang anumang nakakagambala sa
mabisang daloy ng kominikasyon.
Sa modelong ito ay ating mapapansin na ang ingay ay
inuugnay sa pinagdaraanan ng senyas o mensahe.
Mabuting halimbawa nito ay ang ingay sa linya kung
tayo ay may kausap sa telepono o celfone.

Pinagmulan
ng mensahe
Ang
tumatanggap
ng mensahe
Naghahatid
ng mensahe
Ang
pinagdaraana
n ng
mensahe
Ang
umuunawa sa
mensahe
ingay
MODELO NG
KOMUNIKASYON NI
ARISTOTLE
Tatlo lamang ang elemento ng komunikasyon ayon kay
Aristotle. Ang TAGAPAGSALITA, ang MENSAHE
MISMO at ang TAGAPAKINIG.

MENSAHE
TAGAPAKINIG TAGAPAGSALITA
MODELO NG
KOMUNIKASYON NI DANCE
Binibigyan diin ni Dance sa kanyang proseso na ang
komunikasyon ay may kalikasang dinamiko. Ang
prosesong ito ay patuloy na nagbabago at nagbabago
habang lumalakad ang panahon.
Sinasabing dinamiko ang kumunikasyon, tuloy-tuloy
at nagbabago sapagkat walang tiyak na simula at wala
rin tiyak na katapusan.

APPLIKASYON
Hatiin sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral at ang
bawat pangkat ay gagawa ng dula-dulaan na ang paksa
ay ang pakikipagkomunikasyon.

EVAWASYON
TANONG SAGOT
1. Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na
kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng isang
proseso ng simbolo
komunikasyon

2. Hindi wika kundi ibat ibang simbolo an gating
ginagamit upang makapaghatid ng mensahe.
Komunikasyong non-
verbal

3. Uri ng komunikasyon na ginagamitan ng wika,
maaring pasulat o pasalita
Komunikasyong verval

4. Ang antas ng komunikasyon na nagaganap sa dalawa o
higit pang tao at ito at mauuri sa dalawa.
interpersonal

5. Ito ay antas ng komunikasyon na nagaganap sa isang
indibidwal lamang
intrapersonal
EVAWASYON
TANONG SAGOT
6. Modelo ng komunikasyon na may tatlong
element lamang.
Modelo ng komunikasyon ni
aristotle

7. Ito ang midyum ng usapan instrumentalies
8. Uri ng komunikasyong non-verbal na kabilang
ditto ang paggalaw ng alinmang bahagi ng
katawan pero hindi kabilang ang kamay
Komunikasyon sa pamamagitan
ng paggalaw o aksyon

9. Antas ng komunikasyon na nagaganap kung ang
mensahe ay ukol sa mga usapin at paksang
kulural ng mga kalahok.
Komunikasyong pangkultura

10. Ito ang komunikasyon naglalayong maging
mabisa ang pag-unlad ng bansa.

Komunikasyong pangkaunlaran

BATAYAN AT SANAYANG- AKLAT SA FILIPINO 1


MY AKDA: ROSALINDA SIRINGAN AMARILA
TERESITA TOBIAS BIDES
BLESSIE DOMINGO - LORIDO

Você também pode gostar